KABANATA XII
KABANATA XII
"You are Eleanor?" bungad na tanong sa akin ng isang babaeng naka-suot ng pulang dress at pulang 4-inches stiletto. May brown itong buhok na may malalaking kulot.
"Ako nga po." magalang na sagot ko rito.
Tinanggal nya ang suot nyang shades at tumambad sa akin ang kanyang malalalim na mata. Kulay itim ang make-up nito at medyo patulis ang dulo ng mata na naging sanhi para mag-mukha itong mataray.
Hindi lang naman dahil sa make-up nya o suot ang batayan ko dahil talaga namang mukha itong edukadang babae sa postura palang ng pangangatawan nito at sa malalaki nitong alahas sa tenga, leeg at sa kamay.
Napa-atras ako ng onti ng tignan ako nito simula ulo hanggang paa. Nagtama ang mata namin ng ibalik nya ang tingin sa mukha ko at bigla akong pag-taasan ng kilay.
"Mom." inagaw ni Kreed ang pansin ng babae kaya para naman akong nakahinga ng maluwag. Parang nanlalamon naman kasi ang mga tingin nito. Tipong pati kaluluwa ko ay napapatigil ng dahil sa kanya.
"Long time no see Kreed. How's life in Philippines?" naglakad na ito papasok sa tinutuluyan namin kaya nagkatinginan kami saglit ni Kreed.
Iyon pala ang sinasabing Mama ni Kreed. Mukha pang bata at talaga namang napaka-ganda. Pero, mataray! Akala ko naman ay mabait ang Mama nya. Pakiramdam ko ay hindi nya ako nagustuhan dahil hindi man lang sya ngumiti sa akin.
Inalis ko ang tingin ko kay Kreed at isinarado na ang pinto. Sumunod din naman ako kaagad sa kanila at naupo ako sa tabi ni Kreed.
Nasa harapan naman namin ang Mama nya katabi ang Louis Vuitton nitong bag habang naka-dekwatro pa ng upo.
"I thought we're going to meet at dinner?" masuyo lang akong nakatingin sa Mama ni Kreed upang hintayin ang sagot nito.
"I just finished shopping Kreed kaya naisipan kong puntahan na kayo." tumingin ito sakin kaya tipid na nginitian ko 'to at agad na yumuko. "Plus, I'm excited to meet her."
Nakaka-intimidate talaga yung mukha nya kaya kahit na hindi na ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko pa rin ang mga tingin nya. Lalo pa't ako na ang topic ngayon.
"Eleanor Salik." pagpapakilala sa akin ni Kreed. Nilingon ko sya at nginitian naman nya ako.
Itinuon ko na ang tingin ko sa Mama ni Kreed upang ngitian ito. "Nice to meet you po." matipid na ngiti lang ang sinagot nito sa akin bago nagsalitang muli.
"How did you meet my son?" diretsang tanong nito.
Napalunok ako ng laway sa unang tanong na ibinato nya sa akin. Hindi pa namin napapag-usapan ni Kreed kung anong dapat at hindi dapat na sabihin namin sa harap ng mga magulang nya. Paano nalang kung may masabi akong hindi naman dapat sabihin?
Napalingon ako kay Kreed at humihingi ng tulong ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Diba dapat ay sya ang sumasagot sa tanong na ganito? Sya ang may plano nito eh. Alam kong kabastusan kung hindi ko sasagutin ang tanong na itinanong sa akin pero pwede bang ask for help?
"Uhhm, ano po..." ibinalik ko na agad ang tingin ko sa Mama ni Kreed ng mapansing kong parang wala namang balak na tulungan ako ng halimaw na katabi ko. Ganyan tayo eh. Bahala ka kung anong magiging kalalabasan nito. "Nagkakilala po kami sa mansyon nyo." mahinang tugon ko.
Napatangu-tango ito ng ilang beses at saka nagtanong pang muli. "Bakit ka napunta sa mansyon?"
Bumuntong-hininga ako bago ulit sumagot. "May utang po ang Tatay sa companya nyo. Siguro ho ay alam nyo nang nagnakaw ang Tatay sa Hendricks Corporation at alam nyo na ring ako ang anak." hindi naman ako ganon ka mangmang para hindi malaman na ipina-background check na ako ng Mama nya. Simula palang ng pagbungad nya sa amin sa pinto ay binanggit na agad nya ang pangalan ko.
Wala na rin namang rason para magsinungaling dahil sa yaman nila ay alam kong malalaman at malalaman din nila kung saang lugar ako nanggaling. Wala rin naman akong dapat na ikahiya sa pinanggalingan ko kaya bakit pa ako mag-iimbento ng kwento, diba?
"Napunta lang po ako sa mansyon ng mga Hendricks para magmakaawang wag nang ipakulong ang Tatay at doon po kami nagkakilala ni Kreed." pagpapatuloy ko.
Makahulugang ngiti ang nakita ko sa mapupula nyang mga labi. Hindi ko matansya kung anong klase ng ngiti iyon pero hindi ako nahiyang titigan sya sa mga mata nya habang sinasabi ko ang totoong naging dahilan ng pagkakakilala namin ni Kreed.
"Is that true, Kreed?" baling nya kay Kreed.
Naramdaman ko nalang na may mainit na kamay ang bumalot sa aking kanang palad at hinawakan ito ng mahigpit. "Yes Ma. Everything she said was true." gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya at palihim na napangiti rin ng kaunti.
Nakita kong nakatingin sa magkahawak naming kamay ang Mama ni Kreed kaya bigla naman akong nahiya at tatanggalin sana ito pero hinigpitan nya ang hawak dito at ipinatong pa nya sa kanyang kaliwang hita.
"You introduced her to your Dad as your fiance, am I right Kreed?" tumango si Kreed dito. "Then, when will be the wedding?" pagkatanong non ay bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway at napaubo ng malakas.
Nakakahiya! Kasal agad?! Napaka-bata ko pa para magpakasal no tsaka meron ibang mahal si Kreed at hindi ako yon. Ginagamit nya lang ako para sa mga plano nya kapalit ng hindi pagkakakakulong sa Tatay.
Hinagod ni Kreed ang likod ko. "Are you okay?" bulong nito sakin. Tumangu-tango lang ako habang takip takip ng palad ko ang bibig ko. "I'll get water."
"Kreed, make me some coffee please." utos ng Mama nya rito pagkatayo ni Kreed.
"I'll just call---" mabilis na pinutol ng Mama nya ang sinasabi nya.
"No, I want 'you' to make my coffee. And I'm going to ask something from your fiance so I guess, we need a little time together. This is girl's talk honey, no need to worry." saglit na nagkatinginan sila bago ako nilingon ni Kreed. Nabasa naman siguro nya ang ngiti ko na ok lang sa akin na makausap muna mag-isa ang Mama nya. Halata ko sa mukha ni Kreed ang pag-aalala bago ito tuluyang umalis sa kinaroroonan namin.
Nang mabalik ko ang tingin sa Mama ni Kreed ay bigla nalang itong parang naging ibang tao. Mas lalong nakakatakot ang aura nito dahil seryoso na talaga ang ekpresyon na ipinapapakita nya sa akin. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Bigla kong naalala ang mainit na kamay ni Kreed sa aking palad. Nakabawas iyon sa kabang naramdaman ko kanina pero ngayon na wala na sya, kailangan ko nang tatagan ang loob ko at piliting hindi magpaapekto sa takot at kabang nararamdaman ko ngayon.
"How much do you need? One million? Two million? Five? Ten? Name me your price then leave my son alone." mapanudyo nitong tanong sa akin.
Sa tanong na iyon ay para akong sinampal ng ilang beses sa mukha at higit pa ron ay parang tinapaktapakan pa ng paulit-ulit ang pride ko. Matalim na tinignan ko ang ginang na kaharap ko. Parang hindi mag-sink in sa utak ko na nangyayari ito ngayon. Saglit akong natigilan pero agad din akong nakabawi.
Inipon ko muna ang lahat ng lakas ng loob ko bago ako nagsalita, "Mayaman nga po pala kayo." sarkastikong sabi ko. "Ano nga naman ang lima o sampong milyon sa inyo diba? Sawang sawa na po ako sa ganto. Sige na, lahatin nyo na kaming mahihirap sa mundo. Lahat na kami mukhang pera. Lahat na kami masasama, magnanakaw, hindi mapagkakatiwalaan. Pero ito ho ang itatak nyo sa utak nyo. May pera o wala, lalayuan at lalayuan ko talaga ang anak nyo sa tamang panahon."
"Why not now? Pera lang naman ang habol mo sa anak ko diba? Katulad ka lang din siguro ng hampaslupang si Rachel. Sasaktan nyo lang si Kreed."
Narinig ko na naman ang pangalan ng ex-girlfriend ni Kreed. Inihalintulad pa ako sa babaeng yon. Alam kong wala akong karapatang laitin o siraan ang babaeng yon pero sa mga feedbacks pa lang na naririnig ko, alam ko nang hindi sya naging mabuting girlfriend kay Kreed at naiinis ako dahil inihahalintulad ako sa kanya.
"Hindi ko ho sasaktan si Kreed. Hindi ko ugaling manakit ng damdamin ng ibang tao at para po sa kaalaman nyo ay..."
"Mahal mo sya?" ngumisi ito sa akin na parang nandidiri sya sa sinabi nya. Hindi ko mahal si Kreed. Akala ba nya ay nagmamahalan kaming dalawa? Kailangan ako ng pamilya ko at sila muna ang uunahin ko bago ang pansarili kong kaligayahan. Yun ang naging rason ko kung bakit ako nandirito. Kung bakit ako kasama ni Kreed at kung bakit nakaharap ako ngayon sa Mama nya.
"Mahalaga sya sakin." bukal sa loob ko ang pagsasabi non. Kahit na lagi nalang nya ako iniinis dahil sa kamayakan nya ay naging mahalaga na sya sa akin kahit papano. Nakikita ko ang hirap nya. Hindi lang sa trabaho kundi dahil sa lubos nyang pagmamahal sa maling babae.
Nagawa nya akong gamitin para sa babaeng iyon. Nagawa nya akong gawing panakip para hindi sya bigyan ng fiance ng kanyang Papa. Dahil sa kabila ng matapang nyang personalidad ay may natatago syang pagmamahal sa puso nya.
Parang gusto ko syang protektahan sa sakit na maaari nyang maramdaman pero paano? Eh itatapon nya lang rin naman ako pagkabalik ni Rachel dito sa bansa. Anong alam ko sa susunod nilang gagawin diba? Magpapakasal? Bubuo ng pamilya? Hindi ko alam.
Nakaramdam ko ng konting kirot sa dibdib ko. Napahawak ako sa parte ng puso ko at napakagat bahagya sa ibabang labi ko. "Magkaiba ang mahal sa mahalaga lang." makahulugang sabi ng kaharap ko. "Do you really love my son?" kung kanina ay nakakatakot ang aura nito, ngayon ay parang nagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
Parang nangungusap ang malulungkot nitong mga mata. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala pa namang ilang linggo simula ng tumira ako sa mansyon at imposibleng sa maiksing panahon na iyon ay magawa kong mahalin ang taong may mahal ng iba.
"May mahal syang iba..." yun nalang ang tangi kong nasabi tsaka yumuko. Parang nahihirapan akong sabihin ang totoo.
"Pina-background check kita. Buong pamilya mo. Lahat lahat tungkol sayo ay inalam ko." tama ang hinala ko. Mga mayayaman nga naman talaga. "Akala ko ay magsisinungaling ka sa kung papaano mo nakilala ang anak ko. Akala ko isa ka sa mga babaeng pera lang ang habol sa kanya. I'm afraid that he would love you so much and would end up crying for the same reason again."
Hindi ako ganong tao. "Hanggang sa kaya ko, hindi ko gagawin sa anak nyo ang nangyari dati. Wala akong masyadong alam sa nakaraan pero kung ano mang sakit yun, sisiguraduhin kong hinding hindi ko yun ipaparamdam ulit sa kanya."
Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na si Kreed galing sa kusina dala dala ang kape at isang baso ng tubig tubig. Parehas kaming nagsukatan ng tingin ng Mama nya bago ko binawi ang tingin ko at ibinaling nalang sa iba ang tingin.
"I'm coming back again Kreed. I need to go. May pupuntahan pa akong meeting." lumingon muna ito sa akin bago tuluyang umalis. "I will not approve you to be a part of my family unless you'll tell me that you'd fallen for my son. Eleanor, hindi magiging mahalaga ang isang tao sa buhay mo kung hindi mo sya mahal kaya kung sa tingin mo ay mahalaga palang ang anak ko sa iyo, think deeper, maybe you already loved him, hindi mo lang kayang aminin." hindi na nakapagsalita pa si Kreed dahil nagtuloy tuloy na sa paglalakad palabas ang Mama nya.
Hindi ako nakapagsalita sa huling sinabi nya. Parang nablangko ng tuluyan ang utak ko dahil sa mga salitang pilit na pumapasok sa utak ko at labis na tumatagos sa puso ko.
Narinig kong bumuntong hininga si Kreed pagkaupo sa tabi ko. "I'm worried about you. Anong pinag-usapan nyo?" parang nag-aalalalng tanong nito.
"Wala naman." ngumiti ako ng tipid dito at kinuha ang isang baso ng tubig na inilapag nya sa mesa. Hindi naman siguro tamang sabihin ko pa kay Kreed ang pinag-usapan namin ng Mama nya.
Hindi ako gusto ng Mama nya simula palang ng unang beses na lumapat ang tingin nito sa akin. Alam nya ang lahat tungkol sa akin kaya alam kong hindi nya ako gugustuhin para sa anak nya. Ang hindi lang nya alam ay ginagamit ako ni Kreed para sa mga pansariling plano nito.
Gusto nyang sabihin kong mahal na mahal ko si Kreed bago nya ako payagan na maging bahagi sa pamilya nya. Ok lang naman eh, ang kaso, paano ako? Sinong magmamahal sakin pag minahal ko ng lubusan ang anak nya?
Sa huli, ako lang din ang magiging dehado sa pinasukan kong 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top