Here comes the devil
*Arielle's PoV*
*tingin sa kaliwa*
wala.
*tingin sa kanan*
wala.
*tingin sa likod*
nope, clear.
*tingin ulit sa harap*
ok, no sign of the devil.
"alam mo para kang tanga" sabi ni Clyde.
sinamaan ko sya ng tingin. siraulo 'to! paranoid lang ako, hindi ako tanga!
"may problema ba Arielle?" tanong ni Ellena.
"kanina ka pa kasi aligaga eh" sabi ni Nadia.
"lutang ka din. ok ka lang ba talaga?" concern na tanong ni Kat.
awwww. na touch naman ako sa kanila.
"oo ok lang ako" sagot ko.
wow. ang laki ko namang sinungaling.
pinaningkitan ako ng mata ni Clyde, he knows me too well kaya alam nya kung may mali.
iniwasan ko na lang sya ng tingin at nauna ng maglakad.
i'm bothered by the fact that he's here. considering na wala pa sila mama at papa ngayon, wala talaga akong matatakbuhan! huhuhu
kinakabahan ako sa mga pwede nyang gawin. knowing him, he's as playful as hell -______-
akala mo kalaro mo lang sya sa chess pero di mo alam isa ka lang sa mga pawn nya.
madali lang sa kanya yung magpaikot ng tao sa kamay nya. it's like the easiest thing on earth for him.
"earth to Arielle! andito ka pa ba? or tinangay ka na ng alien?" nabalik ako sa katinuan sa sinabi ni Nadia.
"i'm here" bored na sagot ko.
"yeah, more like your body is here but your mind is somewhere" naiinis na bulong ni Clyde.
kala nya di ko narinig -____-
lumapit ako sa kanya tas kinurot sya sa tagiliran.
"ouch! what the hell?! Arielle!" sigaw nya.
"sinisigawan mo ba ako?" mataray na tanong ko.
"what was that for?" medyo mahina nyang tanong.
"it's a reminder that my body and MY MIND is here" nakangiting sabi ko.
nailing na lang sya at natawa naman sila Kat.
"ang cute nyo talaga" sabi ni Ellena out of the blue.
napayuko na lang ako, nakakaloka yung pagka-random nya ah, kung ano ano sinasabi.
bigla kong naramdamang umakbay yung impakto sa akin.
"bagay daw tayo?" bulong nyang tanong.
narinig ko naman yung impit na tili nung tatlo sa likod namin.
naglalakad kami sa hallway papuntang canteen.
*poinks*
"sht! was is wrong with you people?!" inis na tanong ni Clyde sabay tingala sa 2nd floor.
may nagbato kasi ng kung ano sa kanya.
"Sorry, my bad!"
0_______0
it's Drei.
sya yung nagbato ng kung ano kay Clyde.
nakayukom naman yung kamao ni Clyde dahil sa inis.
"jealous huh?" nakangising tanong ni Clyde.
"what if i am?" nakangising tanong din ni Drei.
nagseselos sya?!
wth?!
umakbay ulit sa akin si Clyde, he even pulled me closer.
nakita ko namang tumalim yung tingin ni Drei sa kanya.
ngitian lang sya ni Clyde, maya-maya nakangisi na rin si Drei.
"go on, enjoy yourself. let me just remind you...hindi kayo" nakangiting sabi ni Drei.
biglang tinanggal ni Clyde yung pagkakaakbay sa akin.
"hindi PA kami" sagot ni Clyde.
"better not to keep your hopes up. no one knows what will happen in the end" nakangising sabi ni Drei.
natahimik kami.
"see you later, My Princess" dagdag nya tas umalis na.
what the hell just happened?!
"ahm tara kain na tayo, gutom na ako" sabi ni Kat tas kinaladkad na ako.
lumingon ako kay Clyde, natulala sya dun pero dumating na si Alex tas nag thumbs up na lang sa akin.
"si Alex na munang bahala kay Clyde, maglalaro yata sila ng basketball ngayon eh" paliwanag ni Nadia.
pumunta kami ng canteen, ganon ulit yung routine ko, oobserbahan ko muna kung may kakaiba sa paligid.
as usual nawiwirdohan silang tatlo sa akin.
"may hindi ka sinasabi Arielle" sabi ni Ellena sabay subo ng pagkain nya.
"wala" tipid na sagot ko.
ayokong malaman nila yung tungkol dun, papahirapan lang nila akong magkwento eh!
"pwede mo namang sabihin sa amin eh" sabi ni Kat.
"wala naman akong sasabihin" sagot ko.
buti na lang at sa theatre arts club ako nung highschool, madali lang mag-acting.
"sure ka ha?" tanong ni Nadia.
tumango na lang ako.
maya-maya may narinig akong ilang sigawan ng mga babae.
napalingon ako sa entrance ng canteen.
akala ko kung sino.
si Clyde lang pala.
0_________0
topless!!!!!!!!
anong nangyari sa kanya?!
lumapit sya sa amin.
"anong ginawa mo?" tanong ko. trying to avoid looking at him.
"napunit yung shirt ko" bored nyang sagot.
"ahm Clyde pinagtitinginan ka na" sabi ni Ellena habang tinitignan yung mga babae sa paligid namin.
"let them drool" natatawang sagot nya.
"tsssss, show off" bulong ko.
"may sinasabi ka?" tanong ni Clyde sa akin.
"bakit ka nandito? bakit hindi ka maghanap ng bagong shirt? bakit kailangan mo pang rumampa ng topless sa loob ng canteen?" sunod-sunod na tanong ko
"feeling mo ba bench body model ka?! kung makarampa ka dito kala mo ang laki ng katawan eh" inis na sabi ko. ang yabang talaga eh.
he chuckled.
"may extra shirt ka ngayon di ba? pahiram muna ako" sabi nya.
"hindi kasya sayo" sagot ko.
"it's my jersey shirt, Arielle. pahiram lang ibabalik ko din sayo" nakangising sabi nya.
binato ko yung t-shirt sa mukha nya.
"magbihis ka na! ang yabang mo! mag ka pulmonya ka sana!" sigaw ko.
natatawa syang umalis habang sinundan naman sya ng tingin ng mga babae. tssssss. pathetic.
"hoy! bakit mo ang highblood mo bigla?" tanong ni Kat.
"nakakabwisit kasi yung impaktong yun! ang sakit sa ulo! akala mo ang laki ng katawan eh" sabi ko.
"malaki naman talaga eh" sabi ni Nadia. sabay pakita sa akin nung phone nya.
0///0
my eyes! my innocent eyes! huhuhu wala na!
iniwas ko kaagad yung tingin ko sa phone, paano nya napicturan yun?!
"taray nga eh may abs pala si Clyde" sabi ni Ellena.
mababaliw na yata ako.
maya-maya bumalik si Clyde at tumabi sa akin.
"oh busog ka na agad?" tanong nya sa akin.
"oo, busog na busog daw sya sa pandesal" natatawang sabi ni Kat.
natawa na lang yung impakto.
-_______-
actually kanina pa ako walang gana, hindi talaga ako mapalagay kaya di rin ako makakain ng maayos.
feeling ko talagang may mangyayaring hindi maganda.
kailangan kong mag-observe ng mas mabuti sa paligid ko, kaso pag nandyan si Clyde or Drei hindi ko na napapansin yung ibang tao eh.
gahd Arielle!
"oh" sabi ni Clyde sabay abot ng Kitkat.
kinuha ko yun agad sa kanya tas kinain.
"akala ko ba busog ka na?" natatawang tanong nya.
"sus, mukhang kitkat naman yan si Arielle eh" sabi ni Nadia.
*bzzzzt...bzzzzt*
From: Drei :)
Meet you at the carpark later, My Princess :)
napangiti naman ako sa text nya, btw binago ko na yung name nya sa contacts ko, hindi na Mr. whoever-you-are. hahahaha Drei :) na.
natapos na kaming maglunch, at pumunta na kami sa last class namin para sa araw na 'to.
so far wala pa namang nangyayaring masama. hays sana nga wala talaga.
sabay-sabay kaming pumasok sa last subject namin, yung tatlo naguusap lang tungkol sa bagong damit na bibilhin nila, ako tahimik lang.
"you're not ok" sabi ni Clyde.
"ayos lang ako" sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"di mo ako kayang lokohin, Sleeping Beauty" sabi nya sabay pitik sa noo ko.
sinamaan ko sya ng tingin. boset! alam naman pala nyang hindi ako ok, iinisin pa ako! -____-
"tell me what's bothering you?" bulong nyang tanong nung umupo kami.
"wala. wala lang talaga ako sa mood" bored na sagot ko.
nag-focus na lang ako sa twitter ko para di na nya ako kulitin.
nagsimula na yung klase.
blah...blah....blah....blah.
as usual nga-nga na naman ako, hindi talaga ako makapag-isip ng tama. knowing that someone wants to play a game with me -_____-
tahimik lang ako sa klase hanggang sa matapos 'to.
"umuwi ka kaagad ah" sabi ni Clyde.
"hindi ba ikaw yung maghahatid kay Arielle?" sabat ni Nadia.
"nope, si Drei yung maghahatid sa kanya tas ako naman yung susundo" paliwanag ni Clyde.
napatango na lang yung tatlo. tssss, ano na naman kaya yung iniisip nila?
naglakad na kami papuntang lobby, siguro naman hindi na sya magpapakita ngayon. tapos na yung araw na 'to.
hays.
"umuwi ka kaagad" sabi ni Clyde.
paulit-ulit sya. super.
pero di ko na lang pinansin.
naglalakad na kami papuntang carpark. malayo pa lang tanaw ko na si Drei na nakasandal sa sasakyan nya habang naglalaro sa phone nya.
"KYAAAAAAAAH!"
"KUYA ANG GWAPO MO PO!"
"KYAAAAH KUYA PWEDENG PA-PICTURE"
kumunot naman yung noo ko dun sa mga nagkukumpulang babae, jusme kung makatili naman!
"sino kaya yun?" tanong ni Ellena.
"transferee siguro" sagot ni Nadia.
"baka naman gwapo" sabi ni Kat.
bigla akong kinabahan.
bukod kay Drei at Clyde wala na akong masyadong kilala na lalakeng tinitilian.
hindi ko rin makita ng maayos yung lalake, kasi sobrang dami talagang babae yung nakapalibot sa kanya.
hindi ko na lang pinansin, though grabe yung kaba ko ngayon.
napansin na kami ni Drei kaya naman naglakad na sya papalapit sa amin.
"uwi agad" bulong ng konsensya ko, dejk bulong ni Clyde.
nailing na lang ako.
papalapit na sa amin ang nakangiting Drei.
"My Love!"
i froze.
mabilis syang tumakbo papalapit sa akin, mas nauna pa sya kay Drei.
natahimik ang lahat.
so sya pala yung tinitilian ng mga babae.
his wicked smile sent shivers down to my spine.
lumapit sya sa akin and then he gave me a quick peck on my cheeks. i also saw him glanced at Drei and then he smirked.
narining kong napasinghap yung tatlo.
hindi na ako makagalaw sa pwesto ko, ni hindi rin ako makapagsalita.
"Still beautiful as ever, My Love" he said as he tuck the strands of my hair at the back of my ear.
i noticed him looking at Clyde, and as usual. a playful smile formed on his lips.
"I miss you so much, My Love" sabi nya.
he wrapped his arms around my waist and then he kissed my hair.
sht. kinikilabutan ako sa ginagawa nya.
"we've got a lot of catching up to do, My Love" sabi nya.
inalalayan nya ako sa paglalakad.
then i noticed.
lahat sila natulala.
yung mga babae,
yung tatlo,
si Clyde,
at si Drei,
even me.
i stared at this devil beside me.
His Gray hair.
His Fair skin.
and most especially...
His smirk.
looks like he's enjoying it.
"game on, My Love" he said then he flashed his devilish grin.
i'm dead.
An*
Hi Guys!
hope you like my UD :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top