KABANATA XXIX
KABANATA XXIX
Pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Slade ay agad ko itong itinago sa loob ng sobre. Kinakabahan ako dahil kapag nabasa ito ni Kreed ay baka kung ano ang isipin nito. At anong gagawin ko kay Slade kapag dumating ang araw na bumalik na sya rito sa Pilipinas para sakin?
Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Mabilis kong naitago ang sulat sa ilalim ng upuan ng dumating si Kreed.
"John's already preparing your food." wika nito at tumabi sa akin. Ngumiti lang ako rito bilang sagot. Hindi ko ma-compose ng maayos ang sarili ko lalo na't kahit anong oras, pwede akong mahuli ni Kreed na may tinatagong sulat sa kanya. "Are you okay, Eleanor?" pukaw nito sa atensyon ko.
"Oo naman!" tumingin ako sa mga mata nito na puno ng pag-aalala at mabilis ding napayuko. Hindi ko maatim na tignan si Kreed ng matagal sa mata. Para akong nagkakasala.
"You don't look okay. If there's something wrong, just tell me Eleanor." nakatulala lang ako sa lamesa. Anong dapat kong gawin? Ipabasa itong sulat kay Kreed? Tapos ano? Pano ko ipapaliwag sa kanya yung mga nakasulat dito?
"Eto na po yung pagkain nyo." dumating na si John na may dalang mga pagkain at inilapag ito sa harap ko.
Nagsimula na akong kumain ngunit parang nawalan na naman ako ng gana dahil sa nabasa kong sulat. Alam kong tahimik lang na nakatingin sa akin si Kreed habang kumakain ako. Sana nga ay hindi nya mapansing may itinatago ako sa kanya.
"Eleanor, would you like to leave for a vacation?" biglang sabi ni Kreed na nakapagpatigil sa akin. Ano raw? Bakasyon? Na naman?! Hindi pa ba bakasyon yung ginawa namin dati na pumunta kami sa ibang bansa?
"Bakit?!" nakakunot ang noo'ng sabi ko. "Ang ibig kong sabihin, para saan? Hindi ka ba busy sa kompanya nyo?" kung mag-desisyon talaga itong si Kreed minsan ay pabigla bigla.
"Naisip ko lang naman na mag-bakasyon kahit sandali lang. If you don't want then maybe next time." nakita ko ang sinseridad sa sinasabi nya. Hindi naman sa ayaw ko, ang akin lang ay baka may iba pa syang mas importanteng kailangan gawin.
"Kung wala ka namang gagawin sa kompanya ay sige. Sasama ako mag-bakasyon sayo." nakangiting sabi ko at bigla nalang nya akong inakap ng mahigpit.
"You'll never regret this decision. Sisiguraduhin kong masusulit ang bawat segundo na kasama mo ako." napatawa ako sa sinabi nya at siniko sya ng mahina.
"Sus, ang cheesy naman Mr. Hendricks." ngumiti sya ng makalaglag panty. Hindi kukupas ang ka-gwapuhan ng lalakeng ito lalo na kung ganto sya lagi ngumiti. Mukha syang masungit kapag seryoso ang mukha nya pero kapag naman masaya sya ay hindi mo maitatangging nakakabighani syang tunay. "Saan mo naman ako balak dalhin ngayon, Kreed?" tanong ko habang kumakain ako.
"That is a secret for now. Bukas na bukas din ay aalis na tayo." muntikan ko nang maibuga sa mukha nya ang kinakain ko.
"BUKAS?! Seryoso ka ba Kreed?!" excited ba ang taong ito at gusto na agad umalis bukas? "Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Alam mo na, masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang araw." paliwanag ko sa kanya.
"I know. That's why we're having a vacation." sagot naman nito sa akin. Hindi ba mapapagod lalo ako non? Tapos wala pa syang balak na sabihin sa akin kung saan kami pupunta. Mamaya dalhin na naman ako nito sa ibang bansa. Jusko, ayoko nang sumakay sa private planes nya dahil nabuburyo lang ako.
"Baka naman pwedeng next week na o di naman kaya next next week?" nagpapa-awang sabi ko sa kanya. Wala bang kapaguran ang lalakeng 'to?
Kinuha nya ang cellphone nya at may tinignan doon. Hindi ko naman masilip kung anong tinitignan nya. Inubos ko nalang ang pagkain ko habang busy sya sa phone nya.
"Eleanor, we can't afford to delay our vacation next week. It's something different and I want you to experience this, please?" nakagat ko ang tinidor ko ng magsabi ng 'please' si Kreed. Grabe talaga! Nakakainis ang kagwapuhan nya. Paano pa ako makakatanggi kung papakitaan nya ako ng ganyang expresyon sa mukha?
"Sige na. Pero bigyan mo ko ng idea kung saan tayo pupunta para naman makapag-impake ako ng damit na babagay sa pupuntahan natin."
Nakita kong napaisip ito bago nagsalita. "Actually, we're going to my friend's wedding anniversary."
"Wow! Talaga? Buti pa sya kasal na. Ilang taon na ba silang kasal ng asawa nya?" akala ko naman kung saan kami pupunta. Siguro sa isang hotel gaganapin ang anniversary nila o di kaya sa isang resort. Matutuwa talaga ako kung makakakita ako ng dagat!
"One year palang sila. Ilang gabi ang ilalagi natin don kaya magdala ka ng maraming damit para hindi ka maubusan." malakas ang pakiramdam kong resort talaga ang pupuntahan namin! Bigla akong na-excite para bukas!
Nag-kwento ng kaunti si Kreed tungkol sa kaibigan nyang iyon at sa naging asawa nito. Nakakagulat ang pagiging madaldal nito. Dati naman ay hindi sya pala-kwento sa akin. Kapag nagkakasama kami sa kwarto ay madalas nandoon lang sya sa desk nya at nagtatrabaho. Kapag naman nasa sasakyan kaming dalawa ay lagi lang syang naka-dungaw sa labas ng bintana o di naman kaya ay may kausap na kung sinong tao sa cellphone nya.
Nakakatuwang nag-babahagi na si Kreed sa akin ng mga kwento di tulad dati. "Tapos na ko kumain. Bumalik na tayo sa kwarto para makapag-ayos tayo ng gamit." nabanggit din kasi nya maaga kaming aalis bukas.
Hinawakan nya ang kamay ko habang pabalik kami sa kwarto namin. Kwento pa rin sya ng kwento. Minsan ay ngumingiti sya sa mga naaalala nya. Ang sarap nyang tignan habang nagsasalita sya. "And if ever, maybe next year, tayo naman ang mag-celebrate ng anniversary natin." singit nya sa kwento nya.
"Ewan ko sayo! Baliw hahaha." pumasok kami sa kwarto at inilabas na ni Kreed ang mga maleta namin. "Magpatulong kaya ako kina Daniela para maghanap ng masusuot ko? Ano sa palagay mo?" tanong ko rito.
Tumango naman sya kaya tinulungan nya akong buhatin ang maleta ko at dalhin ito sa dressing room na ginagamit ko. Pagkatapos non ay nagdatingan na ang tatlo. "I'll leave the four of you here. Babalikan kita mamaya."
"Sige, salamat." pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ni Kreed ay agad akong niyakap ng tatlo.
"MY LADY! NA-MISS KA NAMIN!" paiyak na sabi sa akin ni Jenie. Hinaplos ko naman ang ulo nya. Kawawa naman ang tatlong ito.
"Pasensya na. Nagkaroon lang kami ni Kreed ng away. Hindi ko nga inaasahan na makakabalik pa ako rito eh. Tsaka na-miss ko rin naman kayo." wika ko sa kanila. Silang tatlo ang suportadong suportado sa amin ni Kreed. Naging malapit na rin sila sa puso ko kaya natutuwa akong nagkausap usap na naman kami.
"My Lady, maupo nalang ho kayo rito at kami na ang bahala sa mga isusuot nyo. Sisiguraduhin naming pagtitinginan ka ng mga tao sa paligid mo dahil sa garbo ng kasuotan mo." iginiya na ako ni Hannah sa isang upuan doon habang silang tatlo ay isa isa nang namili ng mga damit ko.
"Kung alam nyo lang po ang nangyayari rito sa mansyon nung mga panahong nawala kayong bigla. My Lady, si Master Kreed po ay para nang patay na naglalakad araw araw. Nakaka-awa syang tignan." pahayag ni Daniela.
"True! Tsaka ibang iba talaga ang awra ni Master kapag katabi kayo My Lady. Masaya sya sa inyo. Kahit na mukha pa rin syang walang tulog ngayon ay mapapansin namang sumaya sya dahil nagbalik na kayo." wika ni Hannah habang tinutupi ang damit na hawak nya.
"Sinabi na nya sa akin na gusto nya ako." amin ko sa tatlo at bigla naman itong nagsilapitan sa akin.
"Talaga po?! Paano nya inamin sa inyo?!" tuwang tuwang tanong ni Jenie sa akin. Titig na titig sila habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Kanina nung dumating ako rito ay dapat tuluyan ko nang puputulin ang koneksyon naming dalawa pero ang sabi nya ay hindi nya raw kaya. Pinakinggan ko ang paliwanag nya kaya nakumbinsi nya rin ako na 'wag nang ipagpatuloy ang desisyon ko."
"Pero My Lady, mahal na mahal mo ba talaga si Master?" tanong sa akin ni Daniela. Nakita ko pang napalunok ng laway sina Jenie at Hannah sa tanong na iyon.
Napangiti ako bago sumagot. "Oo naman. Sobra." malakas na nagtilian ang tatlo samantalang ako naman ay natatawa nalang sa reaksyon nila.
"Awww, meant to be talaga kayong dalawa. Parang Beauty and the Beast!" nag-apiran pa sila. "Buti nalang talaga ay wala nang kontra bida sa relasyon nyo. Siguro ito na yung ending ng story nyo tapos may magsasalitang, 'And they lived happily ever after'."
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan doon sa sinabi ni Hannah. Tsaka ko lang biglang naalala yung sulat! "Saglit! Yung sulat ko!" mabilis akong napatayo.
"Anong sulat, My Lady?" takang tanong ni Daniela.
"Yung puting sulat ko! Naiwan sa dinning area! Tulungan nyo kong balikan." hindi na nagtanong ang tatlo at walang sabing tinungo na namin ang dinning area.
Agad kong pinuntahan ang inupuan ko kanina pero wala rito yung sulat ko. Nasaan 'yon?! Hindi na ako mapakali. Gusto kong sabunutan yung sarili ko. Ang tanga ko!
"My Lady, anong meron sa sulat na 'yon?" tanong sakin ni Jenie.
Ikinalma ko ang sarili ko. "Sulat ni Slade 'yon para sakin at hindi dapat'yon mabasa ni Kreed kaya parang awa nyo na. Tulungan nyo kong hanapin 'yon." naluluhang sabi ko sa tatlo.
Walang pag-aalanganin na tumango ang tatlo at tinulungan na akong haluglugin ang buong dinning area para sa sulat na 'yon. Inabot kami ng halos kalahating oras sa paghahanap pero bigo kaming makita ang hinahanap namin.
"Si John. Nasan si John?" hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Sinamahan ulit ako nina Daniela para mahanap si John. Nakasalubong namin sya sa malapit sa kwarto namin ni Kreed. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"My Lady, may kailangan po ba kayo?" tanong nito sa akin.
"May nakita ka bang puting sobre sa dinning area kanina?" naiiyak na ako at lalo pa kong pinanlambutan ng tuhod ng umiling sa akin si John. Sinong kumuha sa sulat ko? Ayokong isipin na hawak 'yon ni Kreed. "Si Knight? Nakita mo ba sya?"
"Umalis po sya kanina pa. Mga mamayang gabi siguro ang balik ni Master Knight. May problema ho ba, My Lady?"
"Wala naman. Pwede bang makausap yung naglinis sa dinning area kanina nung umalis kami ni Kreed? Papuntahin mo sya sa dressing room. May itatanong lang ako." huminga ako ng malalim. Kailangan kong mahanap 'yon ngayon mismo bago pa may ibang tao na makabasa roon.
"Yes, My Lady." bumalik na ako sa dressing room na naupo doon. Sinapo ko ang ulo ko at pumikit.
Ilang saglit lang ay dumating na ang isang kasam-bahay na babae at magalang na bumati sa akin. "May ipag-uutos po ba kayo, My Lady?"
"Itatanong ko lang kung may nakita ka bang sulat doon sa upuan ko kanina nung kinuha mo ang pinagkainan ko?" sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
"Wala po." napakuyom ako ng kamay.
"Sige salamat. Makakaalis ka na." matapos lumabas ng babaeng kasam-bahay ay tinanong naman ako ni Hannah tungkol sa laman ng sulat. Ipinaliwanag ko sa kanila ang nakapaloob doon pati na rin ang mga nangyari sa akin nung umalis ako sa mansyon. Tahimik lang sila na nakikinig sa akin.
"Kung aminin nyo nalang po kaya kay Master na wala naman kayong intensyong sumama kay Sir Slade? Siguro naman ay maiintindihan kayo ni Master." suhesyon ni Hannah.
"Hindi ko alam. Ang sa akin lang ay baka isipin nyang pinagtataksilan ko sya. Kahit pa sinabi ko nang mahal ko sya ay hindi pa rin non maaalis na pinlano kong sumama kay Slade."
Biglang nahinto ang usapan namin ng pumasok si Kreed sa kwarto. Mabilis namang nagkuhaan ng damit sina Jenie sa rack na parang walang nangyari. "Kamusta naman kayo rito? Mukhang hindi pa kayo tapos mag-ayos ng damit ah." puna ni Kreed habang papalapit sya sa kinauupuan ko.
"Nahihirapan lang akong mamili ng masusuot." tinignan kong mabuti si Kreed at mukha namang wala pa syang alam sa nangyayari. Sigurado akong wala pa sa kanya ang sulat ko. "Are you excited for tomorrow?" hinila nya ako patayo at hinawakan ang beywang ko payakap sa kanya.
"Oo naman." pagkasabi ko nun ay lihim kaming nagkatinginang apat. Sila rin siguro ay pinapakiramdaman kung anong ikikilos ni Kreed.
"Jennie, kayo nang bahala rito. Sabihan nyo rin ako kung nakarating na si Knight. I have something important to talk to him." utos ni Kreed.
"Yes, Master." yumuko ang tatlo ng umalis kami sa kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top