CHAPTER 3
Nakangiti kong tinitigan ang sarili sa salamin habang suot ang puting blouse na pinatungan ng black blazer, gray na skirt ang pambaba, at naka-white high knee socks.
Kinuha ko ang suklay na nakapatong sa make-up table saka ito ginamit, pagkatapos naman no'n ay naglagay ako ng onting liptint sa aking labi, halatang-halata kasi ang pamumutla nito. Naglagay rin ako ng perfume at muli na namang tumitig sa salamin.
Bisyo ko na ata talaga ang titigan ang sarili sa salamin pagkatapos mag-ayos kahit pa habang nag-aayos ng sarili ay iyon ang aking kaharap.
Nang masiguradong ayos na ay lumabas na ako ng aking kuwarto at naglakad palapit sa hagdan. Pahakbang na sana ako nang marinig ko ang mga yabag na nanggagaling sa kabilang hallway kung na saan ang hagdan papuntang third floor.
Sumandal na muna ako sa railings and naka-crossed arms na tumingin doon. Ilang segundo lang ay nakita ko nang naglalakad ang aking bodyguard, he's wearing a lacoste black polo and black jeans with matching white sneakers.
"Hmm, nagmukha kang tao dahil sa suot mong 'yan," aniko saka ulit siya tinitigan simula ulo hanggang paa.
"Nahiya ka pa, Señorita. Ba't hindi mo na lang sabinin na 'James, ang guwapo mo'," sabi nito at nag-pose pa na parang nagpapa-pogi, imbes na ngumiti ay irap ang sinagot ko rito. Masyado siyang mahangin at hindi 'yon nakatutuwa.
Muli pa akong umirap bago bumaba ng hagdan, narinig ko pa nga ang pagtawa nito. Bakit ba gan'to ang taong 'to?
Balak kong pumunta sa opisina ng Lolo kong panot para sana magpaalam na ako ay papasok na ngunit napahinto ako ng marinig ang isang bagay na nabasag, malakas ang tunog nito kaya bahagya akong napatakip sa tainga.
"Huwag na huwag mong susubukan!" Iyon ang narinig kong sigaw ni Lolo at kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto, nanlalaki ang mata kong tumingin kay Lolo na halata ang galit. Namumula ang mukha nito at tumutulo ang pawis sa noo.
"W-What's wrong, Lo?" Umiling ito sa akin sabay ngiti, nilingon niya ang bodyguard ko kaya naman pati ako ay lumingon dito.
"Bantayan mo siya, James." Halata sa mukha niyang naguguluhan siya sa sinabi ni Lolo pero tumango pa rin ito. Pati ako ay bigla ring naguluhan, kilala ko ang Lolo ko, mabait siyang tao at wala pa akong kilalang nakakaaway niya.
Pero itong mga nakaraang araw ay narinig ko na parang may kaaway siya sa telepeno, akala ko'y wala lang 'yon pero sa nangyari ngayon. Alam kong may nangyayaring kakaiba and he doesn't want me to know what it is.
"Take care of yourself, Apo. Mag-aral ng mabuti," sabi pa nito bago ulit pumasok sa kaniyang opisina.
My Lolong panot is kinda weird.
"Let's go, malelate na ako." Nauna na akong naglakad palabas ng mansion, nasa tapat na rin ang sasakyan na ginagamit ko sa pagpasok. Pinagbuksan ako ng pinto ng aking bodyguard at imbes na magpasalamat ay inirapan ko lang siya.
"Thank you, James. Welcome, Self." Narinig ko ang pagtawa nang aking driver dahil sa sinabi nitong lalaking 'to. Kung hindi lang talaga dahil kay Lolo ay unang araw pa lang sana niya rito sa Mansion ay tanggal na siya. Ayoko sa kaniya, nakakainis siya!
Nagsimula ng umandar ang kotse habang 'yong bodyguard ko naman ay parang may kinakalikot sa harapan.
"Kuya Reynald, buksan mo nga ang radio." Lakas naman nitong taong 'to, tinalo pa ang boss kung makapag-utos. Napairap na lang ako sa kawalan. Ni-isa ata sa katangian nitong lalaking 'to ay wala akong magugustuhan.
This guy's in love with you pare
This guy's in love with you pare
This guy's in love with you pare
Bading na bading sa'yo
Napairap ako ng sabayan niya ang kanta na naging dahilan para mas lalong maging maingay ang loob ng kotse, dagdag mo pa ang pagtawa ni Reynald dahil tuwang-tuwa sa itsura nitong isa. The hell.
Di na ako makasagot ng telepono
Palagi niyang kinakausap ang parents ko
Kulang daw sa tulog at 'di na makakain——
Nahinto siya sa pagkanta ng i-next ko sa ibang station ang FM. Ayoko ng mga ganoong kanta, ang sakit sa eardrums. Ilang segundo pa ay nahanap ko na ang gustong pakinggan. Sumandal ako at saka pumikit, dinadama ang tunog.
Hmm. Hmm. Hmm. Lalalala.
Hmm. Hmm. Hmm. Lalalala.
"Lanjo 'yan, Señorita. Umagang-umaga tapos patutulugin mo ako? Para namang pang-hele 'yang pinapakinggan mo," rinig kong pagmamaktol nito kasabay ng pagpapalit ng tunog.
Everyday daw ay rainy day on Monday
'Cause 'di na ko maaya to come out and play
Tinataguan na nga, palaging late o absent
Ang sabi pa rin, "I'll always have a friend that you can depend" oh oh
Pinindot ko ulit ang next at pinindot naman niya ang isang button para bumalik sa kantang pinapakinggan niya.
This guy
Hmm. Lalalala.
Pare
Lalalala.
Kapag pumindot ako ay pipindot din siya kaya halos hindi na namin maintindihan ang lumalabas na salita sa radio hanggang sa wala na kaming marinig.
"Tignan mo, nasira! Hahambalusin talaga kita ng bag ko, nakakainis ka!" sigaw ko at muling sumandal sa kinauupuan. Napairap ako sa kawalan dahil sa sobrang inis.
Agad na nangunot ang noo ko ng maramdamang hindi na pala umaandar ang kotse at naka-park na rin kami sa parking lot ng university.
"Bakit hindi mo sinabing nandito na tayo, Kuya Reynald?" rinig kong tanong ng bodyguard ko.
"Sinasabi ko kaso busy kayo sa sarili niyong mundo." Napairap ako dahil sa sinabi ni Reynald, sarili naming mundo? As if naman gusto kong makasama ang isang 'yan sa isang mundo, kung puwede ko nga lang siya sipain papuntang Mars ay ginawa ko na.
Nauna na akong lumabas ng kotse, nakita ko naman na bumaba rin ang aking bodyguard.
"Anong oras kita susunduin, Señorita?" nakangiti niyang tanong dahilan para mapairap ako. Nakakainis talaga kapag ngumiti siya.
"Tanong mo sa neknek mo." Inirapan ko pa siya bago nagsimulang maglakad. Naglakad na ako palayo rito ng biglang may motor na sumulpot, mabilis ito at parang gusto talaga akong sagasaan.
Napaatras na lang ako saka nilingon ang motor na iyon, hindi kalayuan sa aking kinatatayuan ay tumigil ito at lumingon sa akin, pilit ko mang kilalanin ay hindi ko magawa dahil sa suot nitong itim na helmet. The hell.
"Ayos ka lang ba, Señorita? May sugat ka ba?" Hinawakan nito ang braso ko saka tinignan, napairap ako sa kawalan sabay hila ng sariling braso na hawak nito.
"Bodyguard ba talaga kita? Sana ay bago pa makalapit sa akin ang motor na 'yon ay nandito ka na sa tabi ko, paano na lang kung nasagaan ako?" Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagyuko nito, halata rin sa balikat ang malalim na buntong-hininga.
"The hell, I'm okay. Don't worry, bumalik ka na sa mansion dahil hindi na kita kailangan dito." Tumango lang siya at hindi na nagreklamo, parang bata itong naglakad palapit sa kotse. Napairap ako sa kawalan bago ulit nilingon ang pinuntahan ng motor.
Sino sila at anong kailangan nila sa akin?
"Kaila Veyanie!" Nilingon ko ang taong sumigaw ng aking pangalan, masama ko siyang tinignan at nakita ko ang pag-peace nito habang tumatakbo palapit sa akin.
Nang makalapit sa akin ay walang kwentang tanong agad ang lumabas sa kaniyang bibig dahilan para irapan ko siya.
"So, who's the cute guy?"
•••••
02-21-2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top