KABANATA XVI



KABANATA XVI (UNEDITED)

"My Lady, kami na po ang magda-dala ng mga gamit nyo."

Bitbit ko ang isang itim na hand bag habang naglalakad ako at inaayos ang malaking sumbrerong suot ko. Kaninang umaga ay pinagmadali ako ni Kreed na mag-ayos dahil uuwi na raw kaming Pilipinas at ilang oras lang naman ang ginugol ko sa paliligo at pag-aayos ay iniwan na agad ako ng loko!

"Wag na Fred. Kaya ko nang bitbitin ito." wala na syang nagawa kundi sundan nalang ako sa lakad-takbo kong ginagawa makapunta lang sa isa pang kwarto rito sa hotel.

Kung bakit ba naman kasi napaka-mainipin nong si Kreed eh! Nakakainis talaga!

Sumakay na kami ng elevator pataas dahil doon ako pinapasunod ni Kreed. Saglit lang din ay nakarating na kami sa mismong harap ng pinto. May apat na kataong nagbabantay sa tabi ng pintong iyon. Tumayo muna ako ng tuwid bago ko sinenyasan si Fred na buksan na ang pinto. Kumatok muna sya ng tatlong beses at binuksan na iyon.

Mabagal na naglakad ako papasok sa loob. Marmol ang sahig nito at medyo malaki ng kaunti sa tinuluyan namin ni Kreed. Puro mga mamahaling gamit pandekorasyon ang nakapalibot sa loob ng kwarto at naghahalong pula at ginto ang kulay ng paligid.

"Dito po tayo, My Lady." ginabayan ako ni Fred patungo sa kinaroroonan ng mag-ina. Nasaksihan pa naming nagtatawanan ang dalawa bago parehong napalingon sa akin ng makalapit ako rito.

Yumuko ako para magbigay-galang at ngumiti. "Good Morning po Ma'am." ngumiti rin ito sa akin na ikinagulat ko bago ko itinuon ang tingin kay Kreed nang naka-ngiti pa rin.

Tama ba ako ng kita? Talaga bang nginitian ako ng Mama ni Kreed? Nakakatuwa naman. Ito yung unang pagkakataon na hindi ako nakaramdam ng kaba habang kaharap sya. Parang naging kumportable ako sa ngiting 'yon dahil hindi ko nabakasan ng kahit konting pagkukunwari ang matamis na ngiting iyon.

"Help Eleanor, my son." utos nito kay Kreed.

Daglian naman akong nilapitan ni Kreed at kukunin sana ang hawak kong bag ngunit inilayo ko iyon ng kaunti sa kanya. "Ok lang ako. Hindi naman ito gaanong mabigat." pagra-rason ko.

Hinayaan nalang ako ni Kreed at inalalayan na ako para makaupo sa sofa.

"I'll arrange our engagement party when we go back to the Philippines." saad ni Kreed habang umuupo sa aking tabi. Ipinaikot nya ang kanyang kaliwang kamay sa aking likuran at hinapit ang aking bewang palapit sa kanya.

"If only I could go back there with you now but I have to go first to Vegas before I go home. Saglit lang naman ako roon dahil sisiguraduhin kong makakapunta ako sa engagement party ng panganay ko. Mabubuo na naman ang pamilya natin." masayang litanya ng ginang na kaharap ko.

Tinanggap na ba nya ako bilang mapapangasawa ng kanyang anak? Hindi kaya iniisip nya na pera lang ang habol ko kay Kreed kaya ako magpapakasal dito? Ano bang nangyari at parang nabago ata ang tingin sa akin ng Mama ni Kreed?

"My Lady, what do you think about the party? Any suggestions? Gusto kong marinig mula sayo kung anong gusto mong mangyari."

Hindi naman magkakaroon ng kasalan kaya bakit pa kailangan ng opinyon at suhesyon ko?

Ito sana ang gusto kong sabihin ngunit pinipigilan ko nalang ang sarili kong mailabas kung anong hinanaing ko. "Kahit ano naman ay pwede na sa akin. Kung tutuusin nga ay gusto ko sanang huwag nalang magkaroon ng ganitong party pero napaka-imposible naman non gayong isa 'tong importanteng pangyayari na kailangang ibunyag sa publiko. Sana lang ay hindi masyadong madamay ang pamilya ko sa media dahil ayokong may uungkat sa pamilya ko."

Tumango ang Mama ni Kreed. "We will take care of that. And don't worry about the media, ako na ang haharap sa kanila para hindi ka nila kuyugin. Just always stay beside Kreed and he will handle the rest."

"Ipapakilala kita sa mga kapatid ko." bulong sa akin ni Kreed na ikinagulat ko. May kapatid sya?! Bakit hindi ko nakikita sa mansyon? Gusto ko sanang magtanong tungkol sa mga kapatid ni Kreed ngunit nagsalita na naman ang Mama nya.

"I'm so excited for the party. Marami akong inimbitang mga kilalang tao. Pati na rin ang iba nating investors galing ibang bansa ay iimbitahan ko na rin. Kung sana ay maiisama ko lang kayo ngayon sa Vegas para naman makilala nila ang mapapangasawa ng panganay ko."

"Sana nga pero gusto na atang makauwi ni Eleanor sa Pilipinas kaya mauuna na kami roon." sabay na tinignan ako ng mag-ina. Parang hinihingi nila ang kumpirmasyon ko kung talaga bang gusto ko nang umuwi ng Pilipinas ngayon o hindi. Parang sa mga tingin na iyon ay umaasa silang hindi ang isasagot ko pero nahihiya naman akong magbigay ng desisyon.

"Kung ano desisyon ni Kreed ay ganon na rin ang akin. Kung uuwi kami ng Pilipinas o sasama sa inyo sa Vegas ay sya na ang bahala." sabi ko nalang sa ginang. Napangiti naman ito ng malawak at tinignan ang anak nya.

"So that means, pupunta tayong Las Vegas ngayon." wika nito. "Marami kang pwedeng gawin doon kumpara rito. Sigurado akong mag-eenjoy kayo ng anak ko roon." tuwang tuwang wika ng ginang.

"Mom, akala ko ay ipapakilala mo lang sya sa mga kaibigan mo roon?" tanong ni Kreed sa kanyang ina.

"Kreed, para saan pang pumunta kayong Vegas kung hindi naman kayo magsasaya roon? Isa iyon sa dinarayong lugar sa buong mundo para magpakasaya. Gusto ko namang makita ng asawa mo kung gaano kaganda sa Vegas."

Ngumiti nalang ako habang pinapakinggan ang usapan ng mag-ina. Hindi na naman ako makakauwing Pilipinas. Tinalo ko pa talaga ang nanalo sa lotto nito ah. Blessing nga ba ang pagdating ng mga Hendricks sa buhay ko o pansamantalang ligaya lang ito?

"We need to go back to the Philippines as soon as possible. Maybe, we can stay there for two nights. Alam ko namang nami-miss na ni Eleanor ang pamilya nya."

Naalala ko bigla ang pamilya ko. Kamusta na kaya sila? Gusto ko sanang bumili ng pasalubong pero wala naman akong pera pambili at nakakahiya naman kung hihingi pa ako kay Kreed. Ilang linggo ko na ring hindi nakikita ang Nanay at Tatay. Nami-miss ko na rin ang kadaldalan ng Ate.

"Maayos naman siguro ang lagay nila. Maiintindihan nila kung bakit hindi ako nakakadalaw sa kanila pero gusto ko sanang dumiretso ng uwi sa amin pagkarating natin sa Pilipinas." sabi ko kay Kreed at tumango naman ito.

"So, pano ba yan? Magkita nalang ulit tayo sa Vegas?" nakangiting turan sa akin ng Mama ni Kreed at inilahad ang kamay sa akin. Tumayo naman ako at inabot ito. Hinila nya ako pagkahawak ko sa kamay nya at inilapat ang pisngi nya sa aking pisngi.

"Mauna ka na muna Eleanor sa sasakyan." utos sa akin ni Kreed. Ngumiti ako rito ng tipid at sinenyasan na nya si Fred upang alalayan akong makalabas ng kwarto.

Nauunang maglakad si Fred keysa sa akin. Mabagal lang ang lakad ko hanggang makapunta kami sa car park ng hotel. Katabi ng sasakyan namin ang isang itim na malaking van. Nakabukas ang pintuan nito at may dalawa akong nakikitang lalake.

Sa pagkakatanda ko ay ito ang mga nakasalubong ko dati. Nakapikit ang isang lalakeng may pulang buhok, natutulog ata samantalang ang isa namang chinito ay nakatingin sa kanyang cellphone.

Hindi ko na gaanong nakita ang mga mukha nila dahil bukod sa madilim sa car park ay agad na rin akong pinagbuksan ni Fred ng pinto.

Naghintay lang ako kay Kreed sa loob ng sasakyan. Nakadungaw ako sa tinted na bintana. Nakikita ko pa rin ang sasakyan nila na nakabukas ngunit hindi ko na nakikita ang loob.

Maya maya pa ay may nagsidatingan na ang ibang kasamahan nila. May hawak na damit at kung anu-anong bagahe ang iba. May isang babae ron na mukhang namomroblema. Nakahawak ito sa sentido ng kanyang noo at nakapameywang pa. Ano kayang probema nya? Isa isa kong sinuri ang mga mukha nila ngunit wala sa kanila ang kanina ko pang hinahanap.

Nasaan na kaya yung lalakeng tumulong sa akin? Kahit pa may pagka-suplado ang isang 'yon ay hindi iyon rason upang hindi ako magbigay ng pasasalamat sa kanya.

Ilang saglit lang ay umalis na rin ang sasakyan nila. Binalewala ko nalang iyon at tinignan ang orasan ko. Labing limang minuto na pala akong naghihintay dito sa sasakyan. Nasaan na ba yung Kreed na 'yon?!

Binuksan ko ang pintuan ko at nag-unat unat. "My Lady, may gusto ba kayong ipag-utos?" tanong sa akin ni Fred na kanina pa nagbabantay sa akin dito sa labas ng sasakyan.

"Wala naman, saan ba ang cr dito?" hindi naman ako naiihi pero gusto ko lang ayusin ng kaunti itong itsura ko. Hindi kasi ako nakapag-ayos ng matino kanina. Kasalanan 'tong lahat ni Kreed eh!

"Sasamahan ko na po kayo, My Lady." ayan na naman. Kaya ayokong maging mayaman eh dahil kahit saan ka magpunta ay kailangan may nakasunod sa iyong bodyguard. Wala ka nang privacy.

"Hindi na Fred. Kaya ko namang pumunta ron mag-isa. Sabihin mo nalang sa akin yung direksyon."

"Hindi po pwede My Lady. Ipinapabantay po kayo sa akin ni Master kaya hindi ko kayo dapat hayaan na mag-isa. Alam nyo naman po kung anong nangyari dati." wala na akong nagawa. Tumango nalang ako at nagsimula na siya sa paglalakad.

Sa may first floor na comfort room kami nagpunta. Pumasok na ako sa loob at naiwan naman si Fred na nagbabantay sa akin sa labas. Walang tao sa loob kaya pumwesto ako sa bandang gitna at doon na ako nanalamin. Tanging lipgloss lang ang nalagay ko kanina. Nakakahiya talaga sa Mama ni Kreed. Lagi pa namang maganda ang ayos non tapos ako, haharap lang sa kanya nang ganto ang itsura?

Naglagay ako ng kaunting blush on, sapat lang para mamula ng kaunti ang pisngi ko at inayos ko na rin ang kilay ko. Kinortehan ko para naman hindi mukhang sabog ang itsura.

Habang nag-aayos ako ay may pumasok na isang babae. May mahaba itong damit na kulay asul. Balot ang buong katawan nito pati ang mga braso't leeg. May suot itong malaking sumbrero na tumatakip sa kanyang mukha. Medyo may katangkaran ito at sa palagay ko ay hanggang balikat o tenga lang ako.

Natural naman kasi talaga ata sa mga foreigner ang matatangkad diba? Tumabi sya sa akin kaya umusod ako ng kaunti palayo sa kanya. Ang laki laki ng pwesto dito, bakit kaya dumikit ang isang 'to sa akin?

Maya maya pa ay may pumasok na rin na isa pang babae. Halos magkasing tangkad din sila nitong isa at parehas din sila na balot ang buong katawan ng damit. Hindi rin nakatakas sa panginin ko ang sumbrerong suot nito na pagkalaki-laki at tipong kayang kayang itago ang buong mukha mo.

Ang weird naman ng mga fashion taste rito sa ibang bansa. Ganito ba talaga manamit ang mga tao rito? Napatingin ako sa mukha ng aking katabi at ganoon nalang ang gulat ko ng mamukhaan kung sino ito.

Bago pa ako makapag-react ay agad na tinakpan nito ang bibig ko. Lumapit agad yung isang babaeng bagong dating at parang mahihimatay ako ng makita ko ng tuluyan ang mukha nito. Seryoso ba 'to? LALAKE SILA!

At hindi lang iyon ang nakakagulat dahil itong lalakeng may hawak sa akin ngayon ay yung artistang lalakeng tumulong sa akin dati. Pilit akong nagpupumiglas pero parang ako lang rin ang nahihirapan sa pinaggagagawa ko. Parang hindi man lang sya nasasaktan sa mga hampas ko sa kanya.

"Cliffe, take off your dress." mahinang utos nitong isa doon sa kasama nya. Hinubad naman agad nong isa ang mga suot nya. Napa-iwas ako ng tingin dun sa lalakeng nagngangalang Cliffe.

"Slade, you sure 'bout this?" tanong nung Cliffe dito sa may hawak sa akin. Slade pala ang pangalan nya. Simula ngayon, alam ko na ang pangalan ng taong isusumpa ko sa tanang buhay ko.

Ano bang gagawin nila sakin? Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba at takot. Parang nung nakaraan lang ay tinutulungan nya ako pero ngayon... Bakit? Ano bang nagawa ako? Anong kailangan nila sakin?

Tumingin ng maalam sa mata ko si Slade. Parang nangungusap ang mga ito. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Nakahawak ako sa kamay nyang nakatakip sa bibig ko habang sya naman ay naka-alalay ang kanang kamay sa aking likuran. "Just please... Please do this for me. I promise to not hurt you. Just don't shout." naramdaman ko ang sinseridad sa kanyang boses.

Onti onti nyang niluluwagan ang pagkakatakip nya sa bibig ko hanggang tuluyan na nya akong binitawan. Nakatingin lang ako sa kanya na may kunot sa aking noo. Gusto ko nang humingi ng tulong kay Fred ngunit may nag-uudyok sa akin na kausapin at pakinggan pa sila.

Nilingon ako ang isa pang lalake, si Cliffe. May isa pa palang damit itong suot sa ilalim ng tinanggal nyang damit. Nakatingin lang din ito sa akin pero iniwas ko na ang tingin sa kanya at humarap na kay Slade. "What do you want from me?" tanong ko rito.

"I need you. No, we need you to come with us." mahinang sabi nito. Napalaki ang mga mata ko. At bakit naman ako sasama sa hindi ko kakilala aber? Bakit, re-rape'in ba nila ako? Ano 'to, gang rape?!

"No." matigas na sabi ko. Sisigaw na ako! Ayoko na! Natatakot na ko!

"Please, I'm begging you. My grandpa's life depends on you." lalo akong napanganga sa sinabi nya. Paano nadepende ang buhay ng isang matandang hindi ko kakilala sa akin? Anong kalokohan 'to? Binibilog lang nito ang ulo ko. Purke't siguro alam nilang mga gwapo sila ay sasama na ako na parang prostitute sa kanila! Ang kakapal ng mukha nila! Hindi ba nila alam na kabastusan itong ginagawa nila? Sa dinami-dami ng babae rito sa bansang ito ay bakit ako pa ang napili nila? Mukha ba akong pokpok sa paningin nila, ha?!

"Ayoko! Tigilan nyo ako mga kano! Isusumbong ko kayo sa mga pulis, mga gagong 'to! Kala nyo ba ay maloloko nyo ako? Mga bwisit!" galit na bulyaw ko sa mga ito. Ayan, namura ko pa tuloy kayo ng wala sa oras. Buti nalang at hindi nila ako naiintindihan kundi baka nasapak na ako ng mga ito at mapunta pa sa ospital.

"Hahahaha. Slade, she's funny. I like her." natatawang saad ni Cliffe. Ano raw ang sabi nya? Ako, nakakatawa? At kailan ako nagbiro ha? Siguro ay pinagtatawanan nila ang lenggwahe ko dahil bago sa pandinig nila. Mga leche kayo!

"MY LADY?!" narinig kong sigaw sa akin ni Fred mula sa labas. Nagtataka na siguro iyon dahil kanina pa ako rito sa loob. Ito na ang tamang pagkakataon para makaalis dito.

Nakita ko ang takot at pagpa-panic sa dalawang lalakeng kasama ko. Lagot kayo kay Fred. Kahit pa matatangkad kayo ay kayang kaya kayong pipiin ni Fred ng walang hirap. Kala nyo ha, ako pa talaga ki-kidnap'in nyo? Mali kayo ng napiling babae.

Akmang sisigaw na ako para humingi ng tulong kay Fred ng bigla akong hinigit ni Slade at siniil ng mapusok na halik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top