Kabanata 7

Malakas na ngumisi si Zanjik, bago nilipat ang tingin sa 'kin.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na fianceé ka pala ng pinsan ko." Nakangiti niyang saad, pilit naman ako ngumiti saka bumitaw sa pagkakahawak sa braso ni Antonio.

"Ano sa tingin mo sa 'kin?" Mataray kong tanong, hindi ba halata na fianceé ako ng lalaking 'to?

"Sorry..." Saad niya saka mahina tumawa na hindi na aalis ang tingin sa 'kin.

"Akala ko kasi ay kasama ka sa mga laruan ng pinsan ko." Aniya at sumeryoso ang mukhaz akmamg iimik na muli ako ng bigla siyang tumumba sa harap namin.

"Ariel, ano ba!" Sigaw ko saka siya nilayo kay Zanjik.

"Ano ba problema mo ha?! 'Wag mo mabastos-batos ang fiance ko!" Si Antonio, ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya sa kamao niya agad ko hinawakan ang nakasarado niya kamao na naginginig para kumalma.

"Kumalma ka..." Bulong ko sa kan'ya at mas hinigpitan ang hawak sa kamao niya.

Masamang nakatingin pa rin siya sa pinsan niya, nakita ko naman kung paano pinahiran ni Zanjik ang gilid ng labi niya na dumugo.

"Bakit ka ba nagagalit?" Tanong ni Zanjik kay Anton saka mahina natumawa. Anton nalang, masyadong mahaba ang Antonio.

"Bakit?" Tumawa ito "Hindi mo ba siya laruan?" Seryoso na tanong nito pero, akmang hahakbang palapit si Anton sa kaniya ay inunahan ko na siya.

"Ang kapal ng mukha mo! Kung ingit ka sa pinsan mo pumikit ka! Bwisit, at isa pa hindi ako laruan! Ano ako barbie?!" Inis kong singhal sa kan'ya pagkatapos ko siya sampalin at bumalik sa tabi ni Anton. Pesteng lalaking 'to

"Mary Grace, masakit 'yun." Wala sa sarili sabi ni Zanjik sa sarili niya habang nakahawak sa pisngi na sinampal ko, bigla ako nakaramdam nanghiya, nang makita ko na halos lahat ng bisita ay nakatingin sa 'min.

Wala ano-ano ay yumakap ako mula sa likod ni antonuo at sinubsob ang mukha sa malapad niyang likod.

Bwisit talaga! Nakakahiya 'yun. Ano nalang sasabihin ng mga bisita at magulang ng fiance ko nang makita nila ang ginawa ko? Shete ka, Mary Grace!

"What's happening here?" Rinig ko tanong mula sa likod ko. Humarap doon si Anton pero, nanatili pa rin akong nakayakap sa likod niya.

"Mama, bakit ba pinapunta mo ang lalaki 'yan dito?" Tanong ni Anton sa kan'yang Ina, Mama raw eh

"Son, pinsan mo siya kaya ko siya pinapunta rito." Malambing na sagot ng Mama niya, nakita ko itong sumilip sa akin kaya mas itinago ko ang sarili ko, narinig ko naman ang lakad niya palapit, eto na tayo, handa na po ako tumakbo!

"Siya ba ang daughter-in law ko?" Galak na tanong ng Mama niya. Marahan inalis ni Anton ang pagkakayakap ko sa kan'ya saka ako hinila paharap sa mga tao. Nanatili ako nakayuko dahil sa hiya.

"Hi, hija!" Sigaw ng Mama niya saka mabilis na yumakap sa 'kin dahilan kung bakit ako napatunghay.

"Mama! 'Wag mo piratin si Grace." Saway niya sa Mama niya bago ako hinila.

Hindi ako nakahinga roon! Akala ko mamatay na ako.

"Oh! Sorry, Dear." Nakangiti saad ng Mama niya. "Okay lang po, Ma'am."

"Call me, Mama or Tita, Mary Grace," ngumiti ulit ito kaya pilit din akong ngumiti.

"Hon, come here."

Akmang yuyuko muli ako nang bumulong bigla si Anton sa likod ko. "'Wag ka yumuko." Bulong sa 'kin niya, agad naman ako tumunghay.

"Hon, pabalikin mo na ang lahat ng bisita sa lamesa nahihiya si Mary Grace." Bulong lang 'yun ng Mama ni Anton sa asawa nito.

***

Nakaupo na ako ngayon sa isang bilog na lamesa habang si ariel naman ay umalis saglit. Dahil may aayosin lang daw siya.

Ang mga magulang naman niya ay kausap ang ibang bisita, si Rill naman ay kasama ang boyfriend niya rito rin sa table namin pero, may sarili silang mundo.

"Grace!" Tawag niya sa 'kin, napairap nalang ako nang umupo siya sa tabi ko.

"So... fiance ka ni Ariel?" Parang hindi niya makapaniwala sabi, kaya umirap ako bago humarap ako sa kan'ya.

"Sinabi na nga sa marami tao, hindi mo ba narinig?" Nakataas ang isang kilay lo na tanong.

Mahina siyang tumawa saka hinawakan ang kamay ko na agad ko naman hinila palayo sa kaniya, maharot.

"'Wag mo 'ko hawakan." Saad ko, tumawa na naman siya at sumandal sa upuan niya saka deretsyo tumingin sa 'kin.

"So... Ano ang surname mo?" Pagtatanong niya sa'kin.

"Bakit mo natanong?" Pagtatanong ko rin. Malay ko ba anong balak ng lalaki ito sa 'kin. Mariin siya ngumisi saka ngumiti sa 'kin.

"Masama ba?"

"Mercado, happy?" Pairap ko saad at binalik ang tingin sa wine glass. Halos sumigaw ako ng bigla niya ako hilahin pa harap sa kan'ya.

"Ano ba?!" Inis kong tanong pero, pinigilan ko sumigaw dahil baka makita kami ng mga tao.

"Mary Grace Mercado?" Gulat niyang tanong, agad naman ako tumungo, anong mali sa pangalan ko?

"Ano ba'ng problema mo?" Tanong ko pero, umiling lang siya saka bukitaw sa pagkakahawak sa 'kin.

"Alam mo... Kung lalandin mo 'ko ay 'wag muna ituloy, dahil hindi ako gaya ng ex ni Ariel." Mariin ko saad, hindi ako namamangka sa dalawang ilog.

"What?" Naguguluhan niya tanong.

"'Wag mo 'ko igaya sa naging girlfriend mo. Alam ko ang ginawa mo noon kaya malaki ang galit sa 'yo ng fiance ko, kaya pwede ba dumistansya ka sa 'kin baka masapak kita."

"You mean... Sinabi niya sa 'yo?" Tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Hindi niya sinabi sa 'kin pero, alam ko, kaya kung sino man ang babae na namangka sa dalawang ilog...." Sabi ko saka tumayo sa pagkakaupo.

"Sabihin mo sa kaniya, napaka landi niya. Kaya ikaw layuan mo 'ko haliparot ka at kapag ako hindi nakapagpigil baka sirain ko ang girlfriend mo kahit patay na siya." Saad ko at tinalikuran na siya pero, hindi pa ako nakakalayo bigla siya umimik kaya mabilis ako humarap sa kan'ya.

"'Wag ka magsalita ng padalos-dalos, Mary Grace. Baka kapag nakilala mo ang babae sinasabi mo haliparot ay mag-sisi ka." Seryoso ang boses niyang sabi sa 'kin at narinig ko siyang ngumisi.

Tinignan ko ang buong paligid ng mapansin ko na busy ang mga tao ay mabilis ako lumapit sa kan'ya saka siya hinila hanggang makarating kami sa sulok kung saan wala makakakita sa 'min.

"Wala ako balak kilalanin ang babae sinasabi mo, kahit sino pa siya... haliparot pa siya. Hindi ba pwede layuan mo nalang ang pinsan mo? Ginulo niyo na ang buhay niya noon. Bakit hindi ka nalang tumigil ngayon?" Irita kong sabi.

"'Wag mo tawagin haliparot ang girlfriend ko..." Mariin niya sabi habang masama nakatingin sa 'kin saka mahigpit nahinawakan ang kamay ko.

So girlfriend niya pa rin ang haliparot na 'yun? 'Di ba patay na 'yun? 'wag ko lang siya makita-kita baka mapatay ko siya, kahit patay na siya.

Sa bait na tao ni Anton ay nagawa nilang lokohin at saktan ng lalaki 'to.

Alam kong babaero ang lalaki 'yun pero, alam ko nasaktan siya noon kaya siya naging ganito ngayon.

"Bitawan mo 'ko..." Pilit ang yabang ko sabi kahit nasasaktan na ako.

"Hindi haliparot ang girlfriend ko. Baka mag-sisi ka kapag nalaman mo kung sino siya..." Deretsyo niyang sabi sa 'kin habang nakatingin sa mga mata ko.

Kita-kita ko ang galit sa mata niya pero, wala ako pakialam haliparot pa rin siya at talagang mag-pinsan pa ang pinagsabay niya, nakakahiya siya!

"Wala ako pakialam kung girlfriend mo siya... Dahil haliparot pa rin siya." Pinanlalakihan ko ang mata sabi sa kan'ya, mariin ako napapikit ng maramdaman ko na mas humigpit ang hawak niya sa braso ko ng makita ko ay nagkukulay ube na. Ang sakit talaga, at bumaon pa ang ibang kuko niya!

"Grace, ginagalang kita pero, isa pa tawagin mong haliparot ang girlfriend ko, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka." Pananakot niya, akala niya natakot ako? well hindi niya ako matatakot, medyo lang.

"Tingin mo sa ginagawa mo sa braso ko, ginagalang mo ako?" Tumawa ako. "Haliparot ang girlfriend mo." Ulit ko sa sinabi ko kanina at halos mapasigaw ako ng maramdaman kong mas bumaon ang kuko niya bumaon sa braso ko nakapikit ako nang makarinig ako nang kalabog kasabay ng pagkawala ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Bwisit! Ang sakit!" Kagat labi ko sabi sa sarili saka bumaling kay Zanjik na nasa sahig.

"Uy tama na!" Pigil ko kay Anton na paulit-ulit sinusuntok si Zanjik.

Jusko po mag-pinsan na ito pero, tama lang naman kay Zanjik 'yan ang sakit kaya nang ginawa niya sa braso ko at dumugo kaya.

Pero, kailangan ko pa rin sila pigilan nakakahiya sila baka may makakita sa 'min.

"Tama na sabi!" Sigaw ko, saka pwersahan hinila si Anton palayo.

"Tumigil kana..." Mariin kong bulong sa kan'ya habol naman niya ang hininga. Napatingin ako kay Zanjik na marahan na tumayo na puno ng sugat ang mukha nakinalaki ng mata ko.

"Gago, anong ginawa mo?" Bulong ko kay Anton, at tumingin sa kanang niya kamao na dumudugo.

"Mas gago siya." Habol ang hininga niya sabi. "Tama." Bulong ko.

"Zanjik, umalis kana... Dahil ako na mananakit sa 'yo sa susunod." Wala gana kong utos sa kan'ya,  masama muna siya tumingin kay Anton saka kami iniwan doon

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kan'ya saka hinawakan ang kamao niya dumudugo.

Gago sila parehas, 'yan suntukan pa mga gago.

"I'm fine, how about you? Sweetie are you okay?" Nag-aalala niya tanong sa 'kin habang nakatingin sa braso ko.

Sweetie pa nga, hindi, Mary Grace. Sumpa siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top