Hide and Seek

*Arielle Marie's PoV*

ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito?

magdamag akong nakatalukbong ng kumot at nakapikit pero hindi talaga ako tulog!

kahit anong pilit kong matulog, hindi talaga!

pusta ko mukha akong zombie paglabas ko ng kwarto -____-

kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko para tignan yung oras.

9:35 a.m

NYEMAS!

late na ako!!!

napabalikwas ako sa higaan.

"WOOH DREI KASALANAN MO TALAGA KUNG BAKIT DI AKO NAKATULOG!" sigaw ko habang naguunat ng braso.

nilibot ko yung tingin ko sa room at anak ng palaka talaga!

napahiga ulit ako sabay talukbong ulit!

ang lakas ng loob kong sumigaw kasi akala ko walang tao pero nyemas talaga!

si Drei pa yung tao dito sa room!

napaka swerte ko!

huhuhuhu hoy! higaan, kumot at unan, lunukin nyo na ako ng buo!

huhuhu ang aga aga sya agad bubungad sa akin?

Lord, mamamatay na po ba ako? bakit ang swerte ko ngayon, actually kagabi pa. sulitin ko na ba? bukas nyo na po ba ako kukunin?

HAHAHAHA chos lang!

di ako pwedeng mamatay no! magpapakasal pa kami ni Drei!

ay leshe kang babae ka! halos mamamatay ka na nga sa hiya lumandi ka pa! magaling ka!

hindi ko alam kung paano ako lalabas sa kwartong to ng buhay!

mukha akong zombie, wala pa akong hilamos, walang suklay suklay, pati toothbrush!

tapos nandito si Drei!

woooh sa pinaka haggard talaga na pagkakataon mo pa makakasalubong or makakasama yung crush mo eh. tipong mukha kang bruha tas makikita mo sya, asar di ba?!

kailangan ko ng umalis sa kwartong to! kaming dalawa lang ni Drei yung nandito, as in kaming dalawa lang! chance ko na ituuuu! HAHAHAHA charaught!

baka di ko mapigilan yung sarili ko, masunggaban ko sya bigla! HAHAHAHAHA chos! joke lang! Maria Clara ako no hindi Maria Ozawa! isa akong dalagang filipina at marunong akong mahiya.

ano bang pinaglalaban ko?

nakakaloka talaga!

tumayo ako, inayos ko yung damit ko at sinuot na yung tsinelas ko. habang naglalakad ako nagdadasal din ako na sana woooh sana hindi nya ako mapansin.

nakita kong nagbabasa sya habang naka-earphones. nakahinga naman ako ng maluwag nun baka di nya narinig yung sigaw ko kanina.

ng makalampas ako sa kanya nakahinga ako ng maluwag, kaso...

"Arielle! if you're looking for your friends they're not here, they went island hopping"

sa gulat ko hindi na ako lumingon or tumango man lang basta after kong ma stun-slash-frozen umalis na ako.

TINAWAG NYA AKO!

SINABI NYA YUNG PANGALAN KO!

WOW FANTASTIC BABY! DANCE...WOOOH I WANNA DANCE, DANCE, DANCE, DA-DANCE!!!

mukha na siguro akong tanga -___-

nagsa-silent wow fantastic baby ako sa labas ng kwarto.

alam mo yung feeling na kahit sobrang pangit or baho pakinggan ng pangalan mo basta pag crush mo yung tumawag sayo akala mo ikaw yung may pinakamagandang pangalan sa buong mundo!

that feeling tho.

ni hindi nga sumagi sa isip ko na mababanggit nya pala yung pangalan ko eh. hays.

naglibot ako sa resthouse at tama nga si Drei wala sila.

hay nako. akala ko ba magba-volleyball sila?!

nagpaalam pa nga sila sa akin eh. kanina kasi dapat gigisingin ako ni Clyde pero pinigilan sya ni Kat kasi daw napuyat ako at masama yung pakiramdam ko. narinig ko di ba? HAHAHAHA di kasi ako tulog -__-

wala talagang tao -___-

bukod sa mga house keepers wala ng ibang tao kundi kami lang.

matawagan nga sila.

dinial ko yung number ni Ellena, ring lang ng ring.

si Kat naman out of coverage area.

ganon din si Clyde at Alex.

si Nadia na lang yung pag-asa ko.

dinial ko number nya, nagring!

"hello"

0_________0

bakit lalaki yung sumagot?!?!?!?!

"ah sino to? si Nadia po?" tanong ko.

"Arielle, it's me Drei, naiwan nya yung phone nya sa desk. kaya sinagot ko na" sagot nya.

omg.

"ah s-sige t-thanks" sabi ko sabay baba ng tawag.

nyemas nakakahiya na talaga!

ugh!!!

magtatago na ako huhuhu, dapat di ko sya makasalubong ngayon! dapat di ko sya makita ngayon! jusme kotang-kota na ako eh!

pag-gising ko nakita ko na sya.

tinawag pa nya ako at kinausap.

tas ngayon, sya pa yung sumagot ng phone ni Nadia!

hay nako hiyang hiya na ako sa kanya! di pa nga ako makamove on dun sa kiss on the forehead eklabu nya eh!

*bzzzt...bzzzt*

From: Impakto

hoy! gumising ka na nga dyan! kumain ka na ng breakfast! mamayang hapon pa kami babalik dyan! tulog pa more ng makasama ka sa amin. dito kami maglalaro ng beach volleyball.

kung masama pakiramdam mo txt or tawagan mo lang ako.

-__________________-

ang saya naman!

forever alone ako dito!

hindi naman ako natulog eh!

gising ako!

gising ako magdamag!

bumalik ako sa resthouse at kumain ng almusal.

ngayon... anong gagawin ko?!

hapon pa sila babalik -_______-

kita ko yung pool area mula sa pwesto ko. peaceful sya tignan, walang tao.

magsi-swimming na lang ako -___-

bago ako makabalik sa kwarto, kung ano ano ng orasyon yung nabanggit ko -____- bulong ako ng bulong ng kung ano pero isa lang naman yung sinasabi ko.

sana wala si Drei...

wooh! nasa harap ko na yung two wooden doors ng kwarto.

nakailang lunok na ako ah, medyo kaderder na pero ganito talaga pag kinakabahan eh.

hinawakan ko na yung doorknob, dahang dahang pinihit yun at unti-unti akong sumilip.

at boom!

WALA NA SI DREI!

wag na kaya akong lumabas dito?

baka kasi makita ko rin sya sa labas eh.

kaso naman mabuburo ako dito! ang ganda ganda dito kasi walang tao tas hindi ko pa maeenjoy?!

hays, Arielle ipagdasal mo na lang na sana hindi mo makasalubong si Drei ngayon.

nagbihis na ako ng pangswimming ko.

habang inaayos ko yung gamit ko, napaisip ako.

kung lahat sila nasa ibang island, bakit hindi kasama si Drei?

bakit naiwan sya dito?

dapat kasama sya nila Thor di ba?

at tsaka dapat talaga nandun sya kasi nandun si Inah -______-

bakit sya nagpaiwan?

baka naman gusto ka nyang samahan.

HAHAHAHA baliw ka na Arielle!

ako sasamahan ni Drei?! HAHAHAHA kalokohan!

ikaw nga daw yung prettiest girl na nandito eh!

anong connect nun sa hindi nya pagsama sa island hopping?!

hays, makaalis na nga dito! kung ano ano naiimagine at naiisip ko eh!

lumabas na ako at nagpunta sa pool area.

tingin muna sa kaliwa't kanan eh baka nandito si Drei eh, maganda na yung nagiingat no!

tumalon agad ako sa pool at lumangoy.

pag-ahon ko, bumulaga na naman sa akin si Drei!

nagpipicture sya.

HALA BAKA AKO PINIPICTURAN NYA!?

minsan ang sarap batukan ng sarili ko eh, napakafeelingera ko talaga.

tumalikod na lang ako sa kanya at lumangoy ulit.

jusko, kailangan ko na yatang bumalik sa maynila! hindi ko na kaya!

tsk! wala na ako sa mood magswimming!

nyemas!

aahon na ako sa pool ng maalala kong wala akong towel na dala!!!

hay nako Arielle!

pumunta na lang ako sa may bench at naupo kailangan kong magpatuyo kasi bawal pumasok sa resthouse ng basang basa kasi magkakalat ng tubig -________-

nagselfie selfie na lang ako.

twitter, facebook at instagram. hay nako!

"ma'am"

napalingon ako sa tumawag sa akin.

"bakit po?" tanong ko.

"may nagpapabigay po" sabi nya sabay lapag ng milk shake sa katabing lamesa.

"kanino galing?" tanong ko.

"yung sa lalake po kanina" sagot nya.

0_______0

KAY DREI?!

"yung naka-white shirt na may dalang camera?" tanong ko.

tumango sya.

"pinabibigyan din po pala nya kayo ng towel" sabi nya sabay abot sa akin.

"sige thank you po" sabi ko at umalis na sya.

BAKIT AKO BIBIGYAN NG TOWEL AT MILK SHAKE NI DREI?!

END OF THE WORLD NA BA?!

nakakaloka yung mga ganap ah!

hindi ako prepared!

bumalik na ako sa resthouse. ngiting ngiti ako habang iniinom ko yung milk shake!

emeged! galing kay Drei! omg! hahahaha landi ko!

pipicturan ko to tas ipopost ko sa instagram!

with the caption of...

From Bae <3

HAHAHAHAHA!

joke lang! hindi ko ipopost pero pipicturan ko!

ang saya ko ngayon! feeling ko sinasadya na ng tadhana na magkasama kaming dalawa! omg!

ngiting ngiti ako habang naglalakad sa hallway.

"ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin, ipauubaya na lang ba 'to sa hangin, wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo, naririto ako at nakikinig sayo~~~" kanta ko.

rinig sa buong hallway yung boses ko eh, pake ba nila eh sa gusto kong kumanta?

pagliko ko ng hallway, jusmiyo marimar!

nandun pala si Drei! nakaupo sya sa may parang sala sa tapat ng kwarto!

nyemas rinig na rinig nya yung boses ko.

saktong paghinto ko ng lakad napatingin sya sa akin!

gahd, my heart skipped a beat!

mygulay! napayuko na lang ako at binilisan ko yung lakad ko papasok ng kwarto.

mabilis akong nagbihis ng dress at nahiga sa kama ko! ayoko ng lumabas dito!

huhuhuhu!

kainis naman nakakahiyaaaa!

wala na akong mukhang maihaharap sa kanya!!!

mga ilang oras na akong nagkulong sa kwarto. pero dahil sa gutom na ako tumayo na ako, hapon na pala pero wala pa rin sila :(

nagdecide na akong bumaba at maghanap ng pagkain.

kumain ako ng waffles tas naglakad lakad, hindi naman na ganon kainit kaya ok lang. 

sa beach ako naglalakad papunta ako dun sa mabatong part, may malalaki kasing bato sa may left side eh, siguro naman hindi na ako makikita ni Drei dito.

kanina pansin ko, kung nasaan ako, nandun din si Drei. gusto ko na ngang isipin na sinusundan nya ako eh. ang feelingera ko di ba?! HAHAHA

habang papunta ako dun nakita ko yung gitara sa tinambayan namin kagabi. kinuha ko na.

ng makarating ako sa batuhan, dahan dahan akong sumampa sa bato. woooh ang ganda dito.

ang hangin tas ang tahimik. perfect place to be alone.

i spread my arms to feel the wind.

relaxing.

maganda siguro na wag ko munang isipin yung mga kahihiyan ko ngayong araw, matatapos din yun. hindi naman ako gaanong importante kay Drei eh, so wala lang sa kanya yung mga nakita at narinig nya.

he doesn't care anyway.

pero binigyan ka nya ng towel at milkshake.

that means nothing, nagmamagandang loob lang sya ok, better not to assume things.

para hindi masaktan.

*3rd person's PoV*


habang nakatambay si Arielle sa may batuhan, hindi nya napansin na nandun din si Drei. may kanya kanya silang mundo. actually di nga nila napansin yung isa't isa.

Drei is sleeping behing the rocks while Arielle is currently playing the guitar.

nagising si Drei at nakita nya na si Arielle pala yung kasama nya.

he smiled.

and he doesn't know why.

kinuhaan ng litrato ni Drei si Arielle.

pinapakinggan nya lang yung kanta ni Arielle. and then suddenly someone texted him and it was Thor.

tinext sya na nakabalik na sila galing sa ibang island. kahit ayaw nyang iwan si Arielle mag-isa umalis na sya dahil baka may makakita sa kanya.

si Arielle naman nagdecide na ring bumalik dahil tinawagan na sya ni Clyde.

nanlaki naman yung mata ni Arielle ng makita nya kung sino yung nasa harap nya.

si Drei.

magkasunod lang sila pabalik sa resthouse.

nangingiti na naman si Arielle dahil hindi nya akalaing pwede nya palang makasama ng malapitan yung crush nya.

Si Drei naman, alam nyang nakasunod lang sa kanya si Arielle. hindi nya lang pinapansin pero God knows how much he wants to look at Arielle now. she looks dazzling in her white dress. wearing no make up at all but her smiles.

dumami na ulit yung tao sa resthouse at parang nawala na lang si Drei sa paningin ni Arielle.

sinalubong naman nila Kat yung kaibigan nila. at nagusap tungkol sa mga nangyari ngayong araw. but Arielle remained silent, hindi nya kinuwento yung mga kahihiyang nangyari ngayong araw dahil baka asarin lang sya.

maagang natulog si Arielle. 6:30 p.m palang nasa kwarto na sya at tulog na tulog.

nagtataka naman sila Kat sa inakto ni Arielle so nagimbestiga silang tatlo.

*Kat's PoV*

Hi!

nako nako talaga tong si Arielle, feeling ko may tinatago sa amin eh. ayaw magsalita kanina pa, pangiti ngiti lang sya.

"anong problema ni Arielle?" tanong ni Nadia.

"walang tulog yun kaya wala sa mood" sagot ni Ellena.

tama naman sya, yung babaeng yun di uso tulog sa kanya kagabi eh.

sino bang makakatulog kung hinalikan ka ng crush mo sa noo?!

ang romantic kayaaaaa!

emeged kinikilig ako!

nasa kwarto kami ngayon, kami kami lang yung tao. tulog na si Arielle. pumunta kami sa higaan ni Drei. alam naming silang dalawa lang ni Drei yung naiwan dito! kaya nga dapat nagkukwento ngayon si Arielle tungkol sa happening kanina eh!

nakita namin yung sketchpad ni Drei. kinuha yun ni Nadia, jusme kahit kailan pakialamera eh.

pero dahil chismosa kami ni Ellena nakisilip na rin kami. and God knows ang hirap magpigil ng kilig!!!

sa last three pages ng sketchpad ni Drei si Arielle yung nakadrawing!

yung una si Arielle na nakangiti, mukhang sa school yung background eh. at matagal na rin nyang nadrawing to.

yung next naman si Arielle habang nag-gigitara, nakangiti sya pero medyo nakayuko tas may bonfire pa sa gilid. feeling ko eto yung kagabi eh.

tas yung last, hindi ako sure kung si Arielle to eh, pero sure akong sya! kasi naman may pangalan nya!!!

"omg" sabi naming tatlo.

nakatalikod na babaeng nakadress at nakatapak sa bato kaharap ang dagat.

"ang galing pala nyang magdrawing" sabi ko.

nilapag na namin yung sketchpad at umalis na, mahirap na mamaya may makakita sa amin eh.

"may gusto si Drei kay Arielle" sabi ni Nadia.

"paano kaya sya nagkagusto kay Arielle? gusto kong malaman!" sabi ni Ellena.

ako rin gusto kong malaman! hindi naman kasi sila close di ba? di nga sila naguusap eh, din rin sila friend sa fb!

kailangan naming malaman kung bakit nya nagustuhan si Arielle!!!

habang naglalakad kami papuntang dinning area nakasalubong namin si Clyde.

"si Arielle?" tanong nya.

"tulog na" sagot ko.

"umalis tayong tulog sya tas babalik tayong tulog ulit sya" natatawang sabi nya.

natawa na lang din kami.

maya-maya sumeryoso yung mukha ni Clyde.

"sino yung lalakeng humalik sa noo ni Arielle kagabi?" tanong nya.

ilang segundo kaming nanahimik.

"si Drei" sagot naming tatlo.


tumango sya.

"may gusto ba sya kay Arielle?" tanong nya.

wooh! parang na-hot seat naman kaming tatlo dito! nakakaloka!

" di namin alam" sagot ni Nadia.

tumango-tango ulit sya.

"gusto mo ba si Arielle?" tanong ni Ellena.

napalingon naman kaming dalawa ni Nadia sa kanya, sarap sapukin ni Ellena eh! bigla biglang magtatanong ng kung ano eh.

"gustong-gusto" sagot ni Clyde.

nanlaki naman yung mata naming tatlo dahil inamin nya!!!

"wag nyong sasabihin, baka kasi mailang sya sa akin. ayoko na ulit malayo yung loob nya sa akin" sincere nyang sabi.

ngumiti kaming tatlo.

"kaming bahala sayo Clyde" sabi ko.

ngumiti sya at umalis na.

nakakaloka si Arielle ah!

haba ng hair!

una si Drei, may gusto na YATA kay Arielle, di pa sure yan kasi di pa umaamin at di pa sila close pero alam kong may gusto na rin sya. yieee kinikilig ako.

tapos si Clyde, umamin na ngang may gusto sya pero ayaw ipasabi kay Arielle.

tapos eto namang si Arielle, hindi namin alam kung ano ba talaga!

last time sinabi nyang may feelings pa sya kay Clyde pero crush na nya si Drei.

si Arielle talaga yung may pinakamalaking tinatago eh.

"mukhang masaya yung laro nila ah" sabi ni Nadia.

"hide and seek" sabi ni Ellena.

natawa kami.

"oo taguan ng feelings" sagot ko.

*end of chapter*

























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top