Dilemma

*Arielle's PoV*

Last 5 days na lang bago mag-sembreak!

Omygash!

Konting push na lang Arielle! Pasahan na lang ng final requirements ang gagawin mo! Keri mo yan!

Inayos ko na yung mga paperworks na kailangan kong ipasa para sa ngayong araw.

I took a glance on the mirror to check kung ok naman yung ayos ko.

Ayos naman. Hahahahaha

Bumaba na ako, it's almost 10 na di pa rin ako umaalis sa bahay, ewan ko ba kasi kay Clyde hindi nagtetext!

Pababa na ako ng hagdan ng muntikan na akong matapilok.

"What are you doing here!?" Sigaw na tanong ko.

"Goodmorning din sayo Arielle" sabi ni Kat, tsk sarcastic!

Natawa na lang sila Ellena at Nadia habang nakaupos sa couch namin.

"Bakit nandito kayo?" Tanong ko.

Napahawak si Nadia sa dibdib nya.

"Ouch! Parang ayaw mo namang nandito kami" malungkot na sabi nya.

-__________________-

"Pasahan kaya ng requirements ngayon tapos nandito kayong tatlo sa bahay!" Sigaw ko.

Nasa hagdan pa rin kasi ako eh, medyo malayo sila. Hahaha.

Feeling ko tuloy may hindi magandang mangyayari ngayon.

Tsk.

"Ang lakas ng sigawan nyo, natutulog pa yung kuya mo" sabi sa akin ni mama.

"Tulog pa si Kuya?!" Gulat na tanong ko.

Maghapon kaya syang natutulog kahapon! Nakakaloka!

"Inumaga na ng uwi galing bar, hay nako. Ipapadala ko ulit yan sa U.S eh" sabi ni mama habang naglalagay ng pagkain sa center table ng sala.

"Kumain muna kayo" sabi ni mama sa tatlo.

Aba syempre dahil pagkain yun, hindi na tumanggi yung tatlo.

Bumaba na ako at nakikain sa kanila.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Wala naman" sagot ni Ellena sabay subo ng sandwich.

Sabay namang umiling si Kat at Nadia.

Napasingkit yung tingin ko sa kanila, meron talagang weird eh.

Maya-maya bumaba na si papa, ang laki ng ngiti nya eh.

Ano bang meron?!

"Good morning girls" bati ni papa sa amin.

"Goodmorning papa/ goodmorning po" sabay naming bati.

May nilapag na maliit na box si papa sa center table.

"Dahil tapos na yung finals mo, here's my gift" nakangiting sabi nya.

Box?

Baka naman bracelet yan or necklace?

Kinuha ko yung box

"Thanks pa" sabi ko.

Nakaabang naman yung tatlo kung bubuksan ko ba o hindi yung box.

"What?" Tanong ko.

Natawa si papa.

"Buksan mo na kasi" sabi ni papa sa akin

So i did.

OMG!

HUHUHUHUHU MYGASH!

Susi ng sasakyan! Nakakaloka!

Binato ko kay papa yung box tapos niyakap ko sya.

"Papa naman eh" sabi ko.

"You're welcome" natatawang sabi nya.

Lumabas ako ng bahay, sumunod naman yung tatlo pati na rin sina mama at papa.

Nakita ko naman nakaparada yung Ford Everest Platinum Gray pa! Mygash

Napansin ko naman yung Ferrari na itim sa tabi.

Kay Clyde yun di ba?

On cue bumaba naman yung impakto sa sasakyan nya.

"Paano ba yan, baka pwedeng ikaw naman yung magsundo sa akin papuntang school?" Tanong nya.

"Sira!" Sabi ko.

Lumapit ako sa sasakyan ko, ang ganda! Malaking sasakyan sya 4 x 4 i guess?

"Una na ako sa school? I'm sure gusto mong itest drive yan. Text na lang kita mamaya" sabi ni Clyde tapos umalis na.

Pumasok ulit kami sa loob para makuha na yung mga gamit ko sa school, projects and paperworks.

Ngayon ko lang napansin na bukod sa mga school bags nung tatlo ay may dala pa silang malaking bag.

"Bakit ang dami nyong dala?" Tanong ko.

"Sleep over!" Sagot nilang tatlo.

0______0

"Wow, sana sinabihan nyo man lang ako di ba?" Sabi ko.

"Ano ka ba naman Arielle! Ayos lang yan" sabi ni mama.

Kinampihan pa talaga sila ni mama.

So wala na akong nagawa, dinala nila sa kwarto ko yung extrang bag nila tapos we're ready to go!

"Safe ka bang magdrive?" Tanong ni Nadia

"Seatbelt tayo para sure" sabi ni Ellena.

"Talagang pinagmukha nyo akong driver eh no" sabi ko,

Paano ba naman? Nasa backseat silang tatlo!

"Ah hehehe ako na lang tatabi sayo" sabi ni Kat tapos lumipat sa harapan.

Nagseatbelt agad sya.

"Safe ako magdrive guys" bored na sabi ko.

Mabilis kaming nakarating sa school. Gladly walang nangyaring masama sa amin. Buhay pa naman kami hahahahaha!

Nagpark agad ako para saglit lang pwede na kami umuwi. Wala na kasing klase dahil submission na lang ng final requirements.

"Bakit bigla nyo naisipang magsleep over?" Tanong ko.

"Baka kasi kailanganin mo ng tulong" sabi ni Ellena.

"Tulong para saan?" Kunot-noong tanong ko.

"Sa paperworks, projects and such" sabat ni Nadia.

"Tapos na ako dun eh" sabi ko.

"Hays! Ok lang yun! Wag mo na silang pansinin! Bonding time natin to bago mag sembreak ok?" Sabi ni Kat.

Tumango na lang ako, bonding time? Eh for sure sila yung kasama ko buong sembreak!

Hindi ko na lang inisip yung biglaang sleep over nila sa bahay, nagfocus na lang ako sa paghahanap ng prof namin. Kakaloka gusto pa yata nilang mag hide and seek kami eh!

Malapit ng maghapon pero may dalawa pang paperworks kaming hindi napapasa dahil sa Prof naming laging MIA!

So ayun dahil sa stress namin bumili kami ng snacks sa canteen tapos dinala namin sa garden.

"Pa special yung prof natin sa Human Resource ah! Ang hirap hanapin!" Reklamo ni Nadia.

"Oo nga jusme! Eh bawal namang iwan sa guard!" Sabi ni Ellena.

"Kain na lang tayo guys" sabi ni Kat sabay subo ng Carbonara.

Ewan ko ba sa prof namin na yun! Madalas syang absent pero sya pa yung may pinaka maraming hinihinging requirements! Ugh! Guys! Do you feel me?!

Kakastress!

"Oh chill lang Arielle! Baka naman mabutas na yung styro ng pagkain mo" sabi ni Ellena.

"Bawal kang mastress" sabat ni Nadia,

"Feeling ko mas masstress sya mamaya" sabi ni Kat.

Mamaya? Anong meron mamaya? At bakit ako masstress mamaya?!

Kumain na lang ako ng kumain, tsk ayokong isipin yung tungkol sa mamaya na yun!

Wala lang yun!

"Excuse me, baka pwede kong mahiram tong babaeng to?"

Napalingon ako.

"Problema mo Alex?!" Reklamo ko,

"Sige lang/sure/go" sabay sabay na sagot nung tatlo.

Aangal pa sana ako kaso hinatak na ako ni Alex.

"Saan mo ba ako dadalhin ah!?" Inis na tanong ko.

"Pwedeng chill lang? Wala naman akong gagawing masama sayo eh, takot ko lang kay Clyde no" sabi nya,

So pakana ng impakto to?

Humanda sya sa akin!

Hinatak nya ako papuntang gym.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

Nginitian lang ako ng loko tapos iniwan ako. Nyemas na yan!

"HOY ALEX!" sigaw ko,

Nag-echo sa buong gym yung boses ko. Nagulat ako nung bumukas yung ilaw tapos maraming bola yung nagkalat sa sahig.

Napaka-irresponsableng basketball varsity na yan! Tsk!

Isa-isa kong pinulot yung bola tapos nilalagay ko sa cart.

Napakunot naman yung noo ko dahil may nakasulat sa bola.

"Shoot me"

What the?!

Napatingin naman ako sa basketball ring, umiilaw tapos may arrow pang nakaturo sa net.

Anong meron!?

*bzzzzt...bzzzzt*

From: Clyde Impakto :)

Wag basag trip. Shoot mo na kasi!

Aba't talagang inutusan pa ako?!

Inikot ko yung tingin ko sa gym pero wala naman sya! Nakakaloka ah!

Napatingin ulit ako sa bola. Tsk bahala na nga!

Shinoot ko!

And boom! Pumasok! hahahaha ang galing ko!

Nagulat ako nung may malaglag na box galing sa taas?! What the hell?!

Buti na lang nasalo ko.

"Open it when you got home"

Ano daw?!

Para sa akin ba to? Baka mamaya para sa iba pala yung surprise tapos ginalaw ko na!

*bzzzzt...bzzzzt*

From: Clyde Impakto :)

Sayo yan baliw! Seryoso ako mamaya mo na buksan yan pag-uwi mo!

From: Clyde Impakto :)

Pag binuksan mo yan agad lagot ka sa akin.

Ok wow! Medyo natakot ako dun ah! Ano bang laman ng box na to?!bakit kailangan pag uwi ko pa bubuksan?!

Tinitigan ko yung box, plain white lang sya tapos nakatape pa! Ayaw talagang ipabukas!

Lumabas na ako sa gym dahil feeling ko tapos na akong pag-tripan nung impakto.

*ding!ding!ding!ding*

Napahinto ako ng lakad, tumunog kasi yung speaker na nag-aannounce sa buong school. Mamaya may announcement tungkol sa prof naming absent ng absent.

"Calling Ms. Arielle Marie Guevarra, please proceed to the Dean's office. Now"

"Calling Ms. Arielle Marie Guevarra, please proceed to the Dean's office. Now"

"Calling Ms. Arielle Marie Guevarra, please proceed to the Dean's office. Now"

AKO YUN AH?!

NOW WHAT?!

Dali-dali akong pumunta sa dean's office. Walang poise akong tumatakbo sa hallway habang iniisip ko kung ano yung kasalanan ko!

Mygash! May nagawa ba akong mali? Nambully ba ako? Hala! Baka marami na akong late? Or worst baka may bagsak ako!

No!

Bakit kailangang i-announce pa sa buong school di ba?

Ng makarating ako sa harap ng dean's office, huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba! Mygulay!

"Come in"

0_______0

Ngayon lang ako haharap sa dean, feeling ko nakakatakot sya!

"Good afternoon, sir" kinakabahang bati ko.

"Have a seat, Ms. Guevarra" sabi nya.

Ang lalim ng boses nya! Nakakatakot!

Ang weird lang kasi nakatalikod sya sa akin, i mean yung swivel chair nya, kaya di ko sya makita.

"M-May problema po b-ba?" Natatakot na tanong ko.

"Actually meron" sagot nya.

Kinabahan ako lalo, feeling ko maiihi na ako any moment! Huhuhu

"Meron kang ninakaw at ang punishment para dun ay expulsion" sabi nya.

0___________0

Ako may ninakaw?! What the eff?!

"Wala po akong ninakaw!" Reklamo ko.

Anong nanakawin ko?!

"Are you sure, Ms.Guevarra? May nagreklamo kasi na may ninakaw ka daw sa kanya" sabi nya.

"What?! Sino po? Wala akong ninanakaw!" Naiiyak na sabi ko.

"Mr. Alexandrei, paki-sabi nga kay Ms. Guevarra kung ano yung ninanakaw nya" utos nung dean.

Silence~~~~

"She stole my heart"

0__________0

*dug.dug.dug.dug.dug.dug*

"I don't have any plans of getting it anyways, so it's hers"

Para akong nagyelo sa kinauupuan ko.

Dahan dahan akong lumingon sa nagsalita.

Nakita ko si Drei palabas na ng pinto tapos nagsalute pa sa akin bago tuluyang lumabas.

What's happening?!

"Pfffft...HAHAHAHAHAHAHA"

Napaharap ako.

At nyemas naman!

Ang sarap pumatay ng tao ngayon!

Kung sino yung Dean?

"Hahaha galing mo talaga gabby!" Sabi ni Thor

"Ang corny ng tropa natin" sabi ni Ken.

"Ganon daw talaga pa pag in love eh" sabi ni gabby.

Si Gabby lang naman yung nagpanggap na dean!


"Hi Arielle" bati nilang tatlo sa akin na parang walang nangyari.

Lumapit ako kay gabby at binigyan sya ng malutong na kotong,

"Aray!" Reklamo nya.

"That's for making fun of me" inis na sabi ko.

"Kulang pa yan, anong trip to ha?" Tanong ko,

"Sorry na Arielle" sabi nilang tatlo.

"Napagutusan lang kami" sabi ni Thor.

"Bakit may pa-announce ek ek pa?!" Reklamo ko.

"Connections" sagot ni Gabby.

Napa-facepalm na lang ako eh!

Anak pala sya ng dean! Kaya madali lang sa kanya na gawin tong trip na to.

Ako pa talaga napagtripan!

"Tsk! Alis na nga ako, nasayang oras ko sa inyo" inis na sabi ko.

Kinuha ko yung box na galing kay Clyde tapos umalis na.

Pag bukas ko ng pinto may box ulit sa doorstep.

Srsly?

"Don't open it, til you got home"

Anong meron sa mga kahon ah?! Nakatatlo na ako ngayon! Kakaloka!

Pinulot ko yung kahon tapos naglakad na ako papuntang garden, naramdaman ko namang nakasunod sila thor sa akin.

Di ko talaga maintindihan kung bakit naging kaibigan ni Drei tong tatlo? Ang kukulit nila tapos si drei tahimik.

"Wag mo yang bubuksan agad ah" paalala ni Ken.

"Lagot kami kay Drei pag binuksan mo yan" sabi ni Gabby.

"Parang gusto ko na tuloy buksan agad" sabi ko,

"Wag naman" sabi ni thor.

"Paano ba yan? May practice pa kami sa varsity, una na kami" paalam ni Thor.

Mga varsity pala sila ah! Wow!

Bumalik ako sa garden at naabutan ko yung tatlong nakaupo habang naglalaro ng UNO cards.

"Buti naman nakabalik ka na" sabi ni Nadia.

"Ang tagal naming naghintay" sabi ni Kat,

"Napasa na pala namin yung paperworks, so tara na?" Aya ni Ellena.

Nagtataka ako kung bakit hindi man lang sila nagreact sa box na hawak ko, feeling ko tuloy may alam sila.

Sumakay na kami sa sasakyan.

"Ay taray, may pa-box sila Drei at Clyde" sabi ni Nadia.

"May alam ba kayo dyan?" Tanong ko,

"Wala" sagot ni Ellena.

"Wala kaming alam dyan ah" dagdag ni Kat.

Bakit ang defensive nila?

5 na ng hapon kami nakarating sa bahay dahil nagyaya pang magdrive-thru yung tatlo.

Bumili kami ng fries tapos burgers, parang walang kabusugan eh.

I checked my phone, may text pala si Drei.

From: Drei :)

Drive safely, my princess. Don't open the box til you got home.

Muntik ko ng malimutan yung box! Bumaba pa ulit ako para lang balikan yun sa kotse tapos nagmadali akong umakyat sa room.

Walang bihis bihis ng uniform agad kong binuksan yung box.

Yung kay Drei muna binuksan ko. Mahirap kasi yung kay Clyde dahil puro tape.

-_____-

Sing your heart out with me?

Friday, 6 pm at MOA concert grounds


0________0


Omg!

Concert ticket yung laman nung box, music festival sa MoA! My gahd!


Ang bilis ng tibok ng puso ko.


"Patingin nga" sabi ni Kat.

Kinuha nya yung letter pati yung ticket.

"Buksan mo na yung kay Clyde" utos ni Nadia.

Binuksan ko na yung kay Clyde, kahit medyo natagalan.

What can you say about dinner and stargazing at tagaytay peak?

Pick you up on Friday, 6 pm :)





0___________0

What the hell?!

Kinuha ni Kat yung box na bigay ni Clyde na may laman pang star na stuff toy.

Binasa nila yung letter.

"Sht" bulong nila ni Nadia.

"Ah Arielle may laman pang letter yung box ni Clyde" sabi ni Ellena.

Inabot nya yun kasabay nung letter ni Clyde at Drei.


Matagal kong tinitigan yung letter nila tsaka ko lang narealize na same date, same time but different place.

"Bakit sabay?" Mahinang tanong ko.

Naguguluhan ako! Pareho kong gustong puntahan yung sinasabi nila. Concert sa MoA tapos dinner sa tagaytay plus stargazing?

Parehong gusto ko yun!

Tsaka ko lang naalala na may isa pa palang letter galing kay Clyde.

It's time to decide which one of us. Drei and i had an agreement about this. Kailangan mo ng mamili, we agreed na kung sino yung sisiputin mo sya na yung panalo. The loser will have to back off. You have until friday to decide. All we have to do is to wait for your decision.

Napagusapan nila to?

Do i really need to decide which one of them?!

Nanghihina akong naupo sa higaan ko.

"Kainis na Clyde yan! Sabi ko papiliin ka pero hindi sa ganitong paraan" sabi ni Kat,

"May alam kayo?" Tanong ko.

Tumango sila.

"Para din kasi to sayo Arielle at syempre para din sa hindi mo mapipili" sabi ni Ellena.

Napatingin ako sa kanya.

"More time to move on ba" sabat ni Nadia.

"Ayokong may masaktan" naiiyak na sabi ko.

Tsk I'm such a crybaby! Nakakainis!

"Patagalin mo man o hindi may masasaktan talaga" sabi ni Kat.

Kahit anong iwas ko ganon pa rin.

May Masasaktan pa rin.

Natahimik kami.

Same date, same time, different place and different guys.


Pareho silang malapit sa akin. Parehong mahalaga.


Hindi ko na talaga alam!

"Labas muna kami ah" sabi nung tatlo.

Naiwan akong mag-isa dito sa room ko,

Naalala ko yung mga efforts nilang dalawa sa akin. Kung gaano sila ka-sweet in their own ways.

Apat na taon sa highschool, si Clyde lang ang gusto ko. Hanggang sa magsimula yung college days naguguluhan pa rin ako sa nararadaman ko.

Si Drei napansin ko sya nung enrollment and the rest was history.

Kung tutuusin mas matagal si Clyde, mas kilala ko sya, mas close kami, mas marami kaming pinagsamahan. Pero nagbago yung nararamdaman ko, unti unting nawala.

Si Drei, by just hearing his name makes my heart beat so fast, his presence is enough to turn my world upside down, I've never felt like this before.

Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Hahahaha charot ang lalim! Pero seryoso, hindi ko ine-expect to! Bago lang kasi lahat ng to sa akin, kaya hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.

But one thing is for sure.

Isa lang yung may-ari ng puso ko. And i think in no time makakapili na rin ako.


To be honest nahihirapan talaga akong pumili.

Kayo na lang kaya sa pwesto ko?

Hindi ko alam kung paano?

Hindi ko alam yung gagawin ko?

Hindi ko alam kung sino yung pipiliin ko?

But i think until Friday is enough.

*end of chap*


An*

So many things that you wish i knew but the story of us might be ending soon

Comment and vote guys

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top