KABANATA XV



KABANATA XV

Totoo nga, mas magiging masaya ang araw mo kapag ang taong espesyal sa buhay mo ang kasama mo. "Kreed, tara! Dun naman tayo. Bilisan mo naman maglakad! Para kang tuod." tumakbo ako papunta sa gitna.

Abot langit ang ngiti ko ng mailibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. "You look dumb there. Come here, My Lady." iginiya ako ni Kreed papunta sa kanya at ipinaikot ang kanyang braso sa aking balikat.

"Ang ganda rito. Ano bang tawag sa lugar na 'to?" tumingala ako sa kanya upang hintayin ang sagot nya.

Nakangiting tinignan nya ang lugar at tsaka itinuon ang tingin sa akin. "Plaza Mayor. We'll have our dinner here later." hinalikan nya ang noo ko at inayos na ang camera'ng hawak nya. "I'll take a picture. Stand there." tumango naman ako at lumayo na sya sa akin.

Kanina pa nya ako kinukuhaan ng litrato. Hindi ako sigurado pero minsan, napapansin kong parang kumukuha sya ng video habang naglalakad kami kanina.

Mahigit ilang oras na rin kaming palibot libot dito sa Madrid. Napakarami kong nakitang mga straktura na talaga namang nakakahanga na hindi mo makikita sa Pilipinas. Kada ata lugar na madaanan namin at magustuhan ko ay kinukuhaan ako ni Kreed ng litrato kasama non.

"Tayong dalawa naman dali." tumakbo ako sa kanya at yumakap sa braso nya. Pagkatapos non ay kumuha na sya ng litrato naming dalawa. Tinignan nya ang kuha at napangiti habang nakatitig dito. "Patingin naman ako!" sinilip ko ang camera'ng hawak nya pero inilayo nya iyon sa akin.

"I'll let you look later." nakangisi ulit ito nang hatakin nya ang kamay ko.

"Hoy, napaka-duga mo naman. Patingin naman ako. Mamaya ang pangit pala ng mga kuha mo tapos hindi mo man lang binubura yung sakin." pangungulit ko rito habang niyuyugyog ko ang braso nya.

"You look beautiful in all pictures, My Lady." ngumiti ito sa akin at pinisil pa ang baba ko. Siniko ko naman sya dahil sa kilig na nararamdaman ko. Kailangan may pa ganun ganun pa? Natawa nalang sya sa ginawa ko at naglakad na kami patungo sa isang kainan sa gilid.

"Dapat pala ay nagluto nalang ako ng makakain natin para sana doon tayo sa gitna kumakain ngayon." gabi na pero kanina ay may nakita akong mga grupo ng kabataan na nakaupo ron sa lapag. Mukha kasing masarap i-try 'yon. Nanghihinayang tuloy ako na hindi ako nakapagluto kanina.

"Ayaw mo bang dito kumain?" tanong sa akin ni Kreed habang pareho kaming nakatingin sa menu ng kakainan namin. Ibinaba ko muna ito para tignan at sagutin sya.

"Hindi naman sa ganon. Mas maganda kasi kapag nakaupo sa lapag o kaya naman ay kumakain habang naglalakad diba? Pero okay lang naman sa aking dito tayo. Maganda naman yung lugar at maaliwalas." nasa labas kami nakaupo. Maraming table rito at napakarami nang tao ang nagdadatingan.

Masarap sa balat ang lamig ng simoy ng hangin at talaga namang maaaliw ka sa dami ng ilaw na makikita mo sa paligid. Napaka-gandang tignan ng liwanag sa dilim. Kaya siguro maraming nabibighani sa buwan at mga bituin sa langit.

Iniangat ko ang paningin ko at tinanaw ang kagandahan ng mga nagniningning sa langit. "You're as lovely as the moonlight." tumingin ako sa kanya at ganon nalang ang gulat ko ng malamang kinuhaan pala nya ako ng litrato ng palihim.

"Burahin mo yan! Napaka mo talaga!" pasigaw na sabi ko at hahablutin sana ang hawak nyang camera ng itaas nya iyon sa ere. "Grabe, mukha akong tanga r'yan panigurado. Ngumingiti na parang baliw." lakas talaga mam-badtrip netong si Kreed.

"You're not." kinuha nya ang kamay ko at pinisil ito. "Let's eat." inirapan ko nalang sya at umorder na kami ng pagkain.

"Kapag talaga mukha akong baliw dyan ha, sisirain ko yang camera mo. Kainis 'to! Kahit man lang kasi ipatingin sa akin muna bago i-save." nagtatampong sabi ko habang ngumunguya ng kinakain kong karne.

Ngisi lang ang isinagot sa akin neto. Napaka-tinong kausap. Sarap lang saksakin ng tinidor. "You have dirt on your mouth." kinuha nya ang table napkin sa gilid ng kanyang plato at lumapit sa akin para punasan ang sulok ng labi ko. Ayan na naman sya. Napaka-lapit na naman nya sakin. Hindi ko na naman mapigilan na hindi tignan ang mga mata nya, ang ilong nya pababa sa kanyang labi.

"Wag..." ang huling salitang nasabi ko bago tuluyang lumapat ang malambot nyang labi sa aking labi. Napapikit ako ngunit gusto kong mag-protesta. Hindi dapat pero bakit hindi ko mapigilan?

Gumalaw ang kanyang labi na parang nilalasap ang bawat parte ng aking labi. Napahawak ako sa kanyang mukha ng maramdamang lumalalim ang aming halik pero bago pa ako tuluyang mawala sa aking sarili ay maingat na nyang inilayo ang sarili sa akin.

Pinatong nya ang kanyang noo sa akin at marahang hinaplos ang aking mukha. Naaalala ko ang unang beses na nahalikan ko si Kreed. Parang ganito rin iyon. Para kong nawawala sa aking sarili pero ang pinagkaiba lang ng noon sa ngayon ay parang may iba akong nararamdaman ngayon. Saya at respeto.

"You're face is burning." hagikgik na sabi nito at lumayo na ng tuluyan sa akin. Umayos ito ng upo na parang walang nangyari habang ako ay hindi pa rin maka-move on sa naganap na paghalay sa aking labi.

"Bastos ka!" sigaw ko sa kanya ng makakuha ako ng sapat na lakas ng loob. Masyado akong nanghina dahil sa ginawa nya. "Manyakis ka talaga! Bakit mo ko hinalikan ha?!" tinakpan ko pa ang labi ko. Alam ko namang napaka-late ng reaction ko pero wala na talaga akong iba pang maisip na dapat i-react. Mag mamaang maangan nalang ako na hindi ko nagustuhan ang nangyari kahit na bitin na bitin pa ako sa halik na 'yon.

"Why did you kissed me back if you really don't want it?" nakagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. Ayan kasi, mag-iinarte pa.

"Manahimik ka na nga lang!" yumuko ako upang maitago ang nag-iinit kong mukha. Nakakahiya! Halata ba talagang gustong gusto ko? Parang hindi naman ah. Hindi ba pwedeng naawa lang ako sa kanya kaya ginantihan ko yung halik nya?

"Sir." may lumapit sa aming waiter at may inabot na paper bag. Naglapag na ng pera si Kreed at umalis na kami ron.

"Ano yang hawak mo?" tukoy ko ron sa binigay nong waiter sa kanya kanina.

"Food." maikli nyang sagot. "Let's go." umikot pa ulit kami ng isang beses sa buong lugar. "Here, I know you wanna eat while we're walking." iniabot na nya sa akin yung paper bag na dala nya.

Kinuha ko naman iyon at sinilip ang loob. Bumungad agad sa akin ang mahalimuyak at nakakagutom na amoy nito. "Wow naman, fries! Salamat dito ha." naka-sabit ang kamay ko sa kanya habang kain kain namin yung fries na tinake-out nya. Napaka-sarap ng fries na yun at talaga namang nakakabitin kainin dahil napaka-onti lang ng laman pero sulit na rin dahil sa sarap nya.

"Alam mo ba, gustong gusto kong tinatanaw yung langit kapag naglalakad ako sa gabi. Kapag nga walang buwan ay nalulungkot ako eh. Nakakagaan kasi sa loob kapag pinagmamasdan mo iyon. Nung college ako, gustong gusto kong magkaroon ng sariling telescope para lang matitigan ko yung mga bituin sa langit pero kapos naman kami sa pera."

"Then, we'll buy telescope for you at home." napatigil ako sa paglalakad at hinampas yung braso nya.

"Naku, ang hilig mong gumastos palibhasa mayaman! Wag na no! Hindi ko rin naman sigurado kung lagi kong magagamit o hindi. Tara na nga't umuwi na tayo. Baka maabutan pa tayo ng sobrang gabi rito."

Hinila ko na sya pabalik sa sasakyan pero bago pa kami dumiretso sa hotel ay may hinintuan munang lugar ang sasakyan namin. "Wait for me here." utos nito sakin.

"Bakit? Ano bang meron dito?" sinisilip ko kung anong meron sa labas pero nagmadaling bumababa si Kreed ng sasakyan at sinara agad yung pinto. Bastos talaga iyon! Naka-ngusong hinintay ko nalang sya sa loob ng sasakyan.

Naramdaman kong may nag-vibrate sa upuan kaya hinanap agad ng kamay ko kung saan nanggagaling iyon. Naiwan pala ni Kreed ang cellphone nya. Pagkakuha ko rito ay agad na napangiti ako ng mapait. Rachel na naman. Hanggang ngayon pala ay nag-uusap pa sila.

Ikinalma ko ang sarili ko at malalim na huminga ng ilang beses bago ko binitawan ang cellphone na hawak ko at ibinalik iyon sa lugar kung saan ko ito nakita. Lumingon nalang ako sa labas ng bintana habang hawak ang dibdib ko. Parang kanina lang ay masaya ako, parang kanina lang. Bakit napaka-daling bawiin sakin yung sayang nararamdaman ko?

Hindi ko na intintindi ang cellphone ni Kreed at tahimik nalang syang hinintay na bumalik. Mga sampong minuto ang inabot bago sya nakabalik at may bitbit na naman syang maliit na puting paper bag. "I want you to wear this all the time." kinuha nya ang laman non sa loob habang umaandar na ang sinasakyan namin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang singsing na may hugis bituin sa gitna nito. Nakakasilaw ang taglay na ningning nito at halatang ilang libo na naman ang nagastos ni Kreed para sa singsing na 'to. "Para sakin ba 'to?" napalunok ako ng laway habang tinatanggal ni Kreed ang singsing sa kahon.

Kinuha nya ang kamay ko at isinuot iyon sa pang apat na daliri sa aking kamay. "Bibili ako ng mas maayos pag uwi natin but for now, please bear with it."

"Salamat." nahihiyang sabi ko rito. Ayoko nang magtanong kung magkano ito dahil baka hindi na kayanin ng dibdib ko. Alam ko namang hindi bibili si Kreed ng mumurahin eh. Pero bakit nya ako binilhan ng singsing? Nakatunganga lang ako at parang lutang ng makabalik kami sa hotel. "Magpapalit lang ako ng damit." paalam ko sa kanya at pumunta na sa kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay agad na inumpog ko ang ulo ko roon. "Ouchh." mahinang daing ko ng makaramdam ng konting sakit. Inalala ko na naman ang mga bagay na ginawa namin kanina.

Napatingin ako sa daliri ko partikyular sa aking singsing. Para saan nga ba ito? Para saan ba yung kasiyahang ipinakita nya sakin kanina? Totoo ba iyon o hindi? Tanga tanga mo Eleanor.

Kulang pa sayo yang sakit na nararamdam mo ngayon. Dapat nagpasagasa nalang ako sa mga sasakyan kanina. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong nagiging masaya ngayon na nakalimutan kong may deadline pala ang kasiyahang ito. Nagpapadala ako sa nararamdaman ko.

Sapo sapo ko ang ulo ko habang naghahanap ako ng damit na susuotin. Puro mga mukhang pang-alis ito kaya ang hirap pumili kung saan ba rito ang pwede kong ipantulog ngayong gabi. Pumili nalang ako ng pinaka-simple sa kanilang lahat. Isang brown dress na long sleeve na may halong puting mga ruffles sa may bandang leeg.

Isinuot ko na agad iyon at lumabas na ng silid. Nakita kong nakahilig ang ulo ni Kreed sa sandalan ng malaking upuan at nakapikit ang mga mata nito. Para itong pagod na pagod sa itsura nito kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid nya.

Hindi naman sya gumalaw kaya tinitigan ko munang mabuti ang kabuuan ng mukha nya. Napapaisip ako, ano na nga bang nararamdaman ko sa lalakeng kaharap ko ngayon? Ayoko pang magmahal pero kaya bang pigilan ng salita ang nararamdaman ng isang tao? Hindi naman diba?

Inalis ko ang tingin ko kay Kreed at umupo ng diretso. Isinandal ko na rin ang likuran ko sa malambot na sandalan ng upuan at mahinang nagpakawala ng paghinga. Nararamdaman ko pa rin yung kirot sa noo ko gawa ng pag-umpog ko kanina rito pero bakit kusa akong napapahawak sa dibdib ko? Bakit mas masakit sa parteng ito gayong lagi ko namang pinapaalalahanan ang sarili kong umiwas sa mga bagay na nakakasakit sakin?

"Eleanor..." narinig kong tawag sa akin ni Kreed. Lumingon ako sa kanya ng hindi sumasagot. Naka-pikit pa rin ang mga mata nito at hindi pa rin nag-iiba ng kanyang pwesto. "When you love, is it necessary to give your all to them?" dahan dahan nyang idinilat ang mata nya at tumitig muna sa kisame. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin bago nya ako nilingon.

"Hindi ko alam pero sa pansarili kong opinyon, kung walang kasiguraduhan ang isang bagay na gagawin mo, mas mabuting wag mong masyadong paasahin ang sarili mo rito. Para kung masaktan ka, kalahati lang ng pagkatao mo yung nawala. Hindi gaanong masakit. Hindi gaanong mahapdi. Ang hindi ko lang kayang intindihin ay kung paano ba magmahal ng kalahati lang." nagkatitigan kami ng matagal bago ko inalis ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Pinag-uusapan ba natin si Rachel dito?" tanong ko rito.

Nakangiti pa ring ibinalik ko ang tingin ko sa kanya kahit na sa loob loob ko ay para na akong sasabog sa sobrang kaba at sakit. Kasi ako, habang sinasagot ko yung tanong nya ay sya yung taong naiisip ko kahit na alam kong ibang tao yung talagang nasa isipan nya ngayon at hindi ako.

"Do you think it's about her?" balik tanong nito sa akin. Itinaas-baba ko lang ang dalawa kong balikat. Gustuhin ko mang isagot mo na hindi, alam ko naman sa sariling kong oo. Sya pa rin at sya lang talaga para sayo. Masakit aminin sa sarili pero yun ang totoo. "Let's not talk about that."

"Ok." tipid kong sagot dito. Ano pa bang magagawa ko? "Mauuna na akong matulog sayo. Goodnight nalang." akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako ng mga yakap nya. Ipinatong nya ang ulo nya sa kanang balikat ko habang nakaikot ang dalawang kamay sa bewang ko. Parang ikinukulong nya ako sa yakap nyang iyon. Hindi gaanong mahigpit pero hindi rin naman maluwang.

"If I'll ask you to stay with me even if I hurt you, would you still stay by my side?" mahinang sabi nya. Nakakatawang isipin. Parang kanina lang ay yan ang pinoproblema ko. Tanong ko rin yan sa sarili ko. Gusto ko ring sagutin yang tanong na yan para sana hindi na bumibigat 'tong nararamdaman ko pero bakit? Bakit napaka-hirap sagutin ng ganyang klaseng tanong? Bakit 'pag tungkol sa problema sa puso, napapa-tanga na ako?

"Siguro. Kung yung taong yun ay deserving sa sakit na nararamdam ko, kahit gaano kasakit, hindi ko sya iiwan. Pero kung sosbra sobra na, lalayo na ako. Martir ako pero minsan, alam ko kung paano ilulugar ang ka-martiran ko." naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa akin at pagkatapos non ay bumitaw na sya ng tuluyan.

Nagkatinginan kaming dalawa. Mata sa mata. Parang hindi na namin alam kung paano pa kukurap dahil sa titig na ibinibigay namin sa isa't-isa. Hinawi nya ang buhok sa gilid ng aking mukha at inilagay sa likod ng aking tenga. Napapikit ako sa sensasyong iyon. Sa paglapat ng kamay nya sa aking mukha. Sa bawat paglalapit ng mga balat namin. Para akong nakukuryente.

"If I could just choose you over her. If I could just love you more than I loved her. If I could just forget that there was her. I would focus my eyes on you so that I could love you more than I loved her. If my heart would just beat for you and not for her, I would be the happiest man in the entire world. If I could just meet you before I met her, I would probably be falling head over heels on you." dumampi ang labi nya sa noo ko. Nararamdaman kong lalong sumisikip ang dibdib ko at pumatak na ang luha sa mga mata kong nakapikit. "If only my 'if's' were true, I would kiss you tonight and make love with you. But I know you deserve better. You don't deserve me. I'll never be your prince. Sleep My Lady, we're flying back home tomorrow."

At sa ganong tagpo nya ako iniwan. Patuloy pa rin akong nakapikit kahit na nakaalis na sya. Dinadamdam ko bawat salitang sinabi nya kanina. Alam kong imposible ngang maging prinsipe ko sya at maging prinsesa nya ako pero masama bang umasa na baka sa susunod na mga kabanata, gawin na nya akong reyna nya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top