KABANATA XXIV


KABANATA XXIV

"Slade..." tawag ko sa pangalan nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nandito sya sa harap ko.

"Ang tagal nating di nagkita." wika nito. Pagkatapos nyang kumanta ay dali dali syang naglakad papunta sa amin. Hindi na nga nya pinansin yung mga ka-banda nya eh. At dahil don, nagkaroon ng maliit na bulong-bulungan sa crowd.

Sa tingin ko ay marami kasi ang may gustong lumapit kay Slade pero hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon dahil bigla nalang itong lumapit sa amin ng walang sabi sabi. Idagdag pa roon ang wagas na pagtitig nito sa akin habang kumakanta sya kanina. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil naka-attract iyon ng maraming mata sa akin.

"Bro, that was a good perfomance." puri ni Knight kay Slade.

"Hindi nga kami masyadong nakapag-rehearse but good thing I saw Eleanor in the crowd. Bigla tuloy akong ginanahan." napangiti nalang ako ng pilit. Parang may kakaiba sa mga sinasabi ni Slade. Dapat ba akong matuwa sa sinabi nya?

"Nagkakilala na kayo sa Spain diba?" malaman na tanong ni Knight. Bago ko pa maitanong ang nasa isip ko, naunahan na akong magsalita ni Slade.

"How did you know 'bout that?" nagtataka ring tanong nito. Ngumiti lang si Knight ng makahulugan bago ito sumagot.

"Nabalitaan ko yung nangyari sa ospital. I feel ashamed of my brother. Sometimes, he can be so protective to someone he loves so much. I hope you understand."

Napahawak si Slade sa kanyang batok at parang nahihiya pang sumagot. "I know. Ako mismo ang naka-experience kung gaano sya ka-protective kay Eleanor." tumingin ang dalawang lalake sakin kaya mabilis na nag-iwas agad ako ng mata at sa iba nalang tumingin. Nakakahiyang maging topic sa isang usapan lalo na kung lalake ang nag-uusap.

"Hoy, anong meron dito? Anong pinag-uusapan nila? Hindi ako maka-relate." bulong sa akin ng Ate. Muntik ko nang makalimutan na andito lang pala ang Ate sa tabi ko.

"Nagkakilala na kami ni Slade nung dinala ako ni Kreed sa Spain. Basta Ate, mahabang kwento. Next time ko na sasabihin sayo." bulong ko kay Ate para hindi kami maka-distract sa usapan nina Knight at Slade.

"Kaya naman pala titig na titig sayo kanina. Dapat sinabi mo saking kilala mo pala sya. Ikaw talaga, Eleanor! Basta kuhaan mo ko ng autograph nilang lahat ah? Pupunta lang ako kina Nanay."

"Osige na po. Mamaya nalang ha? Pakainin mo ng marami sina Tatay. Babalutan ko kayo ng pagkain mamaya pag-uwi." niyakap ko na ang Ate at tinapik tapik sa kanyang balikat.

"Shunga! Di uso balot sa gantong mga party!" natatawang wika nito bago tuluyang umalis. Naiwan nalang tuloy akong mag-isa rito kasama ng dalawang 'to. Hindi rin naman ako makapag-salita dahil nahihiya naman akong sumingit sa kanila.

Sa di kalayuan ay natanaw ng mga mata ko si Kreed. Kasama nito ang matandang Hendricks at ibang mga lalakeng bisita. Matalas ang matang nakatingin ito sa gawi namin. Siningkitan ko pa ang mata ko para tanawin kung kanino nakapako ang mga mata nya.

"Eleanor, I hope you would come to our concert. Bibigyan kita ng ticket for two. Just please come." nagmamaka-awang suyo sa akin ni Slade.

Saglit na napatingin uli ako kay Kreed. Tama nga ako, kay Slade sya nakatingin at ngayon nga ay nakakunot na ang noo nya. Pinabayaan ko nalang sya at muling hinarap si Slade.

"Kailan at saan ba?" tanong ko rito. Kung ibigay ko nalang kaya ang ticket kay Ate tutal fan naman ata sya ng banda nina Slade eh.

"Sa isang araw na, sa MOA Arena. I'll treat you for dinner after ng concert 'pag pumunta ka." hindi ako agad nakasagot. Napansin nya atang napatahimik ako kaya dinugtungan nya ang kanyang sinabi. "Don't worry, buong crew ang nandon. I'll introduce my bandmates to you." masayang wika nito at bigla namang umakbay si Knight sa kanya.

"Ofcourse Eleanor will come." kumindat pa ito sa akin at ngumisi.

"Hindi ko mapapangakong makakapunta ako pero susubukan ko." hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi sa akin ni Kreed na lumayo raw ako kay Slade kaya pag-iisipan ko pang mabuti kung pupunta ba ako sa concert o ibibigay nalang kay Ate yung ticket.

Napabuntong-hininga si Slade pero nakangiti pa rin ito ng malumanay. "Alright. Anyway, I didn't expect that you are related to Knight." ngumiti na lamang ako at bumaling na ito sa katabi nya.

"And you didn't expect that I'm also related to Kreed Hendricks, did you?" mapanuksong bato ni Knight. Napatawa nalang si Slade at napatango.

"Slade, can I have a second?" may kumalabit na maliit na babae sa kanya at saglit na kinausap sya. Pagkatapos non ay nagpaalam na ito sa amin para umalis.

"Eleanor, I'll see you around." tumango ako rito at kay Knight naman ito sumunod na tumingin. "Later, bro." tinapik nito ang balikat ni Knight bago tuluyang umalis.

Napatingin si Knight sa akin. Pinagkunutan ko naman ito ng noo. Mukhang may hindi magandang iniisip ang lalakeng ito ah. "Magkakilala pala kayo ni Slade." wika ko.

Bahagyang ngumiti naman ito at huminga ng malalim. Animo'y may ginawa itong bagay na talaga namang ikina-galak nya. "We're not that close. Saglit ko lang sya'ng naka-kwentuhan nung nagbakasyon ako sa Hawaii." hindi na ako sumagot pa at tinignan nalang ang galaw ng mga tao sa loob ng mansyon. "Do you like my surprise, My Lady?"

Agad na sinalubong ko ang tingin ni Knight. "Wag mong sabihing..."

"Yes. I invited Slade to make my brother jealous." napanga-nga ako sa sinabi nya. "Are you having fun?" natatawang sabi nito na para bang tuwang tuwa sa nangyayari. "Look at my brother, Kreed. Kanina pa sya nakatingin sayo. Hindi lang siguro sya makaalis sa lugar na 'yon dahil sa mga kausap nya."

Lumingon ulit ako sa kinaroroonan ni Kreed. Nagtagpo ang mata namin ngunit bigla naman nyang binawi ang tingin nya at humarap na sa mga kausap. "Natutuwa ka ba sa nangyayari? Sa tingin mo ba ay nagse-selos na si Kreed?"

Nagkibit-balikat lang si Knight. "We'll see later. Hindi pa r'yan natatapos ang surprise ko, Eleanor." kinilabutan ako sa sinabing iyon ni Knight. Parang kinukutuban ako sa mga salitang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Lumapit sa akin si Knight at bumulong. "She's also here."

Para akong na-paralisa sa sinabi nya. Gusto kong tanungin kung sino pero mabilis pa sa kidlat ay naglakad na palayo sa akin si Knight. Hindi ko naman sya nagawang habulin dahil hindi ko maikilos ang mga binti ko sa sobrang takot.

Tinutukoy nya ba si... "Eleanor!" muntikan akong mapatalon sa taong tumapik sa akin. "Hoy, OA! Hinahanap ka ni Nanay don. Tara muna." wala sa sariling sumunod nalang ako kay Ate. "Anong nangyayari sayo? Tulala ka ata?" puna nito sa akin habang nakatingin sa mukha ko.

"Wala. Wag mo na akong pansinin." ikinalma ko nalang ang sarili ko habang ang Ate ay nag-dadada ng kung anu-ano tungkol sa banda ni Slade. Wala gaanong pumasok sa isip ko na sinabi nya dahil masyadong ginulo ni Knight ang utak ko sa huling mga salitang binitawan nya.

"Anak!" salubong sa akin ng Nanay na akala mo ay isang taon kaming hindi nagkita. Masaya akong nakikitang naka-ngiti ang magulang ko at naka-suot ng magagandang damit. Gusto kong iparanas sa kanila ang buhay mayaman pero paano?

"Anong meron Nay? Tawag nyo ho raw ako?" malamyang tanong ko rito. Masyado atang masaya ang Nanay kaya hindi nya napansing wala ako gaanong buhay ngayon.

"Anak, baka naman pwedeng doon ka muna sa amin matulog ngayon gabi? Hindi naman siguro magagalit--"

"Ano ba, Nay! Engagement Party to tapos papatulugin mo si Eleanor sa bahay? Malamang naman may advance honeymoon 'yan!"

"Ellyah, magtigil ka!" saway ng Tatay kay Ate. Napatahimik nalang si Ate at kumuha ng maiinom sa dumaang waiter at inamoy muna ito bago ininom. "Eleanor, anak, may problema ka ba? Mukhang hindi ka nag-eenjoy sa party'ng ito ah." lumapit ang Tatay sa akin at bahagyang niyakap ako.

"Hindi no Tay. Masaya kaya ako. Pagod lang kasi andami naming kinausap ni Kreed kanina." paliwanag ko rito.

"Muntik ko nang makalimutan, nagpapanggap lang pala kayo no?" biglang may kumirot sa puso ko sa sinabi ng Ate. Oo, tama nga. Nagpapanggap nga lang pala kami. "Edi pwedeng dun ka na sa bahay matulog mamaya tutal mukhang wala namang pake sayo si Kreed. Baka nga pakitang tao lang yung kabaitan samin nun eh."

"Mabait si Kreed, Ate." matigas na sabi ko. Napatingin sa akin ng matalas ang Ate. Pinagtaasan ako ng kilay at tsaka ngumisi.

"Mabait nga sya pero napapasaya ka ba nya? Kung talagang mabait sya bat hindi ka mukhang masaya ngayon?" hindi ako nakaimik sa sinabi nya. "Oh ano, bat di ka makapag-salita?" mapait na napatawa ang Ate. "Eleanor, hindi lahat ng sa tingin mong mabait ay hindi ka kayang saktan. Taga mo sa kokote mo 'yan."

"Ellyah, ano ba yang pinagsasabi mo?" mahina pero pagalit na wika ng Nanay kay Ate Ellyah. "Baka kung sino ang makarinig nyang mga salita mo. Maghunos-dili ka ngang bata ka!"

"Nay, wala naman akong sinasabing mali ah. Bat laging ako pinapagalitan nyo?"


"Tama na, Ellyah." saway ulit ng Tatay dito. "Ikaw naman Eleanor, kung hindi ka na masaya rito, sabihin mo agad. Ayokong naghihirap ka."

"Tay, wala nga 'to. Masaya ako rito. Hindi nila ako pinapahirapan. Pagod lang talaga ako ngayon, wala nang iba." pagpupumilit ko sa kanila. "Magpapaalam ako kay Kreed na matulog sa inyo sa ibang araw pero 'wag muna ngayon. Papayagan naman ako non eh."

"Osige na. Wag na nating pagtalunan ito. Talagang na-miss ka lang namin kaya kami nagkaka-ganito." malambing na sabi ng Nanay. Tinignan ko ang Ate na mataray na nakatingin sa ibang gawi.

"Ate, sorry na. Hindi naman kita gustong sagutin eh." lumapit ako sa kanya at niyakap ang braso nya. "Meron akong libreng ticket sa concert nina Slade, ibibigay ko sana sayo kaso mukhang ayaw mo naman. Sa ibang tao ko nalang siguro iyon ipapamigay." hihiwalay na sana ako sa braso nya pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Totoo?! Pupunta ako! Sige, bati na tayo! Alam mo namang mahal na mahal kita, Eleanor. Hinding hindi kita kayang tiisin! Ikaw lang ang bunso sa pamilya. Mwah!" hinalikan pa ni Ate ang ulo ko.

"Sus, plastic!" biro ko rito at sabay kaming natawa. Pinanood lang kami ng Nanay at Tatay habang nagbibiruan kami ng Ate pero sa kalagitnaan ng kasiyahan namin ay may lumapit na isang body guard sa akin. Yung guard na nakakita sa akin kanina sa may garden.

"My Lady, may gusto pong kumausap sa inyo sa living room." magalang na suyo nito.

"Kasama ba si Kreed?" tanong ko rito.

"Hindi po. Kayo lang po." napatango nalang ako.

"Alis po muna ako, Nay, Tay. Balik nalang ako mamaya. Ate, kayo muna ang bahala rito ah?" pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay naglakad na ako papuntang living room. Hindi ko nakita si Kreed sa kaninang kinatatayuan nito. Saan kaya nagpunta ang lalakeng 'yon?

Tahimik ang pasilyong dinaanan namin. Malayo sa mga taong nagsasaya. Unti onti ko nang naramdam ang kaba. Hindi kaya may businessman na gustong kumausap sa akin? Naku, mahina pa naman ang kokote ko sa straight english.

Magkahawak ang dalawa kong nanlalamig na kamay ng makarating kami sa tapat ng pintuan ng living room. "Andito na po tayo." pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na ako.

"Thank you." hindi na sya sumunod sa akin papasok sa loob. Tinanaw ko ang pigura ng babaeng nakaupo patalikod sa akin. Dahan dahan akong naglakad papalapit rito.

Bawat hakbang ay nagtungo sa akin sa pagkakakilanlan sa taong iyon. Nakangiti itong tumingin sa akin. Napahinto ako sa paglalakad ng makilala ko ang taong 'yon.

Tumayo sya para harapin ako. "Are you enjoying your Engagement Party with my BOYFRIEND, Eleanor Salik?" pinagdiinan nya ang salitang boyfriend habang nakangisi pa rin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" pinagpatuloy ko ang paglalakad ko palapit sa kanya hanggang sa makarating ako sa upuan na kaharap nya. Kalmado akong umupo at tinitigan sya sa mata. "Maupo ka."

Sumunod naman sya sa sinabi ko at idine-kwatro pa ang paa. "I came here to take back Kreed." mahina pero pino nyang sabi. Pinilit kong pinipigilan ang emosyon na gustong kumawala sa akin.

Takot ako. Takot na takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong nahuli na nangangabit ng asawa ng iba. Alam kong hindi sa akin si Kreed pero ayoko syang ibigay sa iba. Gusto kong sa akin lang sya.

"Hindi ko ibabalik sa'yo si Kreed. Mahal ko sya." buong lakas kong tugon dito. Diretso akong nakatingin sa mga mata nya.

"Ang lakas ng loob mong sabihin sakin 'yan. Why? Because you have his family on your side? Hahaha." tumawa ito ng malakas at napa-iling iling pa. Parang nangungutya ang tawa nito. "You love Kreed, yeah sure but the question is... Mahal ka ba nya?" matiim nya akong tinignan.

Napalunok ako ng laway. Nasasaktan ako. Lahat ng sinasabi nya ay totoo pero bakit ganon? Hindi ko pa rin magawang hindi mahalin si Kreed. Nasaktan na ako ng ilang beses pero ngayon ata ako pinaka-masakit sa lahat. Pinapa-mukha sa akin yung katotohan at sa bibig pa mismo ng mahal ni Kreed nanggagaling yon.

"K-kaya nya akong mahalin. Mamahalin nya ako kung lalayo ka sa amin. Wala kang alam sa nangyayari samin kaya pwede ba 'wag ka nang manggulo!" halos pasigaw na bigkas ko. "Mahal nya man ako o hindi, wala akong pakealam dahil hangga't hindi sinasabi ni Kreed na lumayo ako sa kanya, hindi ako aalis sa tabi nya!"

Nagulat ako ng sabuyan nya ako ng tubig sa mukha. Nagpakawala ako ng marahas na paghinga at pinangsukatan sya ng tingin. Nakangiti pa rin ito pero bakas na sa mukha nya ang matinding pagkayamot.

Mabagal nyang ibinaba ang baso sa lamesa at nagsalita. "Bitch, I don't know that you're that desperate to have Kreed. We've been together for years. Ako yung mahal nya at hindi ikaw! You don't know our story! My Story!" marahas nitong sabi.

"Hindi ko nga siguro alam kung anong istorya nyong dalawa pero ang tanging alam ko lang, nasasaktan na at nahihirapan si Kreed ng dahil sayo!" tumayo na ako at sinigawan sya. "Hindi ka nararapat para sa pagmamahal ni Kreed! Wala kang kwentang babae!"

Tumayo na ito at sumugod sa harap ko. Mabilis na nahawakan nito ang buhok ko at hinila iyon. "You peasant! How dare you say that! Yung mga babaeng katulad mo, dapat binubura na sa mundo! Arrgghhh!"

Nahawakan ko ang braso nya at madiin na kinalmot iyon. Pareho kaming napasigaw sa sakit na nabigay namin sa isa't-isa. Nang makaluwag ako ay tinulak ko sya palayo sa akin. "Hinding hindi ko iiwan si Kreed, tandaan mo 'yan! Lalabanan kita!" nanggagalaiti na sabi ko at ako naman ngayon ang sumugod sa kanya.

Nagsabunutan kami at panay ang kalmot namin sa isa't-isa. Pareho kaming napatumba sa sahig pero ang braso ko ang unang tumama sa semento. Malakas na napadaing ako ng dahil don at nabitawan ang buhok nya. Doon sya nagkaroon ng tyansang dag-anan ako at pagsasampal-sampalin sa mukha.

Gusto ko nang umiyak pero ayokong mag-mukhang mahina. Napapikit nalang ako at ininda ang mga pananakit nya sa akin. Ayoko na. Hindi ko na kaya. Hindi ako 'to. Hindi ako mahina. Pinalaki akong matapang ng mga magulang ko pero andito ako ngayon, dehadong dehado sa laban.

Hindi ako iiyak. Kahit anong mangyari, wala nang makakakita sa aking umiiyak! Ipapakita ko sa inyo kung sino ang matapang na Eleanor!

"Ano?! Lalaban ka pa?! You piece of shit! Ang mga dukhang katulad mo ay hindi nababagay sa ganitong lugar! Magsama-sama kayo ng pamilya mo sa putikan! Gold digger! I'm gonna kill you!" nagdilim ang paningin ko dahil sa sinabi nya. Ayokong tinatapakan ang dignidad ko bilang tao at ayokong nadadamay ang pamilya ko rito!

Kahit masakit ang braso ko ay pinilit ko pa ring makawala sa mga sampal nya. Humugot ako ng lakas para mailayo sya sa akin. Natulak ko sya at nang matumba sya ay agad kong pinilipit ang isang braso nya.

"Kung anong ginawa mo sa akin ay sisingilin ko ngayon sa iyo! Walang hiya ka! Magkamatayan na!" buong galit na sigaw ko. Napa-sigaw din ito dahil ang isang kamay nya ay pinilipit ko sa likod nya. Marahas ko namang ipinulupot ang buhok nya sa isa kong kamay. "Papatayin mo ko ha?! Sa tingin mo papayag nalang ako ng ganun nang walang laban?!"

Halos mapaluha na ito dahil hindi ito makawala sa akin. "I swear, pag nakawala ako rito, you're gonna pay for this big time." hindi ko na mapigilan ang sobrang galit ko kaya tinulak ko sya ng marahas sa sahig. Tumama ang mukha nya at nagdugo ang kanyang ilong. Napahawak sya dito at malakas na tumili. "GOD DAMMIT!" puno nang galit ang buong mukha nya ng makita ang dugo sa sariling kamay. Parang sinusumpa na nya ako ng tumingin ito sa akin.

Tumayo sya at sumugod na naman sa akin pero maagap ako at nahawakan agad ang kamay nya bago pa man ito makarating sa mukha ko. Sa ganong eksena kami natagpuan ni Kreed.

Lahat kami ay tulala ng magbukas ang pinto. Sa likod ni Kreed nakasunod si Knight at Slade. Napahinto ang hininga ng tatlo ng makita ang sitwasyon naming dalawa ni Rachel.

Nakatuon lang ang mata ko kay Kreed na nakatingin lang din sa akin. Napako kami sa isa't-isa hanggang sa mabilis na akong nailayo ni Slade kay Rachel ng hindi ko napapansin.

Hindi ko maintindihan kung pagka-dismaya ang emosyon sa mga mata ni Kreed o matindi lang na pagkagulat. "Fuck you, Knight! Bitiwan mo ko! Papatayin ko ang babaeng 'yan!" nagpupumiglas na sigaw ni Rachel.

"Shut up, you filthy woman!" ma-awtoridad na saway ni Knight dito.

"What the heck is happening here?" naguguluhang tanong sa akin ni Slade. Mabilis na hinubad nito ang coat na suot nya at ibinalot iyon sa akin pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong nakatingin sa akin si Kreed.

Naglakad na ito papalapit sa amin at huminto sa tabi ko. "I can't believe you did this to her. I'm so disappointed." mahina pero tagos sa puso ko ang sinabi nya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay sa akin pa sya madidismaya? Nilingon ko sya pero nagsimula na nya akong lagpasan at tinuon si Rachel.

Humagos agad ng iyak si Rachel pagkalapit ni Kreed at mahigpit na niyakap ito. "Sinaktan nya ako Kreed. Wala akong kalaban laban. She even said that she'll kill me. Kasi... kasi sa kanya ka raw. Takot na takot ako."

Mabilis na humarap ako sa kanila at nagsalita. "Ikaw ang naunang magsabi non! Kung hindi mo binanggit ang pamilya ko--"

"Stop it, Eleanor! What do you want?! You don't have any rights to hurt her! And I'm not even yours to begin with! I'am not letting this to happen again! Don't you dare lay a finger on her, ever again." puno ng galit na sabi ni Kreed sa akin. Kita ko ang pamumula ng buong mukha nya.

Para akong pinagsasaksak sa sinabi nya. Nakita ko pa ang mapaglarong ngiti sa labi ni Rachel. "Wala kang kwentang lalake!" mariing wika ko. "Ano yung kagabi ha?! Wala lang 'yon sayo?! Mahal kita pero itatapon mo lang yung damdamin ko para sayo?! Nasaktan ako, ilang beses pero hindi ko idinaing sayo yung sakit. Sinarili ko yun kahit na sa araw-araw na magkasama tayo, para mo na akong pinapatay kasi ibang babae yung nasa isip mo. Pero ano?! Umasa ako na baka balang mahalin mo rin ako. Ang tanga tanga ko! Bakit ba ako nagmahal ng puta-peteng katulad mo!"

"Eleanor, stop it. Umalis na tayo rito." hinila ako ni Slade paalis pero nagpumiglas ako. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalabas lahat ng hinaing ko.

"Minahal kita ng walang hinihingi na kapalit. Minahal kita kahit masakit. Pag nasasaktan ka mas nasasaktan ako. Gusto kitang pasiyahin kahit alam kong walang darating na kapalit. Pero hindi kita minahal para saktan mo ng ganito nang paulit-ulit! Isang tanong isang sagot, ako ba o sya?!" turo ko kay Rachel. Napa-tiim ang bagang ni Kreed.

Naikuyom nya ang kanyang kamay at matagal bago ito nakapag-salita. "Y-you know the answer, Eleanor." parang nag-aalangan pa na wika nito.

"Tang ina mo, ipamukha mo sakin yung sagot!" nagwawalang sigaw ko.

"It's Rachel." mabilis nitong sabi. Nadurog na naman ang puso ko. Hindi ko alam kung tama pa ba yung ginagawa ko o mali pero mas magandang isang beses nalang akong masaktan kesa unti unti pa kong pahirapan.

"Thank you." yun nalang ang nasabi ko at tumalikod na. Hindi ako tatakbo paalis. Itinaas ko ang noo ko dahil ayokong isipin nila na mahina ako.

Nang makalabas kami sa kwartong iyon ay agad akong hinila ni Slade sa braso at ikinulong sa kanyang bisig. "It's ok, you can cry now." at doon na ako humagulgol ng malakas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top