KABANATA XXV
This Chapter is dedicated to IamTobiasEaton. Naloka ako, di ko na alam kung san yung dedic dito kaya tinype ko nalang hahaha sorry.
KABANATA XXV
"Anak, hindi ka pa ba tatayo riyan?" tanong ng Nanay. Hindi ako gumalaw o sumagot sa ilalim ng kumot ko. Ayokong magsalita, ayokong tumayo, ayokong kumain, ni umalis sa pwesto ko ngayon ay ayoko na ring gawin. Kahit habang buhay pa kong tumira sa ilalim ng kumot na 'to ay gagawin ko na. "Iiwanan ko nalang ang agahan mo sa lamesa kung sakaling gutumin ka ha?" dugtong ng Nanay matapos hindi makarinig ng sagot mula sa akin.
Naramdaman ko na ang pag-alis nya sa kwarto pagkatapos non. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Kagabi ay pinagpasyahan kong umuwi sa tinitirhan ng mga magulang ko dahil hindi ko kakayanin kung makikita ko pa si Kreed.
Ayoko nang makita pa ang hinayupak na lalakeng iyon kahit na kailan. Nanggagalaiti ako sa galit na kulang nalang ay magwala ako pero pinilit kong huwag na syang kausapin pa o kitain pagkatapos nya akong ipagpalit sa iba.
Sino ba naman kasi ako sa kanya? Ginamit lang nya ako at malinaw na iyon lang ang gagawin ko, ang magpagamit sa kanya hanggang sa makabalik ang taong minamahal nya.
Oo, ako ang dapat na sisihin sa kwentong ito. Ako kasi ang unang nagmahal, ang unang nahulog kaya ako rin ang lumabas na talo sa huli.
"Eleanor! Bumangon ka na nga r'yan! Para namang baliw 'to! Hanggang kelan mo balak magmukmok ha?!"
Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok na nagtatalak ang Ate. Kahapon pa iyan walang tigil na nagtatanong sa akin kung ano ba ang nangyari pero wala talaga ako sa tamang pag-iisip para sagutin ang sangdamakmak nyang tanong.
"Iwan mo nalang ako." medyo pagalit na sigaw ko rito. Alam kong mainit pa ang ulo ko hanggang ngayon at kung pwede nga lang sana ay doon nalang ako magmumukmok sa lugar kung saan walang tao pero wala naman akong ibang choice kundi ang pumunta rito at magpalipas ng gabi.
"Napaka-arte naman nito! Ano ba, gugutumin mo ang sarili mo para sa isang lalake?" malakas na hinila ni Ate ang kumot na nakataklob sa akin kaya napaupo ako at galit na tinignan sya. Hinarangan ko nalang ng malaking unan ang sarili ko para makatago.
"Ano ba kasing kailangan mo? Bakit ka nanggugulo rito?!" hinagis ng Ate ang kumot sa gilid at gumapang patabi sa akin sa kama.
"Kung makasigaw ka naman dyan kala mo guguluhin kita! Ate mo ko hoy! 'Wag mo kong sinisigawan. Tsaka kagabi pa alalang-alala sayo ang Tatay at Nanay! Hanggang kelan mo balak silang pag-alalahanin ng ganyan?"
"Kailangan ko lang naman ng oras para mapag-isa eh. Kailangan ko ng lugar kung saan ako makakapag-isip ng mag-isa." pagra-rason ko rito.
"Bakit mo kailangang mag-isa aber? Andito kami para sayo. Hindi mo kailangan i-isolate yung sarili mo samin. Pamilya mo kami. Mas maganda nga kung ilalabas mo 'yang hinanakit mo samin eh. Alam mo kung bakit? Kasi habang binuburyo mo yung sarili mo rito, may mga tao r'yan sa labas ng pinto na 'yan na nag-aalala rin sayo. Hindi mo ba naiisip 'yon?" mahabang litanya nito.
Napatulala nalang ako sa harap ko at sandaling hindi nakaimik. "Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat kong gawin. Naguguluhan na ko. Ate, nagmahal lang naman ako pero bakit ganon? Sobrang sakit. Diba hindi ka naman dapat nasasaktan 'pag nagmamahal ka? Diba nga dapat masaya ka pa?"
"Minsan talaga masarap kang sapakin." natawa ito at tumingin sa akin. Pinagtaasan ko naman sya ng kilay. Nagagawa pa talaga nya akong pagtawanan sa ganitong sitwasyon ko. "Diba sinabihan na kita na 'wag mai-inlove sa lalakeng 'yon? Oh ano 'yang drama mo ngayon at nasasaktan ka r'yan?"
"Hindi naman kasi ganun kadaling iwasan 'yon eh. Kung pwede nga lang kontrolin yung puso na 'wag nalang magkagusto sa kanya, gagawin ko naman eh. Pero hindi, kahit ako hindi 'to ginusto. Andito na kaya pinaglaban ko na."
"Pero talo?" tumango ako sa kanya. "Hindi ko alam kung dapat ba kitang sisihin o hindi kasi wala naman akong alam sa nangyari. Eleanor, payong kapatid lang at sana sundin mo. Kapag bumalik ka sa mansyon ng mga Hendricks, gawin mo lahat ng kaya mong gawin para makaalis na roon. Kung pwedeng mag-impake ka na agad ng gamit mo, gawin mo na. At kung may pumigil man sayo, magwala ka. Tandaan mo, hindi purket mababa lang tayo sa lipunan ay pwede na tayong tapak-tapakan ng iba. Dignidad na nga lang ang meron tayo, ibababa mo pa ba?"
Para akong natauhan sa sinabing iyon ni Ate. Lahat ng sinabi nya ay tama. Kung dati pa sana ako nagbukas ng loob sa pamilya ko ay siguradong hindi ako humantong sa ganitong sitwasyon. Simula ngayon ay susundin ko na ang anumang sasabihin ng pamilya ko. Siguro nga ay may mga bagay na hindi kayang pagdesisyunan ng sarili nating isip.
"Tama ka nga. Siguro simula ngayon, dapat maging open na ako sa inyo. Hindi ko naman ginustong ilihim yung pagkakagusto ko kay Kreed. Ang akin lang, akala ko kasi kaya kong hawakan yung mga bagay. Akala ko walang magiging problema at kaya ko 'tong harapin mag-isa. Mali pala ako."
"Eleanor, 'wag mo silang hayaan magpakasaya kasi nakikita ka nilang nagdurusa. Kasi kahit saang anggulo tignan, ikaw ang kawawa, ikaw ang talo." tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Biglang lumabas sa ala-ala ko yung mga naging tagpo kagabi. Hinayaan ko silang makita yung mahina kong side. Ayoko nang maulit pa ulit 'yon.
"Aalis na ko sa mansyong 'yon. Ayoko na." paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. Hinaplos naman ng Ate ang buhok ko.
"Kaya 'wag ka nang magmukmok d'yan. Kumain ka man o hindi, walang pake sayo si Kreed kaya walang dahilan para gutumin mo yung sarili mo. Kanina pa namomroblema sina Nanay don sa labas. Tara na!"
Hinawakan ng Ate ang braso ko para sana alalayan ako ng bigla akong mapadaing. "Aray, dahan-dahan." napahinto ang Ate at napatingin sa katawan ko ng nakakunot ang noo.
"Tang-ina, san galing 'yang mga pasa mo?!" naghu-hurumentadong sigaw nito. Halos magsalubong na ang dalawang kilay nya dahil sa galit. "Si Kreed ba ang may gawa nyan?!"
"Ate hindi!" mabilis kong sagot pero ang Ate ay agad na kumaripas ng lakad palabas ng kwarto.
"Papatayin ko ang lalakeng 'yan! Tay! Dalhin nyo yung kutsilyo sa kusina! Susugurin ko 'yang hinayupak na 'yan!" nagsisisigaw ang Ate kaya pinigilan ko naman sya at pilit na niyayakap.
"Ellyah, anong nangyayari ha?" nagtatakang tanong ng Tatay. Nakasunod din ang Nanay sa kanyang likod na parang takot na takot sa nangyayari.
"Tay, wala po 'to. Pigilan nyo si Ate." nagmamakaawang sabi ko. Humarang naman ang Tatay kay Ate Ellyah at hinwakan ang magkabila nitong braso.
"Hoy Ellyah, ano bang nangyayari sayo?!" matigas na sabi ng Tatay na nagpakalma kay Ate.
"Tay, eto!" hinila nya ang kamay ko at pinakita ang mga kalmot at pasa sa katawan ko. "Nakikita nyo ba 'yan ha?! Eto ang ginagawa nila kay Eleanor sa mansyong 'yon. Kaya naman pala iyak ka ng iyak kagabi nung nakita ko kayong magkasama ni Slade. Eto pala talaga ang ginawa sayo ng hayop na Kreed na 'yon!"
Napabitaw ang Tatay kay Ate at maingat na hinawan ang kamay ko. Ininspeksyon nya ang bawat pasa sa braso ko at mahahabang linya ng kalmot. Ang Nanay naman ay naluluha na ng tinignan ako. Kita ko sa mga mata nila ang lubos na pagka-awa sa akin.
"Tay, hindi po si Kreed ang may gawa nito. Ibang tao po at tsaka..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil parang lahat kami ay naubusan na ng lakas. "Kasalanan ko po. 'Wag na tayong manisi ng ibang tao."
"Eleanor, ano bang ginawa nila sayo?" umiiyak na sabi ng Nanay.
"Hindi ka namin inalagaan ng maayos para lang bugbugin ka nila at lalong lalo nang hindi kita pinoprotektahan simula bata pa tayo para saktan ka lang nila!" puno ng galit na wika ng Ate.
"Huminahon naman kayo. Ayoko na ng gulo. Ate, tama na. Hirap na hirap na rin kasi ako eh." mabilis na tumulo ang luha ko sa aking mata. Niyakap ako ng Nanay at ang Tatay naman ay naupo nalang sa sofa at napahawak sa kanyang ulo. "Di ko rin naman ginusto 'to eh. Kaya nga aalis na tayo diba? Kasi pagod na rin ako."
Dumaan ang ilang oras bago kami kumalmang lahat. Walang nagsasalita. Isang nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa aming lahat ng may mag-doorbell sa bahay.
Nagtitigan pa kami ng Ate. Ang Nanay nalang tuloy ang tumayo at pumunta sa pinto. Ilang saglit pa ay dumating na ang Nanay na may nakasunod na lalake rito.
"Slade, anong... Bakit ka bumisita?" gulat na tanong ko at sinalubong pa sya.
"Maupo ka muna iho." pa-anyaya ng Nanay sa kanya. Ngumiti naman ito ng magalang sa mga magulang ko at kay Ate na napa-tameme nalang sa tabi.
"Thank you po." tumabi ako ng upo sa kanya. Samantalang si Nanay naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.
"Salamat sa paghatid mo sa amin pauwi rito kagabi. Tatanawin kong malaking utang na loob ito. At sa pag-alaga na rin sa anak ko." wika ng Tatay kay Slade.
"Wala pong anuman 'yon. I'll do anything for Eleanor. And besides, I haven't done the right thing last night. All I did was to hug her. I can't even protect her."
Sumingit na ako sa usapan. "Wala ka namang dapat na protektahan. Kaya ko ang sarili ko pero kagaya nga ng sinabi ng Tatay, salamat sa paghatid mo samin dito."
Walang ibang tao ang nakakaalam ng nangyari kagabi bukod kina Knight, Slade, Kreed, Rachel at sa akin. Kung nagsalita si Kreed o Knight tungkol sa nangyari sa kanilang magulang ay hindi malabong pati sila ay may alam na rin sa nangyari.
Ang Rachel na 'yon na purong ka-walang hiyaan lang ang lumalabas sa kanyang bibig ay siguro napikot na naman ang ulo ni Kreed sa mga kasinungalingan nya.
"Kaya mo sarili mo pero iiyak iyak ka kanina." mariing bato sa akin ng Ate. Napatingin naman sa akin si Slade kaya napaiwas ako rito.
"Ano ba talagang sadya mo rito Slade?" pag-iiba ko nalang sa usapan.
"Kumain ka muna." ibinaba ni Nanay ang pande coco sa lamesa at isang orange juice.
"Thank you po. Anyway, napadaan lang ako para ibigay 'to sayo." kinuha nya mula sa kanyang parihabang wallet ang dalawang puting papel. Kinuha ko naman 'yon at tinignan. "Concert ticket for two. Bukas na 'yan. I really hope you'd come." mabilis na inubos nya ang juice at kinuha ang dalawang tinapay. Kinagatan nya ang isa at tumayo. "Aalis na po ako."
"Agad agad?!" gulat na tanong ng Ate.
"We have some errands to attend so I badly need to go." kinindatan nya ang Ate kaya nakangiting napatango nalang ito.
"Sige, salamat sa pagbisita." wika ng Tatay.
"Ihatid mo na palabas 'yang bisita mo, Eleanor." utos ng Nanay sa akin kaya hinatid ko naman si Slade hanggang pinto.
"Hindi ka pa nakakapag-hilamos." natatawang sabi nito at nanlaki naman agad ang mata ko ng matauhan. "Don't worry, you're still beautiful." yun nalang ang sinabi nya bago tuluyang umalis ng naka-ngiti.
Pagbalik ko sa loob ay kinuyog naman ako agad ng Ate at inagaw ang ticket na hawak ko. "Eto na ba 'yun?" nagtatalong sabi nya sabay halik sa papel.
"Kadiri ka." komento ko at bumalik na sa kwarto para mahiga.
"Sasama ako ah! Bukas na 'to shet! Hindi ako makapaniwala!" tuwang tuwang sabi ng Ate habang nakasunod sa akin.
"Parang kanina lang nagwawala ka r'yan sa sobrang galit tapos dumating lang si Slade, nagwawala ka na ngayon dahil sa sobrang saya?" hindi talaga ako makapaniwala sa ugali ng Ate ko.
"Yes! Kasi kumpara mo naman si Slade dyan sa Kreed mo. Duh? Layo ng ugali. Tignan mo nga, pumunta pa rito para lang mabigyan ka nito. Eh yung Kreed mo, nasan sya nung kailangan mo sya? Wala diba?"
"Eh bat mo ba pinagkukumpara? Magkaibang tao sila kaya walang dahilan para pagkumparahin mo. Isa pa, bat parang binibigyan mo ng malisya yung pagpunta rito ni Slade?"
"Obvious para sakin pero para sayo, hindi. May gusto sya sayo." napa-irap nalang ako sa sinabi ng Ate at nagtaklob na ng kumot.
Kinabukasan, alas-sais ng gabi kami nang makarating kami sa MOA. Mamaya pang alas-otso ang oras ng concert pero ang Ate ko ay mas excited pa sa lahat ng fans kung makapanghila sa akin papunta rito.
May paunti unti na rin namang mga tao sa paligid na pupunta rin sa concert. Kanya kanya silang dala ng maliliit na banner na may nakasulat na pangalan ng myembro ng banda.
"Gusto mo?" inabutan ako ng Ate ng slice ng kinakain nyang cake. Nandito kami naka-tambay sa Starbucks sa MOA. Kung saan kinuha ni Ate ang pang-kape sa mamahaling coffee shop na 'to ay hindi ko rin alam. Nakakapagtaka nga eh. First time ko lang din makapag-kape rito.
"Pano ka nagkaroon ng pera pambili rito tsaka r'yan sa suot mong damit? Hindi ko 'yan nakikita dati ah. Bago ba 'yan ha? Galing ba 'yang ukay?" pang-uusisa ko sa kanya. Mukha kasing artista ang pormahan nya ngayon samantalang ako ay naka-jeans lang at puting t-shirt. Naka-cap at naka-suot ng face mask para matago ang mukha ko.
"Hindi. Binibigyan kaya kami ng pamilya ni Kreed ng 30k per week. Isipin mo nga, ilang linggo ka na bang nandyan sa puder nya. Add mo yun lahat, yun na sana lahat ng pera natin kaso ayaw namang tanggapin nila Tatay. Pero minsan syempre, kumukupit ako."
"Ibabalik natin sa kanila 'yang pera nila. Hindi dapat tayo tumatanggap ng pera sa mga Hendricks dahil nakakahiya." ano bang iniisip ni Kreed at binibigyan nya ng pera ang pamilya ko?
"Ano ba?! 'Wag na nga 'yan ang problemahin mo. Tara na sa loob bilis!"
Umabot sa dalawa't kalahating oras ang itinagal ng concert. Ang dami pala talaga nilang fans dahil napuno ng mga tilian at sigaw ang buong MOA Arena. Hindi naman ako makasabay sa ibang fans dahil hindi ko naman sila gaanong kakilala at wala akong alam na kanta nila ni isa.
Pagkatapos ng concert ay hinarang kami sa labasan ng venue. "Ma'am, kayo po ba si Miss Eleanor Salik?" tanong sa akin ng isang gwardya. Tumango nalang ako at nagtinginan kami ng Ate. Pareho kaming walang alam sa nangyayari. "Pwede po bang sumama kayo sa amin backstage? Pinapa-punta po kayo ni Sir Slade."
"Osige." sumunod nalang kami sa kanila. Pawisan pa si Slade ng makita ko. Mabilis pa sa kidlat ang pag-ngiti nito sa akin ng makita nya ako. Nandon din si Cliffe at dalawa pang lalakeng hindi ko kilala.
"Kaya pala ganadong ganado si Slade. Andito pala si Future Wife." pang-aasar ni Cliffe. Napatawa ang dalawa nyang kasama. "Eleanor, si Hunter." turo nya sa naka-pulang buhok. "And Ryou." pakilala naman nya roon sa singkit.
"Gosh, ang po-pogi nila sa malapitan. Gusto ko nang mahimatay." bulong sa akin ni Ate. Natatawa nalang ako ng palihim.
"Hi, nice to meet you. Eleanor Salik. Ate ko, si Ellyah." pagpapakilala ko.
"Pa-autograph mo 'tong poster ko." inabot sa akin ni Ate yung naka rolyong papel na dala nya kanina pa.
"Ahh, pa-au... ano raw..." nahihiyang sabi ko. Lumapit si Slade na nagpupunas ng towel sa kanyang buhok at kinuha ang hawak ko. Binuklat nya ito at nagkumpulan ang apat na myembro ng banda para tignan ang poster. Kahit ako ay hindi pa 'yan nakikita.
"Hahahaha Ryou, look at your face here! It's priceless!"
"Shut up Cliffe!"
Nag-asaran ang apat habang natatawa pa. Ibinigay na ni Slade ang poster sa tatlo at kinausap ako. "Sumama ka samin mamaya. May after party."
"Gabi na kasi—"
"Syempre sasama kami. Akong bahala sa kapatid ko hahahaha. Yung poster pala, palagyan ng autograph nyo. Idol na idol ko kayo lalo na si—" napatigil si Ate ng tumunog yung phone nya. "Saglit, excuse me lang." lumayo sya para sagutin yung tawag nya.
"Pumayag na Ate mo so..." pabitin na wika ni Slade kaya napa-tango nalang ako. "YES! Thank you Eleanor!" niyakap pa nya ako ng mahigpit.
"Kayo na?" sigaw ni Cliffe sa amin kaya halos lahat ng staff sa loob ng kwartong 'yon ay napatingin samin.
Nahiya ako at pakiramdam ko ay nag-init bigla sa buong lugar. "Eleanor! Tumawag si Nanay. Andon daw si Kreed sa bahay..." singit ng Ate. Napalaki ang mata ko at mabilis na kumalabog ang puso ko sa kaba. "...lasing."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top