Chapter one


RED's hand clutched on the computer mouse as she looked at the monitor of her laptop. Pakiramdam niya ay umuusok na ang kanyang bunbunan dahil sa nakikitang larawan ng isang perpektong couple — isang napakagandang babae at guwapong lalaki na hindi na niya gusto pang makita kahit na sa hinagap.

"Are you okay, Red?" narinig niyang tanong ni Tesmarie na nakaupo sa visitor chair. Nanatiling nakatuon ang mata niya sa monitor.

"Ano'ng oras sila darating?" tanong ni Red sa kaibigan na hindi man lang nagawang tapunan ng sulyap. Parang namagnet na ang kanyang mata sa monitor.

"Their schedule is 3 o'clock, so ano mang oras ngayon ay darating sila." Napasandal si Red sa kanyang swivel chair.

"Red, I am very sorry. Hindi ko alam na si Rogue ang groom ni Ms. Velasquez. Iba kasi ang pangalan niya. Rostov Esquivel. Kung gusto mo ako na lang ang haharap—"

"No," putol niya kay Tesmarie.

"Haharapin ko siya." Ang walang hiyang ex niya. Pagkatapos ng gabing ipaubaya niya ang kanyang sarili isang taon na ang nakakaraan ay bigla na lang naglahong parang bula. Nagising siya kinabukasan na wala na ito sa tabi niya. Pinuntahan niya ito sa condo nito pero ayon sa nakausap niya ay mahigit dalawang linggo na itong hindi umuuwi.

Halos dalawang buwan din siyang nagmukmok lang. Dalawang linggo pagkatapos ng gabing iyon ay lumipat na siya ng apartment dahil naalala niya lang si Rogue doon. At ngayon, muli niya itong makikita at ikakasal na. Hindi niya akalain na ito pala ang kliyente nila. Red was running her own wedding planning bussines, kasosyo niya si Tesmarie sa naturang negosyo. Anim na buwan palang ang negosyo nila at nito pa lang gumaganda ang takbo ng negosyo nila.

Isang buwan na nilang inaasikaso ang nalalapit na kasal nito at sa susunod na buwan nakatakda ang kasal nito. Ang nakakausap lang niya ay ang fiancée nitong si Ayanna. Ayanna sent some photos to Tesmarie for the sliding video. Naka-schedule ang meeting niya sa couple para sa gagawing prenuptial photoshoot. Hindi siya makapaniwala sa mga natuklasan. Ang kilala niyang Rogue Cole ay Rostov Esquivel ang totoong pangalan.

Isa lang ang ibig sabihin n'on. Talagang niloko siya ni Rogue o Rostov. Ayon kay Ayanna ay matagal na silang magkakilala ni Rostov. Pero nagseryoso lang daw ang huli four monts ago. Agad daw itong inayang magpakasal. Ibig sabihin ay fling lang siya ni Rogue o Rostov. Damn it! Halos walong buwan ang relasyon nila nito. Ibig sabihin habang sila ni Rogue ay girlfriend din nito si Ayanna. Kaya pala okay lang dito na hindi sila nag-se-sex dahil may sexlife naman ito habang sila.

"Red, sigurado ka ba? Parang hindi ka okay eh. Hindi ko na makita ang halo mo. Napapalitan na ng sungay oh. Baka naman mapatay mo si Rogue ah."

"Hindi ko gagawin 'yon. I wont let him ruin my life again. Kung papatayin ko siya ako rin ang matatalo."

"Good." Kuntentong sabi ni Tesmarie. Noon naman bumukas ang pinto. Sumilip doon ang sekretarya niyang si Kathleen.

"Miss Red, nandito na po si Ms. Velasquez at Mr. Esquivel." Bigla ang mabilis na pagtahip ng dibdib niya. Ramdam na ramdam niya iyon. Pakiramdam niya rin ay pagpapawisan siya ng malapot. Napatingin siya mga kamay niyang nakapatong sa desk na nanginginig.

"God, you are shaking. Ako na lang ang haharap sa kanila." Nag-aalalang sabi ni Tesmarie.

"Send them in," sabi niya kay Kathleen. Tumalima ang babae.

Sinapo niya ang kanyang mukha. Winagwag ang mga kamay at nagpakawala ng hangin sa bibig bago tumayo. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto. Pigil niya ang kanyang paghinga. Para bang may bombang sasabog sa harapan niya anumang oras. Naunang pumasok si Ayanna. Matamis na ngiti ang bumungad sa kanila ni Tesmarie mula sa babae pero hindi na niya iyon pinansin dahil ang mata niya ay nakatuon sa pinto at inaantay ang pagpasok doon ni Rogue.

Hindi nga nagtagal ay pumasok ang tarantado niyang ex. Parang gusto niyang panawan ng ulirat. Diyos ko! Nasapo niya ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay mahuhulog ang puso niya sa sobrang pagkabog n'on. Daig pa niya ang uminom ng sampong Redbull. Napakaguwapo nito. Parang sampong doble ang ginuwapo nito.

"Hi, Tesmarie. Hi, Red. Finally, naisama ko na ang fiancé ko. By the way, guys, this Rostov my fiancé." Hindi man lang pinansin ni Red ang sinabi ni Ayanna. Nakatitig lang siya kay Rogue/Rostov na kasalukuyang nakatitig rin sa kanya.

"Babe, this is, Tesmarie," pakilala ni Ayanna kay Temarie na ngayon ay nakatayo na. Doon siya iniwan ng titig ng lalaki para makipagkamay kay tesmarie.

"And this is Red." Ngumiti sa kanya si Rogue. Lumantad ang pantay na pantay at tila perlas na mapuputing mga ngipin nito.

"Hi," bati nito sabay lahad ng kamay. Wow! How could he act like this? It was as if he never knew her at all. Na para bang ngayon lang sila nagkita. If Red could only aware of what she looks like right now, kahit siya kakabahan.

"Um.. so, let's start! Whoo!" Tesmarie interrupted, trying to ease growing tension throughout the room.

"Have a seat," Tesmarie offered. Umupo ang couple sa visitors' chair. Si Tesmarie naman ay hinila ang sariling swivel chair at itinabi sa upuan ni Red saka umupo doon. Hinila siya ni Tesmarie paupo ng hindi siya tuminag.

"Don't scare me. You look like a wolf that ready to pounce on your prey." Bulong ni Tesmarie sa kanya.

"May problema ba?" tanong ni Ayanna na marihil ay napansin ang kakaibang kilos niya.

"Wala, wala," mabilis na sagot ni Tesmarie.

"So, you want a hot and sexy prenuptial photoshoot?" tanong ni Red. Sa pagkakataon na iyon ay nakatingin siya kay Ayanna. Seryoso ang kanyang mukha.

"Yeah. Since I'm sexy and my fiancé was hot, so why don't flaunt it." Pabirong sabi nito at sinundan pa ng mahinhin na tawa. Gusto kasi ni Ayanna maging kakaiba ang prenuptial photoshoot nila. Gusto nitong sexy and romantic ang tema.

"Ano'ng nangyari sa beach prenuptial? Holding hands while walking along the shore," wala sa loob na sabi niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang gusto ni Rogue tungkol sa detalye ng kasal nila.

"Rostov is not a romantic man. He is adventurous and trouble maker," said Ayanna.

"And wild," dagdag nito at muling tumawa.

"Dinaan nga niya ako sa dahas eh. Bigla na lang akong niyayang pagpakasal at ako naman ay napa-oo na lang." Biglang tumayo si Red.

"Excuse me." Lumabas siya ng opisina at tinungo ang restroom. May restroom naman sa opisina niya pero hindi na niya kinakaya ang atmosphere sa silid. Humarap siya sa salamin. Bigla na lang ang pagtulo ng luha niya. Hindi pa rin pala talaga siya nakaka-move on. Ang bigat bigat ng kanyang dibdib. Paano nagagawa ni Rogue ang gan'on? Kaya nitong umarte na hindi siya nito kilala. He doesn't deserve to be happy. He must suffer.

"Humanda ka, Rogue. Pagsisihan mo ang panloloko mo sa 'kin!" Tiim bagang niyang sabi habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

"BABE, nakita mo ba kung paano ka titigan ni Red kanina?" tanong ni Ayanna habang nakaabrisete sa kanya. Kakalabas lang nila ng opisina ni Red. Napansin nga niya ang titig ng babae sa kanya.

"Hindi ka pa ba nasanay? Girls couldn't help themselves from staring at me."

"She was glaring at you, babe," pagtatama nito.

"Is she glaring at me? Parang hindi naman. Humahanga lang 'yon sa kakisigan ko." Bumitaw sa kanya si Ayanna nang marating nila ang sasakyang nakaparada sa gilid ng daan. Humalukipkip ito sa harapan niya. Taas ang kilay.

"Umamin ka nga. Baka naman isa sa babae mo si Red!"

Tumawa siya.

"Ngayon ko lang 'yon nakita."

"Eh bakit gan'on ang titig mo sa kanya? Akala mo hindi ko 'yon napansin." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Kinabig niya ang kasintahan saka siniil ng halik sa labi na agad naman nitong tinugon.

"Papakasalan na nga kita 'di ba?" malapad itong ngumiti.

Hindi maiwasan ni Rostov na hindi isipin si Red. Ayanna was right. Iba nga ang titig sa kanya ni Red. Hindi iyon titig ng isang taong humahanga. May galit na mababanaag sa mukha ng babae. Ngayon napapaisip siya. Hindi kaya isa si Red sa mga naging babae niya? Tsk. Hindi niya matandaan pero mukhang pamilyar sa kanya ang babae. Maganda ang babae at hindi niya maiwasang mapatitig dito. Fuck him! Ito't ikakasal na nga siya ay nagagawa pa niyang tumitig sa ibang babae.

SI TESMARIE na ang nag-asikaso sa lahat lahat sa kasal ni Rostov at Ayanna. Hindi na niya gusto pang makita ang dalawa dahil baka hindi siya makapagtimpi ay maibulalas niya ang lahat ng kinikimkim na galit para sa dating nobyo. Hindi pa iyon ang tamang panahon. Hindi siya masisiyahan kong sa gan'on lang magtatapos ang relasyon ng dalawa. Tama lang ang gagawin niya. Ayanna doesn't deserve a man like Rostov. Manloloko at dapat sa lalaking 'yon ay magdusa.

Pero inaamin niyang abot-abot ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Naghihintay siya ng tamang oras kung kailan papasok ng simbahan para gambalain ang kasal ni Rostov at Ayanna. Kontrabida na kung kontradiba. Pero nararapat lang iyon sa lalaking ito. Nang marinig niya "Ido's ceremony" ay kumilos na siya papasok ng simbahan. Nang matapos "mag-I do" ni Rostov ay muling nagpatuloy ang pari para si Ayanna naman ang tanungin.

"Ayanna Velasquez, do you take Rostov Ezquivel to be your partner for life. Do you promise to walk by his side forever, and to love, help, and encourage him in all he does? Do you promise to take time to talk with him, to listen to him, and to care for him? Will you share his laughter, and his tears, as his partner, lover, and best friend? Do you take his as your lawfully wedded husband for now and forevermore?"

"Itigil ang kasal!" Buong lakas na sigaw ni Red. Lahat ng tao sa simbahan ay nilingon siya. Umingay ang buong simbahan.

"Red! Ano'ng ginagawa mo?" biglang lumapit sa kanya si Tesmarie. Hindi niya ito pinansin. Wala rin itong alam sa masamang binabalak niya. Humakbang pa siya malapit. Rostov and Ayanna were really shocked by her sudden appearance.

"Buntis ako at ang lalaking 'yan ang ama. Nangako siya na hindi niya na itutuloy ang kasal pero mukhang pinaikot lang na naman ako ng lalaking 'yan!" muli niyang sigaw.

"Ano'ng pinagsasasabi mo? Ni hindi nga kita kilala eh—"

"Sinungaling! We are together for almost two years! Ikaw Ayanna? Nakita mo naman kung paano ko siya titigan n'ong puntahan niyo ako sa opisina 'di ba? At nakita mo rin siguro kung paano rin siya tumitig sa 'kin? Gusto mo bang magpakasal sa lalaking 'yan? Maatim mo ba na mawalan ng ama ang bata sa sinapupunan ko?"

Natutop ng babae ang sariling bibig.

"Babe, don't believe her. She was just—" pinutol ni Ayanna ng isang malakas na sampal ang sasabihin ni Rostov.

"Hindi ka na talaga magbabago!" Hawak ni Ayanna ang palda ng gown na tumakbo sa pasilyo ng simbahan. Sinundot ng konsensiya ang puso niya nang makita ang babaeng tumatakbo habang luhaan.

Napapikit si Red. Ano bang ginawa niya? Bakit niya kailangan mag-eskandalo ng ganito. Humakbang siya paatras saka patakbong lumabas ng simbahan. Mabilis niyang tinungo ang sasakyan. Napahawak siya gilid ng kanyang sasakyan sa may driver's side. Ang sama ba niya masyado? Tama lang naman ang ginawa niya 'di ba?

Napapitlag siya nang biglang may humaklit sa braso niya. Galit na mukha ni Rostov ang bumungad sa kanya.

"Sino ka ba talaga?! Bakit mo 'to ginagawa?" galit na untag nito. Kung kanina ay nakonsensiya, ngayon naman ay hindi na niya iyon pinagsisihan. Silang dalawa na lang ang nandidito pero umaarte pa rin itong hindi siya kilala.

"Who the hell are you!? And why did you ruin my wedding! Are you one of my bitches? Kung gan'o alam mo dapat ang rules ko 'di ba?" gigil nitong sabi. Automatikong pumiksi ang kamay niya at malakas na sinampal ang lalaki. Lalong tumiim ang bagang nito.

"Fuck. You!" madiin niyang bigkas. Nilabanan niyang huwag bumagsak ang kanyang mga luha. Nasasaktan siya sa sinasabi nito. Ngayon ay wala na siyang pinagsisisihan sa ginawa niya.

"Ipapaalala ko lang sa 'yo. Isa nga ako sa mga naloko mo! Mukha ngang nakalimutan mo na ako o sadyang nagkukunwaring hindi mo ako kilala. Puwes ipapaalala ko sa 'yo, punyeta ka!" Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.

"Halos walong buwan na naging tayo. Umalis ka papuntang Canada para puntahan ang magulang mo. Dalawang linggo kang hindi komontak man lang at pagkatapos ay makikita kita sa bar na nakikipagsuntukan. Dinala kita sa apartment ko at ibinigay ko ang sarili ko sa 'yo isang taon na ang nakakaraan. Nagising ako kinabukasan na wala ka na. Pumunta ako sa condo mo pero dalawang linggo ka na raw na hindi umuuwi doon. I am Red Montero and was once fucking stupid for believing you, Rogue. Ngayon na naalala mo na ba?" ang galit na mukha ng lalaki ay unti-unting lumambot.

"I wouldn't regret and will never ever regret for ruining your wedding." Pagkasabi niya n'on sumakay na siya sa sasakyan niya. Nagmadali siyang makaalis sa lugar na 'yon. Nanlalabo ang mata niya habang nagmamaneho dahil napuno na ng luha ang mga mata niya.

e

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top