Chapter 15

Paano po kayong nalilito sa pagkakasunod-sunod ng chapter? Parang maayos naman ang pagkakasunod-sunod sa 'kin. 

___


"OH!" Red groaned in frustration upon hearing Rostov's explanation kung bakit ito parang laging tulala at malalim ang iniisip. Napansin iyon ni Red at hindi niya ito tinigilan hanggat hindi napapaamin sa kung ano ang bumabagabag dito. Nalaman niyang alam na pala ni Donya Conching na hindi siya si Ayanna sa unang araw palang ng pagdating niya sa mansiyon.

"God! Nakakahiya kay lola." Tumayo si Red mula sa pagkakaupo sa kama.

"Kakausapin ko si lola at hihingi ako ng tawad sa kanya."

Lumabas si Red ng silid at tinungo ang silid ng donya. Itinaas niya ang nakakuyom na palad nang nasa tapat na siya ng pinto. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas iyon.

"Red, hija, may kailangan ka?" nakangiting bungad sa kanya ng donya.

"Lola." Agad niya itong niyakap.

"I'm sorry po."

"Sinasabi na ba sa 'yo ni Rostov?" tanong nito at hinaplos ang likod niya. Bumitaw mula sa pagkakayakap si Red at tumango.

"Lola, I'm sorry po talaga."

Ngumiti ito at naglakad patungo sa kama. Tinulak niya pasara ang pinto at sumunod sa matanda. Umupo ito at pinaupo naman siya nito sa tabi.

"Huwag mong alalahanin iyon. Ang totoo ay natutuwa ako na sinira mo ang kasal ng dalawa. Ang sama ko!" Tumawa ito sa sariling sinasabi at maging siya ay napangiti.

"Pero alam ko kasing hindi mahal ni Rostov si Ayanna. Ginawa lang nitong magpakasal dahil sa mana at kasalanan ko iyon. Na-pressure siguro at hindi ko man lang naisip na magiging padalusdalos ito. Kung natuloy ang kasal nila alam kung pagsisisihan lang nilang pareho iyon balang araw. Ang gusto ko lang ay ang mapabuti ang apo ko. Gusto ko ang mapapangasawa niya ay iyong aalagaan siya at mamahalin ng totoo."

Ginagap ng matanda ang kamay niya at pinisil iyon.

"Red, hija, ang isang katulad mo ang nababagay sa kanya. Hindi naging masaya ang kabataan niya. Simula ng mamatay ang papa niya at iwan siya ng kanyang mama ay hindi ko na nakitang naging masaya ang batang iyan until you came. Iba ang ningning sa mga mata niya. Mahal ka niya, Red."

Red sighed. Donya Conching was jumping into conclusion. Gusto siya ng matanda at gusto nitong mapaligaya at mapabuti si Rostov kaya naman gagawin at sasabihin nito ang lahat. Kahit ang sabihin pa nitong mahal siya ni Rostov. Kung tutuusin ay may relasyon na naman talaga sila ng binata at alam niyang gusto siya nito pero 'mahal' imposible.

"Matanda na po si Rostov at alam na niya ang makakabuti at makakasama para sa kanya, lola."

Ikinumpas ng donya ang kamay sa hangin.

"Muntik na ngang magpakasal sa babaeng hindi niya mahal at sapilitan kang dinala rito para magpanggap na asawa niya 'di ba? Ngayon mo sabihin sa akin na alam niya talaga ang ginagawa niya." Marahang natawa si Red. May point nga ito. Garapalan nga kung magdesisyon si Rostov.

Sumeryoso ang mukha ng matanda at matamang pinakatitigan si Red at kapagkuwa'y...

"Pakasalan mo ang apo ko, Red, nakikiusap ako."

"P-pero, lola—"

"Please, Red." Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. Nagsusumamo ang mata nito at ang lahat ng pagtangging nais niyang gawin ay hindi niya maibulalas.

"Pero... paano po kung hindi niya gusto?" Donya Conching's face lit up as her lips formed into a radiant smile. Punong-puno ng pag-asa ang mukha nito at hindi niya gustong sirain iyon.

"Pumapayag ka ba?" puno ng kagalakan ang tinig nito.

"Kung papayag po si Rostov, lola—"

"Papayag siya of course, mahal ka ng apo ko." Napabuntong-hininga si Red. Umaasa talaga itong mahal siya ni Rostov. Hindi pagmamahal ang nararamdaman ni Rostov para sa kanya. Lust. Iyon lang ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya and sooner or later ay mawawala rin iyon.

Tumayo si Red mula sa pagkakaupo pagkatapos nilang mag-usap pa ng ilang sandali ng donya. Mahigpit siya nitong niyakap at sobra-sobra ang pagpapasalamat dahil sa pagpayag niya. Tinungo niya ang pinto at hinila ang pintong hindi naman nakapinid nang maayos.

"Bakit ka pumayag?" halos mapitlag siya sa biglang pagsalita ni Rostov. Nakasandal ito sa dingding sa may pinto habang nakapamulsa. He pulled out his hands from his pocket and faced her.

"Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap niyo ni lola. Sinundan kita kanina at bukas ang pinto kaya narinig ko ang lahat. Now, bakit ka pumayag?" Napalunok si Red nang makitang salubong ang mga kilay nito. At ang lamig ng boses nito. Hindi ba nito nagustuhan ang naging desisyon niya? He must be happy dahil ito naman ang gusto nito.

"Sa kuwarto tayo." Nilagpasan siya nito. Agad siyang sumunod kay Rostov.

"ANO ang naisipan mo at pumayag ka sa gusto ni lola? Hindi mo dapat ginawa iyon kung hindi mo gusto." Umupo si Rostov sa gilid ng kama habang si Red ay nanatiling nakatayo. Matagal itong nakatitig lang sa kanya bago nagsalita.

"Hindi mo ba gusto ang naging desisyon ko? I'm sorry... I thought it would make you happy. Hindi ko magawang tanggihan si lola at naisip ko na ito naman ang gusto mo."

Napabuntong-hininga siya. Ito nga ang gusto niya pero may gusto siyang marinig mula kay Red kung bakit ito pumayag na magpakasal sa kanya. Umupo si Red sa kanyang tabi.

"Look, Rostov, hindi ibibigay sa 'yo ni lola ang mga ari-arian niya kung hindi tayo makakasal. Gusto mo bang mapunta kay Rogue ang lahat?" matiim niyang pinakatitigan si Red.

"Pumayag ka ba dahil pa rin sa kagustuhan mong makaganti kay Rogue?" inaasam niyang pumayag ito dahil mahal na siya nito; na pumayag itong magpakasal sa kanya hindi dahil sa paghihiganti pa rin kay Rogue. Matagal na hindi umimik si Red.

"Red?" pukaw niya sa pananahimik nito.

Tumango si Red. "Yes. Iyon naman ang gusto natin parehas 'di ba? Parehas tayong galit sa kapatid mo dahil sa pang-iiwan niya sa atin noon." Napatungo siya. Puno ng galit ang puso ni Red para sa kapatid niya at gagawin nito ang lahat para lang makaganti kahit ang makasal sila.

"And I like your company, too. Katulad nga ng sinabi mo, compatible tayo at na i-enjoy na natin ang company ng isa't isa..." Tipid siyang napangiti at marahang tumango. They enjoyed each other's companies. Compatible sila. At least may ibang dahilan ito para pakasalan siya. At nagbigay iyon ng pag-asa sa kanya na maaaring lumalim rin ang nararamdaman ni Red para sa kanya.

"I can be your wife hanggat kailangan mo ako, hanggat kailangan natin ang isa't isa... kapag hindi mo na ako kailangan puwede naman ipa-annul ang kasal and willing akong pumirma ng prenuptial agreement. Isipin mo na lang na kabayaran ito sa ginawa kong pagsira sa kasal n-iyo—" pumiyok ang boses nito bigla kaya muli niya itong binalingan. Kasalukuyan itong nakatingala at nagpakawala ng hininga mula sa bibig.

"Paano kung matagal kitang kailanganin?" she glanced at him.

"'Di hindi kita iiwan. Mananatili akong asawa mo hanggat gusto mo."

"Pangako?" munting ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga at marahang tumango.

"Pangako," ulit nito habang nakatitig sa kanya.

"So, kailan mo gustong magpakasal?"

"Kung kailan mo gusto." Kinuha niya ang kamay nitong nasa ibabaw ng hita nito at dinala sa labi at hinalikan iyon. Hinawakan niya ang ilalim ng baba ni Red at masuyong hinaplos gamit ang thumb-finger niya bago dinampian ng halik ang labi ng dalaga.

Gusto niyang sabihing mahal niya ito pero hindi niya magawa. Kinabig niya si Red at mahigpit na niyakap.

Sasamantalahin niya ang pagkakataon. Ginagamit siya ni Red para makaganti kay Rogue at sasamantalihin niya iyon. He will do everything para mahalin siya ni Red. Balang araw ay mamahalin siya nito at tuluyang makakalimutan si Rogue. Hindi siya papayag na ma-annul ang kasal nila. Mamahalin siya ni Red isinusumpa niya iyon.

"PUMAYAG kang magpakasal?" Bulalas ni Marlee nang sabihin ni Red sa tiyahing magpapakasal sila ni Rostov. Kasalukuyan silang nasa balkonahe ng bahay nila Marlee sa Isabela. Umuwi siya ng Isabela para dalawin ang mga magulang at kapatid. At para na rin ipaalam sa mga ito ang binabalak na pagpapakasal. Gusto sanang sumama ni Rostov pero hindi siya pumayag dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa oras na sabihin niya sa mga magulang na magpapakasal siya sa kambal ni Rogue. Hindi naman alam ng magulang niya ang dahilan kung bakit natapos ang relasyon nila ni Rogue noon.

At hindi nga sang-ayon ang nanay niya sa pakikipagrelasyon niya kay Rostov dahil napaka-komplikado raw niyon lalo na kung malalaman ni Donya Conching ang tungkol sa kanila ni Rogue. Pero buhay raw niya iyon at mukha naman raw siyang masaya. Alam na raw niya ang tama sa mali. Hindi niya sinabing magpapakasal lang sila dahil sa isang kasunduan. Mas lalong hindi papayag ang magulang niya kung sinabi niya iyon at baka igapos pa siya para hindi na makabalik ng Maynila.

"Bakit? Mahal mo na ba? Mahal ka na ba niya?" Sunod-sunod na tanong ni Marlee.

"Auntie Marlee, hindi naman kailangan na mahal namin ang isa't isa para magpakasal. Ang mahalaga ay compatible kami at masaya kami sa company ng isa't isa."

"Ay nag-iba ang pananaw sa pag-ibig ng gaga."

Marahan siyang natawa. "Meron nga diyang nagpapakasal na mahal nila ang isa't isa pero sa hiwalayan pa rin nauuwi. Kasi maraming mga bagay silang hindi napapagkasunduan kaya hindi nagwo-work ang relasyon nila. Daig ng dalawang taong compatible ang dalawang taong nagmamahalan." Katwiran niya.

"Example si Jenny at Lance. Alam ko ako ang mahal ni Lance noon at hindi si Jenny pero pinili niyang pakasalan si Jenny dahil iyon ang tamang gawin at ngayon masaya na sila."

"Wow!" Bulalas ni Marlee.

"Hindi na bitter si ateng!" Malakas siyang natawa. Wala nga siyang pait na nararamdaman habang binabanggit ang pangalan ng bestfriend niya at ex niya. At siguro pagnakita niya uli ang dalawang iyon ay iimbitahan niya pang magkape. She softly smiled at the thought.

"So, ibig sabihin ay maraming bagay kayong napagkakasunduan nitong si Rostov. Care to tell me kung ano-anong mga bagay iyon?" Nanunuksong tanong ni Marlee. Malapad siyang ngumiti at itinuon ang mata sa kawalan bago sumagot.

"Maraming bagay... Parang halos lahat ng bagay parehas naming gusto. We both love most of sea activities. Lahat ng niluluto ko para sa kanya gusto niya at alam kong hindi pakitang tao lang iyon para hindi ako ma-offend. And we were even watching action and romance movie together." Rostov didn't watch romance movie pero nang minsang siya ang mamili ng panonoorin at romance nga ang natripan niyang panoorin ay nagustuhan nito. Nakakakuha raw ito ng tip kung paano manligaw at pakiligin ang isang babae.

"Even porn video." She added and chuckled. Kung noon ay nahihiya siyang makita ni Rostov na nanonood ng gan'on ngayon hindi na. Minsan kapag nanonood sila ng ganoon ay nag-iinit sila at nauuwi sila sa pagtatalik.

"How about bedroom activities?" Mabilis niyang naibaling ang tingin sa pinsan at ramdam niya ang pag-init ng mukha niya. May nakakalokong ngiti ito sa labi. Bakit ba niya nabanggit-banggit pa ang porn video?

"A-ano ba ang sinasabi mo?"

Umikot ang mata ni Marlee. "Isa ang sex na dapat napagkakasundaan ng dalawang tao para tumatag ang relasyon kaya huwag mo akong itsusin, Red. May nagaganap na sexual sa pagitan niyo 'di ba? Nanonood kayo ng porno tapos hindi kayo nauuwi sa kama?" Lalong pinamulahan si Red sa prankang tanong ni Marlee.

"Hoy!" Napahiyaw siya nang sundutin nito ang tagilaran niya.

"Oo na!" Nag-O shape ang bibig ni Marlee sa pagkamangha. Iyon nga ang una sa listahan na napagkakasundaan nila ni Rostov. Kung walang nagaganap na sexual sa pagitan nila nunka sigurong mananatili sa tabi niya si Rostov. Baka matagal na nitong tinapos ang deal at sinuyo na lang si Ayanna na mukhang eksperto sa kama.

"So? Magaling ba?"

"Ate Marleeee!" Naeeskandalo niyang tili.

"Ayaw kong magkuwento! It's a sensitive topic."

"Anong sensitive-sensitive? Oo o hindi lang ang sasabihin mo, eh! Dali na!" Pangungulit nito na halatang excited.

"Oo na! Magaling siya. Magaling na magaling!" Tinakpan niya ang dalawang tainga nang tumili si Marlee na halos bumasag sa eardrums niya. Humahangos na lumabas ng terasa ang Nanay ni Marlee na si Auring, na lola ni Red.

"Ano ang nangyari at tumitili ka, Marlee?" Hintakot na tanong nito.

"Wala po 'nay, may ipis lang."

"Diyos kong batang ire, akala ko kung napano na!" Nakasimangot na muling pumasok si Lola Auring. Marahang natawa ang dalawa.

Maya-maya ay sumeryoso si Marlee. "Ikaw nga, Red, magtapat ka. Pumayag ka ba sa alok ni Rostov na magpanggap dahil sa udyok kong gantihan mo si Rogue o may iba ka pang dahilan bukod doon at sa pagsalba sa negosyo niyo?"

Umiwas siya ng tingin kay Marlee na parang nasukol siya. Minsan ay napapaisip siya kung ang negosyo nga ba talaga nila at ang paghihigante kay Rogue ang dahilan kung bakit siya napapayag ni Rostov. O sadyang gusto niya lang mapalapit sa lalaki at idinahilan lang niya ang galit kay Rogue at ang negosyo nila. Nang halikan siya ni Rostov sa opisina ay ginulo na niyon ang utak niya. Nang gabing pabaling-baling siya sa kama at hindi makatulog dahil sa kakaisip sa tagpong iyon ay naisip niya kung paano kaya iyon mauulit. Gusto niyang mahalikan ulit ni Rostov. And it happened again. Hindi lang halik ang ginawa ni Rostov sa kanya sa fitting room; he suckled her breast and finger-fucked her. One of the mind-blowing make out they have done. At ngayon ay lunod na lunod na siya roon at ayaw niyang matapos ang kaligayahang naidudulot ng mga nagaganap sa kanila ni Rostov. At hindi iyon mapuputol sa oras na maikasal sila ni Rostov; hanggat kailangan siya ng lalaki. Ang tanong, hanggang kailan ba siya kakailanganin ni Rostov?

"Hay! Hindi mo na kailangan sagutin, ang obvious ng sagot sa mukha mo." Ani Marlee na sinundan ng buntong-hininga.

"Pero sana huwag kang masaktan, Red. Natatakot akong masaktan ka na naman." Pilit siyang ngumiti kay Marlee.

"No love, no pain. Pure lust, pure pleasure."

"Let me rephrase this saying of yours; "Daig ang dalawang taong nagmamahalan ng dalawang taong compatible" mas angkop at makatutuhan kung... "Daig ang dalawang taong nagmamahalan ng dalawang taong malibog." Malakas na natawa si Red sa tinuran ng Auntie Marlee niya.

"Yeah, right!" Natatawa niyang sang-ayon.

"TINAWAGAN ko ang kapatid mo kanina. Maayos na siya."

"Great. Mabuti naman kung gan'on." Walang gana niyang sabi at sumandal sa sofa. Talagang sinadya niyang haluan ng lamig ang boses niya para ma-sense ng lola niya na hindi niya gustong pag-usapan si Rogue. Hindi ngayon at lalong hindi sa mga susunod na araw. Kasalukuyang silang nasa sala ng kanyang lola at pinag-uusapan ang ibang detalye tungkol sa gagawing engagement party nila ni Red sa susunod na linggo. Pero ito ngayon at biglang napasok sa usapan si Rogue.

"Rostov, apo, gusto ko sanang pauwiin ang—"

"Lola, no! Nang umalis siya at sumama kay mama nawalan na ako ng kapatid. Hindi ko na siya gustong makita pa!"

"Rostov! Ano ang nangyayari sa 'yo at sobrang tigas ng puso mo sa kapatid mo? Alam kong may pagmamahal at pagmamalasakit ka pa rin sa kanya. I saw that when we visited him in the hospital." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Aalis na po ako. Susunduin ko si Red." Humalik siya sa abuela at saka ito iniwan na napailing na lang.

"Damn!" Napamura siya nang makapasok siya ng sasakyan.

"'Wag ka nang bumalik, Rogue. Hindi ka maaaring bumalik." Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng sasakyan.

Sa oras na bumalik si Rogue siguradong magugulo sila ni Red at hindi maaaring mangyari 'yon. Masaya na siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng totoong kaligayahan pagkatapos ng mga masasamang nangyari sa pamilya niya at dahil iyon lahat kay Red. Hindi niya na yata kakayanin kung mawawala ito sa kanya.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan saka pinaandar. Apat na araw na niyang hindi nakikita si Red. Nagtungo ito sa Isabela para kausapin ang mga magulang. Pero nasa Maynila na ito ngayon kaya luluwas siya para sunduin ito. Dapat ay kahapon niya pupuntahan ang kasintahan pero may mga inayos pa siya sa winery.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top