Chapter 19

 NAKAUPO si Red sa isang silya habang nakadungaw sa bintana. Nakapatong ang baba ni Red sa sariling braso na nakapatong naman sa pasamano ng bintana. Para na siyang mamamatay sa lungkot. Nangungulila siya kay Rostov. Gusto niya itong makita. Dalawang araw pa lang silang hindi nagkikita pero miss na miss na niya ito. Parang gusto niya itong puntahan, ipaglaban at yayain na lang lumayo, iyong silang dalawa lang. Ngayon niya tuluyang napatunayan sa sarili kung gaano na niya kamahal si Rostov. She is already over Rogue.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga nangyayari. Rostov was the one who claimed her that night at hindi si Rogue. Rogue didn't abandon her. Kung tutuusin ay biktima rin ito ng mapaglararung tadhana. Nasaktan din ito dahil sa kasinungalingan ng sariling ina nito. Pinaghiwalay sila ng isang aksidente at pinatagpo naman sila ni Rostov.

Dapat ay magalit siya kay Rostov dahil sa pagtago nito ng totoo pero wala siyang maramdamang galit. Malaking bahagi ng puso niya ay parang nagpapasalamat pa na ito ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Ibig sabihin ay si Rostov lang ang lalaking dumaan sa kanya. Mahal na mahal niya si Rostov at iyon marahil ang rason kung bakit wala siyang maramdamang galit para rito.

"Redora." Naputol ang daloy ng kanyang isip nang marinig ang mahinang pagtawag na ina. Nilingon niya ito at tipid na ngumiti.

"'Nay." Umupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito at sinagot niya ng tipid na tango.

Alam na ng kanyang ina ang kaganapan sa mansiyon. Wala naman itong sinabi kahit na ba pinaalalahanan na siya nitong maaaring maging komplikado ang lahat. Maging ang nangyaring aksidente ni Rogue ay sinabi niya rito maliban sa intimacy-thing na namagitan sa kanila ni Rostov noon na inakala niyang si Rogue. Hindi na iyon dapat pang ipaalam.

"May bisita ka." Napakunot-noo siya at nagtatanong niyang tinitigan ang ina.

"Si Rogue." She breathed out through her nose.

Lumabas si Red ng silid at agad na tumayo si Rogue nang makita siya. Kausap nito ang kanyang ama.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Gusto lang kitang makausap."

Inaya niya ang binata sa veranda at umupo silang magkatabi sa rattan na upuang napapatungan ng bulaklaking kutson. Hinawi niya ang buhok ng humarang sa mukha dahil sa pag-ihip ng hangin.

"Nothing has changed in this place. Very relaxing and peaceful," ani Rogue.

Maganda ang lugar nila. Presko, palibhasa'y mapuno sa paligid. Gawa sa nipa ang ibang parte ng bubong ng bahay nila lalo na ang balkonahe. May malaking puno ng mangga sa gilid ng balkonahe kaya mas naging presko. Pero hindi nila pag-aari ang lupang kinatitirikan. Pag-aari ito ng second cousin ng kanyang ama.

"I was planning to buy this place para maging inyo na ito kung hindi lang sana ako naaksidente. And maybe you are now Mrs. Cole and carrying our baby."

"Rogue!" She interrupted him.

Rogue let out an audible sigh. Deafening silence lingered in between them for a long while until Rogue broke it.

"Do you love him?" he said and Red just lowered her head.

"I still love you, Red. You know how much I love you, right?" Her eyes started to shed tears upon hearing Rogue's confession, but she remained silent.

"But your heart obviously not mine anymore." He continued and her tears rolled down her cheeks. Hinawakan ni Rogue ang ilalim ng kanyang baba at marahang pinaharap dito at hinuli ang kanyang mata.

"I'm sorry if I hurt you.. If I broke your heart.." lalo siyang naiyak. Wala naman talaga itong kasalanan. Hindi siya nito niloko. Rogue was really a good man as always. He gently cupped her face and started sweeping the tears off her face with his fingers.

"Maybe we are not meant for each other. Maybe God just made me an instrument for the both of you to find each other. To find the person destined for you. Masakit sa parte ko pero tatanggapin ko para sa kaligayahan ng taong mga mahal ko."

"Rogue.. I'm sorry.. I love him so much.." she said between sobs.

Rogue gently took her both hands and enclosed them between his hands.

"I know and he loves you, too. He loves you so much, Red. I could tell by how he cried when you left. Hindi ko akalain na makikita ko siyang umiyak nang gan'on. He cried too much like a kid." Lalo siyang nangulila kay Rostov. Gusto niya itong makita, mayakap at halikan. God! Hindi siya makapaniwala na mahal na nga talaga siya ni Rostov.

"He needs you and I know you need him, too. Balikan mo siya. He went through so much pain at dahil 'yon sa amin ni mama. He deserves better and he deserves to be loved. This is the least I can do for him. Ang laki ng atraso ko sa kanya. I didn't believe him and I left even he was begging for me to stay. We broke him into pieces at ikaw ang bumuo sa kanya."

"Paano ang mama mo? Ikaw?"

Rogue raised one hand and brushed the strands of her hair away from her face.

"Huwag mo na kaming alalahanin. Alam ni mama ang gagawin kong ito at babalik na kami sa Canada. If this is your chance to be happy, and didn't take it because of me, I would never forgive myself. I'm sorry kung ginulo ko kayo, Red."

"I'm sorry rin. I'm sorry kung minahal ko siya."

Tipid itong ngumiti. "Don't be sorry. Anything that happens is meant to happen. Makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko para sa 'yo."

Lalo siyang napabulalas ng iyak at mahigpit na niyakap si Rogue.

"Thank you! Thank you so much, Rogue, thank you so much.. And I'm so sorry.." Hinaplos ng binata ang likod niya and he uttered, "It's okay, sweetheart."

TUMUNGGA si Rostov ng alak mula sa bote ng alak habang nakasalampak siya sa gilid ng kama. Halos mangalahati na ang Black Label pero hindi parin siya panawan ng ulirat o 'di kaya naman ay tuluyang makatulog at hindi na magising pa. Wala na yatang sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Feeling of despair and hopeless dominate him. What have he done to deserve this pain?

What the point of existing kung mawawala rin lang sa kanya si Red? Ang babaeng tanging minahal niya. Ang sakit lang isipin na hindi pala talaga siya kayang mahalin ni Red. Ang lahat ng pag-asa niya na darating ang araw na mamahalin rin siya ng dalaga ay naglahong lahat dahil sa pagbabalik ni Rogue. Si Rogue pa rin pala ang mahal nito. He could tell by how Red's face lit up while Rogue sweeping the tears away from her cheeks. By how the happiness had shown in her face while Rogue caging her face in his palms. By how she hugged Rogue tightly. He was nothing compare to his fucking twin.

Pinuntahan niya si Red sa Isabela para kausapin. Para ayusin ang lahat sa kanila. Nagbakasali at totoong umasa siya na susuklian ni Red ang pagmamahal niya pagkatapos niyang magtapat. Pero parang itinulos siya sa kinatatayuan niya nang matanaw mula sa veranda ang dalawa. Kitang-kita niya ang saya sa mukha ni Red habang mahigpit na nakayakap kay Rogue kahit pa luhaan ito. Gusto niyang lumapit pero naunahan siya ng matinding takot. Takot na marinig mula kay Red na babalik na ito kay Rogue; Na si Rogue pa rin ang mahal nito; Na nakikita lang nito si Rogue sa katauhan niya kaya siya nito pinatulan. Hindi niya kakayaning marinig ang mga iyon. Hindi niya kaya.

Pahagis na binitawan ni Rostov ang bote ng alak at gumulong iyon sa sahig, natapon pa ang ibang laman niyon sa sahig. He stood up and climbed up into his bed. Sa halip na umuwi sa mansiyon ay sa beach house siya tumuloy. Ayaw niyang makita siyang nagkakaganito ng kanyang lola. Ayaw niya ring umuwi sa bar. Ayaw niyang makita siya ng mga kaibigang ganito kamiserable. Nakatulugan ni Rostov na puno ng hinanakit ang puso at si Red ang laman ng isip.

"Wake up!" Rostov groaned in annoyance when someone interrupted him from his sleep, and soon the rays of sunlight peeking through the window, filling the room with cool, hazy kind of light, stirring him awake.

"Close the fucking curtain!" He hissed hoarsely, turning his head on the other side.

"I don't want a irresponsible husband." His eyes flew open upon hearing Red's voice. Was he dreaming? Epekto ba ito ng alak?

"Kapag hindi ka pa bumangon aalis ako." Muli niyang narinig at sa pagkakataon na iyon ay mabilis siyang napabalikwas. He saw Red standing by the side of the bed with his both arms folded across her chest. A smile slowly crept her lips.

"Red?" Rostov uttered, still dumbfounded.

Red cocked her brow. "What? Tutunganga ka na lang ba riyan? Hindi mo man lang ako yayakapin at hahalikan? Haven't you missed me?"

He threw his legs over the side of the bed, pero ang akma niyang pagtayo para yakapin ito ay natigil nang maalala ang nakitang tagpo kahapon sa pagitan nito at ni Rogue, sa halip ay yumuko siya.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top