Chapter two



ISANG linggo na ang nakakaraan simula ng eskandalong ginawa ni Red sa simbahan. Sermon ang naani niya mula sa kaibigang si Tesmarie. Kabaliwan daw ang ginawa niya. Siya pa man din ang organizer ng kasal nito. Bumukas ang pinto ng maliit na silid na siyang ginagawang opisina nila ni Tesmarie. Pumasok doon ang sekretarya niyang si Kathleen na parang natataranta.

"Ano'ng problema, Kathleen?" untag niya.

"May mga pulis na naghahanap sa 'yo, Ms. Red."

"What?!" Nagkatingin sila ni Tesmarie na nakaupo sa sariling desk nito. Tumayo siya at nagpasyang labasin ang mga pulis. May dalawang pulis nga ang naroroon. Nakasunod naman sa kanya si Tesmarie at Kathleen.

"Ano'ng kailangan niyo sa 'kin?"

"Ms. Redora Montero?" napairap siya sa hangin nang marinig ang kanyang buong pangalan. Kapag ganitong formal issue ay talagang nahahalungkat sa baol ang pangalan niya.

"Red na lang. Ano ho ang kailangan niyo sa 'kin?"

"May complaint laban sa 'yo.."

"Ano? Complaint against me? For what case?"

"Libel!" Isang lalaki ang sumagot na kakapasok pa lang. Si Rostov iyon. Isang hapit na maong pantalon ang suot nito at puting t-shirt at may dalawang folder na hawak. Inalis nito ang sunglasses na suot.

"I filed a case against you for ruining my wedding. Hindi lang kasal ko ang sinira mo. Ang pangalan ko, at ang relasyon namin ni Ayanna at ang kinabukasan ko." Umalon ng todo ang dibdib ni Red sa marahas na paghigit at pagpapakawala ng malalim na hininga.

"You just got what you deserve!" Matigas niyang sabi.

"How could I deserve it? Wala akong atraso sa 'yo, miss." Mapang-uyam siyang ngumisi. Napipikon na talaga siya sa lalaking 'to.

"I think you are mistaken. Sa huling pag-uusap natin sinabi mo ang pangalan ni Rogue." Humakbang ito palapit sa kanya.

"I'm not Rogue. My name is Rostov Esquivel. You were thinking that I was my twin." Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Twin?" Napailing siya.

"Tigilan mo ako, Rogue o Rostov! Umalis ka na rito. Wala akong pakialam kong ano ang totoo mong pangalan o kung triplet pa kayo!"

"Okay. 'Will see in the court then. I will make sure your business permit will be dissolved and your business will close down. Malaking halaga rin ang babayaran mo para sa danyos. Isang milyon ang gastos sa kasal na sinira mo lang and another one million para sa kahihiyang idinulot ng ginawa mo."

"Sandali. Puwede bang pag-usapan natin 'to?" sabat ni Tesmarie.

"Please..."

"Rostov.." dugtong nito sa biniting pangungusap ni Tesmarie. Binalingan nito ang mga pulis.

"I will contact you, sir, once we settled this. Pasensiya na mga sir sa abala."

"Walang anuman Mr. Esquivel, tungkulin po namin 'yon."

Muli siyang hinarap ni Rostov. Pinakatitigan siya nito bago nilagpasan. Tumuloy ito sa silid kung saan ang opisina nila. Umalis ang mga pulis.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo, Red, eh. Malaking gulo ang ginawa mo."

"Naniniwala la talagang may kakambal ang walang hiyang 'yon?" sabi niya kay Tesmarie saka pumasok ng opisina. Prenteng nakaupo ang lalaki at sa swivel pa talaga niya umupo ang hudyo.

"Have a seat, Ms. Montero," minuwestra nito ang visitor's chair. Napaawang na lang ang labi niya sa asta nito na animo'y siya ang may-ari ng opisina. Padabog siyang umupo.

"Rogue— Rostov, baka puwede natin 'tong pag-usapan," pakiusap ni Tesmarie pagkatapos umupo sa tapat ni Red.

"Of course, Tesmarie, madali naman akong kausap as long as Red will cooperate."

"Manigas ka!"

"Red, ano ba? Kaya mo bang mag-close down ang negosyong pinaghirapan natin? Paano ang tatay mong nangangailang ng medical attention, ang dalawang kapatid mong nag-aaral at ang kotse mo na hinuhulugan mo?"

"Wala akong pakialam! Magkokontra demanda ako. Um.. rape.. tama. You raped a year ago." Tumaas ang sulok ng labi nito. Inilapag nito ang isang folder sa harap niya.

"Open it, para malaman mong hindi ako si Rogue." Kinuha ni Red ang folder at binuksan. Birth certificate iyon ni Rostov. Tiningnan din niya ang isang papel na nasa ilalim. Rogue Cole naman ang pangalan na nakalagay roon.

"Si Rogue Cole ang boyfriend mo na nang-iwan sa 'yo, ang kakambal kong lumaki sa Canada. Maybe you are wondering if why we had differrent surname. Kung makikita mo sa birth certificate namin magkaiba ang tatay namin. Our father died when were young, nangibang bansa sila ni mommy at nagkaroon ng bagong asawa roon. In-adopt si Rogue ng bagong asawa ng nanay namin kaya Cole ang surname niya. I hope I had given you enough answer that could enlighten you."

Natampal ni Tesmarie ang sariling noo. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Padalos-dalos ka kasi!" Napapalatak na sabi ni Tesmarie. Sinarado niya ang folder at inilapag sa harap ni Rostov.

"Umalis ka na!" Nag-isang linya ang makapal na kilay nito.

"Hindi ako makikipagkasundo sa 'yo! Kamukhang-kamukha mo ang kapatid mo, baka sa tindi ng galit ko sa kambal mo ay ikaw ang mapagbuntunan ko ng galit!" Hindi niya alam pero hindi talaga siya tinamaan ng guilt sa ginawa niya. Siguro dahil kamukhang-kamukha ito ni Rogue na matindi ang galit niya.

"Napagbuntunan mo na ako ng galit mo! Sinira mo na ang magiging kinabukasan at dapat mong pagbayaran 'yon!"

"Hindi!" Nagsukatan ng titig ang dalawa. Naputol ang sukatan ng titig ng dalawa ng mag-ring ang cellphone ni Red na nasa ibabaw ng desk sa tapat mismo ni Rostov. Kinuha iyon ni Rostov at iniabot sa kanya. Ang kapatid niyang si Veronica ang tumatawag.

"Hello, Nica."

"Hello, ate. Ate kasi po si tatay paubos na ang gamot saka kailangan na po naming magbayad sa school ni Kuya Jet, malapit na ang exam namin." Napasentido si Red. Ngayon lang nag-sink-in sa kanya ang mga posibleng mangyari at ang mga maapektuhan sa oras na magsara ang negosyo nila. Dalawa ang pinapaaral niya sa kolehiyo. Si Jet ay third year college sa kursong BS Nursing at si Veronica naman ay first year college sa kursong tourism. Sa probinsiya ang mga ito nag-aaral. Ang tatay naman niya ay diabetic at kailangan ng maintenance na gamutan.

"Sige, Nica, ipapadala ko ang pera mamaya. Pakikumusta na lang ako kila, nanay." Muli niyang binalingan si Rostov na matamang nakatitig sa kanya habang marahang hinahaplos ang baba ng daliri.

"So, ready to close down your business?"

"What do you want me to do for you to withdraw your complaint against me?" ngumisi ito at inilapag naman ang isang folder sa harap niya saka tumayo.

"Sign the contract of agreenment. Pack your things and I'll pick you up tomorrow morning. At exactly 6:00 AM. Make sure na ready ka na pagdating ko sa apartment mo. And yes, I already knew where you live." Pagkasabi n'on ay umalis na ito. Naiwan sila ni Tesmarie na nakatunganga dahil sa hindi niya gets ang mga pinagsasabi nito.

"Patingin nga." Inagaw ni Tesmarie ang folder sa kamay niya saka binuklat at pinasadahan ng mata.

"Oh. My. God!" Nanglalaki ang matang sabi nito. Inagaw niya ang folder dito at tiningan. Her jaw dropped open as she read the content of contract of agreement.

I, Redora Montero, agree to enter into this contract with Rostov Esquivel. This agreement is based on the following provisions:

1. Ms. Montero will have to pretend as Ayanna Velasquez and a wife of Mr. Esquivel especially in front of his grandmother.

2. Ms. Montero must do everything that should be done by a loving wife for her husband — kissing and cuddling are included.

3. Ms. Montero can't say "no" since Mr. Esquivel doesn't take "no" for an answer.

This contract of agreement will be dissolved once Mr. Esquivel gets his inheritance from his grandmother.

"No way!" Mahina niyang bulalas habang nakatingin sa kontratang may notaryo. Nakasaad din sa kontrata na mawawala na ang kaso laban sa kanya sa oras na pumirma siya sa kontrata. 

"This is all your fault if why you are getting into this trouble. Ni hindi mo sinabi sa 'kin na may balak ka palang mag-eskandalo sa kasal."

"Eh malay ko naman na may kambal pala si Rogue. Hindi man lang niya sinasabi sa 'kin ang bagay na 'yon." Hindi pa rin niya nakikilala ang pamilya ni Rogue. Bago siya nito iniwan ay sinabi nitong sa pagbalik nito ng Pilipinas ay kasama na nito ang mga magulang at ipapakilala siya. Ang alam lang niya ay may kapatid ito at lola na nakatira sa probinsiya. Si Rostov siguro ang tinutukoy nito pero hindi man lang nito nasabi na kambal sila.


RED has the contract in her had as her gaze was raking upon on it. She let out a heavy sigh bago isinara ang folder. Sinulyapan niya ang bagahe niya na nasa gilid ng sofa. Hindi siya makapaniwala na mapapapayag siya sa kalokohan na ito. Pero may magagawa ba siya. Masisira ang lahat ng pinaghirapan nilang magkaibigan dahil sa kagagawan niya. Buti kung siya na lang pero ang daming madadamay.

May narinig siyang sasakyan mula sa labas at sunod niyang narinig ang busina niyon. Sumilip siya sa bintana. Mababa lang ang bakod ng apartment niya kaya kita niya kung sino man ang nasa labas. Nakita niyang umibis si Rostov ng sasakyan. Isang gray na cotton longsleeves shirt ang suot nito na inilislis hanggang siko. Kinuha niya ang sling bag niya at sinukbit sa balikat bago tumayo. Hinila niya ang luggage saka lumabas ng bahay. Nang mailock ang pinto ay tinungo niya ang gate na kipkip pa rin ang folder.

Nakangising kinuha ni Rostov ang bagahe niya pagkatapos niyang buksan ang gate.

"Wise decision," sabi nito. Inilagay nito ang bagahe niya sa back seat ng itim na BMW sport car nito. Umikot ito sa passenger's side at binuksan ang pinto doon.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya habang naglalakad sa kinaroroonan nito.

"Sakay na muna." Napilitan siyang sumakay. Nang maisara nito ang pinto ay agad rin itong lumulan at pinaandar ang sasakayan.

"Saan tayo pupunta?" untag niya.

"Sa Infanta, sa bahay ng lola ko."

"Would you mind explaining about this agreement? Naguguluhan ako eh."

"Magulo ba? Ang linaw naman ng nakalagay diyan. Ikaw si Ayanna Velasquez sa harap ng mga taong kakilala ko lalo na sa harap ni lola dahil si Ayanna ang alam niyang papakasalan ko at hindi si Redora Montero." Napangiwi siya nang pagdiinan nito ang pangalan niya.

"Kakausapin ko na lang si Ayanna at ipapaliwanag ko—"

"She's gone. Nasa London na siya ngayon at hindi ko na siya masusundan d'on."

"Kung mahal mo siya kahit saan pa siya pumunta susundan mo siya." Sinulyapan siya nito saglit at muli ring ibinalik ang mata sa daan.

"Wala akong pera na itututos para sa paghahanap sa kanya."

"Bakit ba kailangan ko pang magpanggap? At hindi ba kilala ng pamilya mo si Ayanna? Kalokohan naman 'yon!"

"'Wag ka ng maraming tanong. Wala sa kontrata na pupuwede kang magtanong. Matatapos din naman 'to once na makuha ko ang mana. Hindi ibibigay ni lola ang mana ko hanggat wala akong ipinapakilalang asawa sa kanya."

Napangisi siya. "So kaya agad mong niyayang magpakasal si Ayanna dahil lang sa mana?" Hindi ito umimik. Isang buntong hininga lang ang sagot nito. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Ayon kay Ayanna ay biglaan lang itong niyayang magpakasal ni Rostov. Marahil ay dahil lang sa mana.

"Here's the contract. May dinagdag pala ako diyan." Kunot-noo nitong inabot ang folder.

"Sino'ng nagsabing puwede mo 'tong dagdagan?" anito habang binubuklat ang folder.

"Ms. Montero must do everything that should be done by a loving wife for her husband — kissing and cuddling are included. But it should be done if only needed." Basa nito sa kontrata. Sulat kamay lang niya ang "But it should be done if only needed."

"Ms. Montero can't say "no" since Mr. Esquivel doesn't take "no" for an answer. But Ms. Montero can say "no" if he will ask her to have sex with him." Tumawa ito nang malakas saka isinara ang folder.

"Let see." Tinaasan niya ito ng kilay. Ngingisi-ngisi lang ito na ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Pagkaraan ng apat na oras ay narating nila ang bahay ng lola nito sa infanta. May lalaking nagbukas ng malaking gate. Ipinasok ni Rostov ang sasakyan. Natanaw agad niya ang malamansiyong bahay. Medyo malayo ang distansiya ng gate sa bahay. Puno ng iba't ibang uri ng halaman ang bakuran. Mahilig siguro sa halaman ang lola nito. Inihimpil ni Rostov ang sasakyan sa harap ng malaking bahay.

"Hold on." Natigil ang akma niyang pagtanggal sa pagkakabit ng seatbelt nang magsalita ito. Umibis ito ng sasakyan at umikot sa passenger's side. Binuksan nito ang pinto saka umuklo at ipinasok ang ulo sa loob. Napapailing na lang siya nang ito ang magtanggal ng seatbelt niya. Anong gustong patunayan nito?

Nang matanggal nito ang seatbelt ay pinakatitigan siya nito. Itinukod pa nito ang kamay sa sandalan ng upuan. Nahigit niya ang kanyang hininga nang hawakan nito ang kanyang baba. At sa isang kisap mata ay nasa batok na niya ang kamay nito at ang labi nito ay sakop na ngayon ang lbibig niyang tila naninigas dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Pinutol nito ang halik.

"I think you are safe with me. My  member  didn't  ache." Napaawang ang bibig niya sa kahalayan ng bunganga nito. Automatikong bumababa ang mata niya sa umbok nito sa pagitan ng hita. Ang laki ng umbok nito sa harap. Marahan itong tumawa.

"Malambot pa 'yan, masyado lang malaki ka kaya ganyan." Muli siyang nag-angat ng mukha. Amuse na amuse itong nakatingin sa kanya. Pinamulahan si Red ng mukha sa sobrang pagkapahiya.

"A kind of woman like you is not my type kaya 'wag kang mag-alala hinding-hindi kita pagnanasahan."

Lalong namula si Red hindi dahil sa pagkapahiya kundi sa iritasyon. Ang kapal naman ng mukha nito. Hindi ba siya kanasa-nasa para hindi siya matipuhan nito. Maybe she doesn't look like a fuckble kind of woman but she is actually have sex appeal. She believes that she is still seductive even with full clothes on. Am I? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.

Naputol ang pag-iisip niya nang hawakan nito ang kamay niya at hilain na siya pababa ng kotse. Inilagay nito ang kamay niya sa baywang nito at inakbayan siya. Tinangka niyang alisin ang kamay niya pero pinigilan nito. Hinawakan nito ang kamay niyang nakakawit sa baywang nito.

"We have to be sweet sa harap ni lola. Hindi ka na naman siguro lugi 'di ba? Ang suwerte mo nga at ikaw pa ang inalok ko ng ganito—"

"Kung bayagan kaya kita!"

"Whew! 'Wag naman! Hindi ka na mabiro oh." Kinabig pa siya nitong lalo palapit sa katawan nito. Kailangan na yata niyang pumunta ng Rome at pabendisyunan ang bibig niya sa Santo Papa. Madalas siyang napapamura lately dahil sa lalaking 'to. Kaso masyadong expensive ang mag-travel papuntang Rome. Magmumubog na lang siya ng agua bendita para mahugasan ang madumi niya bibig.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top