CHAPTER 2
Habang pababa ng hagdan ay nakita ko ang aking bodyguard na papasok dito sa mansion, tumaas ang isa kong kilay ng makitang tumingin din siya sa gawi ko.
"Good morning, Señorita," nakangiti niyang pagbati kaya naman napairap ako.
"There is no good in morning kung ganiyang itsura ang bubungad sa akin." Muli pa akong umirap bago siya talikuran at naglakad palapit sa isang pinto, sa loob ng pintong ito ay ang Dining room. Dalawang pinto ang nasa bahaging ito; the living room and dining room. Sa kaliwang bahagi naman ng mansion ay isang pinto, 'pag pumasok ka ro'n ay sobrang habang hallway ang una mong makikita at sa kalagitnaan ay nandoon ang mga kuwarto ng mga kasambahay, may pinto rin sa pinakadulo na siyang daanan ng mga nagtratrabaho sa labas ng mansion.
"Grabe, ang laki naman dito." Napairap ako nang marinig ang sinabi ng taong nasa likod ko nang buksan ko ang pinto, palibhasa'y anak mahirap kaya hangang-hanga sa mga nakikita. Tinalo niya pa ang sanggol na bagong panganak, walang alam sa mundo.
Isang mahabang lamesa ang tanging naririto, 16 ang upuan kahit kaming dalawa lang naman ni Lolo ang kumakain dito. Magkabilang dulo pa ang inuupuan namin kaya kung mag-uusap kami ay kailangan malakas ang boses, bingi na kasi ang matandang 'yon. Pero sa ngayon ay hindi ko makakasabay na kumain ng umagahan si Lolo dahil sabi ni Manang Merna ay nagmamadali raw itong umalis.
May mga nakahain ng pagkain kaya naman umupo na ako at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato. Napatingin ako sa aking bodyguard na tuwang-tuwa habang nakatingin sa mga paintings na nakasabit sa dingding, para siyang bata na ewan.
Umirap na lang ako at ibinalik ang atensyon sa pagkain, ilang minuto lang ay narinig kong bigla siyang magsalita. Nagpunas muna ako ng aking labi saka ito nilingon, kinakausap niya 'yong painting ng isang babae na may hawak na prutas. Sa pagkakatanda ko ay nagkakahalaga 'yon ng 600,000 thousands pesos.
"Anong pumasok sa utak mo at kinakausap mo 'yang painting?" tanong ko kaya naman napalingon siya sa akin, umiling lang ito sabay tawa.
Uminom muna ako ng tubig saka siya nilapitan habang naka-crossed arms.
"Are you sure bang matino ang pag-iisip mo?" Bakit ba ganito ang taong ito? Simula kahapon ay hindi ko pa siya nakikitang sumimangot, wala ba 'tong problema? Bakit lagi siyang tumatawa? Nakaiinis kaya!
"Ikaw, Señorita. Are you sure bang taong ka?" Sumama ang mukha ko at akma siyang babatukan ng bigla itong tumakbo papunta sa pinto. Umirap na lang ako, wala akong balak na habulin siya. Neknek niya.
Nilingon ko ang painting na tinititigan niya kanina. Tumaas ang isa kong kilay ng wala namang makitang nakamamangha, ano bang nakita ng taong 'yon at parang manghang-mangha siya rito?
Lumabas na lang ako ng dining area at paglabas ko'y malakas na tawanan sa kitchen ang aking narinig, hindi ko na lang ito pinansin at umakyat para magpalit ng damit. Balak kong maglibot sa rancio habang nakasakay kay Skynie.
James's POV
Tumakbo ako palabas ng malaking dining area at ng makalabas ay nilingon ko si Señorita, akala ko pa naman hahabulin ako. Kj naman ng taong 'yon.
Balak ko lang namang makipag-laro sa kaniya, masyado kasing seryoso sa buhay. Simula rin ng magtagpo ang mga mata naming dalawa kahapon ay wala na itong ibang ginawa kundi umirap nang umirap sa akin.
Laylay ang dalawang balikat at nakanguso akong pumasok sa kitchen, walang ibang tao rito maliban kay Manang Merna na naglilinis sa gilid-gilid habang si Tesang naman ay naghuhugas ng pinaglutuan ng pagkain kanina. Sana all kasi may taga-hugas ng plato. Sa amin meron naman, ako, ako, ako. Ako lagi ang taga-hugas ng mga pinagkainan namin, ako na nagluto ako pa maghuhugas pero hindi naman sa nagrereklamo ako.
Wala rin naman sa aking problema 'yon dahil kung hindi ako ang kikilos sa bahay ay sino? Alangan naman ang 6 years old kong kapatid na babae, hindi rin naman puwede si Inay dahil mahina na ang katawan nito, ang Itay naman ay matagal ng nasa piling ni God. May isa pa akong kapatid na lalaki at kagaya ko'y nagtratrabaho ito, pumapasok siya sa isang convenience store. Parehas kami ng kapatid kong iyon na hindi na nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Ako ang panganay sa aming tatlo kaya naman parang ako na ang nagiging tatay.
Kumusta na kaya sina Inay? Isang araw ko pa lang silang hindi nakikita ay miss na miss ko na agad silang lahat, ngayon lang ako malalayo sa kanilang lahat.
"Iho, tulalang-tulala ka riyan?" Napa-atras ako ng nasa harapan ko na si Manang Merna, mahina na lang akong napatawa. Natutulala talaga ako ng todo kapag sina Inay ang naiisip.
"Nako, Manang, na-inlove na ata 'yan sa Señorita kaya tulala," ani Tesang dahilan para tumawa si Manang Merna, ganoon din ako.
"Nako, Tesang, masamang magkalat ng fake news..."
"Saka, ako? Maiinlove sa Señorita? Napaka-impossible naman no'n," pagpapatuloy ko sa sinasabi. Impossible namang talagang mangyari 'yon dahil kahit sa panaginip ay hindi iyon magaganap.
"Manang, pustahan. Ilang buwan lang ay inlove na 'to sa Señorita." Iiling-iling akong tumawa dahil sa sinabi ni Tesang, pinag-pustahan pa nga. Lumapit ako sa isang upuan at umupo ro'n.
Tinuloy ni Manang Merna ang paglilinis, si Tesang naman ay nagpunas ng kamay at biglang lumapit kay Manang.
"Manang, sa tingin niyo kaya naging gano'n si Señorita ay dahil kay——?"
"Masyado ka ng madaldal, Tesang. Gusto mo bang mapatumba?" Tumawa si Tesang dahil sa sinabi ni Manang Merna, ako naman ay nangunot ng noo.
Sino kaya ang tinutukoy ni Tesang na dahilan kaya naging ganoon ang Señorita?
Importante bang tao 'yon? Teka, tao ba? Baka naman unggoy.
Palihim akong napatawa ng biglang maisip ang bagay na iyon, minsan talaga ay hindi na nakatutuwa kapag puro kalokohan ang nasa utak.
"Manang, panalo na ako sa pustahan natin. Si Jamie Boy, inlove na talaga kay Señorita, tignan mo bigla-bigla na lang tumatawa." Hindi na lang ako nagsalita at sumabay sa kanilang tawanan. Atleast may kasama rin akong isang baliw, nakasusuffocate kaya kapag puro seryoso sa buhay ang kasama mo.
•••••
02-20-2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top