CHAPTER 4

"You're not answering my simple question, Veyanie." Hindi ko pa rin siya pinansin at dire-diretso lang na naglakad sa corridor, lahat ng mga estudyanteng aming malalampasan ay napapalingon sa aming dalawa.

"Ang daya mo, you know. Kaya ata ayaw mong sabihin ang pangalan niya kasi gusto mo siya, 'no?" Doon ay napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya habang naka-crossed arms.

"I don't like him, okay? He's my bodyguard and his name is James. Okay ka na?" tanong ko sabay irap sa kaniya, tumatawa-tawa na lang itong tumango kaya muli ulit akong naglakad para makapunta na sa classroom.

Nang makapasok sa classroom ay sabay-sabay silang napalingon sa aming dalawa at ilang segundo lang ay bumalik na ulit sa sari-sariling ginagawa, ako naman ay lumapit na sa upuan.

Napairap ako ng paalisin niya ang katabi ko at siya ang umupo.

"Ano bang kailangan mo, Eyska?"

She's Eyska Paragon, since high school ay kaklase ko na siya, hanggang ngayong senior high. Hindi ko alam kung bakit hindi kami naghihiwalay nang isang 'to. Siya rin ay kilala bilang the univeristy playgirl, paano araw-araw bago ang boyfriend. Nakahihimala nga lang ngayon dahil walang sumalubong sa kaniyang lalaking may hawak na bulaklak pagpasok sa classroom.

Cause din siya ng gulo rito dati dahil nagawa lang naman niyang pagsabayin ang tatlong lalaki, hindi alam no'ng mga guy and worst magtrotropa pa kaya ayon nagkaroon ng rambulan sa gymnasium dahil lang sa pagiging lalakero ni Eyska. Pero, hindi naman maipagkakailang matalino siya kaya siguro maraming lalaki ang naaakit.

"Spill some tea, Veyanie. Sinagot mo na ba——" Speaking of the devil, napairap ako ng makita ang pagpasok ng isang lalaki at dire-diretsong naglakad palapit sa kaharap kong upuan which is upuan niya talaga.

"Good morning, Yanie." Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa bintana, katabi ko kasi ang bintana at sa labas nito ay mga puno.

"Hey, pansinin mo naman ako. Kailan mo ba ako sasagutin?" Balak ko sana siyang sagutin ng pumasok na ang aming teacher, nakangisi ko siyang tinignan at nagkibit-balikat.

This guy is my so-called-suitor. I don't know kung kailan ko siya pinayagang manligaw pero hinayaan ko na lang, kahit naman sabihin kong tumigil siya ay hindi siya titigil. Mas matigas pa sa hollowblock ay bungo nitong isang 'to, eh.

His name is Gabrielle Anderon, kung itsura ang pagbabasehan ay may panlaban 'to. Matangos, maputi, matangkad, at bumagay sa kaniya ang itim na itim niyang buhok na mas makintab pa sa tiles ng mansion. Malinis din kung manamit kaya maraming babae ang naa-attract sa kaniya.

"Ms. Herrera, sabihin mo sa akin kung ilang beses kitang kailangan tawagin para bumalik ka sa ulirat." Napabalik nga ako sa ulirat ng marinig ang sinabi ni Prof., nang makatayo ay inirapan ko siya at bored na hinintay ang itatanong.

"Inirapan pa nga ako, kailan mo balak tumigil sa pagiging mataray?" Umirap ulit ako at saka siya tinitigan, isa talaga 'to sa Prof. ko na parang sisira ng aking kinabukasan.

"Tanong mo sa neknek mo," nakangisi kong sagot kaya nagtawanan ang aking mga kaklase na ikinapula naman ni Mr. Haronza (prof. ko siya sa Science).

"Aba't, panira ka talaga ng araw!" sigaw nito at lumabas nang room kaya halos magkagulo ang mga kaklase ko dahil may isang oras na naman kaming free time, umirap ako ng pasalamatan ako ni Eyska. The hell.

Gustong-gusto talaga nila tuwing binabara ko ang Prof. naming 'yon. Palibhasa'y sa tuwing naiinis ay aalis sa room at ibigsabihin niyon free time na namin ang Science.

"Kaya kita kinaibigan, eh. Lakas mo talaga, Veyanie!" sigaw nito dahilan para muli akong umirap. Abnormal talaga ang babaeng 'to.

Lalakerong abnormal.

"So, Yanie. Ano na?" Tinignan ko si Gabrielle na nasa aking harapan, nakangiti itong nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya.

"So, Gabrielle? Ano na, kailan mo balak tumigil sa pangungulit sa akin?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ng aking katabi at bumubulong-bulong pa ito na war na itech!.

"Hmm, siguro kapag may boyfriend ka na at dapat ako." Ngumiti pa ito na parang proud na proud sa sarili. Isa rin 'to sa ayaw ko sa kaniya, tinalo pa ang building sa taas ng tingin sa sarili.

"Bakit ba ayaw mo pang sagutin si Gabrielle, Veyanie? He's almost perfect na kaya." Nilingon ko si Eyska saka siya pekeng nginitian. Bakit nga ba ayaw kong sagutin ang isang 'to?

Bumuntong-hininga ako at hindi na nag-abala pang sagutin ang tanong ni Eyska bagkus ay tumayo ako saka naglakad palabas ng room. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa aking pangalan pero hindi ko na pinansin.

Makapunta na nga lang ng garden, doon ko palilipasin ang isang oras.

Habang naglalakad sa hallway papuntang garden ay pumasok ulit sa isip ko ang tanong ni Eyska, bakit ko nga ba ayaw sagutin si Gabrielle?

No'ng una kong makita ang lalaking 'yon ay bumilis agad ang tibok nang aking puso, hindi dahil sa kilig kundi sa kaba. Iyong kaba na nagbibigay sa akin ng warning na huwag akong magtitiwala sa kaniya pero sa tatlong taon kong ka-schoolmate si Gabrielle ay wala naman akong nababalitaan na masasama o higit pa sa kalokohang ginawa.

Napairap ako dahil bakit ko nga ba tinatanong sa sarili kung bakit hindi ko siya sinasagot, eh obviously naman he's not my type.

Nang makarating sa tapat ng garden ay yumuko muna ako para makapasok sa maliit na daanan, isang tao lang ang kasya at maliit pa. Pa-square ang loob nito at nababalutan ng mga damo ang paligid lalo na ang mga apat na pader. Pagpasok din ay maliit na fountain sa gitna ang una mong makikita at nakapalibot sa fountain ang wood bench.
Nasa mga gilid ang bulaklak at kung ano-ano pang proyekto na pinapagawa sa mga estudyante. Lumapit ko sa bench at umupo ro'n saka tiningala ang langit, ramdam na ramdam ko ang dampi ng hangin sa aking balat kaya napapikit ako ngunit napamulat din ng may maalala.

Iyong motor kanina. . .

Bumuntong-hininga ako sabay irap sa kawalan, pasalamat talaga ang driver ng motor na iyon at hindi niya ako nasugatan o nasagi kundi kahit saang lupalop pa siya ng mundo ay hahanapin ko siya.

Si James, nagtatampo pa rin kaya siya?

"The hell, kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kung nagtatampo ang isang tao sa 'yo, Veyanie?" Umirap ako sa kawalan at bumuntong-hininga. Aaminin ko no'ng nakita kong nawala 'yong sigla sa mukha ng bodyguard ko dahil sa nasisi ko siya ay nakaramdam ako ng guilty.

Bakit ko nga ba siya sisisihin, in the first place naman ay sinabi ko na I can take care of myself, alone.

Bakit ko kailangang ma-guilty, hindi ko kailangang maramdaman 'yon. Hindi na maaring maulit ang nangyari.

I can't go back. Once is enough.

•••••
02-25-2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top