Chapter I

Chapter I

E L I

Iniisip ko kung anong pakiramdam ng may buhay.

Ang sayang isipin na sa oras na 'to mismo, may mga taong nakatayo sa paligid ng mga taong mahal nila ngayon, masaya at magaan ang pakiramdam. O mga estudyanteng sa wakas ay nakapasa sa mga exams pagtapos ng ilang buwang pagsusunog ng kilay. O 'yung mga tao na unang beses nasabihan ng salitang 'Mahal Kita' sa totoong pamamaraan. O kaya naman, iyong mga taong naisip ang mga mali nilang ginawa, nagsisi at humingi ng tawad.

Ang saya siguro mabuhay.

Alam kong minsan na 'kong nabigyan ng pagkakataon. Ramdam ko naman. Hindi ko lang alam kung anong kinahinatnan ng buhay ko. Kung nagampanan ko ba 'yung purpose ko sa mundong 'to o kung may pagsisisi ba ako hanggang sa huli.

Naging masaya ba ako?

Naging mabuti ba akong tao?

Nasulit ko ba 'yung buhay ko?

May mga tao ba akong napahirapan o nasaktan habang nabubuhay pa ako?

Wala 'kong ideya.

Sa ngayon, kuntento na akong pinapanood 'yung mga taong nakikita ko habang lumulutang ako sa paligid.

Being like this does really have its own advantages. Nakakapanood ako nang libre sa tv nila Aling Maria. Nakakasama ako sa patagong date ng anak niya at 'yung anak ni Manong Robert. Nakakasakay din ako sa mga tricycle nang libre kung gusto ko. Hindi naman nila ako makikita, e. Minsan nga hinihiram ko 'yung skateboard ni Jack at pinaglalaruan pag walang nakatingin.

Hindi rin ako nagugutom gaya ng mga tao kaya kahit wala akong pera, magus-survive ako. Dahil diyan, 'di ko na rin kailangan magtrabaho. Hindi ko na rin kailangan mag-aral (hindi lang ako sigurado kung nakapag-aral ba ako nung buhay pa ako) at hindi ko rin kailangan maghanap ng tirahan. Kahit saan ako lumugar, ayos lang.

Disadvantage is... I feel lost.

I don't have friends. I don't have someone to talk to. I don't have the same liveliness in the eyes of the people I see every day. They feel so alive. Nakakainggit minsan. Pero madalas, nakukuntento na lang ako sa kung anong nagagawa ko.

Pinanood ko ang babaeng kararating lang dito sa rooftop. Iniihipan ng hangin ang mahabang buhok niya. Bagsak ang balikat habang dahan-dahan ang paglalakad niya papunta sa may dulo kung saan naroon 'yung railings.

Minsan lang may mapadpad na tao rito. Dito kasi itinatambak nung mga tenants 'yung mga gamit na 'di na nila kailangan. Nagmumukha nang bodega. Maalikabok pa.

Lumutang ako papunta sa tabi niya at sinilip ang mukha niya. Umiiyak siya.

Ano kayang problema nito? Sobrang diin ng pagkakakagat niya sa ibabang labi niya. Baka magdugo. Tapos sobrang tahimik din ng iyak niya. Ni isang sigok, wala. Parang pigil na pigil. Gusto kong hawakan 'yung labi niya para patigilin siya kaso lang private property 'yun. Labag sa karapatang pantao niya 'yun.

Tumigil ako sa kalulutang at bumaba sa sementong basa pa hanggang ngayon dahil kauulan lang kanina. Tumayo ako sa tabi niya tsaka tinignan ang mukha niya.

Tumingala siya, pinagmamasdan ang mga ulap na magkakagrupo na ngayon. Hays. Uulan na naman yata. Baka maabutan siya rito. Mukhang 'di pa naman kasya sa maliit na pouch niya 'yung payong. Bakit kasi ang liit ng bag niya? Anong nilalagay niya 'dun?

Tumingala ako. Maulap pa rin hanggang ngayon. Pumalatak ako. "Malakas na ulan pa naman 'to." Tsaka uso magkasakit sa mga tao kapag napatakan ng ulan.

May nakita akong dalawang ibon na lumilipad sa langit. Napangiti ako. Sobrang laya nilang tignan.

"S-sino ka?" narinig kong sinabi ng babae.

"Hm?" Buhat sa pagkakangiti ay ibinaba ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin, nanlalaki 'yung mga mata niya. Naghinang ang tingin naming dalawa. Kumurap ako. Namula 'yung mukha niya bago iniwas 'yung tingin sabay punas sa pisngi niyang basang-basa ng luha.

Nawala 'yung ngiti ko.

Kumunot 'yung noo ko tsaka ko itinuro iyong sarili ko.

"Ako ba 'yung kausap mo?"

Taas-noo siyang humarap sa 'kin. Pati kilay niya, nakataas na. Wala na 'yung hitsura niyang umiiyak kanina. Galit ba siya?

"Obvious ba?" sagot niya. "Kanina ka pa ba? Are you spying on me? Sino ka?"

Sunud-sunod 'yung mga tanong niya. Ni hindi ko pa nga gets kung bakit niya 'ko nakikita. Nakakausap pa.

"Hah?" tanong kong naguguluhan pa rin. "Ako nga 'yung kausap mo?"

Inirapan niya 'ko. "May nakikita ka pa bang ibang person bukod sa 'ting dalawa rito?"

Umawang na 'yung labi ko sa pagkamangha. Nakikita nga niya ako?

"Nakikita mo ako?!" Inulit ko pa sa sobrang pagkamangha.

Sobrang nanlalaki na 'yung mga mata ko. Paano? Bukas third-eye niya? Tumayo ako noon 'dun sa harap ng matandang nakakakita raw ng mga multo pero 'di naman ako nakita. Bakit siya, nakikita ako ngayon? Cool.

Kumunot 'yung noo niya. "Malamang?"

Ang galing!

Tumawa ako. "Bakit?!"

"Kasi I have eyes?"

Malapad 'yung ngiti ko habang pinagmamasdan pa rin siya. Panaginip kaya 'to? Kaso hindi naman ako natutulog. Ito kaya 'yung 'daydream'? Daydreamer na 'ko? May ganon ba sa kaluluwa?

"Wait. Binabago mo 'yung usapan. Tinatanong kita kung sino ka ba. And kung anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ako? Kilala mo ako?"

Lumapad lalo 'yung ngiti ko.

"Kanina pa ako rito, e," sagot ko. Hindi ako makapaniwalang may nakakausap na ako. Sanay kasi akong kung sinu-sino lang kinakausap ko kahit 'di naman sila sumasagot.

Humalukipkip siya at nagdududa akong tinignan. "I didn't see you earlier when I went here."

"Aah..." Napakamot ako sa ulo. Hindi ko rin naman alam kung bakit nakikita na niya ako ngayon, pero hindi kanina. Pa'no ko ba 'to sasagutin?

"What's your name?" tanong niya uli.

Lumapad ulit iyong ngiti ko.

"Ako si Eli," sagot ko, nakangiti pa rin. "Anong pangalan mo?"

Nagtagal 'yong tingin niya sa 'kin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita niya talaga ako. Mahiwaga ang babaeng 'to.

"Hindi ka ba masamang tao?" Umangat ang kilay niya.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam."

"What?"

"Pa'no ba malalaman kung masama o mabuti ang isang tao?" tanong ko sa kanya. Isa pa, hindi naman na ako tao, e... Matatakot kaya siya pag sinabi ko?

"Pumatay ka na ba ng tao?" tanong niya uli.

"Hindi ko alam..."

"Niloloko mo ba ako? How can you not know?"

Nawala 'yong ngiti ko. "Wala akong maalala, e."

Kumalma ang kanina pang tumataas na kilay niya. Tinuon niya sa 'kin 'yung buong atensyon niya. Tumuwid at umayos ako ng tayo.

"You have amnesia?" interesante na 'yung tono niya, 'di gaya kanina na ang sungit.

"Parang ganon?" Binigyan ko siya ng alanganing ngiti.

Natahimik siya. Kita ko kung paano siya unti-unting ngumuso bago ibinalik sa langit 'yung mga mata. Napatingala rin ako sa langit dahil sa ginawa niya.

"I envy you."

Bumalik sa kanya 'yung tingin ko. Nakatingala pa rin siya pero ngayon, seryoso na 'yung mukha niya. "Hah?"

"If you have amnesia, I'm inggit..."

Pinigilan kong mapangiti. Seryoso 'yung pagkakasabi niya pero parang gusto kong ngumiti.

"Bakit naman?" tanong ko. "Masamang bagay 'yung wala kang naaalala, ah. Kala mo ba. Sobrang clueless ka tungkol sa sarili mo. Maraming tanong. Masakit sa ulo." Natawa ako nang kaunti. "Hindi mo makikilala ang sarili mo kahit gustuhin mo... Mahirap 'yun."

"Well... kung ako naman, okay lang. Gusto kong tumakas."

"Hah? Bakit? Nakapatay ka? Pinaghahanap ka ng mga pulis?" Ganun 'yung mga nangyayari sa drama sa hapon tuwing nakikinood ako kila Aling Nita e.

"What?! Hindi 'no." Sumimangot siya. "I'm a good person." Natigil siya nang kaunti. Mukhang pinag-isipan pa. "Okay, maybe a little. I'm slightly a good person. At least I never killed anyone. Sa mind ko lang siguro." Nagkibit-balikat siya. "Sometimes."

"Kung ganon, bakit parang gusto mong mawalan ng ala-ala?"

"I just want to refresh my life. The people around me are all toxic. Nakaka-suffocate."

"Pwede mo naman sigurong layuan kung 'di sila mabuti sa 'yo?"

Bumuntong hininga siya at idinantay ang braso sa riles bago pumangalumbaba roon. "How I hope I could do that."

Napangiti ako. "Kaya mo 'yun. Buhay ka pa, e. Hangga't buhay ka, makakaya mo lahat."

"Hindi na effective 'yong mga words of wisdom sa 'kin. So you can stop encouraging me now."

"Ah. Kaya ka ba umiyak kanina dahil 'dun?"

Nilingon niya ako mula sa pagkahalumbaba at matalim akong tinignan. "You know what. You're so chismoso! Pinanood mo talaga ako kanina 'no? Before ka nagpakita sa 'kin? Nag-effort ka pa talagang mag-tago."

Nagkamot ako sa batok. "Hindi ko naman inasahang makikita mo 'ko."

"Huh? What do you mean? Of course, makikita kita dahil I have two eyes and my vision is still clear."

"Sobrang linaw naman pala ng mga mata mo kung ganon." Tumawa ako.

Umirap siya bago tumingin sa kalsada sa ibaba habang nakahalumbaba pa rin. Lumapad 'yung ngiti ko. Sa tagal kong ganito, may pagbabagong nangyari sa araw ko.

"Pero salamat kasi nakita mo ako," nakangiting sabi ko habang pinapanood siya. "Dahil sa 'yo may nakausap uli ako."

Sumulyap siya sa 'kin.

"Why? Wala bang nakikipag-usap sa 'yo? Maybe you're a boring person or baka wala kang kwentang kausap."

Tumawa ako. "Luh. Masaya akong kasama, ah!"

"Talaga lang, ha?" Napangiti siya.

"Oo, ah. Tignan mo nga ikaw, ngumingiti na. Kanina, umiiyak ka pa."

Humugong siya. "Pwede ba? Don't make me remember my crying scene earlier. It's making me so ashamed of myself."

"Bakit naman? Wala namang nakakahiya 'run."

"I was being weak," nakanguso niyang sagot. "Hindi normal sa 'kin 'yung umiyak. It's not me. I am brave, you know? Dapat malakas ako lagi. There's no room to crying or being a damsel in distress. Kasi if I don't do that, I won't survive in this cruel world. I only have myself as my ally. Kung manghihina ako, how will I survive?"

Kaya pala ganon 'yung iyak niya kanina. Pigil na pigil. Mabigat siguro talaga 'yung problema niya. Buti na lang nakikita niya ako. May makakausap siya. Mahirap kaya 'yung may dinadalang problema tapos walang masabihan.

"Kung makapagsalita ka naman, parang sobrang mali umiyak." Ngumiti ako. "Hindi naman dahil umiyak ka, mahina ka na. At hindi naman dahil may pagkakataon na mahina ka, matatalo ka na. Magkaiba 'yung magpapahinga sa susuko."

Pinapanood ko siya habang nagsasalita ako. Nasa kalsada lang 'yong mga mata niya pero alam kong nakikinig siya dahil kumikibot 'yong mga labi niya sa mga naririnig sa 'kin.

Ngumiti ako. I miss having someone to talk to. Angel in disguise nga siguro siya para mapagbigyan ako ng pansamantalang saya.

"You cry when you're sad. You take a rest when you're tired. Hindi kasalanan mapagod o ang umiyak. Normal lang 'yan kasi tao ka. Like your body accept tireness, you must accept it mentally, too, so that you would know when to recharge. Kung puro laban ka lang kahit pagod ka na, matatalo ka talaga.

"Minsan kailangan mong ilabas lahat. Do you know how strong the people who cries after a very tiring battle but still capable of bearing another strength only to go back fighting again? It's about standing up back again because you refuse to get defeated. 'Dun pa lang, sobrang lakas mo na."

Lumlamlam 'yung mga mata niya. Ilang sandali kaming nanatili sa katahimikan. Iniisip ko tuloy kung nakatulong ba 'yung sinabi ko. Napalala ko pa yata 'yung nararamdaman niya.

Nagbuntong hininga siya. Mag-so-sorry na sana ako pero nagsalita siya.

"I think you're right."

Unti-unti akong napangiti. "'Di ba? Tama 'yung sinabi ko. Narinig ko lang 'yan sa essay performance sa—"

Natigil ako dahil bigla na lang siyang umiyak nang malakas.

Tumingala siya habang nakapikit ang mga mata at mas lumakas pa 'yung naging pag-iyak niya. Tuloy-tuloy 'yung pag-agos ng mga luha niya sa pisngi niya hanggang sa leeg niya. Parang ang tagal niyang inipon ang lahat ng emosyon niya.

Tipid akong napangiti.

Nakalimutan kong kapag buhay ka pa, hindi puro saya ang mararamdaman mo. Minsan, masasaktan ka. Malulungkot. Pero ang importante, sa pagtapos ng isang araw, buhay ka pa. May bukas pa. Pwede ka pang bumawi sa sarili mo. Sa ibang tao. May pagkakataon ka pang gawin 'yung mga gusto mo. Isang napakagandang regalo sa bawat araw 'yung panibagong pagkakataon.

Pinanood ko siya hanggang sa matapos siyang umiyak.

Tumingin ako sa paligid. Mabuti naman at walang nag-reklamo sa ingay niya. Masungit kasi 'yung nakatira sa apartment na malapit dito sa rooftop. Nasa trabaho siguro 'yun ngayon.

"Pinanood mo l-lang talaga ako 'no?" sabi niya habang sumisigok nang malakas. "You should've g-given me a handkerchief or e-even a tissue!" Masama 'yung tingin niya sa 'kin habang nag-re-reklamo.

Binuksan niya 'yung maliit na bag niya at naglabas ng tissue doon. Ang liit na bag pero kasya 'yung tissue? Galing! Nagpunas siya ng luha bago suminga. Namumula 'yong mga mata niya pati 'yung mga pisngi. Basa na rin 'yung kwelyo ng damit na suot niya dahil sa mga luhang umagos doon kanina.

Napakamot ako sa ulo. "Pasensya na. Wala akong panyo o tissue."

"Figures," umirap siya. Huminga nang malalim. Nagbuntong hininga. Bago tumingin sa akin. At ngumiti. Medyo namumungay pa 'yung mga mata niya dahil sa pag-iyak pero ang amo ng mukha niya ngayong ngumingiti siya nang ganito. Marahan pa ring iniihipan ng hangin ang mahabang buhok niya. At ang... ganda niya.

"Pero thank you. I feel so much better now."

Kumurap ako.

Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. "Tuwing mabigat ang loob mo, umiyak ka lang."

"Get it. Anyway... Palagi ka ba rito?" tanong niya, nasa akin pa rin ang buong atensyon.

"Tuwing gusto kong tignan 'yung kabuuan ng village, dito ako pumupunta. Overlooking kasi lahat dito. Tsaka, mahangin. Marami kasing puno sa area na 'to."

Napatango siya. "Taga-rito ka ba? Ngayon lang kita nakita. Or are you a tourist? Bakasyonista? So your name is Eli."

Ngumiti ako. Hindi ako sigurado kung dito ako nakatira pero palagi ako sa village na 'to simula nang nagising akong ganito.

"Ikaw, anong pangalan mo?" tinanong ko ulit siya.

"Ah! Right. I haven't told you pa kanina because I'm afraid that you might turn out as a murderer or something."

Tumawa ako. "Tingin ko, hindi naman ako mamamatay-tao."

"Since when did you have your amnesia?"

"Isang taon na yata?"

"Hindi ka pa rin sure?"

Ngumiti ako. "Hindi pa rin."

"That's tough."

Tumango ako.

"Anyway, I'm Dina."

Lumapad 'yung ngiti ko. Siya 'yung pinakauna kong kaibigan ngayon. Dina. "Ganda ng pangalan mo."

"Really? I don't like it. But thank you."

"Pwede ba akong magtanong, Dina?" marahan ko siyang tinanong.

"Sure. You're asking me already. What about it?"

"Wala ka bang napapansin na kakaiba sa 'kin?"

Hindi ko alam kung paano niya ako nakikita o kung anong nakikita niya sa 'kin. Tuwing tumatapat ako sa salamin, wala akong repleksyon. Tuwing tinitignan ko 'yung mga kamay ko, parang ilusyon lang na binubuo ng hangin 'yung nakikita ko.

Umangat ang mga kilay ni Dina sa 'kin sa pagtataka. Tinitigan ko siyang mabuti. Mukha namang walang bakas ng kahit na anong takot 'yung mga mata niya.

'Di nagtagal, pinalandas niya ang tingin niya sa kabuuan ko. Napatuwid ako ng tayo.

"You're... pale," sagot niya tsaka sumimangot. "Tumayo ka rito around morning, para masinagan ka ng araw."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Why? It's true! Kulang ka sa vitamin D! That's not healthy. And bakit wala kang shoes? Taga-rito ka ba sa isa sa mga apartment ng building na 'to? Kaya feel at home ka?"

Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanya. Baka mabigla siya o kaya matakot. Naiisip ko tuloy na baka tulad ng mga bungong display pag halloween 'yung hitsura ng mukha ko. Pero sa reaksyon ni Dina, mukhang hindi naman.

"May sasabihin ako... Pero 'wag ka sanang mabibigla, ah."

"Ooh. Okay! Tungkol saan?"

Magsasalita na sana ako pero hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan. Gusto ko pa sana siyang kausap pero pag sinabi ko, baka takbuhan niya 'ko sa takot. Madulas pa naman sa hallway ngayon. Madulas pa siya e. Delikado.

"Divine Nathalie!" Sabay kaming napatingin sa babaeng kararating lang sa rooftop.

Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan namin. Mukhang nagmamadali pa siya.

"Thank God you're here! Kanina pa kami nag-hahanap sa 'yo. Anong ginagawa mo rito?"

"Well... You might not believe it but I'm having a conversation with a new found friend!" Nakangiting bumaling sa 'kin si Dina bago muling tumingin sa babaeng kausap niya. "I know, it's surprising. But he's not that bad. Not like those non-biodegradable students from our school."

Gumala 'yung paningin ng babae sa paligid ng rooftop. Nadaanan niya ako ng tingin pero hindi niya ako nakita.

"Huh? Nasaan?"

"Here, oh!" Hinila ako ni Dina sa braso ko. Nanlalaki 'yung mga mata ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nahahawakan niya ako? "Are you blind, Lara? Your eyes are so big yet you can't see him? I know I'm always rude but now, you're being rude! He's a new friend. You must acknowledge him."

Umirap 'yung babae bago tumawa. "Leche. 'Wag mo akong tinatakot, ah. Mahina 'yung puso ko, alam mo 'yan. Tara na nga! Bumaba na tayo! Hinahanap ka na nila Tita!"

Sumimangot si Dina sa kausap niya. "I don't get it why Mom and Dad are always seeing you as the 'kind' one when you're this rude, Lara!" Hinarap ako ni Dina. "I'm sorry sa kanya, ha. Sometimes, she's crazy. That's her normal form. Forgive her. Mabait naman siya minsan. She's tolerable."

Marahan akong ngumiti sa kanya. Siguro nga hanggang dito lang 'yung itatagal namin bilang magkaibigan. Malaking pasasalamat ko na rin kasi nabigyan ako ng pagkakataong magkaro'n ng sandaling kausap. Malaking bagay na 'yun para sa 'kin.

"Sa totoo lang... hindi ko rin alam kung paano mo 'ko nakikita. Pero hindi talaga ako makikita ng kaibigan mo gaya ng ibang tao dahil matagal na akong patay, Dina."

Napaisip ako sa sinabi ko. Ba't parang tinatakot ko siya? Baka matakot. Pero 'di pa yata niya gets.

Lalong kumunot ang noo niya.

"Huh? What are you saying?"

"Huy, leche ka. Hindi na ako natutuwa, Divine! Sino bang kausap mo riyan?" tanong ng kaibigan niya sa kanya.

Pinanood ko ang nanlalaking mga mata ni Dina habang nakatingin sa 'kin. Bumalik 'yung tingin niya sa kaibigan.

"Lara! You can't see him? Seriously nga?"

"Mukha ba akong nag-jo-joke?! Tingin mo makakapag-joke pa 'ko after pagalitan ni Tita dahil 'di kita kasamang umuwi? Akala nila nag-layas ka na! Pahamak ka e. Relax na relax na ako sa bahay-"

"Shut up! I am asking you kung hindi mo nga talaga siya nakikita?!"

"Huh? Sinagot ko na 'di ba? Wala nang ibang tao rito kundi tayong dalawa lang! Pinagsasabi mo riyan? Naka-drugs ka ba?"

Bumagsak 'yung balikat ko habang pinapanood 'yung pagkabigla sa mukha ni Dina. Unti-until siyang tumingin sa 'kin. Tipid ko siyang nginitian.

"T-then... y-you are..." Kumunot ang noo niya. Ilang beses bumuka 'yung bibig niya tsaka sumara uli hanggang sa nakahanap na ng tamang salita."What are you? Engkanto ka ba?!"

Bahagya akong natawa. Mataman ko siyang tinignan sa mga mata.

"Kaluluwa na lang ako. Pasensya na kung 'di ko nasabi nang maaga at kung nabigla kita. Gusto pa kasi sana kitang kausap dahil ngayon lang may nakakitang tao sa 'kin..." Yumuko ako sabay haplos sa batok ko. Magagalit kaya siya? "Sorry talaga, Dina."

"Totoo nga? Seriously?" Nanatili ang gulat na mga mata niya sa akin. Tumango ako. Umawang 'yung labi niya. "Oh my gosh."

Ngumiti ako nang marahan. "Nice to meet you, Dina."

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang titig niya sa mukha ko. Bumagsak din ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napatingin siya 'dun.

"But... I can hold you?"

'Yan din ang ipinagtataka ko.

"Ano ba, Divine?! Tigilan mo 'ko, ha. Tumatayo na 'yong balahibo ko. Tara na!"

Kinuha ng kaibigan niya ang kamay niya at hinila na siya patungo sa Fire Exit. Mabilis siyang nahila pero naiwan sa akin 'yung tingin niya.

Nginitian ko siya tsaka kinawayan. Nanatili 'yung ngiti ko hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Gusto ko siyang makita at makausap sana uli pero alam kong sa puntong 'to, masyado ko siyang nabigla. Imposible nang bumalik pa siya rito.

Tumingala ako habang nakangiti. Masaya akong nakilala ko siya.

* * *

Writer's note :

This story is FANTASY / TEEN FICTION / A LITTLE ROMANCE / SLICE OF LIFE. 

This is a work of fiction. Names, characters, organizations, places, events, and incidents are used fictitiously. 

This quarantine dried out all of my brain cells from romance and stuffs. I want to write different whatnots about some realizations in life. I hope it can inspire you too while we're getting ahead on this story.  

I did not proofread so there might some typographical errors. Sinulat ko lang agad. I hope you can bear with me.

If you're reading this, thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top