KABANATA XXXIII




KABANATA XXXIII


Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang dagat mula sa bintana ng aming kwarto. Hinawakan kong mabuti ang tasa na nasa kamay ko para maisalin ang onting init nito sa nanlalamig kong katawan.


Paano ba naman ay tanging t-shirt lang ni Kreed ang suot ko. Nanunuot pa ang pabango nya sa damit na ito na para bang yakap yakap nya lang ako. Nag-init na naman ang mukha ko sa isiping iyon. Ilan nga bang beses naming ginawa ang bagay na iyon kanina? Naka-tatlo ata kami at pagkatapos ay pinatulog na nya ako. Sa sobrang pagod din siguro ay inunahan pa ako nitong makatulog.


Pinagmasdan ko lang ang mukha nya at ng magsawa ay bumangon na sa kama upang gumawa ng mainit na kape. Hapon na at hindi pa rin nalalamanan ang sikmura naming dalawa ni Kreed. Kaninang umaga pa ang huli kong kain bago kami lumabas sa kwarto at hanggang ngayon ay itong kape pa lang ang sunod na pumapasok sa sikmura ko.



Mukha atang naging tanghalian naming dalawa ang isa't-isa. Nangingiti na naman ako ng parang baliw dito at natigil lang iyon ng biglang may kumatok sa aming pintuan.


Nagmadaling inilapag ko ang tasa ng kape sa maliit na table at mabilis na naghanap ng damit na masusuot sa pang-ibaba ko. Pagkatapos non ay matulin kong nilapitan ang pinto at bago buksan ay inayos muli ang ilang hibla ng magulo kong buhok.


"Good afternoon, did I disturb you?" bungad sa akin ng isang magandang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay sya ang asawa ni Tyrone. Medyo nanliit pa ako sa itsura ko ngayon dahil napaka-ganda pala talaga nya sa malapitan. Mala-perlas sa puti ang kutis nito at talaga namang kapansin pansin ang haba ng kanyang pilik mata.



"Hindi naman." nakangiting sagot ko rito. "Gusto mong pumasok?" pag-aaya ko ngunit tumanggi sya.


"Hindi naman ako magtatagal. Hihingi lang sana ako ng paumanhin sa nangyari kanina. Nabalitaan namin ni Tyrone ang nangyari at kasalukuyan na nyang kinakausap ang kabilang panig. We didn't expect this to happen lalo na't sa kaibigan pa namin ito nangyari." puno ng sinseridad nitong wika. "Gusto ko lang alamin kung maayos na ba ang lagay ni Kreed?"


Napangiti naman ako bago sumagot. Ang bait pala talaga nila. Hindi na nakakapagtaka kung bakit sya ang pinakasalan ni Tyrone. "Nagpapahinga na si Kreed. Kung gusto mo ay gigisingin ko sya para sayo." tatalikod na sana ako pero pinigilan nya ako.


"No need. Pakisabi nalang na dumaan ako." tumango ako at umalis na sya. Pagkasarado ko sa pinto ay nilundag ko ang kama at ginising si Kreed.


"Hoy! Gising!" paulit ulit kong alog dito. Mukha atang masarap ang tulog nito ah. "Kreed, lumulubog na ang barko!" sigaw ko sa tenga nya at sa gulat ay nagkaumpugan pa kami ng ulo ng bumangon sya "Ouch naman."


Napahawak din ito sa noo nyang tumama sa akin. "What the fuck, Eleanor!" naku, masama atang niloloko ang bagong gising.


"Ayaw mo kasing magising. May sasabihin lang ako." tinignan lang ako nito ng magkasalubong ang kilay kaya ipinagpatuloy ko na ang pagsasalita ko. "Pumunta dito si Mrs. Celene Parker kanina, ang sabi nya, humihingi raw sya ng paumanhin sa nangyari kaninang umaga doon sa pool. At ang asawa nyang si Tyrone ay kinausap na ang lalakeng nakabangga mo. Dapat nga ay gigisingin na kita para ikaw nalang mismo ang kumausap sa kanya pero tumanggi sya. Tsaka nabanggit ko rin kasi na nagpapahinga ka kaya baka ayaw ka nyang maistorbo." mahaba kong lintanya.


Ginulo naman ni Kreed ang buhok ko at pumikit ng mariin bago tumingin sa akin. "Nah, it's okay. I'll just talk to Tyrone later about it." bumangon na ito sa kama at kumuha ng isang puting t-shirt sa lalagyanan nya.


"Ahhh, Kreed. Baka pwede na tayong mag-tanghalian. Anong oras na kasi tsaka gutom na rin ako." sabi ko habang hawak ang tyan kong kumakalam na sa gutom. Alam ko rin namang gutom na rin sya.


"Yeah, I forgot. Get dressed then we'll go outside." dali dali akong naghanap ng magandang damit na isusuot. Disente ang damit na napili ko. Bulaklakin ito na dress na may haba na hanggang sa itaas ng tuhod ko. Sinuot ko rin ang malaki kong sumbrero na kulay puti. May disenyo rin itong bulaklak sa gilid kaya parang terno sa suot ko ngayon. Ang gagaling talaga mamili ng damit nina Daniela.


"Tara na." sinabit ko na ang kamay ko sa braso nya ng matapos kaming magbihis. Sa paglalakad namin ay nakarating kami sa isang magarbong restaurant. Pula ang couch na inuupuan ng bawat isa at nagkikilaspan ang mga chandelier na nakasabit sa kisame. Talaga namang ang barko na ito ay para nang isang five star hotel sa ganda.



May umasikaso agad na waiter sa amin pagkaupo namin at binigyan kami ng menu. Nahilo ang mata ko sa kakabasa sa hindi mo maintindihang pangalan ng pagkain. "Eleanor, what's yours?" sinilip ko mula sa malaking menu si Kreed at naiiyak na umiling iling sa kanya.


Natawa naman ito ng marahan ng maintindihan ang ibig kong sabihin tsaka tumingin sa waiter. "Chateaubriand for two and French Onion Soup au Gratin." nilista na ng waiter ang sinabi ni Kreed bago nito inulit ang inorder namin at umalis na. Tagapagligtas talaga ng buhay ko si Kreed.


Habang tahimik naming hinihintay ang pagdating ng pagkain ay agad kong naalala si Rachel. Bigla nalang lumalabas sa isipan ko ang pangalan nya sunod ay kakabahan agad ako sa hindi malaman na dahilan.


"Kamusta na nga pala si Rachel? May balita ka pa ba sa kanya?" hindi naman siguro maiinis si Kreed sa tanong kong ito diba? Bukod nalang siguro kung may natitira pa syang pagmamahal kay Rachel.


"Huling kita ko sa kanya ay nung araw na umalis ka sa mansyon. Wala na rin akong balita na kahit ano sa kanya. Why did you ask?" kaswal na sagot nito. Hindi ko naman sya nakitaan ng bahid ng kasinungalingan sa sagot nyang iyon.


"Kahit ba text o tawag ay wala na?" muli kong tanong. Talagang hindi lang mapanatag ang loob ko gayong wala akong ka-alam alam sa kinaroroonan nya. May posibilidad na manggulo sya kung talagang desperada syang kunin sa akin si Kreed pero bakit? Parang napaka-ilap nya sa amin. Hindi kaya ay sumuko na sya?


"I still have her number but I don't text her anymore." tumango nalang ako at nanahimik ng muli. "You look worried about something. Penny for your thoughts?"


"Wala naman." nakakuha ako ng dahilan para takasan ang usapang iyon ng dumating ang waiter para sa aming pagkain.


"Wag kang mag-alala kung iniisip mo na nagkakausap pa kami o nagkikita. Ikaw na ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko. Eleanor, I'm only yours."


Nginitian ko nalang ito kasabay ng paglapag ng plato sa harap ko. "Alam ko, salamat."


Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay ito naman ang nagbato ng hindi ko inaasahang tanong. "What about you and Slade?" muntikan na akong mabulunan sa karneng kinakain ko. Nawala sa isip ko na pwede nyang tanungin ang tungkol sa amin ni Slade.


"Ang huli kong kita sa kanya ay nung gabi bago ako bumalik sa mansyon." hindi ko na idi-detalye pa ang araw na nagkasama kami ni Slade dahil baka kung anong masama ang isipin sa amin ni Kreed. Mabuti nalang talaga at nahanap ni Knight ang sulat kung hindi ay baka pag-awayan pa namin 'yon ngayon ni Kreed.


"Then where did you two go?" tanong nito habang nginunguya ang maliit na kapiraso ng karne sa kanyang bibig.


"Inimbitahan nya akong manood sa concert nila. Kasama ko ang Ate Ellyah non at pagkatapos ay sinama rin nya kami sa after party ng banda nila." nanginginig ang kamay ko habang hinihiwa ang pagkain ko. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Kreed at tanging saglit na sulyap lang ang nagagawa ko.


"That's all?" parang may hinihintay ito na sasabihin ko. Nanuyo ang lalamunan ko kaya kinuha ko ang baso ng tubig sa kanan ko at ininom muna ito bago sumagot.


"Oo, yun lang." palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong kriminal na ini-interrogate ng mga pulis sa krimen na ayaw kong aminin.


"Hindi kayo nagpunta sa lugar kung saan kayong dalawa lang ang nandoon?" nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. Nagkatinginan pa kami ni Kreed bago ko pinulot sa ilalim ng lamesa ang tinidor na nahulog ko.


Gusto ko nang tumalon sa barkong ito at magpa-kain nalang sa pating. Anong isasagot ko sa tanong nya? Alam ba nyang pumunta kami sa bahay ng Auntie ni Slade ng kaming dalawa lang? Pero paano? Napaka-imposibleng malaman nya ang bagay na yon kaya paninindigan ko ang sagot ko kanina.


Pagka-ayos ko ng upo ay inabot sa akin ni Kreed ang tinidor nya. "Use mine. Marumi na 'yang iyo." kinuha nya ang nahulog kong tinidor at inilapag ito sa tabi ng plato nya. "You don't have to be all nervous about that simple question." para akong maluluha sa sinabi nya. Bakit nga naman kasi sobrang kabado ko sa tanong nyang iyon? Simple lang naman diba? Pero bakit ba hindi ko pa masagot ng totoo?


"Humiling ako kay Slade na dalhin ako sa lugar na tahimik at malaya akong makakapag-isip. Kung sa pampublikong lugar nya ako dadalhin ay baka may makakita sa aming tao at mapag-usapan kami kaya doon nya ako dinala sa bahay ng Auntie nya. Bakante na ang bahay na 'yon kaya nung pumunta kami ay walang tao. Saglit lang naman kami ron at pagkatapos ay hinatid na nya ako pabalik sa bahay."


Inamin ko rin ang totoo kay Kreed. Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya. Marami pa akong pagkakasala sa kanya na hindi nya alam. Ang naging usapan namin ni Slade doon sa bahay na nagbunga ng sulat na tinatago ko sa kanya. Idagdag mo pa yung unang singsing na ibinigay nya sa akin na nawawala ko.


"I know, Eleanor. Pinasundan kita." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Wala rin palang silbi ang pagsisinungaling. "Tapusin mo na 'yang kinakain mo para makabalik na tayo sa kwarto."


Kinagabihan non ay iniwan nya ako sa kwarto para puntahan si Tyrone at kausapin ito. Hindi naman mukhang galit sa akin si Kreed dahil nginingitian pa rin nya ako paminsan minsan. Ako lang talaga itong maarte na naiilang pa hanggang ngayon sa inamin ko sa kanya.


Ilang gabi pa ang nilagi namin sa loob ng barko bago ito dumating sa destinasyon nito.



Pagkadaong ng barko ay nakahilera na ang itim na mga sasakyan na   magsusundo sa amin. Nang makasakay kami ni Kreed ay abot langit na ang   ngiti ko hanggang sa makababa kami sa hotel na susunod naming   pagtutuluyan.



"We only have just one night here in Singapore. Magpahinga ka muna ngayon bago tayo gumala mamayang gabi."


Hindi   na rin ako umangal dahil madaling araw na rin naman kami nakarating.   Tinuloy ko nalang ang tulog at ganon din si Kreed. Pasado-alas diyes na   ata ng magising ako at masilayan kong mahimbing pa rin ang tulog ni nya sa tabi ko.


Bumangon na ako para maghilamos at maghanap ng  makakain.  Ang alam ko ay pwedeng tumawag gamit ang telepono rito kung gusto  mong  magpahatid ng makakain. Kaso ang problema lang ay hindi ko naman alam  ang  sasabihin ko sa telepono. Simpleng pag-order nga lang ng pagkain ay   hindi ko pa magawa ng mag-isa.


Nagtaklob ako ng  malaking bathrobe  at sinuot ko ang puting tsinelas ng hotel bago ko  naisipang lumabas ng  kwarto. Maghahanap nalang muna ako ng makakainan at  kapag nakahanap  ako ay babalikan ko nalang si Kreed sa kwarto para  manghingi ng pera.


Sa  paglalakad ko ay hindi ko na  namalayan pa ang oras. May nadaanan akong  kainan kaso parang mas pinili  ng paa kong maglakad lakad muna at  mamasyal sa loob ng hotel.


Nakarating  ako sa maliit na casino  kung saan karamihan ng naroroon ay lalaki.  Hindi naman nila alintana  kung may taong pagala gala sa loob ng  naka-pajama lang at nakabalot ng  bathrobe ang katawan dahil busy sila sa  mga bagay na nilalaro nila.


Parang  ganito rin yung  itsura ng casino na pagmamay-ari nila Kreed sa Vegas.  Ang pinagkaibahan  lang nila ay maliit ang espasyo ng casino'ng ito at  masikip ang daanan  ng mga tao. "Eleanor?" tawag ng kung sino sa  pangalan ko.


Nang  lingunin ko 'yon ay nakita ko si Tyrone na  kasama ang asawa nyang si  Celene. Nakaupo ito sa pabilog na upuan at  may hawak na baraha si  Tyrone. "Oh, kayo pala. Magandang umaga."  lumapit ako sa kanila para  silipin ang pinagkakaabalahan ng dalawa.


"Bakit  hindi  mo ata kasama si Kreed, Eleanor?" tanong sa akin ni Celene at  inaya  akong umupo sa tabi nya. Hindi naman ako tumanggi sa paanyaya nya  at  tinabihan na agad sya ng upo.


"Hindi pa nagigising.  Naglakad  lakad lang ako rito sa hotel para maging pamilyar sa lugar at  ayun nga,  dito ako napadpad." paliwanag ko rito. "Kayo naman, ano yang  nilalaro  nyo?"


Ngumiti si Celene sa akin at tumingin sa  berdeng lamesa na  nasa harap namin. Kung hindi ako nagkakamali ay  nalaro na rin ni Kreed  ito dati. Hindi ko lang matandaan ang tawag sa  larong ito.


"Poker.  Hayaan mo na sila r'yan. Sinamahan  ko lang naman si Tyrone dito pero  hindi rin ako marunong maglaro." tumango nalang ako sa kanya.  Minamatyagan ko ang paglalaro nila pero  kahit ilang minuto na akong  nakaupo rito ay hindi ko pa rin mawari kung  paano ang takbo ng larong  ito. "Matagal na ba kayong magkakilala ni  Kreed?" muling basang ni  Celene sa katahimikan.


"Hindi naman. Ilang buwan palang." napatingin ito sa dilaw na singsing na suot ko.


"But   you're already engaged. Dumalo kami ni Tyrone doon sa party kaso hindi   naman tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkausap." nabanggit nga ni   Tyrone sa akin nung una kaming nagkausap sa barko na pumunta sya sa   Engagement Party namin ni Kreed pero hindi naman nya nabanggit na kasama   pala nya si Celene doon. "Kailan nyo ba balak na magpakasal?"


Nagulat   ako sa itinanong pero napaisip din agad. "Wala pa kaming  napapag-usapan  ni Kreed tungkol doon." ang totoo naman nyan ay hindi  talaga namin  planong magpakasal nung una palang at palabas lamang ang  naganap na  Engagement Party na yon.


"You should set the date of   your wedding habang maaga pa. At kapag nakapag-isip na kayo ng petsa,   imbitahan nyo kaming dalawa ni Tyrone." kumapit pa ito sa braso ng asawa   na ngiting ngiti. Napatingin naman tuloy si Tyrone sa kanya.


"Anong   pinagku-kwentuhan nyong dalawa ha?" pinisil ni Tyrone ang pisngi ng   asawa at humagikgik naman ito. Lalanggamin na ata ang dalawang ito sa   sobrang tamis.


"Nothing." sagot nya kay Tyrone bago  itinuon muli  ang atensyon sa akin. "Natatandaan ko pa nung college pa  kami, apat  kaming magbabarkada at ako lang ang nag-iisang babae doon."  bigla akong  na-excite pakinggan ang kinukwento nya. Magkakakilala na  pala sila  dati pa. Wala man lang nabanggit sa akin si Kreed na tungkol doon. "Si Tyrone  ang medyo kwela at papansin sa barkada, si Reeve naman ay whole-time  playboy at si  Kreed... Hahaha! Ang tawag ko pa sa kanya dati ay si The  Flash dahil  bigla bigla nalang syang naglalaho kapag magkakasama kami.  Pero sa  tatlong lalake, aaminin kong sya ang pinaka-matino."


Natawa  ako  sa paglalarawan nya kay Kreed at sa iba pa nitong kaibigan. "Siguro  ay  kilalang kilala mo na silang lahat." ngumiti ito na para bang  inaalala  ang masayang nakaraan.


"Matatanda na rin kami  at marahil ay  nag-iba na rin ng iba samin. May pagka-isip bata pa kaming  apat non at  madalas ay puro tawanan lang kapag magkakasama. Sya nga  pala, alam mo  ba ang paboritong pagkain ni Kreed?" natutuwa nitong  tanong sa akin.  Napangiwi naman ako dahil hindi ko alam ang sagot.


"Hindi nya nabanggit at hindi ko rin naitanong." nagulat ito sa isinagot ko at umiling iling.


"Naku!   Nung college kami ay ako ang taga-luto nilang tatlo! Nang dahil sa  akin  ay nakilala ni Kreed ang ulam na iyon at agad naman nya 'tong   nagustuhan. But you know, I'm not that sure kung hanggang ngayon ba ay   paborito nya pa rin ang luto kong iyon."



Hindi na  ako nahiya  na itanong pa kung anong klaseng luto iyon. Bakit ba kasi  wala akong  alam na simpleng detalye sa mga gusto ni Kreed? "Ano 'yon?"


Tumingin   ito sa akin ng makahulugan. "Tuturuan kitang magluto mamaya. Pumunta  ka  sa kwarto namin mamayang alas tres ng hapon. That's room 305. Sa   ngayon, balikan mo muna si Kreed dahil baka hinahanap ka na non."


Doon   ko lang napagtanto na ilang oras na pala akong wala sa kwarto namin.   Baka nabaliw na naman ang lalakeng 'yon pag hindi ako nakita roon.   "Celene, salamat ng marami. Pupunta ako, pangako." tumayo na ako at   nagpaalam na rin kay Tyrone bago kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto   namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top