Chapter 2

"Pierre, ang tahimik natin ngayon, ah?" Inakbayan ni Sheldon ang kaibigan nang mapansing seryoso ang aura nito ngayon.

Nasa backstage sila ng Studio 6. Magpe-perform sila sa "Marielle Talks", isang morning show sa ATL Network.

Sumabad si Gino. "Tol, badtrip ’yan si Pierre. Hayaan mo muna."

Isang nagtatanong na tingin ang itinapon ni Sheldon kay Gino. The latter didn’t say any word. Bagkus e ginamit nito ang nguso sa pagturo sa audience section.

Tumango-tango si Sheldon nang makuha ang ibig iparating ng kabanda. He averted his gaze to Pierre. "Kaya pala, nandiyan na naman pala si Miss Superfan mo."

Pierre smirked. "Miss stalker kamo." He released a heavy sigh.

Ang tinutukoy ni Pierre ay ang fan na na-meet niya sa event dalawang buwan na ang nakaraan. Iyong fan na nagpa-autograph sa kaniya.

Mula kasi ng gabing iyon ay hindi na siya tinantanan ng babae. Lagi itong present sa events ng Alpha Lite. Hindi man ito lumalapit pero inis na inis si Pierre sa presensiya ng babae. He felt suffocated. Kulang na lang mag-apply ang fan bilang personal assistant niya.

Sa una, natutuwa pa siya sa fan. Ito kasi ang laging nagpapasimuno sa pagpapa-trend sa band nila sa Twitter. He also heard that she created a fanclub for them. It has more than 5,000 members in Facebook.

Hindi rin nakaligtas kay Pierre ang pag-DM ng dalaga sa personal IG niya. Tricia De Asis was the fan’s name, as what was stated on her username.

She would always tag him in her stories, reels, and posts. Wala namang kaso iyon kay Pierre. Natatawa pa nga siya sa edit pictures ng dalaga. Medyo amazed siya kasi napagdidikit nito ang pictures nila which people may not notice those were manipulated at first glance. Talented sa editing si Tricia.

Lahat ng tuwa ni Pierre sa fan ay naglaho nang isang araw ay sumulpot ito sa album launch nila. It surprised him when he saw Tricia wears a wedding gown. He felt embarassed lalo na nang pilitin siya ng organizers na pagtabihin sila ng fan. After that, they took a picture.

The fan didn’t stop there. Ini-profile pic pa nito ang pictures nilang dalawa. She even created a dummy account of him then ini-relationship pa ito sa sarili.

Pierre finally go off  the deep end. Doon nagsimula ang pagkainis niya kay Tricia. Gustuhin man niyang ipakita iyon sa fan ay hindi maaari. Wala siyang choice kundi kimkimin na lang iyon at pagtiisan ang fan.

Now that they have another guesting, the fan is there again. May hawak-hawak pa itong illustration board na sa wari ni Pierre ay isang banner.

The hosts introduced them. Nang tuluyan na nga silang lumabas ay lalong hindi magkamayaw ang mga tao. They were cheering their names.

Kumanta sila ng tatlo: Intricating Love, Tangled, at Three Hours. Lahat ng iyan ay original composition nila. The crowds joined them while singing their hearts out.

As Pierre was playing his guitar, he unintentionally looked at the side where Tricia is sitting. Pirmi lang itong nakaupo at nakapikit habang nakabalatay ang ngiti sa mukha. Sa pagkakataong iyon ay gumaan ang ekspresiyon ng binata. Tila ba bumalik ang turing niya kay Tricia noong unang beses niya itong nakita.

Hindi pa siya nakatatagal sa pagtingin ay nagmulat ng mga mata ang dalaga. As everybody expects a fan to react, nataranta ang dalaga at pinaghahampas ang braso ng katabi. Nagtawanan ang mga ito sa ginawa ng dalaga na noo’y nagpipigil ng kilig.

Iniwas ni Pierre ang tingin at muling ipinokus ang sarili sa pagtugtog.

Sa buong airtime ng Alpha Lite sa programa ay hindi na sumulyap pang muli si Pierre sa kinaroroonan ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top