KABANATA XXIII

KABANATA XXIII (UNEDITED)

Nakatitig ako sa malaking salamin. Simpleng make-up, kulot na buhok, naglalakihang alahas at dress na pinaghalong kulay itim at ginto ang suot ko pero hindi maitatago ng mamahaling bagay na 'to ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Nasan si Kreed?" tanong ko kay Daniela. Nanlalamig na ang kamay ko sa sobrang kaba. Ngayon pa lang ako makakadalo sa ganito kagarbong party at ang malala pa ron, Engagement Party ko pa ito.

"My Lady, nasa baba na po ata. Pupuntahan ka naman ni Master dito mamaya. Hintayin nalang po natin sya." sagot nito at inayos pa ng kaunti ang ilang hibla ng buhok ko.

Tumango ako at napayuko. Hindi talaga tumitigil sa kakatibok ng mabilis itong puso ko. Parang aatakihin na ata ako sa sobrang nerbyos.

"Eleanor?" narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses sa labas ng pinto.

Dali dali akong tumayo at pinagbuksan ito. "Nay!" mabilis na niyakap ko ang Nanay pagkakita ko rito. "Buti naman nakarating kayo. Ang ganda nyo ngayon ah." ngiting ngiting papuri ko rito.

"Hayy, bolera ka talagang bata ka!" hinimas nya ang braso ko at matamis na ngumiti sa akin.

"Ikaw nga ang maganda ngayon Eleanor. Ang bongga ng Engagement Party na 'to ha!" komento ng Ate na nasa likuran ng Nanay. Katabi nito ang Tatay na nakangiti ring nakatingin sa akin. Nagmano muna ako sa Nanay at Tatay bago ko sila hinila papasok sa loob ng kwarto.

"Mga Hendricks naman ang may gusto nito. Upo muna kayo rito Ate." nagpaalam na sina Jenny para lumabas kaya naiwan kaming pamilya rito sa loob. "Kanina pa ba kayo sa labas? Marami na bang bisita?" sunod sunod na tanong ko.

"Hindi naman. Halos kakarating lang din namin. Sinalubong kami ni Kreed tsaka nung Papa nya." sagot ni Ate. Nakita kong sinuyo ng kanyang mata ang kabuuan ng kwarto. Nandito kasi ako sa dressing room ng Mama ni Kreed.

"Nagkakwentuhan kami saglit. Nahihiya ako sa mga Hendricks dahil sa nangyari dati. Ikaw pa tuloy yung nagbabayad sa kasalanan ko ngayon." mahinang sabi ng Tatay. Ayan na naman po sya sa paninisi nya sa sarili nya. Hindi ko alam kung ilang beses ko pa bang kailangang sabihin na wala naman nang dapat na sisihin sa nangyari.

"Tatay talaga! Hindi naman nila ako pinapahirapan no. Tignan nyo nga ako, ang ganda ganda pa ng suot ko ngayon. 'Wag nyo nang masyadong isipin yung nangyari Tay. Ok na lahat. Magiging ok din ang lahat."

Tumayo ako sa kinauupuan ko para sana lapitan ang Tatay ng biglang may kumatok sa pintuan. Lumapit ako rito at pinagbuksan 'to. "Eleanor." bungad nito sa akin. Tinignan nya ako simula ulo hanggang paa. Nakita ko kung paano sya napangiti sa kanyang nakita. "You look wonderful."

Nagtagpo ang mata namin at bigla akong nailang. Hindi dahil sa papuri nya sa akin kundi dahil sa makalalaglag panga nyang itsura ngayon. Kreed Hendricks, bakit mo ako pinahuhulog sa'yo ng paulit-ulit? "Salamat." tipid na sagot ko rito.

"That's enough love birds. It's time to show yourself, Eleanor." singit ni Klaude na nasa likod lang pala ni Kreed.

"Anong meron? Lalabas ka na ba?" maintrigang tanong ng Ate. Tumango ako sa kanya. Lumingon naman ito sa magulang namin habang inayos ng kaunti ang kanyang suot. "Nay, Tay, tara na raw."

Ginabayan ako ni Kreed palabas at si Klaude naman sa pamilya ko. Hawak hawak ni Kreed ang beywang ko habang naglalakad kami. Ang gaan ng kamay nya at ang sarap non sa pakiramdam. Kapag malapit ako sa kanya, nababawasan yung kabang nararamdaman ko.

Naririnig ko ang ingay ng mga tao. Malapit na nila akong makita. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila sakin. Magustuhan kaya nila ako? "Are you scared?" bulong sa akin ni Kreed.

"Medyo." huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili ko. Heto na. Wala nang atrasan 'to.

"Don't worry. I won't leave you." hinawakan na ni Kreed ang kamay ko at naglakad na kami sa mga tao. Isa-isa silang nagsilingunan sa amin. Parang tumigil ang mundo dahil sa mga tinging 'yon. Iba't ibang klase ng tao. May pilipino, amerikano at iba pang lahi. Halos lahat mahahalatang may dugong bughaw.

Kung ikukumpara ako sa kanila, mas masahol pa ako sa mga alalay nila. Wala naman akong maipagmamalaki dahil kahit ang suot ko ay hindi ko naman pag-aari. Ramdam na ramdam kong hindi talaga ito ang mundong dapat na ginagalawan ko pero nandito ako ngayon sa harap nilang lahat. Nagpapakilalang magiging asawa ng isang bilyonaryong lalake sa bansa. Ngumingiti na para bang isa sa kanilang lahat. Isang babaeng mapagpanggap.

"Eleanor." abot tenga ang ngiti ng Mama ni Kreed ng salubungin ako nito. Pula ang suot nitong gown na hapit sa buo nitong katawan. Naka-taas ang kanyang buhok. Nabanat tuloy ng kaunti ang mukha nito kaya naningkit lalo ang matulis nyang mata. Kung hindi ko pa alam ang ugali nya, baka nangangatog na siguro ang tuhod ko ngayon dahil sa takot. Masyado kasing mataray ang dating nito ngayon. "Look at you, my dear. Gold dress perfectly suits you." bineso ako nito at iniharap na ako sa mga tao. "Ladies and gentlemen, may I present you. The next mistress in Hendricks clan, Ms. Eleanor Salik."

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid kasama ang pamilya ko. Lumapit ang Papa ni Kreed at masayang kinausap ang magulang ko. Hindi ko gaanong naririnig yung pinag-uusapan nila kaya hinayaan ko nalang sila.

May ilang mga camera ang sunod sunod na kumuha ng litrato sa amin. Hindi ko maiwasang hindi mapa-iling dahil sa flash ng mga camera. Hindi ako sanay sa ganito. "My Lady..." tawag ni Kreed sa akin kaya tiningala ko sya. Ganon nalang ang gulat ko ng salubungin nya ako ng mabilis na halik sa labi. Bumilis ang flash ng camera at naramdaman kong dumami sila.

Napahawak ako sa labi ko at napayuko. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko. Kinikilig ako pero nakakahiya. Namumula na siguro yung mukha ko ngayon. Bakit naman kasi binibigla ako nitong si Kreed! Manyak talaga!

"Ayiieee!~" naghagikhikan ang ilang mga tao at ang iba naman ay pumapalakpak habang nakangiti. Ngayon ko lang ulit narealize, marami pa palang nakatingin sa aming tao. Leche! Nakakahiya sobra!

Lumapit ang Papa ni Kreed sa amin at marahang tinapik ito sa braso habang natatawa. "I welcome you once again to this small Engagement Party of my eldest son, Kreed Hendricks with his fiancé, Eleanor Salik. I've been wanting a grandson for so long and I expect my son to give me one before I leave this world. Kaya hindi ako mamamatay hangga't hindi ko nakikita ang apo ko." natawa ang mga tao sa sinabi nya. Napatango nalang si Kreed dito habang nakangiti. Para namang magkakanak kami kung makangiti ang lalakeng 'to.

Pero ano nga kayang itsura ng baby ko kung si Kreed ang ama? Gwapo kaya? Maganda kaya? Hayy, bakit ko nga ba 'to iniisip. Hanggang pangarap nalang 'to, Malabong magkatotoo.

"I'll give you a basketball team." biglang sabi ni Kreed na nakapagpatigil sa pagde-daydream ko. "Diba, Eleanor?" tinignan ako nito ng may ngisi sa mukha. Gusto kong mapairap sa sagwa ng itsura nya ngayon pero pilit na ngumiti nalang ako rito.

"Hahhaha, mabuti naman. No wonder, you're a Hendricks." napuno ulit ng tawanan ang buong lugar. Isa isang nagsalita ang buong pamilya nila. Simula sa ama hanggang sa bunsong anak nitong si Kei. Hindi ko alam kung masama ba ang timpla ng araw ngayon ni Knight at Kei o talagang ayaw lang nila sa ganitong okasyon dahil hindi sila gaanong ngumingiti ngayon.

Alam ko namang hindi pala ngiti si Kei pero parang doble ata ang pagiging matapang ng itsura nito ngayon kesa sa Mama nya. Pagkatapos nilang magsalita ay pinasalita rin ang pamilya ko. Muntikan pa maiyak ang Nanay dahil sa speech nya. Nakalimutan atang umaacting lang kami. Siguro iniisip ng Nanay na ikakasal na talaga kami ng tunay ni Kreed kaya ganon nalang ang emosyon nya.

"Anak ko, magpapakabait ka dahil hindi habang buhay eh nasa tabi nyo kami ng Tatay mo. Alam mo namang wala kaming maipapamana sa inyo pero ito ang tatandaan mo, lagi kang magpapakumbaba. Kahit na mataas ang marating mo sa buhay, 'wag mong kalimutan kung saan ka nanggaling. Alagaan mo ang mapapangasawa mo at ganoon ka rin, iho. 'Wag mong sasaktan ang bunso namin dahil 'yan lang ang yaman naming mag-asawa."

Lumapit ako sa Nanay para bigyan sya ng yakap. "Nay, di pa ko ikakasal. Ano ba yang speech mo hahaha." pagbibiro ko. Hindi naman dinig iyon ng mga tao dahil pabulong ko lang sinabi. Ngumiti ang Nanay at pinisil ang pisngi ko.

"Let's enjoy this night everyone." tinaas ng Mama ni Kreed ang hawak nyang wine glass at ganon din ang sumunod na ginawa ng mga tao. Tumugtog ang malamyos na musika at hinila na ako ni Kreed kumpol ng mga tao.

"Mr. Buenaventura." lumingon ang isang matandang lalaki sa amin. Mga nasa 50's na siguro ang edad nito.

"Kreed Hendricks! Ang gwapo kong inaanak!" nagkamustahan ang dalawa. "Parang kahapon lang nung kinakarga pa kita and now, you're finally engaged!" wika nito. "Napaka-ganda pa ng mapapangasawa mo." tumingin ito sakin.

"Good evening po." bati ko rito. Nagkwentuhan kami saglit at pagkatapos non ay kumausap ulit kami ng ilan pang mga bisita. Maraming kilalang tao ang ipinakilala sa akin ni Kreed dito. May ilang mga celebrity pa akong nakilala.

"Pwede ba muna akong maupo ron?" bulong ko kay Kreed. Kanina pa kasi kami nakatayo at sumasakit na talaga ang paa ko. Ang taas pa naman ng heels na suot ko. Kung pwede lang magyapak ngayon eh, ginawa ko na.

"Pagod ka na ba? Tara, sasamahan kita." nag-aalalang sabi nito pero umiling ako.

"Kaya ko naman. Sige na, kailangan ka pa ata rito." tinignan nya ako ng may pagdadalawang isip. "Kaya ko sarili ko Kreed." tumango ito at napahawak pa sa batok.

"There's Mom, Dad and Klaude if you need something. Pupuntahan nalang kita 'pagtapos ko rito." hinalikan muna nya ang noo ko bago nya binatawan ang kamay ko. Magalang na nagpaalam ako sa kausap namin at naglakad muna sa hindi gaanong mataong lugar.

Lumabas ako ng mansyon. Nakahelera roon ang mga mamahaling sasakyan ng mga bisita. Parang naging parking lot ito ng mga mayayaman. Lumingon ako sa paligid kung may mga tao pa.

Mabuti naman at busy ang mga bisita sa loob ngayon. Tinanggal ko ang sapatos na suot ko. Namumula na ang daliri ko sa paa at sa may bandang sakong ng paa ko. Para akong nakahinga ng maigalaw ko ng malaya yung paa ko. Naglakad ako ng walang saplot sa paa. Tinungo ko ang garden.

May mga ilaw sa dinaraanan ko kaya lalong gumanda yung paligid. Mas maganda rito kumpara sa loob. Tahimik. Malaya. Hindi ko kailangang magpanggap. Naupo ako sa bench kung saan ko unang nakita si Kei. Tinignan ang fountain na nasa gitna. Parang ayoko nang bumalik sa loob. Gusto ko nang matapos yung gabing 'to.

"My Lady?" napatayo ako sa tumawag sa akin. Lumapit ang isang guard sa akin na may hawak na flashlight. "Ano pong ginagawa nyo rito?"

"Huh? Ah, nagpapahangin lang. Babalik na rin naman ako agad sa loob." pagpapaliwanag ko rito.

"Pinapahanap po kayo ng kapatid nyo. Bumalik na po tayo sa loob." nagulat naman ako sa sinabi nya. Hinahanap ako ng Ate? Ano kayang kailangan nya at hindi pa nya sinabi sakin kanina. Dali dali kaming naglakad paalis. Kumakausap yung guard sa hawak nyang woki toki ng may mahagip ang mata kong pamilyar na mukha malapit sa halamanan.

Napahinto ako saglit ng dahil don. Pakiramdam ko ay nakatingin iyon sakin ngayon ngayon lang pero biglang nagtago ng makita ko. "My Lady? Tara na po."

"Andito na." hindi ko nalang iyon pinansin at nagmadali nang bumalik sa loob. Ano ba kasing kailangan ng Ate? Hinanap namin ang Ate at sa wakas, nakita ko rin sya. Umalis na yung guard pagkakita naming dalawa ni Ate.

"Eleanor! May sasabihin ako sayo! Si ano..." natatarantang sabi nito.

"Si?" tanong ko naman dahil parang naiihi ang itsura ng Ate ngayon sa sobrang taranta. Palingon lingon sya sa paligid at hindi mapakali.

"Si..." bago pa matapos ni Ate ang sinasabi nya, may biglang humawak sa beywang ko kaya napalingon ako rito.

"Eleanor." bat ang daming may tumatawag sakin ngayong gabi? Ano bang kailangan ng mga 'to? Nangunot ang noo nito ng suriin nya ako at napako sa paanan ko ang mata nya. Ano bang meron? "Where's your heels?" napatungo rin ako sa paa ko at laking gulat ko ng makitang wala nga akong sapatos na suot. Naiwan ko ata ron sa garden!

"Hala! Naiwan ata ron sa labas. Nagpa--- Aahhh! Kreed!" bigla nalang akong binuhat ni Kreed at naglakad palayo. Nagtinginan na naman samin ang lahat ng tao. Napalingon ako sa Ate na nakakunot ang noo sakin. Ilang na ngitian ko nalang ito habang dala dala ako ni Kreed pabalik sa dressing room. "Hoy, baba mo na nga ako!" saway ko rito pero naka-straight face lang ito.

Pagpasok namin sa kwarto ay walang sabing ibinaba nya ako sa upuan at pumunta agad sa mga hilera ng heels na naka-lagay sa gilid. Kinuha nya ang isang gold na sapatos. Hindi gaanong kataasan ang heels nito kumpara sa suot ko kanina.

Lumapit sya sa akin at lumuhod sa harap ko. Kinuha ang isa kong paa at tinignan ang talampakan ko. Naasiwa ata sya sa dumi non kaya tinignan nya ako ng masama. "Anong ginagawa mo sa labas ng mansyon?" tanong nito habang pinapagpag ang paa ko.

"Nagpapahangin." wika ko. Sinuot na nya sa akin ang sapatos. Ganon ulit ang ginawa nya sa kabila. Pagkatapos non ay tumayo sya at hinarangan ng dalawa nyang braso ang inuupuan ko. Tinignan nya ako ng malapitan at hinalikan sa noo.

"Wag kang pupunta sa lugar kung san di kita makikita, Eleanor." inilapit nya ang mukha nya sa aking leeg. Naramdaman kong inamoy nya iyon bago sya lumayo sa akin. "Let's go, My Lady." inilahad nya ang kamay nya at hinawakan ko naman iyon.

Bumalik kami sa mga bisita ng walang nakakapansin sa amin. Sa iba nakapako ang atensyon nila. Tugtog ng drums at electric guitar ang bumungad sa amin pagbalik namin. "Anong meron?" tanong ko kay Kreed.

"I don't know." sagot nito at pareho naming sinundan ang tingin ng mga tao. May biglang humawak sa kabilang kamay ko na nakapagpagulat sa akin.

"Eleanor! Ano ba 'yan! Yung sinasabi ko sayo kanina!" wika ng Ate. Akala ko naman kung sino. "Kreed, hihiramin ko muna ah?" wala sa sariling napatango nalang si Kreed. Hinigit na ako ng Ate palayo. "Yung band na Starlight, natatandaan mo ba? Nabalita 'yun sa tv nung nandun ka sa bahay. Shit! Andito sila ngayon. Hingan mo ko ng autograph!" napalaki ang mata ko sa sinabi ni Ate. Starlight? Yun ba yung... "Kakanta sila. Panoorin mo." huminto ang paghila sa akin ni Ate ng marating namin ang unahan.

Napatingin ako sa harap ko at ganon na lang ang gulat ko ng makita si Slade ng may hawak na microphone. Andito rin si Cliffe at yung iba pa nilang ka-banda. "My friend, Knight Hendricks invited me to this Engagement Party and as a gift, Starlight will sing our latest song for everyone. This track is called 'Killer'. Hope you like it."

Nagsimula nang kumata si Slade. Pinangilabutan ako sa boses nya. Ang galing pala talaga nya kumanta. "Oh, napa-nganga ka ngayon. Ganda ng boses no?" bulong ng Ate.

♪ "Stuck in a limbo (here we go) Me and my sins go (toe-to-toe oh oh oh) I played a vicious part (Whoa) I broke an unfair share of hearts. I'm about to blow so if you come around then you should know. " ♪

Mga model at artista ang kadalasan nasa unahan kasama namin ni Ate. Kahit mayayamang babae ay kinikilig sa kamandag ni Slade. Paano ba naman, total package na. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya? Sa kanila?

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta sya ng mapatingin din ito sa akin. Nakita ko ang saglit na pagkagulat sa kanyang mukha pero napalitan agad ito ng matamis na ngiti. Nang dahil don, humarap sya sa akin na ikinagulat ko. Kumanta sya ng nakaharap sakin at hindi na muling lumingon pa sa ibang manonood.

"My Lady." may biglang umakbay sa akin. Tinignan nya ako ng matiim sa mata bago nagsalita. "This will be the start of World War 3." sabi ni Knight bago lumingon kay Slade sa harap.

YUNNIE'S NOTE:

Nag-UD ako dahil maraming nagde-demand ng update kahit nilagyan ko na ng 'HIATUS' yung story. Nagbabakasyon pa po ako at walang kasiguraduhan kung kelan yung UD. This chapter is dedicated for those people who are posting messages on my timeline. Hindi ko nga alam na may nagme-message na pala sakin dito para mag-UD. Thank you for reading this story and for voting and still commenting in the previous chapters.

Have a great vacation. Love lots :)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top