Kabanata 4
Pagkauwi ko sa bahay, si Kael agad ang napansin ko, nakaupo kasi ito sa sala at mukhang nag-aaral dahil hawak nito ang lapis at papel, sa ngayon med'yo nagiging maayos na ang kapagid ko.
"Hello, Ate!" Masigla niyang bati sa 'kin, agad naman akong napangiti at agad siyang binigyan ng halik sa pisngi, masaya talaga ako dahil kahit papaano ay gumagana na muli siya at nagsasalita.
"Si Tita?" Tanong ko.
"Lumabas po, may binili lang po." Magalang niyang sagot sa 'kin. Kaya tumungo-tungo ako at agad nagpunta ng kwarto para ibaba roon ang mga binili sa 'kin ni Antonio the ipis.
"Grace!" Mabilis ako napatayo sa pagkakahiga nang marinig ko ang sigaw ni Tita mula sa labas, napahilamos ako sa mukha, taena nakatulog pa nga yata ako, dami ko pa gagawin nagawa ko pa talaga matulog.
"Bakit po?!" Sigaw ko rin sagot saka daling-dali lumabas ng kwarto ko. Sanay na sa akin si Tita, sigaw with respect.
"May naghahanap sa 'yo." Mukhang kinikilig pa ang tono ng boses ni Tita, eh? Kaya mabilis nangunot ang noo ko saka bumaling sa pinto, gano'n nalang ang gulat ng mukha ko, nang makita ko si Antonio na nakatayo roon
"Anong ginawa mo rito?!" Nakakunot ang noo kong tanong sa kan'ya, ngumisi naman siya saka bumaling kay Tita.
"Uhm... pwede po ba ako tumuloy?" Tanong niya agad naman tumungo si Tita saka pinagbuksan ng pinto si Antonio. Galang ah.
Iimik pa lang sana ako nang hilahin na agad ni Tita papunta sa kunin. "Grace, sino 'yun? Manliligaw mo? Boyfriend mo?" Sunod-sunod agad na tanong sa 'kin, kaya nakagat ko nalang ang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot.
"Si Ariel po," mahina kong sagot pero, ang mga ngiti sa labi ni Tita ay hindi mawala.
"Puntahan mo na ang bisita mo." Kinikilig niyang utos, halata sa boses niya 'yun, tinulak niya na ako palabas ng kusina, hinila-hila ako papasok, tapos itutulak lang ako pabalik.
Pagkalabas ko ng kusina ay kita ko si Antonio na nakaupo malapit kay Kael at tinuturan niya ito mukhang masaya silang nag-uusap.
Palihim akong napangiti nang makita kong tumawa si Kael dahil sa sinasabi ni Antonio. Ang sarap nila panoorin parang silang mag-ama.
"Anong ginagawa mo rito?" Pagtataray ko sa kan'ya, para hindi niya mapansin na natutuwa ako sa nakikita ko bigla kasi siya humarap sa gawi ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at agad ako hinila palabas ng bahay ng walang pasabi.
"Susunduin kita bukas," paninimula niya agad naman akong tumungo, libre pamasahe na rin 'yun. "Ayosin mo ang suot mo bukas, dahil pagkatapos ng klase ay pupuntahan natin sila Mommy at Daddy sa bahay." Dagdag niya pa, agad naman ako paulit-ulit na napapikit dahil sa narinig.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Alangan ipapakilala kita bilang fiance ko," umirap siya, itong lalaking 'to dinaig pa ako lagi kung maka-irap. "You should wear some comfortable but look casual outfit. Kung gusto mo mag-uniform ka pero, baunin mo ang damit na susuotin mo. 'Wag kana mag-alala dahil papaayusan kita bago mo ma-meet ang parents ko." Paliwanag niya sa 'kin, tumungo-tungo lang ako.
"May kapatid ka ba?" Tanong ko. Agad naman siyang umiling saka ako tinignan nagbaba ako nang tingin saka hinawakan ang aking baba at nag-isip.
Kung wala siyang kapatid sinong Rosales ang sinasabi ng Ate ko? Tangi ako lang ang nakakaalam na may naging boyfriend si at thise bago ito namatay. Hindi ko alam sa sarili ko pero, sa tuwing kausap ko si Antonio bumabalik sa utak ko ang bagay na iyon.
"Bakit?" Taka niyang tanong at tinaasan ako ng isang kilay.
"Wala."
"Alis na ako." Paalam niya, hindi pa ako nakakaimik ulit ay nakasakay na agad siya sa sasakyan niya.
Para siyang engot, pwede naman mag-text dumayo pa rito paano kapag napahamak siya ang dami pa naman loko-loko dito sa lugar namin. Teka!- Bakit ko ba siya inaalala?!
Dahil sa inis sa sariling iniisip ay padabog akong pumasok sa bahay.
"Nasaan na bisita mo?" Tanong sa 'kin ni Tita pagkapasok ko agad.
"Umalis na po." Walang gana kong sagot nawala naman ang ngiti ni Tita.
Type ba ni Tita si Antonio?
"Ano mo ba 'yung lalaking 'yun?" Biglang tanong ni tita pagkaupo ko sa tabi ng kapatid ko.
"Fiancée..." Nahihiya kong sagot. Fiancée ko naman talaga eh.
"Ha!?" Sigaw na sabi ni Tita, sa gulat agad ko naman tinakpan ang tainga ni Kael dahil alam kung sunod-sunod na mura ang maririnig ko.
"Engaged ka ng babae ka? Paano?" Hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Tita napa buntong hininga nalang ako saka hindi siya pinansin.
"Ate... Boyfriend mo si kuya ariel?" Bigla tanong ng kapatid ko hindi ko alam ang isasagot ko dahil kita ko sa kan'yang mga mata na masaya siya.
"Ha? Paano mo nasabi?" Nakangiti kong tanong sabay pisil sa pisngi niya.
"Sabi kasi sa 'kin ni Kuya Ariel boyfriend mo raw po siya." Inosente niyang sabi ngumiti nalang ako saka siya hinalikan sa noo.
Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil susunduin ako ni Antonio baka magalit pa ang mabait kong fiance.
"Aga mo naman yata..." Takang tanong sa'kin ni Tita pagkalabas ko ng kwarto. Dumeretsyo nalang ako sa lamesa saka nagtimpla ng kape.
"'Di nga? Fiance mo talaga 'yun?" Pagtatanong ni Tita at alam kong si Antonio ang tinutukoy niya. Gusto ko nalang siya 'wag pansinin kaso baka maganutan ako nito.
"Oo nga." Tangi sagot ko sabay kagat ng pandesal at kumuha ng adobo.
"Alis na po ako." Paalam kong sabi ng mag-vibrate ang cellphone ko, gutom pa ako eh 'di ko pa nauubos 'yung adobo.
"Sige ingat!"
Dali-dali kong tinignan ang cellphone ko at nakita ko nga ang text ni Antonio.
Antonio the Ipis:
Narito na ako sa labas
'Yun talaga pangalan niya sa contact ko. Trip ko eh.
Ako:
Palabas na
Pagkalabas ko nga ay nakita ko na ang Ferrari niyang kulay pula.
Nakatayo lang siya sa labas ng pinto at saka umikot para pagbuksan ako ng pinto nang makita na niya ako sa harap ng sasakyan..
Agad naman akong sumakay.
Gamit ko ang sapatos na binili niya sa'kin kahapon. Pati ang bag na binili niya sa 'kin. Nasa loob ng bag ko ang red tube dress na binili niya rin sa 'kin kahapon.
Tube talaga. Bwisit nga nag-text ba naman kagabi 'yung tube raw ang dalhin ko. Kakaloka dapat nga 'yung off shoulder na dress ang dadalhin ko at yellow na doll shoes din pero, dahil makulit din ako dinala ko rin 'yun para sure 'no.
"Iwan mo r'yan sa likod ang mga damit mo." Saad niya tumungo lang ako at nilagay ang bag na may laman na damit at sapatos.
"'Wag kana mag-make-up." Bigla niyang sambit kaya natigilan ako maglalagay pa lang dapat ako ng powder sa mukha.
"Bakit?" Nakataas kong kilay na tanong sa kan'ya.
Tumingin siya ng deretsyo sa mukha ko na animo'y kinikilala ang buong mukha ko.
"Mas maganda ka kapag wala kang make-up." Saad niya muli saka ngumiti at pinaandar ang sasakyan.
Naiwan naman nakatulala ang mukha ko sa sinabi niya. Feeling ko ang pula ng mukha ko sa sinabi niya.
Kinikilig ba ako? Hala! Bakit?!
Alam kong maganda ako pero, hindi ko akalain manggagaling sa kan'ya ang mga salitang 'yun! Nakagat ko ang pang ibabang labi saka tumingin sa labas.
Playboy ka nga pala... syempre sanay kana sabihin ang mga bagay na 'yan, lalo na sa mga babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top