Kabanata 2

Kinabukasan maaga ako nagising dahil maaga ang pasok ko. Dali-dali ako nag-ayos saka lumabas ng bahay, wala na sila Tita at Kael sa bahay at nasisiguro kong umalis na ang mga 'yon.

Naglalakad na ako papuntang school ngayon, mabilis ako natigilan sa paglalakad ng may biglang humarang na sasakyan sa harapan ko.

Papatayin yata ako nito eh!

"Hoy!" Sigaw ko roon sa driver ng sasakyan sabay hampas sa bintana, kung sino man siya anong trip niya, papatay ng tao?

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa loob dali-dali akong napaatras palayo sa sasakyan.

"Ikaw?!" Inis kong sigaw, taena nito. "Anong balak mo at nang haharang ka?!" Inis ko pa rin sigaw, siya lang naman 'yung lalaking nag-alok ng offer kahapon, maski nga pangalan niya 'di ko matandaan.

"Hop in." Tangi niyang sabi, ayaw ko nga, sino ka para sumama ako?

"Bakit ako sasama sa 'yo, aber?" Nakataas kong kilay na tanong, kung may bayad ulit ang pag-sabay ko sa kan'ya baka pwede pa, kailangan ko ng pera 'no.

"Sumakay ka nalang." Inis ang tono na sabi, aba. Siya pa may ganang magalit siya na nga 'to nang iistorbo.

"Bahala ka r'yan." Sagot ko at tinalikuran na siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey!" Sigaw niya pero hindi ako lumingon, hindi ko nga maalala pangalan niya. "Isang libo sumakay ka lang!" Sigaw niya kaya na paharap ako agad, isang libo? Sasakay lang ako tapos libre pa pamasahe ko ha, ayos 'to.

Dali-dali akong nagtatakbo pabalik sa sasakyan niya at sumakay sa shotgun seat sayang din isang libo, pangbayad din ng ilaw at tubig 'yun.

"Akin na." Sambit ko agad at nilapit ang kamay sa kan'ya. Dali-dali naman siyang kumuha ng pera sa wallet niya at binigay sa 'kin.

"Salamat..." Malaking ngiti kong sabi ngumisi lang siya.

"Matanong nga pala kita, bakit gusto mo 'ko isakay?" Tanong ko, aba malay ko ba may masama siyang balak.

May inabot lang siya sa'kin na brown envelop ano 'to?

"Ano 'to, aber?" Tanong ko, anong gagawin ko rito?

"Sign it." Tangi niyang sabi saka sinumulan paandarin ang sasakyan.

Umarko ang kilay ko.

"Bakit naman ako peperma, aber?" Tanong ko, para sure.

"40k a month ang makukuha mong pera pumayag ka lang mag-panggap bilang fiance ko sa harap ng mga tao." Walang gana niyang sabi nakina laglag naman ng panga ko.

Seryoso talaga siya roon? Akala ko nagloloko lang siya na naghahanap siya ng pwedeng mag-panggap na fiance niya.

"Seryoso ka ba talaga r'yan?" Tanong ko aba baka nag-jo-joke siya.

"Seryoso ako, kaya permahan mo na 'yan." Utos niya, ano naman gagawin ko bilang fiance niya.

"Bakit ako— 40k?" Tanong ko wala nabang tataas doon mag-sisinungaling ako nito eh.

"60k, pwede na ba?" Tanong niya saka niliko papasok ng school ang sasakya,  doon ko lang napansin nandito napala kami.

"Deal!" Malaki kong ngiti at wala nang basa-basa dali-dali ako pumerma.

60k, panggamot na 'yun ng kapatid ko hindi ko na kailangan pa magtrabaho habang nag-aaral.

Pagka-park ng sasakyan niya ay saka ko binigay sa kan'ya ang envelope na may laman na papel na may perma ko.

Kinuha niya 'yun saka nilagay sa backseat at may kinuha siya sa bag niya na brown envelope ulit at inabot sa 'kin.

"'Yan ang una mong sweldo, kailangan natin magpanggap na engaged or may relasyon, kailangan natin gawin ang gawain ng mga magkakarelasyon, hindi naman magtatagal ang pagpapanggap natin. Dahil hindi ako papayag, hanggang mapasa lang lahat sa 'kin ng mga magulang ko ang mana ko at para tigilan na nila ako sa pag-pakasal sa iba." Paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong, daldal din nito.

"Sige," sagot ko nalang saka tumungo-tungo habang nakatingin pa rin sa pera. Dali-dali ko 'yun nilagay sa bag ko saka akmang lalabas na nang pigilan niya ako.

"Bakit?" Tanong ko, bigla kasi nang pipigil, lumabas na iihi na ako, aber!

"May kamukha ka..." Mahina niyang sabi. Ako may kamukha maliban kay Ate, wala na akong kamukha.

"Wala akong kamukha kaya tigilan mo 'ko." At akmang lalabas na ulit ako nang hilahin niya ulit ako paupo. Ano bang trip ng lalaking 'to?

"Bakit ba?" Irita ko ng tanong kapag ako talaga na-late papatayin ko siya.

Hindi siya umimik at may kinuha sa bag niya isang kulay pulang kahon. Ano 'yan sing-sing?

"Ano 'yan?" Tanong ko 'di siya umimik at binuksan niya lang ang kahon sa harap ko at doon ko nakita ang isang magandang sing-sing, mukhang mamahalin at may malaking bato. Walang imik-imik ay sinuot niya 'yun sa palasingsingan ko, alangan naman sa paa ko.

"Tama nga hula ko kasya sa 'yo 'yan, pwede ka na umalis at 'wag mo huhubadin 'yan, dahil once na malaman nila Mommy at Daddy na fiance kita sure ako hahanap sila ng sing-sing." Paalala niya sa 'kin inirapan ko lang siya saka lumabas ng sasakyan niya.

Paglabas ko roon ko lang napansin na halos lahat ng babae ay nakatingin sa 'kin, artista na ba ako para makatingin sila ng gan'yan grabe ha?!

"Pau, bakit siya lumabas sa sasakyan ni Ariel? Akala ko ba ikaw ang fiance ni Ariel."

"I don't know, wala pa naman sinasabi sa 'kin si Mommy kung pumayag na ang mga magulang niya."

"Siya ba ang bagong babae ni Ariel? Bakiit d'yan pumatol ang isang campus playboy, walang taste!"

Ilan-ilan lang 'yan sa narinig ko pwes, wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Basta may pera ako.

Habang naghihintay ng professor sa classroom ay siya naman ang biglang pagsulpot ni ewan ko ba sino nga siya 'di ko talaga tanda ang pangalan niya, na kasama ko na lahat 'di ko pa alam ang pangalan niya.

Walang pasabi ay biglang siya umupo sa tabi ko syempre hindi ko nalang pinansin 'yun dahil masaya ako ngayon dahil may pera na ako.

"Mary Grace Mercado, right?" Bulong niyang tanong, tumungo lang ako at kumuha ng libro para magbasa.

"Anong number mo?" Tanong niya may number nga wala naman load.

"Bigay ko sa 'yo mamaya. Anong buo mong pangalan nagkasama na tayo't lahat 'di ko pa rin alam pangalan mo." Tanong ko, gusto ko malaman pangalan niya para hindi kung ano-ano tinatawag ko sa kan'ya sa isip ko.

"Antonio Ariel... Rosales." Sagot niya nakinalaglag ng panga ko. Isa siyang Rosales? Ibig sabihin kilala niya si Ate dahil na kwento sa 'kin ni Ate noon na may naging boyfriend siyang Rosales na mahal na mahal niya pero, may isang Rosales na sinaktan niya at gusto niya humingi nang tawad dito.

"Isa kang Rosales. Rosales na nagmamay-ari ng isang malaking Car Company." Gulat ko pa rin sabi.

"Hindi ba halata?"

Gusto ko makilala kung sinong Rosales ang naging Boyfriend ni Ate pero alam kong maraming Rosales sila dahil mag-pi-pinsan sila.

Dahil nangako ako kay Ate na kapag nakilala ko ang Rosales na nasaktan niya ng lubos ay 'wag ko nang iiwan at samahan ko lagi ito at mahalin ko.

Sinong rosales 'yun kung gano'n? Paano ko tutuparin ang hiling ng kapatid ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top