Agreement
*Clyde's PoV*
Martyr.
Masokista.
Bulag.
Tanga.
Hindi ako ganito dati.
Ngayon lang.
Umpisa pa lang alam ko na kung saan ako babagsak.
Nung nasa rest house kami sa batangas, alam ko na eh.
Alam ko ng talo ako. Alam ko ng sya talaga ang gusto nya.
Pero nilaban ko pa rin yung nararamdaman ko.
I like her--no--scratch that! I love her.
I love her to the point that i can let her go, but the thing is...i can't.
Sabi ng isip ko...wala na, talo ka na, suko na. Let her go.
But my heart says the other way.
Laban. Get her. Don't let go.
Naguguluhan ako!
All i know is that I love her, I'm willing to fight for her.
But how can i fight?
Kung hindi pa nagsisimula yung laban, talo na ako.
She's too transparent, sobrang daling mabasa pero sya mismo hindi nya mabasa yung sarili nya.
She's confused.
But her eyes shows it all.
By just looking at her eyes, malalaman mo kung sino talaga.
Argh! Hindi ako ganito dati! Nakakainis!
Dati pag naghiwalay na kami ng girlfriend ko, fine edi hiwalay. Pero ngayon! Hindi ko pa girlfriend si Arielle, but the thought of letting her go kills me!
Napasubsob ako sa table dito sa library dahil sa frustration.
Tapos na yung finals week, in fact last day na ngayon tapos next week submission na lang ng final requirements.
Wala na dapat akong pinoproblema.
But here i am! Namomoblema!
"Clyde!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sila Kat pala.
"Mag-isa ka yata?" Tanong ni Ellena.
"Yeah" tipid kong sagot.
"May problema?" Tanong ni Nadia.
Meron, a big problem.
"Wala naman, napuyat lang ako" pagsisinungaling ko.
"Talaga ba?" Tanong ni Kat.
Tumango ako tapos sumubsob ulit sa table.
I have to let go but i don't know how.
Kailangan ko ng sumuko pero she's worth the fight.
At kahit kelan hindi sumusuko si Clyde Alonzo!
"I think it's time" sabi ni Ellena.
Nakikinig lang ako.
"Para ano?" Tanong ni Nadia.
"Para mamili si Arielle" sagot ni Ellena.
Napatingin ako sa kanila.
Nakangisi sila sa akin.
"What?" Tanong ko.
"Here's the deal" umpisa ni Kat.
"Hirap mamili si Arielle, in fact ayaw nya pa yatang mamili. So we need your help" dagdag nya.
Naguguluhan akong tumingin sa kanila.
"What kind of help?" Tanong ko.
"Papiliin nyo si Arielle, kung sino talaga sa inyong dalawa" simpleng sagot ni Nadia.
"Bakit pa? Si Drei naman talaga yung gusto nya" sagot ko.
Natahimik sila tapos nagtinginan pa.
"Sure ka ba?" Tanong ni Ellena.
Napatingin ako sa kanya.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko pabalik.
She just shrug.
"Nahihirapan din si Arielle, obviously ayaw nyang may masaktan so she can't pick. All we ask is that we need you to make her pick between the two of you" sabi ni Ellena.
"Ikaw ng bahala kung sa paanong paraan, basta ang mahalaga makapili na sya" sabi ni Nadia.
"Bakit ako?" Tanong ko.
"Bakit hindi ikaw?" Tanong ni Kat sa akin.
Naguguluhan ako lalo dahil sa tatlong to!
"Para din naman to sa inyong tatlo" sabi ni Ellena.
"Alam naman nating hindi talaga maiiwasan yung walang masasaktan, so why prolong the agony? Kung pwede namang tapusin agad" dagdag nya.
"May masasaktan, mahihirapan si Arielle. Pareho din naman yun eh, patagalin nyo man o hindi. Hindi na talaga maiiwasan yun" sabat ni Nadia.
Tinapik ako ni Kat sa braso.
"Think about it" sabi nya.
"Alis na kami" sabi ni Ellena.
"Bye Clyde" paalam ni Nadia.
Ako? naiwang tulala.
Make her pick between the two of us? But how?
May point silang tatlo eh, bakit nga ba papatagalin pa?
May masasaktan, mahihirapan si Arielle.
Mahihirapan si Arielle.
I know she cares, she doesn't want to hurt anyone.
Pero kahit anong iwas may masasaktan pa rin.
Masasaktan pa rin ako.
Napangiti ako ng mapait sa naiisip ko.
Tumayo ako at lumabas sa library.
Siguro naman kanina pa naihatid ni Drei si Arielle sa bahay nila.
Pumunta ako sa parking lot.
I think it's time, masaktan na kung may masasaktan.
I just have to man up and face the blow.
I composed a text message.
To: Drei Castillo
Can we talk?
Yup, i have his number, kung bakit?
Kasama ko sya sa basketball varsity. He's the Captain.
*bzzzt...bzzzt*
From: Drei Castillo
Sure. Mountain Ville park.
Nagdrive na ako papunta sa village nila.
Nakita ko naman syang nakasandal sa mustang nya. Binaba ko yung bintana para makita nya ako.
Sumakay sya bigla sa loob ng sasakyan nya, aba't loko yun ah!
He signaled me to follow him.
Sumunod ako then we stopped sa harap ng isang bahay.
Bahay nya siguro.
Nagpark lang ako sa may gilid.
Bumaba sya, ganon din ako.
Pumasok sya sa loob.
"Come in" tipid nyang sabi.
So pumasok ako.
Hindi pa man nya ako pinapaupo, umupo na ako.
Umupo din sya sa couch na katapat ko.
Tahimik lang syang nakaupo.
"Speak" sabi nya.
Napa-tiim bagang ako. Sumandal ako sa couch.
"Let's make her pick" sabi ko.
Kaninang kalmadong aura nya biglang nagbago at naging seryoso.
"Same date, same time but different place" sabi ko.
Napaisip sya.
"Why so sudden?" Tanong nya.
"Why not?" Tanong ko pabalik.
Talo din naman ako.
Natahimik kami.
"Your reason is?" Tanong nya.
Nakakainis bakit kailangan nyang malaman yung rason?!
"I think it's time" sagot ko.
"Don't get me wrong, hindi ako nagmamadali" dagdag ko.
Natahimik ulit kami.
Srsly? Paano nagustuhan ni Arielle to? Ang tahimik!
"If you're doing this dahil gusto mo ng sumuko. Don't" sabi nya.
Kumunot yung noo ko sa sinabi nya. Pabor na nga sa kanya eh, mas maaga nyang makakasama si Arielle eh. Tsk!
"What are you trying to say?" Tanong ko.
"Obvious sayo na gusto mo ng sumuko" sabi nya.
Napa-tiim bagang ako.
"Ganon ba sya kadaling sukuan?" Tanong nya.
Fck! That's it!
"HINDI! MUKHA BANG MADALI?!" sigaw na tanong ko.
"HINDI SYA YUNG TIPO NG BABAE NA BASTA BASTA NA LANG SUSUKUAN! SHE'S WORTH THE FIGHT, SO IF YOU'RE THINKING NA MADALI SA AKIN TO? YOU'RE HELL WRONG! HINDI SANA AKO UMABOT HANGGANG DITO KUNG MADALI LANG SYANG SUKUAN!"
"Pero hindi eh" halos pabulong na sabi ko.
"I'm glad you knew" medyo natatawang sabi nya.
"Kanina pa kita gustong sapakin sa totoo lang" inis na sabi ko.
He's right, pasuko na ako eh. Ewan ko ba sa baliw na to parang ine-encourage pa akong lumaban -_________-
"Try to imagine, you won in war dahil sumuko yung kalaban? Kahit nanalo ka, masaya ba?" Tanong nya.
Naguguluhan ko syang tinignan.
"Don't jump into conclusions" sabi nya.
"Get straight to the point" inis na sabi ko.
"Put up a good fight, fight until the end" sabi nya.
Natahimik ako.
"Same date, same time but different place? Sige let's make her pick. Kung sino man sa ating dalawa yung pipiliin nya, that's it" sabi nya.
"Fine, that's the end point. Kung sino yung hindi nya siputin talo na, one must back off" sabi ko.
Tumango sya.
Napagusapan naming sa last day ng school gawin. Sabay naming aayain si Arielle para sa date.
"Same date, same time but different place" sabi ko.
"Kung sino yung hindi nya siputin talo na" dagdag nya.
We shook hands.
Manalo na yung mananalo.
Matalo na yung matatalo.
Lalaban ako.
I'll take the risk.
It's now or never.
*end of chap*
An*
And now the end is near~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top