Chapter 4

"Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa bansa, cancelled muna ’yung upcoming shows and guestings ninyo," ani Noel. Nasa ZOOM meeting silang anim. "Hintayin na lang muna natin ang mangyayari. Mag-a-announce daw ang pangulo ng bagong alert level. Balita ko e magkaka-lockdown pa raw."

Bumalatay ang disappointment sa mukha nina Adam, Gino, Travis, at Sheldon. Malungkot din naman si Pierre pero mas nangingibabaw sa kaniya ang lihim na tuwa. Cancelled ang shows nila. Ibig sabihin noon ay hindi na rin niya makikita ang ultimate fan niya. Para sa binata, gagamitin niya ang lockdown sa pamamahinga at pamumuhay nang normal na hindi binubulabog ng kaniyang fan. Hindi rin muna niya bubuksan ang social media accounts niya para hindi muna niya makita ang posts at stories kung saan siya itina-tag ng fan.

Tuluyan na ngang inimplementa ang ECQ. Natigil ang face to face classes. Maraming negosyo ang nagsara at naapektuhan. Isa na nga roon ang pasta restaurant nina Pierre. Dahil sa ipinagbabawal ang direktang contact sa mga tao at sa hirap sa pagsakay dahil pinatigil ang public transportation e nag-struggle sa staffing ang kanilang kainan. Ang natira na lang ay isang delivery boy at ang stay-in na chef.

Dahil ipinagbabawal lumabas ang mga tao ay maraming pamilya ang mas pinili ang magpa-deliver ng mga pangangailangan pati na rin ng mga pagkain. Iyon ang isa sa pinoproblema ng mga magulang ni Pierre. Sunod-sunod ang orders ngunit isa lang ang delivery boy nila kaya hindi agad naide-deliver ang iba.

Nagpresenta na rin si Alessandro, ang ama ni Pierre na mag-deliver pero hindi pa rin sapat. Iyon ang pagkakataon na nagdesisyon ang binata.

Isang araw ay kinausap niya ang mga magulang.

"Mom, Dad. Tutulong po muna ako sa pagde-deliver ng orders. Wala rin naman po kaming shows ngayon kaya libre po ang oras ko."

Nagtinginan sina Alessandro at Paolina. Mayamaya ay sabay na nagpakawala ng mabigat na paghinga ang dalawa.

TINATAHAK ni Pierre ang kahabaan ng EDSA. Papunta siya ngayon sa Mandaluyong para mag-deliver ng anim na pack ng pizza at Italian pasta. Pang-benteng deliver na niya iyon ngunit hindi niya iniinda ang pagod. May nakabinbin pa kasing thirty orders sa restaurant na kailangan nilang pagtulong-tulongang ihatid.

"Uy, si Pierre ba ’yun!"

"Oo, si Pierre nga!"

Minadali ni Pierre ang pagpapaandar sa motor pabalik sa restaurant bago pa siya makuyog ng fans.

Akala niya ay makakahinga siya nang maluwag nang makaalis siya sa lugar pero doon palang pala magsisimula ang lahat.

Na-picture-an si Pierre sakay sa motor na may logo ng restaurant nila kaya nabunyag sa social media ang business ng kaniyang mga magulang.

Sa mga sumunod na araw ay tumriple ang umo-order sa restaurant kaya napilitan silang maglagay ng limitasyon sa order na tatanggapin sa isang araw.

"Anak, puwede ka nang tumigil sa pagde-deliver. Baka lalo kang kuyugin ng mga tao. Hindi natin alam kung sino sa kanila ang infected at sino ang hindi."

Hinaplos ni Pierre ang pisngi ng ina. "Mom, I'm enjoying what I do. Dodoblehin ko po ang pag-iingat ko, promise."

Kinuha ni Pierre ang bagong lutong pizza na inilagay ng chef sa counter. Bago tuluyang lumabas ay nilingon muna niya ang ina. "I'll make sure to keep distance from the customers, Mom."

Wala nang nagawa si Paolina kundi sundan ng tanaw ang anak.

TINATAHAK ni Pierre ang daan patungo sa isang exclusive subdivision. Someone ordered a box of overload pizza, carbonara, and salad. Pang-isang tao lang.

Pinapasok agad siya ng security guard. Nang makapasok siya sa malaking gate ay dinire-diretso niya ang daan hanggang sa makarating siya sa isang bahay na may pinturang kulay krema. Dalawang palapag ang meron ito.

Kinuha na ng binata ang order ng customer at naglakad siya palapit sa pinto. Iiwan na lang niya ito roon tutal ay bayad naman na ang mga pagkain through online transaction.

As he was about to turn his back at the door, he heard it squeak. Ibig sabihin noon ay may nagbukas nito.

Ganoon na lang ang panggigilalas ni Pierre nang makita kung sino ang naroon...

Si Tricia!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top