I like you

*Arielle's PoV*

nasa mall kami ngayon, actually ngayon lang kami nagpunta dito. malayo kasi sa amin, pumunta lang kami kasi sale.

-__________-

as usual namili kami ng damit, bag, sapatos tas damit ulit.

napakarami naming dala! tas magcocommute lang kami!

nakakaloka di ba?!

"Arielle paano tayo uuwi?" tanong ni Nadia.

parepareho kaming nahihirapan magdala ng mga pinamili namin.

"taxi?" sagot ko.

"MAHAL!" sagot nilang tatlo.

nagtatanong sila tas kapag sinagot ikaw pa mali. nasaan yung hustisya?!

ok na ako, hindi na ako naiilang kay Clyde, na-clear ko na rin naman na yung feelings ko sa kanya eh.

magkaaway kami, mortal enemy but somehow i care for him.

"wait lang! magpahula tayoooooo!" masayang sabi ni Ellena.

"seryoso?" sabay naming tanong ni Kat.

"oo" sabat ni Nadia.

pumasok kami sa boutique na puro tarot cards, kung anek anek yung nakadisplay.

"di kaya mangkukulam 'to?" tanong ko.

"ang sama nito!" saway sa akin ni Kat.

naupo kami sa sofa, may lumabas namang babae. mga matanda lang sa amin ng 3 years pero ang ganda pa rin!

"welcome po, sino mauuna?" tanong nya.

don't tell me sya yung manghuhula?!

"yung lola ko yung manghuhula" sabi nya habang nakangiti.

NABASA NYA YUNG INIISIP KO?!

marahan syang natawa.

"una na ako" sabi ni Ellena.

sumama sya dun sa magandang babae.

"hindi naman totoo 'ti di ba?" tanong ko.

"wala namang masama kung susubukan natin di ba?" tanong ni Nadia.

"tama-tama" sabat ni Kat.

nagselfie selfie muna kami, mga baliw eh.

maya-maya lumabas na sya.

mukha syang amaze na amaze.

"ang galing nung lola!" sabi nya.

"talaga? ako na next!" sabi ni Nadia.

sya naman yung sumama dun sa babae.

"anong sabi sayo?" tanong ni Kat.

"secret. HAHAHAHA" nagpoker face na lang kami sa sagot nya.

"madaya ka!" sabay naming sabi ni Kat.

"bawal sabihin, pero guys ang galing talaga. totoo lahat" sabi nya.

lumabas na si Nadia.

"anong sabi?" sabay naming tanong ni Kat.

"may secret admirer daw ako na hindi ko napapansin pero malapit lang sya sa akin. sya daw yung the one ko" sabi nya.

napa-HA? na lang kaming tatlo eh.

"next" sabi nung magandang babae.

"ako na" sabi ni Kat.

anak ng tinapa! ako pa nahuli.

"ang weird nya, pero alam kong totoo yung sinasabi nya. naniniwala ako sa hula no" sabi ni Nadia.

"madaya yan si Ellena ayaw sabihin yung kanya" sabi ko.

sinamaan sya ng tingin ni Nadia.

"kasi sabi sa akin, makikilala ko na daw yung soulmate ko kaso kasabay nun makikila ko din yung the one, maguguluhan daw ako pero dapat sundin ko daw yung puso ko" sabi nya.

"bakit puro lovelife?!" tanong ko.

"eh kasi yun yung tanong namin eh" sabi nilang dalawa.

-__________-

ang galing.

lumabas na si Kat. potek eh di ako na.

"guys, nakita ko na daw si the one kaso pinalampas ko lang daw" sabi nya.

"hanapin natin ulit!" sabi ni Ellena.

"ikaw na Arielle" sabi ni Nadia.

nandun na yung magandang babae, nakatayo sa may pintuan.

lumapit na ako,

nginitian nya ako, yung ngiting may ibigsabihin.

"lola" sabi nung babae.

nakita kong napangiti yung lola. huhuhu ang creepy.

pinaupo nya ako sa unan tas lumabas na yung babaeng maganda.

"mamili ka ng tatlong baraha iha" sabi ni lola.

namili ako ng tatlo.

hindi ko alam kung ano yun kasi nakataob.

tinabi na ni lola yung ibang baraha, tas binuksan yung tatlong baraha ko.

tinignan nya ito ng maigi, tas ngumiti ulit.

"napakaswerte mo iha" sabi ni lola.

"po?" naguguluhang tanong ko.

"alam mo bang imposible yung makakilala ka ng dalawang lalake na parehong pwedeng maging 'the one' mo" sabi ni lola.

"dalawa?" tanong ko.

tumango sya.

"iha, alam kong naguguluhan ka sa mga dapat mong maramdaman, pero sabi nga nila, hindi ka magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung nauna" sabi ni lola.

"wala po akong maintidihan, lola" sabi ko.

"ipagpatuloy mo lang yung ginagawa mo, magpadala ka lang sa ihip ng hangin, hayaan mo ang tadhana at ang Panginoon ang magsulat ng pinapangarap mong buhay pagibig" sabi nya.

nosebleed naman ako sa lalim ng tagalog nya.

"lola, may tanong ako" sabi ko.

"ano yun iha?" tanong nya.

"possible bang magkagusto ako sa dalawang tao?" tanong ko.

"iha, magkagusto sa dalawang tao? normal lang yun, pero lagi mong tatandaan na isa lang ang mamahalin mo, isa lang ang nakatakdang samahan ka sa buhay mo, isa lang." sabi nya.

ngumiti ako.

nagulat naman ng bahagya si lola or namangha?

ganon ba kaganda yung ngiti ko? HAHAHAHAHA chos.

"mahihirapan ako no?" tanong ko.

"pero masaya, iha yang mga ngiti mo ang nakabihag sa dalawang lalakeng tinutukoy ko." sabi nya.

"lola, hindi naman po ako kagandahan eh pero bakit nangyayari sa akin to?" tanong ko.

"iha, simple ka lang, nagkataong simple lang din ang hanap ng dalawang lalakeng yun" sabi nya.

"sino po ba yung mga lalakeng yun?" tanong ko.

"iha, pag sinabi ko wala ng excitement. lagi mo lang tatandaan magpadala ka lang sa hangin. maguguluhan ka, pero yun yung nagpapasaya dun. napakaswerte mo iha, parehong mabuting lalake ang may gusto sayo" sabi nya ng naka ngiti.

"wala man lang bang clue?" tanong ko.

"isang lalakeng, handang gawin ang lahat at isang lalakeng, nawawalan ng dila pag malapit ka na. pereho silang may mabuting intensyon sayo, iha. talagang mapaglaro ang tadhana." sabi nya.

"magpakasaya ka lang iha, wag mo munang seryosohin ang lahat dahil darating ka din naman dun" sabi nya.

tumayo na ako at nagabot ng bayad.

"maraming salamat po, lola" sabi ko.

"aabangan ko yung love story mo iha, bumalik ka dito pagnakita mo na talaga yung 'the one" sabi nya.

ngumiti ako at nagbow.

lumabas na ako.

"napakatagal mo naman sa loob" reklamo ni Kat.

"anong sabi sayo?" tanong ni Nadia.

"kwento mo na" sabi ni Ellena.

"marami sinabi ni lola ok" sagot ko.

"ano nga?" tanong nila.

"magpadala lang ako sa ihip ng hangin" sabi ko at inunahan ko na silang maglakad.

"teka wait lang" habol nila.

"talagang nagshopping kayo ah" napalingon ako sa nagsabi nun.

si impakto.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"tinawagan nila ako, wala daw kayong masakyan" sabi nya.

"tulungan na kita" sabi nya.

"kaya ko, sila Kat yung tulungan mo" sabi ko.

"tsss kung sabagay amasona ka naman" sabi nyang nakangiti.

-________-

mambibwisit to!

isang lalakeng handang gawin ang lahat.

WHAT THE HELL!?

-_________-

"thanks Clyde" sabi nilang tatlo.

ginawa nilang tagabitbit si impakto.

agad kaming pumunta sa parking lot.

nilagay namin sa trunk lahat ng pinamili namin.

"hatid ko na kayo sa inyo" sabi ni Clyde.

pinaupo naman ako ng tatlo sa harap. sasapukin ko tong mga to eh.

nagdrive na sya.

mabilis kaming nakarating sa apartment nilang tatlo.

naiwan ako sasakyan ni Clyde, tinulungan naman nya magakyat ng pinamili yung tatlo.

isang lalakeng, handang gawin ang lahat at isang lalakeng, nawawalan ng dila pag malapit ka na.

hays.

"oh bakit ka tulala dyan?"

hindi ko napansin na nandito na pala yung impakto.

"napagod lang ako" sabi ko.

"matulog ka" sabi nya.

"hindi ako makatulog" sabi ko.

inabot nya sa akin yung cellphone nya kasama ng earphones.

"makinig ka ng music, mas aantukin ka" sabi nya.

naalala ko si Drei.

"maglalaro na lang ako" sabi ko.

hinayaan nya ako, boring ng mga laro nya kaasar.

-_____-

wag kang maawkward Arielle please!

"selfie tayo!" sabi ko.

"nagdadrive ako" bagot nyang sabi.

"wala akong pake" sabi ko.

picture ako ng picture pero hindi sya nakatingin, nung mahinto kami sa stoplight.

sumama na sya sa picture. wacky, formal tas wacky ulit.

good thing yung hindi na ako naiilang. chill ka lang Arielle. si impakto lang yan.

tinignan ko yung mga pictures.

nakangiti ako tas sya nakangiti din pero habang nagdadrive.

"saan tayo pupunta?" tanong ko.

hindi kami pauwi sa bahay.

"basta" sabi nya.

"anong basta! mag-gagabi na!" sabi ko sabay hampas sa kanya.

"akong bahala sayo" sabi nya at nginitian ako.

dinala nya ako sa pinakadulo ng village namin, parang nasa bundok na kami.

"bakit tayo nasa mountain ville?" tanong ko.

"bakit ang dami mong tanong?" tanong nya ulit sa akin.

nanahimik na lang ako.

bumaba kami sa may park.

"anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"wala lang" sabi nya tas naglakad papunta sa swing.

"hay nako! nadadamay pa ako sa trip mo eh" sabi kon

naupo na rin ako sa katabing swing.

"Arielle" sabi nya.

"bakit?" tanong ko.

...........silence.............

"damn it!" bulong nya.

"anong problema mo?" tanong ko.

hindi sya sumagot.

tumayo na ako, gusto ko ng umuwi.

"uwi na tayo Clyde" sabi ko.

hinawakan nya yung balikat ko.

"teka ano yun?" napalingon ako sa may bandang fish pond.

wala naman eh.

"pinagtitripan mo na--"

pagharap ko ulit sa impakto may kwintas ng nakatapat sa mukha ko.

"ano yan?" tanong ko.

"duling ka ba?! di mo ba nakikitang kwintas yung hawak ko?" tanong nya.

hinampas ko sya.

"ibig kong sabihin, para saan yan?" tanong ko.

"para sayo" sabi nya.

pinatalikod nya ako sa kanya, hinawi nya yung buhok ko. tas naramdaman ko na lang yung kwintas sa leeg ko.

it's a key necklace.

"Arielle, I like you" sabi nya.

0_________________0

umihip ang malakas na hangin.

para akong nawalan ng dila.

"gusto kita" bulong nya ulit sa akin.

nyemas Arielle!

uso magsalita.

"h-ha ha. nakadrugs ka ba?!" kinakabahang tanong ko.

"hindi Arielle, hindi" seryosong sabi nya.

"h-hoy Clyde, niloloko mo ako eh" sabi ko.

"hindi kita niloloko Arielle" sabi nya at hinawakan yung magkabilang balikat ko.

"hindi kita kayang lokohin, Arielle I like you, so damn much" sabi nya.

"C-Clyde"

"hindi yun tanong kaya hindi mo kailangang sumagot. just let me, let my like you, let me be with you, ayokong mailang ka, treat me like you always do, ang mahalaga nasabi kong gusto kita" seryosong sabi nya.

"noon alam kong gusto mo ako" sabi nya.

0______0

"haha yeah, highschool pa lang gusto mo ako, pero ngayon hindi na but i know you care" sabi nya.

"ang tanga ko lang kasi hindi ko pinansin yung feelings mo noon, tas ngayon nandito ako sa harap mo nagcoconfess ng nararamdaman ko" sabi nya.

natahimik lang ako. hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

hindi ko alam kung paano magreact.

"magsalita ka naman" sabi nya.

"anong sasabihin ko?" tanong ko.

natawa sya.

natawa lang yung impakto.

0_______0

niyakap nya ako.

"pinapakita mo sa akin ngayon kung ano yung sinayang ko noon" sabi nya.

"but i'll do whatever it takes to win you back" sabi nya.

tas kinaladkad nya ako papunta sasakyan nya.

natahimik ako, ay hindi more like natameme ako.

sinong hindi matatameme kung magcoconfess ang isang Clyde Alonzo sayo?!

hindi ko namalayan nasa bahay na kami.

pinagbuksan nya ako pinto.

sumama sya papasok sa loob ng bahay.

"hoy! hindi ka ba uuwi?" tanong ko.

umiling sya.

"anak, nandito ka na pala" sabi ni mama

nakaupo sya sa sofa. tas dumating si papa galing kusina.

bakit feeling ko masama 'to

"tito, tita" sabi ni Clyde.

"bakit iho?" tanong ni papa

"humihingi po ako ng permiso na ligawan si Arielle" seryosong sabi ni Clyde.

0_________0

mukha naming tatlo ni mama at papa

sht.

"hoy! loko ka!" sabi ko sabay hampas, hinawakan nya yung kamay ko.

"i like Arielle, and i want to ask from you, tito. tita. pwede po ba akong manligaw?" tanong ni Clyde.

nagngisian lang si mama at papa.

nyemas!

"bakit ba kami yung tinatanong mo?" tanong ni papa

"hindi naman kami yung liligawan mo, yung anak ko" sabi ni mama

"gusto ko lang po na pormal na magpaalam sa inyo, dahil kapag kay Arielle ko lang sinabi baka hindi sabihin sa inyo" sabi nya.

"gusto ko sya" sabi ni papa

"pumapayag ako, magpaalam ka na kay Arielle" sabi ni papa.

humarap sa akin si Clyde.

"liligawan kita. hindi yun tanong, hindi mo kailangang sumagot. kaya kahit ayaw mo,liligawan pa rin kita. ganon kita kagusto, Arielle" sabi nya habang nakatingin ng deretso sa mata ko.

0///////0

narinig ko yung tawanan nila mama.

ngumiti sya.

"uuwi na ako, magpahinga ka na. susunduin kita, sabay tayo pumasok bukas" sabi nya.

"thank you po tito tita, alis na po ako" sabi nya at umalis na.

ako?

frozen.

na-bato.

tulala.

"sabi na nga ba eh!" sabi ni mama

"magaling ka" sabi ni papa

-___________-

hay jusme.

umakyat na ako sa kwarto dala yung mga pinamili ko.

nahiga ako sa kama.

bakit ba nangyayari sa akin 'to?!

lagi mo lang tatandaan magpadala ka lang sa hangin.

magpadala ka lang sa hangin Arielle.

"anak may nagpadala nga pala nito sayo, nagorder ka ba sa online shop? tanong ni mama.

sabay abot ng LBC na paper bag.

"hindi ko po maalala" sagot ko.

"nakalimot ka na porket may manliligaw ka lang" sabi ni mama

-______-

natawa sya tas umalis na sa kwarto ko.

binuksan ko yung bag.

*_____*

puro kitkat!!!!!!!!!!

waaaaaaaaaah!

may letter.

This is the first time that i wish to become a kitkat.

you like kitkat right?

if i become a kitkat, will there be a possibility that you will like me too?

nah, i know it's corny.

anyway, enjoy these kitkat. don't forget to brush your teeth after eating.



KANINO GALING 'TO!

tinawagan ko si Clyde.

"Hoy!" bati ko.

["miss mo agad ako?"] tanong nya.

"baliw! yung kitkat?" tanong ko.

["gusto mo ng kitkat? bilhan ba kita? ilan gusto mo? anong flavor?] sunod sunod na tanong nya.

"baliw! hindi! bilhan mo na lang ako bukas. isa lang! ok" sabi ko.

["sure, matulog ka na, wag mo akong masyadong isipin, baka di ako makatulog"] sabi nya.

"asa! bye" sabi ko.

["i like you, Arielle"] sabi nya.

halos mabitawan ko yung phone ko.

binaba na nya yung tawag.

hindi galing kay Clyde yung Kitkat. atsaka bakit nya pa ipapaLBC? ang lapit lang ng bahay nya eh?

kanino galing 'to?

*bzzzttt...bzzzttt*

From Clyde impakto:

i like you, i like you, i like you, i like you, i like you, i like you, i like you, i like you, i like you, i like you, i like you.

napangiti na lang ako sa txt nya na puro I like you.

baliw talaga eh.

Lord, magpapadala lang ako sa ihip ng hangin ah. Kayo na pong bahala sa akin.

*end of Chap*


An*

any comments? hahaha, hope you like my UD.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top