KABANATA XIX




KABANATA XIX


Nakatulala ako sa magkahawak naming kamay ni Kreed ng agawin nya ang atensyon ko. "My Mom's coming. Are you bored, My Lady?"


"Huh?" napataas ang kilay ko at wala sa sariling napatingin sa kanya. "Ok lang ako."


Naging mabait si Kreed sa akin mula kaninang umaga. Siguro, dahil ito ron sa nangyari sa amin kagabi. Simula kanina ay hindi na nya ako nilubayan at lagi na n'yang hawak ang kamay ko. Parang ayaw n'ya akong mawala sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam pero may halo pa ring sakit.


Ako man ang babae sa isip n'ya ngayon ay hindi ko pa rin maaalis na ibang babae ang nasa puso n'ya. Sa ngayon ay kailangan ko munang magpaka-manhid sa sakit kung gusto kong ipagpatuloy itong kahibangan ko sa kanya. Sa huli ay pinili ko pa ring magpaka-tanga dahil ganon ko sya kamahal.


"Kreed..." tumayo na kami para salubungin ang kanyang ina. Agad naman na hinadkan iyon ni Kreed at tinulungan itong maupo. "You made it, I hope you're both enjoying Vegas." masayang wika nito pagka-upo namin. "Did you tour Eleanor here?" tanong nito kay Kreed.


"We visited Prime Casino last night." maikling sagot ni Kreed.


"Good." ngumiti ulit ang Mama nya sa kanya pagkatapos ay umorder na kami ng makakain. "We'll go to Prime Casino again later. Marami akong ipapakilala sa'yo Eleanor." tango at ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.


"Mom, pagod pa si Eleanor. Baka pwedeng pagpahingahin muna natin sya ngayon." tumingin sa akin si Kreed na puno ng pag-aalala sa mukha.


"Huh? Hindi naman ako pagod tsaka iyon naman talaga ang pinunta natin dito diba?" pagkatapos nito ay uuwi na kami sa Pilipinas. Konting sakripisyo nalang.


"Are you sure Eleanor?" may pag-aalala ring tanong sa akin ng Mama ni Kreed.


"Opo, ok lang po talaga ako."


Nang matapos kaming kumain ay dali dali na rin kaming pumunta sa Casino. Eto pala ang pagmamay-ari ng pamilya ni Kreed. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayaman ang mga ito.


"Good Evening, Mr. Hendricks." bati ng isang matandang foreigner kay Kreed pagkalapit namin sa isang kumpol ng tao roon.


Nasa isang berdeng lamesa sila. May mga barahang nakalatag sa lamesa at may iba't-ibang kulay ng bilog na chips silang hawak.


"Long time no see, Mr. Smith." bati ni Kreed sa matanda.


"Mr. Smith, I see you're having fun here."


"The Mistress of Prime Casino." masayang pahayag ng matandang lalake sa Mama ni Kreed at maingat na kinuha ang kamay nito para halikan.


"I'm with my future daughter-in-law, I would like you to meet Eleanor Salik. The fiancé of my son, Kreed." bumaling naman ng tingin sa akin ang matanda.


"You have a great eye for such a beauty." wika nito kay Kreed matapos akong tignan.


Pagkatapos non ay naupo na kami sa palibot ng lamesa na iyon. Pinakilala rin ako sa iba pang mga tao na naroroon.


Maglalaro raw muna sila. "Mr. Jones, I heard you owned a mansion in West California. Make a good bet out of it." nakangising sabi ng matandang naka-pulang necktie.


"Mr. Williams, that mansion is for my wife but if you want to get it, might as well bet for your yatch. It's the fifth largest yatch in the world." napalunok ako sa isinagot nung Mr. Jones kay Mr. Williams. Ang gara, sobrang yayaman ng mga tao rito.


"I'll bet for my private Carribean compound." nagmamalaking sabi ng isa pa. Matanda na rin ito katulad ng iba. Naka-grey itong tuxedo at may tabacco pang hinihithit sa kanyang bunganga.


"Mine is my baby CC-144 Challenger." napamaang nalang ako sa pinagsasabi nila. Tinignan ko si Kreed at binulungan ito.


"Ano yung sinabi nya?" ako na talaga ang walang alam. Pasensya na, laking hirap lang kasi ako kaya mang mang ako sa mga sinasabi ng mayayamang matatandang ito.


"My Lady, it's a bombardier jet. It is usually owned by billionaire's for business purposes. You already rode one." kumindat pa ito sa akin bago lumayo.


"Mr. Hendricks..." nagtinginan kaming lahat kay Kreed. Ano naman kayang ibe-bet ni Kreed? Grabe talaga ang mga mayayaman. Kaya hindi na nakapagtatakang wala lang sa kanya ang isang milyong ninakaw ng Tatay sa kompanya nila.


"The Empyreal Island." nakita ko kung paano magnining ang mga mata ng matatandang kalaro ni Kreed sa kanyang sinabi.


"Isla?" tanong ko kay Kreed. Sigurado ba sya sa sinasabi nya?


"Yes, My Lady. It's just one of the Billionaire's toys." ngisi nito at sinimulan na nila ang laro. Nanood lang kaming dalawa ng Mama ni Kreed. Wala naman ako masyadong naintindihan sa nilalaro nila. Sa kahabaan ng oras ay nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Kreed. Hindi ako makapaniwalang sa lalakeng ito ko isinuko ang perlas na iniingatan ko.


Kapag naalala ko ang nangyari kagabi ay pakiramdam ko umiinit ang mukha ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti na parang baliw. Kung sana ako nalang ang minahal ni Kreed. Nakakalungkot lang dahil pagkatapos kong ibigay sa kanya ang lahat ay nagawa nya pa ring magbanggit ng ibang pangalan ng babae pero kelan nga ba naging madali ang magmahal?


"Eleanor, let's go somewhere." tahimik kaming umalis sa lugar na 'yon. Iniwan namin si Kreed at ang mga kalaro nito.


Nakasunod lang ako sa Mama ni Kreed. Kahit na may anak na ito ay hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito at ang sexy'ng kurba ng kanyang katawan. Magtataka pa ba ako kung ano ang itsura ng kapatid ni Kreed?


Huminto kami sa lugar kung saan ako nagpakalasing kagabi. "Ok lang po ba na iwan natin si Kreed doon?" tanong ko rito.


"Let's not worry about him. Alam na nya kung anong ginagawa nya." diretso ang postura nito ng makaupo kami. Umorder na sya sa lumapit sa aming waiter. "Veuve Clicquot Yellow Label and Haut Sauterne." umalis na rin naman agad ang waiter at tumingin na sa akin ang Mama ni Kreed.


"So Eleanor, have you change your mind? Mahalaga pa rin lang ba ang tingin mo sa anak ko?"


Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa tanong na iyon. "Nalinawan na po ako. Mahal ko po si Kreed at hindi na ako natatakot na itago pa ito. Umamin na rin ako sa kanya kagabi at..." napayuko ako at parang nagbara ang lalamunan ko sa karugtong ng pahayag na sasabihin. "At sana ay makuha ko rin ang loob nya."


"Mabuti naman kung ganon. Kung sakaling magkaroon ka ng problema sa aking anak ay tumawag ka agad sa akin. Alam kong aalagaan mong mabuti ang anak ko." may kinuha sya sa kanyang bag at nilapag iyon sa lamesa. "Litrato 'yan noong ipinasyal ka ni Kreed sa Spain. Pinasundan ko kayo sa private detective ko at hindi na ako magtataka kung bukas makalawa ay mabihag mo na ang loob ng aking anak."


Kinuha ko ang mga litrato at isa-isa iyong tinignan. Ang saya namin sa bawat kuha non. Para kaming normal na magkasintahan. Sino ba namang mag-aakala na isang pagpapanggap lang ang lahat ng ito?


Tumigil ang mata ko sa isang litrato kung saan ay nakatingin sa akin si Kreed samantalang ako naman ay nakatingin sa ibang direksyon. Napaka-ganda ng kanyang malalalim na mata. Para kang nilulunod ng mga ito.


"Pwede ko po bang itago ang mga litratong 'to?"


"You can have it Eleanor." nakangiting sabi nito. Gumaan ang loob ko pagkarinig ko roon at saglit na napangiti. Itatago ko itong mabuti.


"Your order Ma'am." ibinaba na ng waiter ang inuming inorder namin.


"May posibilidad po bang mahalin din ako ni Kreed katulad ng pagmamahal nya kay... Rachel?" nauutal na sabi ko. Natatakot ako. Kaya ko ba talagang ipaglaban si Kreed? Kaya ko bang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya?


"Matagal na simula ng mahalin ng anak ko si Rachel. Hindi ko alam kung anong nagustuhan nya sa babaeng iyon. Nasaksihan ko kung paano mabigo, masaktan at umiyak si Kreed ng dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Kreed is quite an introvert child kaya lahat ng taong malalapit sa kanya ay pinapahalagahan nya ng sobra. Nagkataon lang na mali ang babaeng minahal ng anak ko. And I can assure you, Kreed will love you sooner or later. Hindi man katulad ng pagmamahal nya kay Rachel pero baka sobra pa sa pagmamahal nya sa babaeng iyon."


Lumakas ang loob ko sa sinabing iyon ng Mama ni Kreed. Maraming tao sa paligid ko ang nagsasabing tama na mahalin ko sya. Marami ang may boto sa akin kaya hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hindi dapat ako panghinaan ng loob.


"Mom, kanina ko pa kayo hinahanap." lumapit sa amin ang nakangiting si Kreed. Tumabi sya ng upo sa akin at hinalikan ang noo ko. Agad namang nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa nyang iyon. "Don't be like that, My Lady." bulong nito sa akin na ikinataka ko.


"Huh? B-bakit?" nauutal na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit kinakapos ako ng hininga. Dahil ba 'to sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa o dahil sa kabog na nararamdam ko sa aking dibdib?


"I love that expression of yours. Ganyan din ang pinakita mong expression sa akin kagabi." tumawa ito ng malakas habang inilalayo ang mukha sa akin. Lalo pa atang namula ang mukha ko sa sinabi nyang iyon. Walang hiyang Kreed 'to!


Kinuha ko agad ang inumin ko at uminom ng kaunti roon para maitago ko lang ang namumula kong mukha.


"Kreed, stop teasing Eleanor." natatawa ring sabi ng kanyang Mama.


"I'm not Mom---"


"KREED!" napalingon kami sa pinanggagalingan ng boses. Sa bandang kaliwa ko ay may pinagkakaguluhan sila. "KREED!"


"What's that?" tanong ng Mama ni Kreed ng magkaroon ng kumpol ng mga tao roon. Tumayo na ito at sumunod naman kami ni Kreed.


"KREED! WHERE ARE YOU?!" sigaw pa ulit ng taong iyon.


Hinawakan ni Kreed ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa kumpulan na iyon. Anong kaguluhan ba ang nangyayari rito at sino 'yong nag-iiskandalo na 'yon?


Hinawi ng mga bodyguards ang mga tao para makadaan kami ng maayos dito. "What's going on here?"


Tumintindi ang kaba sa dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa taong sumisigaw na yun. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.


"Madam, there's a girl looking for Master Kreed. She just keep on shouting, we can't control her." magalang na sabi ng isang gwardya doon.


Saglit na sumulyap ako sa taong sumisigaw sa pangalan ni Kreed.


"KREED! I finally found you." para itong bata na biglang tumalon payakap kay Kreed. Iyon ang naging dahilan kung bakit napabitaw sa akin ang kamay ni Kreed. Naka-dress ito ng itim at bitbit nito sa kanyang kanang kamay ang dalawa nyang pulang heels.


"W-what are you doing here?" gulat na tanong ni Kreed sa babaeng may yakap sa kanya.


"I came here to see you." ngiting ngiting wika nito at pinulupot pa ang dalawang bisig sa balikat ni Kreed. Mabilis naman syang hinawakan ng mga gwardya para mailayo kay Kreed. "The fuck! Let me go, assholes!" mahigpit ang kapit nito kay Kreed.


Hindi ko alam kung anong ire-react ko dahil masyado akong nagugulat sa mga pangyayari. Parang hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Sino sya? Anong ginagawa nya rito at anong papel nya sa buhay ni Kreed?


Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng Mama ni Kreed. "Anong ginagawa ng hampaslupang 'yan sa teritoryo ko?" ma-otoridad nitong sabi habang matalim na nakatingin sa babae.


Nilingon naman ito ng babae na may mapaglarong ngiti sa pula nitong labi. "Oh, buhay ka pa pala? I thought you're aready dead." ngumisi ito at lalo pang ibinaon ang mukha sa dibdib ni Kreed na parang pusa na nakahanap ng magandang pwesto para matulugan nito.


Hindi ako makapaniwala sa talas ng salitang lumabas sa kanyang bibig. Papaano nya nagawang magsabi ng ganoong bagay sa Mama ni Kreed?


"Hanggang ngayon, walang hiya ka pa rin pala. How many times do I have to tell you to stay away from my son, you filthy woman!" puno nang galit na wika ng Mama ni Kreed. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano sya kagalit sa babaeng nakayakap kay Kreed.


Samantalang tahimik lang si Kreed sa kinaroroonan nito. Paano nya naaatim na pagsalitaan lang ng ganito ng kanyang ina? Bakit wala syang ginagawa at bakit hindi nya pa tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya ng babaeng ito?


"Hindi mo ako mapapalayo kay Kreed. Gagawa't gagawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya, kahit pa kamuhian mo ako." walang takot na sagot nito.


"Alisin nyo ang duming ito sa Casino ko. Don't let this woman enter my casino ever again!" agad na hinatak ng mga security ang babae.


"NO! DON'T TOUCH ME! KREED!" nagulat ako bigla nyang higitin si Kreed palapit sa kanya at hagkan ang labi nito. Agad na iniwas ko ang mata ko roon. Sino ba sya para gawin 'yon?! "Come to me, Kreed." malumanay pero mapang-akit na sabi nito kay Kreed bago sya tuluyang nailayo ng mga security sa lugar na iyon.


"That woman!" galit na utas ng Mama ni Kreed. Hinawakan ako nito sa aking balikat at niyakap ako. Hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari pero sobrang nasasaktan ako sa nasaksihan ko.


Dinako ko ang paningin ko kay Kreed na naka-estatwa pa rin at nakatulala lang sa direksyon kung saan dinala ang babaeng iyon. "Kreed..." tawag ko rito. Humiwalay na ako sa yakap at lumapit kay Kreed. "Sino iyon? Bakit ka nya hinahanap? Anong kailangan nya sa iyo?" sunod sunod kong tanong pero parang wala itong naririnig at patuloy pa rin na nakatulala.


Mabagal na humakbang ang paa nito palayo sa akin. Nagulat ako sa ginawa nya. Wag nyang sabihin na...Hindi! Hindi pwede! Hindi ako papayag!


"Rachel..." mahinang utas nito.


Pumatak na naman ang luha ko. Sya nga. Ang babaeng kailangan kong talunin. Ang babaeng mahal ni Kreed. "No please... Wag kang umalis Kreed... Dito ka lang." mabilis ko syang niyakap habang umiiyak. Ayokong umalis ka Kreed. Wag mo kong iwan dito.


Parang nawawasak ang puso ko. "Kreed, go back to your senses! Eleanor is here for you. Hindi mo kailangan ng ganong klaseng babae." saway ng kanyang Mama sa kanya pero nagulat ako ng unti unting tanggalin ni Kreed ang pagkakayakap ko sa kanya.


Napatingin ako sa kanya. Hindi nya matignang mabuti ang mga mata ko. Bakit Kreed? "I-I'm sorry, Eleanor. K-kailangan nya ako." malungkot na sabi nito at dali daling umalis.


Naiwan na naman ako. Nasasaktan. Kailangan ka nya? Pero kailangan din kita Kreed. Kailangan kita higit pa sa kahit anong bagay rito sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top