KABANATA XXXIV
KABANATA XXXIV
"KREED! Hoy---" pagbukas ko ng pinto ay nagulat pa ako ng muntikan kaming magkabanggan ni Kreed.
"Shoot, Eleanor! Where have you been? Ilang beses ko nang naikot yung buong hotel kakahanap sayo. I'm about to call the securities!" kulang nalang ay bugahan ako ni Kreed ng apoy sa mukha sa sobrang galit nya.
"Nagka-kwentuhan lang kami ni Celene sa may Casino. Andun lang ako. Nakaupo ako kasama silang dalawa ni Tyrone." napahawak ito sa kanyang ulo bago hinawakan ang dalawang balikat ko at nilapit ako sa kanya.
"Next time, kung matatagalan ka ay mag-lagay ka naman ng note sa table para malaman ko kung saan kita hahanapin. You're always scaring me. You know how much paranoid I'am when you're not by my side." nakagat ko nalang ang ibabang labi ko dahil alam kong mali na iniwan ko sya rito ng mag-isa ng ganon katagal.
"Oo, pasensya na. Hindi ko na ulit uulitin." matapos non ay pinagbihis na nya ako para makakain na kami sa labas. Sinabi ko sa kanya na may nakita akong restaurant kaninang naglilibot ako kaya doon kami kumain. Mabuti nalang talaga at masarap ang inihain nilang pagkain roon dahil nabusog ako ng husto.
Palihim na tinignan ko ang oras sa aking relo. Mag-aala una na ng matapos kami sa pagkain. "Saan mo gustong magpunta mamayang gabi?"
Napatingala ako sa kanya at sumagot. Saan nga ba? "Hindi ako pamilyar sa lugar dito. Ikaw na ang bahalang mag-isip."
Ayoko nang isipin pa kung saan kami pupunta ngayon dahil okupado pa ng pagluluto ang nasa utak ko. Hindi sinabi ni Celene ang lutong gusto ni Kreed. Napapaisip tuloy ako kung ano iyon.
Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa kwarto. Nanood lang ng tv si Kreed at ako naman ay tulala lang sa tv na pinapanooran nya. Lumipas ang isang oras ng ganon lang ang ginagawa namin.
"Kreed!" sigaw ng taong kumakatok sa labas ng pinto namin. Tumayo naman si Kreed at pinuntahan ang pinto. Sinilip ko rin mula rito sa kinauupuan ko ang pumasok. "What's up!" bati sa kanya ni Tyrone. "Hi, Eleanor!" wika nito ng makita rin ako.
"Anong ginagawa mo rito?" dumiretso si Tyrone sa katabi kong upuan na naupo rito.
"Manggugulo?" natatawang sabi nito at tinignan ang nakabukas na tv. "Are you serious Kreed? Binuburyo mo si Eleanor sa panonood ng boring na palabas na to?"
"Lalabas kami mamayang gabi." sagot naman ni Kreed sa kanya at kinuha ang remote ng tv para patayin ang palabas.
"Aren't you going back to the Philippines tomorrow? Sulitin nyo na ang huling araw nyo rito. Tara sa casino!" aya nito kay Kreed pero tinanggihan naman sya nito.
"I can't leave Eleanor here. And---"
"Yes you can." singit ng isang boses kay Kreed. Naglakad papunta sa tabi ko si Celene at naupo rito. "Ako nang bahala kay Eleanor. Marami akong ikukwento sa kanya tungkol sa mga kalokohan mo noong bata pa tayo." natawa ako sa sinabi ni Celene.
"Can't you knock, Celene?" hindi makapaniwalang sabi ni Kreed dito. "At wala kang ikukwento kay Eleanor dahil hindi naman ako gumagawa ng kalokohan dati."
"Asus, kunwari pa. Bahala ka r'yan dahil ki-kidnapin ko na itong soon-to-be-wife mo." hinila na ni Celene ang kamay ko at bago pa kami mapigilan ni Kreed ay mabilis na syang naakbayan ni Tyrone para mapatigil. "Don't worry girl. Hindi magwawala yang si Kreed dahil alam nyang aalagaan kitang mabuti." wika nito sakin.
Pumasok kami sa kwarto na tinutuluyan nila. Mas malaki at maganda ito kumpara sa kwarto namin. "Mabuti nalang at pumunta kayo sa amin dahil hindi ko alam kung paano ako tatakas kay Kreed ng hindi nya nalalaman." paliwanag ko habang sinusundan sya sa kusina. "Nagalit pa nga ito sa akin kaninang umaga dahil pinag-alala ko sya ng husto."
Binuksan nya ang loob ng refrigerator nila at may kinuhang iba't ibang sangkap. "Ganon talaga ang mga lalake kapag naiiwang mag-isa, masyadong napa-paranoid. And we can't blame them kasi minsan ganon din tayo umakto. It's natural. Pero lilipas din 'yan." pagkakuha nya sa talong ay hinugasan muna nya ito bago hiniwa. "So let's start?" tumango ako rito bago nya ako tinuruan magluto.
Umabot kami ng isa't kalahating oras sa pagluluto kasama na ang paglilinis sa naiwan naming kalat sa kusina. Hindi ko talaga lubos akalain na sa dinami-rami ng ulam sa mundo ay ito pa talaga ang natipuhan nya.
Hindi na rin naman nakakapagtaka dahil sobrang sarap nga naman ng putahe ni Celene. "Hindi ba ako mangangamoy nito paglabas ko?" napaisip si Celene at inamoy amoy ang damit na suot ko bago inilapit ang ilong sa sarili nya ring damit.
"I don't know. Wala akong maamoy na kahit ano. Baka na-immune na tayo sa amoy kaya hindi na natin napapansin." hawak ko ang pinaglagyan namin ng ulam. Kung iwan ko kaya muna rito ang ulam at maligo muna ako? Wala naman siguro si Kreed doon sa kwarto dahil paniguradong kasama nya si Tyrone na naglalaro roon sa casino.
"Babalikan ko nalang ang ulam dito para makaligo." saad ko kay Celene.
"Yeah, good idea. Ako rin." lumabas na ako sa kwarto nila Celene at bumalik na sa kwarto ko. Nang pagpasok ko sa loob ay nagulat ako dahil nandoon si Kreed sa kusina at umiinom ng tubig. Ilang na nginitian ko 'to at nang makita ko na papalapit ito sa akin ay sya namang hakbang ko palayo sa kanya.
"Natalo ako sa laro that's why I went back here. Anong ginawa nyong dalawa ni Celene habang wala ako?" patuloy pa rin ito sa paglapit sa akin at ako naman itong todo ng iwas sa kanya.
"Wala naman. Nagkwentuhan lang." inikot ko ang salla malayo lang sa kanya. Napahinto si Kreed at takang tinitigan ako.
"Bakit ka lumalayo?" onti nalang ay maiinis na ito dahil nagsasalubong na naman ang kilay nya. Ayokong maamoy nya ang damit ko. Alam kong umaalingasaw na ang amoy ko ngayon. Ano pa siguro kung malapit sya sa akin.
"Huh? A-ano, napapagod ako. Kailangan kong humiga muna saglit." sa kakaurong ko ay natamaan ko pa ang silyang nasa likod ko. Napa-pikit ako sa sakit pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag-atras hanggang sa maabot ko ang kama.
Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot habang pinagmamasdan syang tulala sa akin. Ang tanga ko! Sana hindi kumapit sa kumot ang amoy ko! "Then, I'll rest too." kumalabog ng husto ang puso ko ng unti unti syang lumapit sa pwesto ko at tumabi ng higa sa akin sa kama.
Babangon sana ako para tumakas sa kanya ngunit nahuli nya ako. Iniharang nya ang braso sa gilid ko at nilapit ang mukha sa leeg ko. Hindi ako nakagalaw agad at mabilis na pinantayuan ng balahibo. Ramdam ko ang mainit nyang hininga sa balat ko at napapapikit ako sa sensasyong iyon.
Hindi pwede ito! Ang baho ko! "I know that smell." bulong nito sa tenga ko. Napalunok ako ng laway at napahinga ng maraming beses. "Did you cook something, Eleanor?" nakapikit nitong tanong sa akin habang inaamoy ang leeg ko.
Parang nanghihina ang tuhod ko sa ginagawa nya at nauubusan ako ng lakas para magsalita. "O-oo... A-ano... Kreed, l-lumayo ka s-saglit." nauutal kong wika.
"I love that smell." sabi nito bago idinistansya ang sarili sa akin. Nanlumo ako. Dapat ay surpresa ko iyon sa kanya.
"Nakakainis ka naman ih!" hinampas ko ang dibdib nya na ikinagulat nito. "Alam mo na tuloy kung anong niluto ko. Nagpaturo ako kay Celene para sayo. Akala ko ay kasama ka ni Tyrone sa casino kaya bumalik ako rito para maligo pero hindi ko inaasahan na nandito ka rin pala."
Natawa ito bago tumayo sa kama. "It's not my fault na nangamoy ng binagoongan talong nung pumasok ka rito sa kwarto." maduga!
"Oo na. Ang sabi kasi ni Celene ay paborito mo 'yon lalo na yung luto nya."
"Yeah, still my favorite food. Nasaan na?" tumingin ito sa akin ng maupo sa couch. "I can't wait to taste the food that you prepared." tumayo na rin naman ako sa kama at lumapit sa kanya.
"Maliligo muna ako bago ko ipapatikim sayo 'yon."
At yun nga ang nangyari. Sinaluhan kami ni Tyrone at Celene sa kwarto. Kahit pa hindi ko nasolo si Kreed ng oras na yon ay okay lang dahil naging masaya naman kaming apat sa pagkukwentuhan. Pagkasapit ng alas-syete ng gabi ay nag-ayos na kami ni Kreed para gumala sa Singapore. Pinasyal lang nya ako sa isa sa tourist destination dito at kumuha ng maraming litrato.
"Eleanor, mag-iingat ka sa Pilipinas ha? Yung sinabi ko rin sayo. If ever na magka-plano na kayo ni Kreed sa wedding nyo, balitaan mo ako." niyakap ko si Celene para magpasalamat. Nasa airport na kami at hinatid naman kami nina Celene at Tyrone. "Kreed, alagaan mo si Eleanor!" hirit pa nito kay Kreed.
Natawa si Kreed sa kanya tsaka tumango. "We'll be going." namaalam na kami sa dalawa. Binuhat na ni Kreed ang maleta ko hanggang sa makasakay kami sa eroplano.
Hapon ang dating namin sa Pilipinas at pinasabi ko kay Kreed na idaan muna ako sa bahay namin bago ako tuluyang umuwi sa mansyon. Gusto kong magpalipas ng gabi kasama ang pamilya ko. Pumayag naman sya at sinabing magpapadala na lang sya ng susundo sa akin kinabukasan ng umaga.
Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng bahay namin ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Kailangan kong maghanda sa matinding sermon na aabutin ko kay Ate Ellyah.
Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang Ate. Talagang kailangan sya pa ang magbukas ng pinto?! "Nakauwi ka na pala." wika nito bago ako tinalikuran. "Nay! Tay! Nandito na si Eleanor!" sigaw ng Ate at dumiretso ng lakad papuntang kwarto.
Napalingon naman ang magkatabi kong magulang at diretsong tumingin sa akin. Napatayo pa ang dalawa habang naglalakad ako palapit sa kanila. "Ano ka ba namang bata ka! Bigla ka nalang hindi umuuwi rito ng gabi. Kung sa mansyon mo balak matulog ay sana ipinaalam mo muna sa akin. At pagkatapos ay bigla nalang namin malalamang nagbakasyon ka pala kasama ni Kreed." sermon sa akin ng Nanay pagkaupo naming tatlo. Hinahagod ng ng Tatay ang likod nya para kumalma.
"Pasensya na po. Biglaan kasi ang nangyari. Ang dapat ay uuwi naman talaga ako ng unang pumunta ako sa mansyon kaso may mga nangyaring hindi inaasahan." napa-iling ang Nanay sa sinabi ko.
"Ikaw ba, Eleanor ay nagkakagusto na kay Kreed." matama akong tinignan ng Tatay sa mga mata.
Tumango naman ako sa kanya tsaka nagpaliwanag. "Opo Tay, mahal ko si Kreed. Hindi ko gustong malayo sa kanya. Alam kong sinaktan nya ako. Alam kong ayaw nyo sa kanya para sa akin dahil magkaiba ang mundo namin pera Nay, Tay, mahal nya rin ako. Nagmamahalan kaming dalawa kaya humihingi ako ng paumanhin sa inyo kung nabigo ko kayo."
Malakas na napabuntong hininga ang Tatay samantalang gulat naman ang Nanay sa inamin ko. "Ikaw lang naman ang inaalala namin. Ang mga mayayaman, minamamata lang tayo nyang mga mahihirap. Ayokong dumating ang araw na umiyak ka dahil hindi ka makapasok sa mundo nila. Kung talagang mahal ka ni Kreed ay kailangan naming mag-usap na dalawa para masigurado kong hindi ka nya sasaktan." ma-awtoridad na wika ng Tatay.
"Opo Tay. Sasabihin ko kay Kreed na magpunta rito bukas din ng gabi." buong magdamag ay pinangaralan lang ako ng Nanay tungkol sa buhay at sa amin ni Kreed. Para nang babagsak ang ulo ko dahil pagod. Kakagaling ko lang sa airport at ito pa ang tatambad sa akin.
Pumasok ako sa kwarto kung saan nakahiga roon ang Ate. Pabagsak na ihiniga ko ang katawan ko sa tabi nya at tumingin sa kanya. Hindi nya ako pinapansin mula ng paguwi ko rito. "Anong tinitingin tingin mo dyan?" mataray nitong tanong sa akin. Hindi sya nakatingin sa akin dahil nakatutok lang ang buong atensyon nya sa hawak na libro.
"Galit ka ba sa akin?" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso nya.
"Oo galit ako sayo." ngumuso ako tsaka nya sinarado ng malakas ang librong hawak at inilapag ito sa katabing lamesa. "Akala ko ba ay ayaw mo na kay Kreed. Ano na namang kahibangan ito Eleanor? Diba sinaktan ka na nya? Ano 'yun, onting lambing lang okay na? Kelan ka pa nasilaw sa pera't karangyaan nya sa buhay? Pano si Slade? Akala ko ba ay nagkakamabutihan kayong dalawa?"
Hindi ako makapaniwala sa mga salitang ibinato sa akin ng Ate Ellyah. "Hindi ako kailan man nagpasilaw sa pera't karangyaan na tinatamasa ni Kreed, Ate. Paano mo ako nagawang husgahan ng dahil dyan? Oo sinaktan nya nga ako pero tapos na 'yon. Humingi na sya ng tawad at pinatawad ko sya. Bakit? Kasi mahal ko sya at mahal nya rin ako." mahabang paliwanag ko sa kanya at napatuwid pa ng upo sa kama. "Kaibigan ko si Slade at hanggang dun lang ang turing ko sa kanya. Sana ay maintindihan mo 'yon."
Lumipas ang gabi nang hindi kami nagpapansinan ng Ate. Masama ang loob ko sa kanya sa mabibigat nyang paratang sa akin. Kinabukasan din ng umaga ay may sumundo na sa aking sasakyan pabalik ng mansyon.
Hindi naman galit ang Nanay at Tatay sa akin dahil naipaliwanag ko namang mabuti ang nasa saloobin ko. Ang Ate lang talaga ang problema dahil parang ayaw nitong makatuluyan ko si Kreed.
"Welcome back, My Lady." bati sa akin ni John pagkarating ko sa mansyon.
"Nasaan si Kreed?" tanong ko kay John.
"Sumaglit po sa opisina." ang aga aga, bakit kaya pumunta na agad sa opisina si Kreed? May problema kayang nangyari? Paakyat na sana ako ng hagdan ngunit nagpahabol pa ng ilang salita si John. "My Lady, may bisita pong naghihintay sa pagdating nyo." napalingon ako sa kanya.
"Sino?" nangunot pa ang noo kong tanong.
"Slade po ang pangalan." tipid nitong sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top