24°

Dear Bias,

Susuko na ba? O lalaban pa?

Yan ang mga katagang umiikot sa aking isipan.

Susuko na dahil tangggap ko na ganito nalang talaga, na wala na akong pag-asa na masilayan ka?

O lalaban pa dahil alam kong mayroon pang kahit katiting na pag-asa?

Gusto kong mag-isip ng positibo pero ang lahat ng sinasabi sa paligid ko ay negatibo.

Dapat ba akong magpa-apekto?

Madaming nagsasabi sakin na sumuko na ako dahil wala naman daw akong mapapala sayo.

Meron ding nagsasabi na lumaban pa ako dahil alam nila na ikaw ang kasiyahan ko.

Hindi ko alam kung ano ang tamang nararamdaman ko, kung ano ang desisyon ko.

Masaya dahil kada araw na nakikita kita ay napapangiti ako?

Malungkot dahil darating ang araw na kailangan na kitang pakawalan?

Sana bigyan mo ako ng signahe na pwede na.

Na pwede nang maging masaya ng hindi ikaw ang dahilan.

Na pwede na kitang bitawan dahil sa iba ka na masaya.

Signahe na pwede na kitang pakawalan na hindi labag sa aking kalooban.

Gabayan mo sana ako sa gagawin kong mga desisyon para sa dulo ay hindi ko pagsisisihan...

Dahil kapag ako ay nagsisi ako din ang talo...

-FAN-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top