Chapter Three
"SENORITO ROSTOV!" Magiliw na salubong ng isang may edad na babae- over fifty, hinuha niya. Bumitaw sakanya si Rostov at malapad na ibinuka ang mga braso para salubingin ng yakap ang matanda. Napatili ang matanda nang buhatin ito ni Rostov. Napangiti siya sa ginawa nito. Tingin niya ay kawaksi ito sa bahay na ito ayon na rin sa suot nitong uniporme na kulay itim na pantalon at puting blusa pero very affectionate ang lalaki rito.
"Ilang buwan na tayong hindi nagkikita pero hindi ka pa rin lumalaki, Nana Julieta," biro ni Rostov pagkatapos maibaba ang matanda. Maliit na babae kasi ito at payat ang katawan.
"Sino naman ang kasama mo? Nasaan ang asawa mo hindi mo kasama?" tanong ng babae habang nakatingin kay Red.
"Rostov, apo." Isang babaeng may katabaan ang papalapit sa kinaroroonan nila. Larawan ng isang may marangyang pamumuhay ang matandang babae. Isang printed maroon dress ang suot nito. May mahabang kuwentas na perlas sa leeg.
"Lola!" Masayang sinalubong ng yakap ni Rostov ang matanda.
"Na-miss kita. May ipapakilala ako sa 'yo." Bumitaw mula sa pagkakayakap si Rostov. Binalingan siya ng binata at nilapitan. Inakbayan siya nito at giniya palapit sa matanda.
"Lola, meet my wife, Ayanna, Ayanna this Lola Conching," pakilala ni Rostov.
Nangunot ang noo ng matanda na ikinalunok niya. Pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo. Bigla siyang nailang. Mukhang hindi siya gusto ng matanda. Ang sosyal nito at paniguradong hindi papasa ang fashion style rito. Hindi nga matatawag na fashion ang kasuotan niya. Isang jeans at simpleng puting t-blouse lang ang suot niya. Pinaresan niya ng puting sneakers na naluma na dahil sa paborito niya itong isuot. Oh well, she has a prada bag. Bumawi naman siya doon kahit paano. Hindi naman siguro nito malalaman na preloved lang iyon at nabili niya lang sa murang halaga.
"Ikaw si Ayanna?" tanong nito na hindi pa rin mawala ang pagkakakunot ng noo.
Pinilit niyang ngumiti. "Um.. Red, po." Pinisil ni Rostov ang balikat niya.
"Red na lang po ang itawag niyo sa 'kin. 'Yon po kasi ang tawag sa 'kin. Mahilig po kasi ako sa pula." Halata bang mahilig siya sa pula? Eh halos puti ang suot niya.
"Halata nga, hija, na mahilig ka sa pula," ani matanda at tumawa nang malakas pero ubod ng sosyal pa rin.
"Welcome to the family, Red." Mahigpit siyang niyakap ng matanda.
"I'm so glad that I've finally met you. I really like you, I really do." Wow! Hindi niya inaasahan ang ganitong pagtanggap sa kanya. Ramdam niyang genuine iyon. Akala niya talaga ay hindi siya magugustuhan.
"Salamat po!" Sinapo nito ang kanyang mukha pagkatapos siyang yakapin.
"Napakaganda mo. Ang galing-galing talagang pumili ng apo ko." Naku! Kung makikita mo lang po sana ang totoong Ayanna, 'di hamak na mas maganda 'yon. Sa isip niya.
"Dapat dalian niyo ang pagbibigay ng apo sa 'kin ah." Nanglaki ang mata ni Red at automatiko siyang napatingin kay Rostov na ngingisi-ngisi lang. Inakbayan ni Rostov si Lola Conching.
"We will, lola." Nakangiting sabi ni Rostov. Hindi niya maiwasang maawa sa matanda. Mukhang napakabait nito at mukhang sabik na magkaroon ng apo sa tuhod tapos niloloko lang nila.
"Julieta, ipatawag mo si Ambo. Magpapa-party tayo. Welcome party para kay Red. Pero teka lang..." muli silang binalingan ng matanda.
"Hindi niyo ako inimbitahan sa kasal mo. At talagang nagtatampo ako." Kastigo nang matanda.
"Bakit hindi natin ulitin ang kasal. A garden wedding. What do you think, Red?"
"Ho!" Inakbayan siya ni Rostov.
"Sige po, lola, but not now. Saka na lang po natin uulitin ang kasal."
"Pero, Donya, 'di ba po si Ayanna-"
"Julieta, mabuti pa ipakuha mo na ang gamit nila at ipaakyat mo na sa silid." Putol ni Donya Conching kay Nana Julieta. Tumalima naman ang babae.
"Mabuti pa pumanhik na muna kayo at magbihis. Maya-maya lang ay ipapahanda ko na ang pananghalian."
"Halika na, baby," napangiwi siya sa endearment ni Rostov pero pilit ding ngumiti dahil nakatingin sa kanya si Donya Conching.
Umakyat nga si Rostov at Red sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang silid ni Rostov.
"Wow! Nice room ah," napapangiti niyang puri habang nakatingin sa kama. May malaking baymax sa kama at ang may dalawang baymax pillow na nakapatong sa dalawang malaking unan na may plain white pillow case.
"Si lola talaga oh! Tsk. Ginagawa akong bata. Sandali lang ipapatanggal ko lang ang mga 'yan."
"Wait. 'Wag na. Ang ganda nga eh." Pigil niya rito. Nakakunot-noo siya nitong tiningnan.
"You like?" untag nito at tumango siya.
"Okay." Malapad siyang napangiti.
"Thank you." Inilapag niya ang bag sa kama at nag-dive siya sa kama sa ibabaw ng malaking baymax. Ang lambot niyon at ang sarap yakapin. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa bahagi kung saan naroroon si Rostov. Nakahalukip ito habang nakatingin sa kanya at may munting ngiti sa labi. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama.
"Um. Nga pala.. bakit pala yung marriage contract pangalan ko ang nando'n? 'Di ba dapat si Ayanna since magpapanggap naman akong Ayanna?"
"Mabuti na 'yon, para kung sakaling malaman nilang hindi ikaw si Ayanna may marriage contract pa rin tayong ipapakita. Ako na bahala sa bagay na 'yon. Ang kailangan mo lang gawin ay maging mabuting asawa sa 'kin."
"Mukhang ang bait ng lola mo? Hindi ka ba naggi-guilt na niloloko mo siya?"
"Na hindi ko naman sana gagawin kung hindi mo sinira ang kasal namin ni Ayanna."
"Okay fine! Kasalanan ko na! At pagbabayaran ko na nga 'di ba kaya ako nandito?" noon naman may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Rostov. Si Nana Julieta iyon at isa pang mas batang babae bitbit ang kanyang luggage.
"Maya maya ay bumababa na kayo para sa pananghalian," ani Nana Julieta.
"Sige po, Nana Julieta." Muling ipininid ni Rostov ang silid pagkatapos kunin ang mga gamit at ilapag sa gilid.
Nagtanggal ito ng sapatos kasama ang medyas na isinuksok lang sa sapatos saka patapon na inilagay sa gilid sa may bandang couch. Hinubad rin nito ang suot na longsleeve. Tumambad sa kanya ang malaking tattoo sa dibdib nito. A cross with wings. Sinakop niyon ang malapad na dibdib ng lalaki. Hindi niya tipo ang lalaking may mga ganitong tattoo but this time, it looks cool for her. The tattoo suited to his personality. Maangas. Ibang-ibang talaga ito kay Rogue. Mukha lang ang pagkakatulad ng dalawa at maliban doon ay magkaibang magkaiba na. Pati ang katawan nito ay talagang napakakisig kumpara kay Rogue. Rogue has nice body but this man has magnificent form.
Biglang umuklo si Rostov. Putting his hands on either side of her. Staring at her knowingly with a seductive smirk on his face that made her feel uncomfortable.
"Do you regret in adding rules for the contract? It looks like you are feasting on me judging by the way you look at me. Mukhang ikaw ang magbe-break ng rules."
"Ano bang pinagsasabi mo? I was just staring your tattoo." Tinulak niya ito at tumayo siya.
"Like my tattoo? Turn on ba sa 'yo kapag may tattoo?"
"No! Turn off." Mabilis niyang sagot. "Matagal ka na bang may Tattoo?" kapagkuwa'y tanong niya.
"Um.. yeah.. more than two years." May hinugot ito mula sa bulsa- isang asul na cajeta. Binuksan nito iyon at may dalawang pares ng wedding ring. Kinuha nito ang isa at isinuot. Hukmakbang ito palapit sa kanya at walang babalang kinuha ang kamay niya at isinuot ang isang singsing sa kanyang palasingsingan.
"This is our wedding ring," anito habang nakatingin sa kamay niyang hawak pa rin nito. Akalain mong siya ang magsusuot ng singsing na para kay Ayanna. Nahawakan niya na ang singsing na ito nang inaasikaso niya ang kasal ng dalawa na sinira lang niya.
"NA-MISS ko talaga ang luto mo, Nana Julieta. Puro fastfood ang kinakain ko sa Maynila eh." Sabi ni Rostov na maganang kumakain. Magkatabing nakaupo si Rostov at Red. Si DoÔa Conching naman ay nasa dulo ng mesa.
"Eh kasi mas ginugusto mong tumira doon kaysa rito," sabi ni Donya Conching.
"I can't feed myself decently since I don't hold any access with regards to my bank account and you were the only one controlling it," sagot nito.
"Wala ka kasing ginawa kundi ang magbulakbol. At sana na naman ngayong may asawa ka na ay tumino ka na. 'Wag mong pasasamain ang loob ni Red."
"I won't do that, Lola. At ikaw na po ang nagsabi. May asawa na ako, so dapat sigurong 'wag mo ng i-hold ang account ko. Paano ko bubuhayin ang asawa ko nito?"
"Okay." Malapad na napangiti si Rostov.
"At lahat ng ari-arian ko ay ililipat ko na sa pangalan mo.." anunsiyo ng matanda.
"Talaga lola?"
"Yeah. Once na mabigyan mo na ako ng apo, sa 'yong sa 'yo na ang lahat." Nagkatinginan si Red at Rostov. Pinandilatan ni Red si Rostov. May minsahing kalakip ang titig niya sa lalaki.
"Lola naman. Gusto muna naming i-enjoy ni Red na kaming dalawa lang muna."
"Then saka ko na ipapangalan sa 'yo ang lahat ng ari-arian ko. Mahirap na Rostov. Alam kung wala kang interes sa negosyo natin at mas gusto mong mamalagi sa siyudad. Baka ibenta mo lang ang lahat na ipinundar namin ng lolo mo at ang apo ko pa ang ang maghirap. About sa pina-hold kong account mo aayusin ko 'yon para magkaroon ka na uli ng access." Dismayadong napabuntong hininga si Rostov.
"Pero malay mo baka magbago ang isip ko. Depende kung makikita kong karapat dapat ka para pag-iwananan ng mga maiiwan ko balang araw. Pero kung pagbubulakbol pa rin ang aatupagin mo at hindi ka magiging mabuting asawa kay Red. I have no choice but to inheret all my properties to your brother."
"No! 'Yan ang hinding-hindi niyo gagawin!" Madiing pagtutol ni Rostov.
"Why not? Rogue is more responsible than you, Rostov. He will surely take care of my assets."
"Kaya kong pamahalaan ang lahat ng ari-arian mo lola. I am willing to learn how to run our business. Nang hihinayang ka ba na ako ang iniwan ni mama at hindi si Rogue?" Mahihimigan ang iritasyon sa boses ni Rostov.
"Of course not. Gusto ko lang mapabuti ka at ang magiging pamilya mo."
Sa kabila ng pagdidiskusyon ng maglola ay nanahimik naman si Red at napayuko nang marinig ang pangalan ni Rogue. Kumusta na kaya si Rogue? Nasaan na kaya ito ngayon?
Napapitlag si Red nang maramdaman niyang hinawakan ni Rostov ang kamay niya. Nag-angat siya nang mukha at tiningnan ito.
"You okay?" tipid siyang ngumiti saka tumango.
Nang matapos silang kumain ay tumulong si Red sa pagligpit ng pinagkainan.
"Senyorita Red, ako na diyan." Kinuha ni Nana Julieta ang pinggan sa kamay niya saka iniligay sa sink.
"Ako na lang ho ang mag-uurong, sanay naman po ako sa gawaing bahay. Saka 'wag niyo na po akong tawaging seÔorita, nakakailang po eh."
"Hay naku, masanay ka na. Isa ka ng Esquivel kaya sa ayaw at gusto mo ay tatawagin at tatawagin ka ng senyorita ng mga tao rito." Ni sa hinagap niya ay hindi man lang niya naisip na tatawagin siyang senyorita.
"Nana Julieta, ayos lang naman sa 'kin-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang may pumaikot na mga braso sa baywang niya. Si Rostov iyon at hinalikan pa siya sa pisngi.
"It's not your job. Ang trabaho mo lang dito is you must always be on my side." Kinilabutan siya nang husto nang tumama ang hininga nito sa leeg niya. Napabungisngis naman si Nana Julieta. Pilit na ngumiti si Red pero ngiwi ang gumitaw sa mga labi niya.
"Oo nga naman, Senyorita Red, ang asawa mo na lang ang asikasuhin mo." Pagsang-ayon ni Nana Julieta.
"Saka 'di ba humihingi na ng apo si lola," bulong ni Rostov sa tainga niya. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nagsitayuan ang balahibo niya sa buong katawan dahil sa kiliting hatid ng pagbulong nito. Pero kinalma niya ang kanyang sarili.
"Magtigil ka nga. Tanghaling tapat paggawa ng baby ang iniisip mo." Natawa si Nana Julieta at maging ang isang kawaksi na nakilala niyang si Dara na pamangkin daw ng punong barangay. Maging si Rostov ay marahang natawa.
"Wala namang pinipiling oras ang pagsi-siesta eh.." napatili siya nang pangkuin siya ng binata.
"Rostov, ano bang ginagawa mo? Ang OA mo na ah!" Sita niya sa lalaki habang naglalakad patungo sa grandiyusong spiral staircase.
"Is it OA? I think it's a sweet gesture." Pinatirik niya ang kanyang mata. Yeah it is sweet kung totoo pero alam naman niyang nagkukunwari lang ito.
Nang makapasok sila sa okupado nilang silid ay marahan siyang ibinagsak ni Rostov sa kama saka ito humiga sa tabi niya. Nakangisi ito habang nakatingin sa kisame.
"Asan si Rogue?" bigla na lang namutawi sa bibig niya. Ibiniling nito ang ulo paharap sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi.
"Naisip ko lang kasi bigla," aniya at tumingin sa kisame.
"Nasa Canada siya, busy siguro sa fiancée niya." Nakaramdam siya ng kirot sa puso sa nalaman. Tumagilid siya ng higa patalikod kay Rostov. Itinago niya ang pagkibot ng kanyang labi sa pagpipigil na hindi maiyak. Minahal niya si Rogue kaya marahil ay nasasaktan pa rin siya. To think na ito lang ang lalaking dumaan sa buhay niya ay talagang nasasaktan siya.
"Get over him. Niloko ka niya. Iniwan ka na lang basta. Don't tell me na naapektuhan ka pa rin sa tuwing maririnig mo ang pangalan niya?" hindi siya umimik. Marahas na nagpakawala ng hangin mula sa bibig si Rostov. Rinig na rinig niya iyon. Naramdaman niyang bumangon ito.
"Lalabas lang ako." Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Kinuha niya ang baymax at niyakap na lang iyon.
SA paglabas ni Red ng banyo ay naroroon na si Rostov. Nakaupo ito sa couch sa may sliding glass panel na papalabas sa veranda ng silid. Naninigarilyo ito. Nakabukas lang ang pinto marahil para makalabas ang usok. Hindi man lang siya nito nginitian nang magawi ang mata nito sa kanya. Parang wala sa mood. Maghapon rin itong wala. Kahit sa dinner kanina ay wala ito. Tinanong pa siya ni DoÔa Conching kung saan ito pumaroon pero wala siyang maisagot. Mukhang dismayado ang matanda kanina.
Ginugol na lang niya ang sarili kanina sa pakikipagkuwentuhan kay Donya Conching. Nalaman niyang pitong taon pa lang sila Rostov nang mamatay ang ama nitong si Philip Esquivel. Nagtungo naman daw ang ina nitong si Kristina sa Canada pagkatapos mamatay ang esposo nito. Iniwan raw si Rostov at si Rogue ang isinama. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit naiwan si Rostov.
Rostov took one puff of the cigarette before disposing it in the astray. He stood up and went straight to the bathroom without even throw a glance at her.
"Ano bang problema niya?" sumampa siya sa kama. Nilagyan niya ng mga unan sa gitna ng kama para magsilibing harang sa kanilang dalawa. Mahigpit niyang niyakap ang baymax at pumailam sa comforter.
Lumabas si Rostov mula sa banyo pagkaraan ng ilang minuto. Isang puting tuwalya lang na nakapaikot sa baywang nito ang suot. Tinungo nito ang built-in cabinet. Nakatingin lang si Red sa bawat kilos nito hanggang sa makapagsuot ito ng damit. Isang itim na pajamas at puting sando ang isinuot nito. Pagkatapos nitong maisampay ang tuwalya ay isinarado nito ang sliding door saka tumungo sa kama. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa inilagay niyang mga unan.
"You do not need to put a barrier dahil tulad ng sinabi ko sa 'yo hindi ako tinitigasan sa 'yo. Wala kang dating sa 'kin! You don't even look seductive like Ayanna. Wala akong balak at hinding-hindi kita pagbabalakan kahit na yakapin man lang sa pagtulog! Fuck! I'm not fucking Rogue and never ever wanted to be like him." Humiga ito at hinila ang comforter dahilan para mawalan siya ng kumot.
Nagtagis ang mga bagang ni Red sa pagbubunganga nito. Sobrang pang-iinsulto naman yata iyon sa kanya. Hinablot niya ang isang unan at inihampas dito. Salubong ang kilay nitong tiningnan siya.
"Feeling mo naman naglalaway ang kitten ko sa 'yo. Excuse me lang, feeling pogi ka. Wala ka ring dating sa 'kin and you don't even look hot to me. And yes, you are not Rogue and will never be like him. Maybe you have his face but not his gentlessness. Dapat ikaw ang pinangalan ng 'Rogue' eh, mas bagay sa ugali mo. Ang layo mo sa kanya. Your lola was absolutely right, he was more responsible than you at mas tama lang na sa kanya ipamana ang lahat at hindi sa 'yo. Now, I'm not wondering anymore if why your mother had chosen Rogue to be with her over you-"
Natigilan siya nang biglang hablutin ni Rostov ang braso niya. Madilim na madilim ang mukha nito. Mas madilim pa ang mukha nito sa unang naging engkuwentro nila sa simbahan ng sirain niya ang kasal nito.
"Then good luck sa 'yo dahil hanggat hindi ko nakukuha ang mana hindi ka rin makakawala sa 'kin!" Madiin nitong sabi.
"Rogue was a gentleman to you huh?! Kaya pala pagkatapos kunin ang puri mo ay basta ka na lang iniwan. Was he boyfriend material to you?" punong-puno ng sarkasmong turan nito.
That cuts deep! She doesn't even realize the tears running down the side of her eyes. His grip had loosen, his face softened all of the sudden. Pagkatapos niyang bawiin ang braso mula sa pagkakahawak nito ay mabilis siyang tumalikod. Pinahid niya ang luhang naglandas pero sunod-sunod pa rin na may kumawala. Ang sakit ng sinabi nito dahil totoo naman iyon. Truth hurts ika nga! But fuck him for slapping it in her face.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top