KABANATA XXXI
KABANATA XXXI
Mabuti nalang talaga dahil mayroong taga-ayos ng buhok at taga-make up dito dahil hindi ko alam kung anong magiging itsura ko ngayon kung ako lang ang mag-aayos sa sarili ko. At buti nalang dahil naglagay sina Jenie ng gown na maisusuot ko para ngayong gabi. Ang saya saya ko!
"Ok na po kayo, Ma'am." sabi sa akin ng taga-ayos at tinamang anggulo ko ang sarili sa salamin. Ang galing. Halatang professional. Ginawa nyang kulot ang buhok ko tapos ay tsaka nya itinaas lahat. Sa gilid naman ng malaking bun ay pinalilibutan ng kumikinang na ginto.
"Salamat." tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinignan ang isusuot kong gown na naka-higa sa kama. Naupo ako katabi nito at hinagod ang ganda ng tela. Jusko, ako ba ang may wedding anniversary ngayon dahil sa ganda ng damit ko? Feeling ko ay kami ni Kreed ang magce-celebrate ngayon hahaha.
Hinubad ko na ang suot kong bathrobe at tsaka dahan dahang isinuot ang gown. Hapit ito sa aking katawan at pagdating sa bandang tuhod ay doon na nagkaroon ng malaking buka. Kulay dilaw ito. Hindi gaanong matingkad sa mata kaya hindi sasakit ang mata mo kapag tinignan ito. Pagdating naman sa bandang ibaba ay kulay puti na ang ilalim. Napaka-ganda talaga.
"Eleanor, are you done?" tanong ni Kreed mula sa labas ng kwarto. Nagmadali nalang ako para maisuot ang ginto kong heels na may taas na 5 inches.
Pagbukas ko sa pintuan ay nakita ko syang nag-aantay sa akin doon habang inaayos pa ang dulo ng coat sa bandang kamay nya. May pagka-dirty yellow rin ang necktie na suot nito. Para talagang pinag-planuhan ang isusuot naming dalawa dahil terno ang kulay.
Napangiti ito ng makita ako at sinabit ko na agad ang kamay ko sa kanyang braso. "Gwapo mo ngayon." puri ko sa kanya at ng makita ko ang malapad nyang ngiti ay muli akong nagsalita. "Ngayon lang, wag kang ano r'yan." tsaka ako humalaklak.
"Palabiro ka, Eleanor. Alam ko namang gwapong gwapo ka sakin matagal na." pagmamayabang nito. Umarte ako na parang nasusuka sa sinabi nya.
"Kay Knight mo ba natutunan ang kahanginang iyan?" natatawa kong sabi at humirit ulit. "Kunwari ka pa, baka nga ikaw itong gandang ganda sa akin. Umamin ka na." kanina pa kami nagtatalo ni Kreed at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami natatapos dahil ayaw magpatalo ng lalakeng ito at talagang nakikipagsabayan pa sa akin.
"Maganda ka nga ngayon pero mas maganda yung naka itim sayo." tukoy nya roon sa babaeng nadaanan namin na halos sumabog na ang gown dahil sa sobrang laki ng dibdib nya. Halata namang retoke! Yung akin tunay! Tsaka hindi naman maganda yung mukha! Mas maganda pa ako roon! Lamang lang sya ng puti sa akin at dibdib!
"Oh talaga? Di mo naman sinabi sa akin Kreed na may diperensya pala ang mata mo. At kung 'yon ang batayan mo ng maganda, edi ano pa ako? Dyosa na?" gusto ata talaga ng lalakeng ito na pumutok ang ugat sa ulo ko sa sobrang galit ko. Akala mo ba ay mananalo ka sa akin? Hindi!
"I'm just kidding hahaha." pinagtatawanan nya ako. Nagagawa pa talaga nya akong tawanan. Napaka-bully talaga nito! "Hindi ko alam na selosa ka pala." sabay tawa ulit nito.
"Ako selosa? At sinong pagseselosan ko? Yung babaeng retokada na 'yun? Excuse me?" napa-irap pa ako sa hangin habang sya ay parang tuwang tuwa sa reaksyon ko.
"Mas maganda ka roon. Don't worry, Eleanor." pagkasabi nya non ay sakto naman ang dating namin sa grand hall kaya hindi ko na sya sinagot pang muli. Nagtipon tipon ang mga guest doon. Kanya-kanyang partner ang dala ng bawat isa. Tumutugtog din ang orchestra na naka-pwesto sa bandang gilid. Hindi ko maikakailang mas sosyal ito kumpara sa Engagement Party namin ni Kreed.
Ilang oras nalang ba bago mag-umpisa yung event? Gusto ko pa munang tumingin sa dagat kahit madilim na. "Kreed, anong oras na?" tumingin naman ito sa relong suot nya.
"7:47pm, why? Do you need to go to the comfort room?" parang nag-aalalang tanong nito. "Sasamahan na kita."
"Hindi. Gusto ko sanang tanawin yung dagat kahit saglit lang, pwede pa ba?" nag-aalangang sabi ko. Alam ko namang malapit na mag-8pm pero gusto ko kasing langhapin yung simoy ng hangin. Kanina kasi sa kwarto, nasisilayan ko lang yung dagat pero hindi ko naman maramdaman yung hangin dahil nakasarado yung bintana.
"Hindi na pwede. Ilang minuto nalang magsisimula na yung party. Let's take first take our seat at mamaya, lalabas tayong dalawa kapag walang ibang tumitingin. Hintayin na muna nating magsimula ha?" napatango nalang ako.
Naupo kami sa table na nakalaan para sa amin. May iba pa kaming kasama rito na hindi ko kilala at halos karamihan ay matatanda na. Magalang naman silang binabati ni Kreed at pagkatapos ay pinapakilala ako. Ako naman ay panay lang ang ngiti sa kanila.
"Good Evening Ladies and Gentlemen." lumabas sa taas ng enggrandeng staircase ang lalakeng sumalubong sa amin kanina, si Tyrone, kasama ang isang napaka-gandang babae na naka-suot ng puti na fitted gown. "I thank each and everyone of you for coming tonight. This event would not be possible without the help of Mr. and Mrs. Tiu, my family and my friends."
Sumunod namang nagsalita ang babae. "We are very honored to have a guests who are considered to be one of the most influencial people around the world. Thank you for taking time in witnessing our first year of being together as a married couple. We gathered you not only to celebrate our First Wedding Anniversary but also to deliver a good news that I, Mrs. Celene Parker is now carrying a one month old baby inside my womb." lahat ng tao sa venue ay saglit na napahinto bago malakas na nagpalakpakan.
Hindi ko alam pero bigla talaga akong natuwa sa ibinalita nung babae kaya napahawak ako sa braso ni Kreed at mahinang inalog alog sya. "Nakaka-tuwa! Magkaka-anak na sila!" alam kong hindi ko naman sila personal na kakilala pero masaya talaga ako para sa kanila. Isang malaking regalo ang pagkakaroon ng anak sa isang mag-asawa. Doon talaga unang nabubuo ang pamilya.
"Gusto mo rin ba? Let's make one later." napa-ngiwi ako sa sinabi ni Kreed. Ewan ko sa lalakeng 'to. Bahala ka r'yan!
Hindi ko na sya pinansin at binalik ko nalang uli ang atensyon ko sa dalawa. Hayy, sa sobrang inlove nilang dalawa ay kulang nalang maging hugis puso yung mga mata nila. Sa tinginan palang nila at mga panakaw na sulyap ay mahahalata mo na talagang patay na patay ang dalawang ito sa isa't-isa.
"Let's enjoy this night and welcome again to my own cruise." isa isang nagtaasan ng champagne glass ang mga bisita. Ito ata ang hudyat na kainan na. Tumugtog na ulit ng malakas ang orchestra at may iba nang nagpuntahan sa gitna para magsayaw.
"Ano bang unang gagawin, Kreed? Kakain o sasayaw?" bulong ko kay Kreed habang iniinom nito ang champagne nya. Ayoko kasi ng amoy nun kaya hindi ko ininom yung akin tsaka baka hindi ko kaya yung tama. Pang tanduay ice lang talaga ako.
"Sasayaw." sagot nito. Naamoy ko agad sa bibig nya yung alak kaya lumayo ako sa kanya ng bahagya.
"Ano kamo, kakain? Oo, kakain nga kasi hindi ako marunong sumayaw. Tara na?" hinila ko na sya at magalang na nagpaalam sa mga kasama namin sa table. Nasan na ba yung mga pagkain?
"My Lady, in case you didn't know, yung waiter yung naglalagay ng pagkain sa table kaya hindi na natin kailangang tumayo pa." napahinto naman ako sa paglalakad sa sinabi ni Kreed. Ganun ba 'yun? Eh bakit naman kasi hindi agad sinabi nitong halimaw na 'to? "So let's dance first." sya naman ngayon ang humila sa akin papunta sa gitna. Takte, di ako marunong sumayaw. Parehas may problema yung paa ko.
"Ehhh, hindi ako marunong sumayaw Kreed. Bumalik nalang tayo ron sa table natin parang awa mo na." naiiyak na sabi ko. Baka matapakan ko lang yung paa nya. Nakakahiya!
"I'll take the lead." nilagay na nito ang kanang kamay nya sa beywang ko at hinawakan naman nya sa kabila ang kamay ko. Mahigpit ang pagkaka-hawak nya pero sapat lang para magabayan nya ako sa pag-sayaw. Ipinatong ko nalang ang kaliwang kamay ko sa kanyang balikat bilang suporta.
"Humihingi na ako ng pasensya habang maaga kung matatapakan ko man yung paa mo." wika ko rito. Nagsimula na kaming gumalaw at sumabay sa tugtog ng orchestra. Magaling sumayaw si Kreed dahil alam nya kung anong paa ang dapat na igalaw samantalang ako ay nagpapatianod nalang sa kanya.
"Ouch..." mahina nyang bulong. Ako yung napapangiwi sa bawat pagtapak ko sa paa nya. Hindi ko nga maintindihan itong si Kreed dahil patuloy pa rin sya sa pagsasayaw kahit mukhang nasasaktan na sya. Masyado talagang masokista ang lalakeng 'to.
"Kung nasasaktan ka na, pwede naman tayong tumigil na." pahayag ko sa kanya pero ngiting pilit ang ibinigay nito sakin. Halatang iniinda nalang nya yung sakit ng pagkakatapak ng matulis kong takong sa paa nya.
"Hindi naman purke't nasasaktan na, hihinto na." nagtaka ako sa sinabi ni Kreed. Hindi ko alam kung humuhugot ba ang lalakeng ito o ano. Parang ibang bagay ang ipinapahiwatig nya.
"Bakit? Masaya ka ba ngayong kasayaw mo ko kahit na alam mong pagkatapos nito ay mamamaga ang paa mo?" mausisa kong tanong. Napatunayan ko na ngayon na mahilig talaga si Kreed na saktan ang sarili nya. Hindi lang sa pag-ibig pero pati na rin sa pisikal.
"Yes because it's an honour to dance with the most beautiful lady here tonight." sagot nito sa akin. Napa-tango nalang ako at saka nagsalitang muli.
"Pero sinabi mo kaninang hindi ako ang pinaka-maganda at sexy'ng babae. Nakakapag-tampo ka, alam mo ba 'yun? Hindi mo ba naisip na baka bumama ang self-esteem ko dahil sa pahayag mong iyon?" hindi ko naman masyadong dinidibdib ang sinabi nyang iyon kanina. Siguro ay hindi lang iyon ang inaasahan kong isasagot nya kaya medyo nabigla ako.
"I'm going to ask you, My Lady. Do you think I'm the most handsome guy among these people here on ship?" napa-isip ako sa sinabi nya at nagpa-linga linga sa paligid. Oo nga no? Nahagip ng mata ko ang isang makisig na lalake sa bandang likuran ni Kreed.
Mukha pa itong bata at medyo may ibubuga rin ang itsura kaya mabilis na ibinalik ko ang atensyon ko kay Kreed para sagutin sya. "Hindi. Sa tingin ko ay mas gwapo yung lalakeng naka-abo'ng tuxedo kesa sayo."
Seryoso namang nilingon ni Kreed ang lalakeng tinutukoy ko habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. Nakaka-tawa yung reaksyon ni Kreed. Gusto ko nang humalaklak ng malakas ngayon pero hindi ko magawa dahil baka mabatukan ako ng wala sa oras ng lalakeng ito.
"Eleanor, are you blind?!" pagalit na wika nito sakin ng makaharap ulit nya ako. Kinakagat ko nalang ang ibabang labi ko para hindi matawa at napayuko nalang ako para maitago ang mukha ko. Kita mo 'tong lalakeng 'to, sya naman ngayon ang nagagalit sakin. Eh sya nga itong unang gumawa nyan sa akin. Tamang ganti lang, Kreed.
"Eh sa anong magagawa ko? Matangos din naman ang ilong nya. Maganda ang postura ng katawan at nakakabighani ang hugis ng mukha. Alam mo yung tipong 'pag tinignan mo yung malalanim nyang mata ay para kang napupunta sa ibang dimensyon dahil sa ganda nito? Malakas makahatak ng babae ang ganyang uri ng lalake." tumigil na ako sa litanya ko dahil hindi na maipinta ang mukha ni Kreed. Gustong gusto ko na talagang magpa-gulong gulong dito sa kakatawa.
"I'am pulling out my shares from his company." seryosong wika nito. "Wait here, I'll call John." huminto sya sa pagsasayaw namin at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Nanlaki naman ang mata ko at dagling inagaw sa kanya ang cellphone nya.
"Anormal! Bano! Sintu-sinto! Praning! Sira ulo! May sayad! Ano sa tingin mong gagawin mo ha? Para niloloko ka lang eh." mahinang sigaw ko rito. Wala na ata sa tamang katinuan itong si Kreed. Siguro ay napa-sobra yung biro ko sa kanya pero kahit na! Abnormal pa rin sya!
"No Eleanor. Sisiguraduhin kong babagsak ang kompanya nila." sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ko ulit sya at hinila na paalis sa gitna. Bumalik na kami sa table na inuupuan namin kanina at doon ko ulit sya pinagalitan. "Makinig ka sakin, Kreed. Wala kang gagawin na kahit ano sa lalakeng 'yon, naiintindihan mo ba?" nakatitig lang sya sa akin kaya muli akong nagsalita. "Hoy, sumagot ka!"
"Pero may gusto ka sa kanya. Paano ko papalagpasin 'yon?" nasapo ko nalang ang ulo ko.
"Wala akong gusto sa kanya. Ikaw nga lang yung gusto ko. Mahal nga kita diba? Binibiro lang kita kanina." pag-amin ko. Sinabi ko na 'to kanina eh.
"Pardon?" nilapit pa nito ang tenga sa mukha ko. Hindi naman gaanong maingay dito ah. May pagka-bingi rin pala itong si Kreed.
"Ang sabi ko, binibiro lang kita kanina!" sumigaw na ko para damang dama ng eardrums nya ang kalakasan ng boses ko. Napangiwi naman sya sa ginawa ko. Nagmamaang maangan lang ata 'to na hindi nya narinig yung sinabi ko kanina eh.
"No, not that." huh? Ano ba yung iba ko pang sinabi? Hindi ko na matandaan yung eksaktong binanggit ko eh.
"Ahhh, sabi ko walang ulitan sa bingi. Ang yaman mo pero wala kang pambili ng cotton buds." natatawang tukso ko sa kanya. Tinignan naman nya ako ng malapitan at tsaka ngumiti. Kakaiba rin ito eh no? Inaasar na pero ngiting ngiti pa rin.
"Narinig ko. I just want you to say it again. I love you more, Eleanor." sabay halik ng mabilis sa labi ko. "I'm also playing with you earlier. You're really funny." tumawa naman ito at pinitik ng mahina ang noo ko. 'Wag nya sabihing niloloko nya lang ako kanina?!
"Nakakainis 'to!" nag-aalborotong sabi ko. Mabuti nalang at tumawag si Kreed ng waiter para mabigyan kami ng pagkain. Medyo gumaan ulit yung pakiramdam ko at nahimasmasan ako sa pang-iinis sakin nitong lalakeng katabi ko.
YUNNIE'S NOTE:
MERRY CHRISTMAS EVERYONE! MAGPATABA TAYONG LAHAT NGAYONG PASKO! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top