KABANATA XI
KABANATA XI
"Parang awa mo na Kreed, tanggalin mo na yang ngisi sa labi mo. Para rin sa ikabubuti mo 'to dahil mapagkakamalan ka talagang rapist sa itsura mo ngayon. Maniwala ka sakin." naiinis na turan ko rito pero alam nyo ba kung anong ginawa?
Tinignan lang nya ako saglit at binalik na ulit sa bintana ang tingin habang humahagikgik pa. Simula nang makita nya ang laman ng bagahe ko ay hindi na naalis sa labi nya yang nakakairita nyang ngiti.
"You want a honeymoon?" bulong nito sakin. Nagtindigan naman ang lahat ng balahibo ko at tinignan sya ng masama. Ang lalakeng ito ang magiging dahilan ng pagtaas ng presyon ko. Ilayo nyo 'to sakin, parang awa nyo na. Baka hindi ako makapagpigil at maihulog ko 'to sa labas ng sasakyan.
"Manahimik ka! Hindi na ako natutuwa sa kalibugan mo." pagalit na sagot ko sa kanya. Tumigil na ang kotse'ng sinasakyan namin sa isang mataas na hotel. Mga siguro mabubulag ka muna bago mo mabilang ang palapag nito kung titingin ka sa labas ng building.
"Alright alright..." ayy purjos por santo~ Parang mas lalo pa syang natuwa. Patawarin ka sana dahil sa kahalayan ng ngiti mo. Parang kahit anong oras ay handa ka nang mang-rape ng tao Kreed.
Inirapan ko nalang sya at lumabas na agad ng sasakyan. Gabi na kami nakarating dito sa Spain. Nakakatuwa nga dahil ang gaganda ng mga nadaanan namin kanina habang papunta kami rito sa hotel pero hindi talaga mawala sa isip ko si Kreed. Pang-asar kasi talaga yung ngiti nya. Ang sarap lagasan ng ngipin ng hindi na makangiti!
May dalawang lalake ang nagbitbit ng bagahe namin papasok sa loob ng hotel. Nakasunod naman ako kay Kreed habang naglalakad kami papuntang elevator.
"Dito ba naka-stay ang Mommy mo?" tanong ko pagkapasok namin sa elevator na napapaligiran ng salamin.
"Yes, we'll meet her later but for now, wanna do something else?" napalingon ako rito ng bigla nyang hapitin ang beywang ko. Inis na kinurot ko naman ang kamay nito pero mas lalo lang nyang diniinan ang hawak kaya pinabayaan ko na.
"Something else? Kumain ganon?" painosenteng sabi ko pero ang totoo'y alam ko naman talaga ang ibig nyang ipahiwatig. Sa tono palang ng pananalita nya ay maiintindihan mo na na may halong ka-berdehan ang bawat sinasabi nya.
"Are you inviting me for a wild and wet dinner?"
Eleanor, mag-hunos dili ka! Wag mong patulan ang mga sinasabi ng manyak mong katabi. Magpaka-inosente ka. Linisin mo ang utak mo at wag mong hahayaan na ma-occupy yan ng virus na dala ni Kreed.
"A-ahahaha. Palabiro ka talaga!" sabay hampas sa kanya ng malakas. Nakita ko pang napahawak sya sa braso nya. Buti nga sayo! "Ano ba yang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." yan, ganyan nga. Play innocent. Act like a Lady. And speak like a horse. Charing! Wala lang talaga akong maidugtong kaya ganyan. Masyado kasing ginugulo ni Kreed ang utak ko.
"My Lady, you're being wild already." wag Kreed. Maawa ka sakin. Bata pa ako! Onting push pa, bibigay na ko. Wag kang ganyan!
"Hindi ah! Oh ito na ata yung floor natin, tara na." malambing na sabi ko pero sa loob loob ko ay sampong beses ko na syang napatay sa loob ng isang minuto na iba-iba ang style.
"I see you're excited." bakit ba kakaiba ang utak ng lalakeng 'to? Simpleng salita lang ay binibigyan pa nya ng bastos na kahulugan. Pwede na syang gumawa ng sarili nyang libro ng kaberdehan. Bebenta yon lalo na sa mga kauri nya.
Hindi ko nalang sya pinansin hanggang sa maka-pasok kami sa loob ng suite. Maganda ang loob at sobrang naa-appreciate ko talaga ang kulay ng lugar at ang pagkakaayos nito pero may gusto akong gawin ngayon. Kailangan kong magpahinga!
Lumabas na ang mga nagdala ng bagahe namin kaya lumapit ako kay Kreed. "Asan ang kama?" tanong ko sa kanya. Kailangan ko na talagang mahiga sa malambot at masarap na kama.
"You wanna do it now?" pilyong sabi nya at agad akong binuhat na parang sako. Nagpumiglas naman ako at pinagsu-suntok ang likod nya.
Binuksan nya ang isang pinto ron at tumambad sa akin ang isang puting king bed. Binagsak nya ako ron at bago pa ako makabangon ay kinulong na nya ako sa mga bisig nya.
"Kreed! Ano ba naman yan?! Nakakaasiwa yung pagmu-mukha mo. Lumayo ka nga sakin!" hinawakan ko ang pisngi nya at pilit na inilalayo iyon sakin. Sinabi na eh! Re-rape-pin ako ng lalakeng 'to. Marami pa akong pangarap sa buhay at balak ko pang iregalo sa mapapangasawa ko ang kamunduhan ko.
"Naaasiwa ka sa mukha ko? Are you sure about that? Hindi ba nagdala ka pa ng lingeries and protection for me?" mapang-akit na sabi nito. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi nya. Walang katotohanan ang mga pinagsasabi nya!
"H-hindi nga sabi ako yung nagdala non! Sina Hannah, Jenie at Daniela ang may pakana non! Tsaka walang dahilan para isuot ko yun ano!"
"You're just bluffering, My Lady. I know you want it~ You know I want cha~" natawa naman ako sa sinabi nya. Para syang tange! Kumanta raw ba?!
"Para kang nakahithit ng drugs hahaha. Anong nakain mo't nagkakaganyan ka? Umamin ka na Kreed." natatawang puna ko rito. Kung maka-kilos ay akala mo natigang ng isang taon. Mga lalake talaga. Kapag mga gantong kwentuhan ay makikita mong lumalagpas na sa tenga nila ang ngiti sa mga labi nila.
"You made me do this." parang batang sabi nya sakin. Gusto kong ibalibag sya ng paulit-ulit dahil natatawa na naiinis ako sa pagmumukha nya.
"Manahimik ka na nga lang dyan! Matutulog na ko, umalis ka na r'yan!" tumagilid na ako at pinikit ang mata ko. Naramdaman ko namang may biglang pumulupot sa bewang ko at binuksan ko ang isang mata ko para silipin kung ano yun. "Kreed, tanggalin mo yang kamay mo sa bewang ko." utos ko sa kanya.
"Why? I'm going to sleep too." bulong nya sa likuran ko.
"Ehhh, hindi ako makatulog. Mabigat yung kamay mo! Alisin mo yan." angal ko. Pinakiramdaman ko muna sya sa likuran ko pero hindi talaga sya gumagalaw. Aba talaga naman! Humarap na ako sa gawi nya at pilit na nagpupumiglas sa yakap nya. "Isa, sisipain kita r'yan."
Nakapikit lang ito at walang reaksyon. Hinihigpitan nito ang hawak sa akin pag nagtatangka akong magpumiglas.
Wala na akong choice kundi ang tuhurin sya. Napadilat naman agad sya at napaupo sa kama. Nakita ko ang panlalaki ng mata nya at pamimilipit sa sakit sa parte na natamaan ko. Maling parte ata ang natuhod ko.
"Fuck! Dammit!" nangingiwing sabi nito. Napaupo na rin ako at nagpa-panic na sa reaksyon nya. Nagagaya ko pa tuloy yung itsura nya ngayon na parang pati ako ay nasasaktan sa ginawa ko. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko at hahawakan sana ang mukha nya pero napapatigil rin kapag dumadaing sya.
"Hala naman, sorry. Hindi ko sinasadya. Masakit ba talaga yang banana mo?! Waahhh!" pasigaw na tanong ko. Pati ako nagpapanic na sa kanya. Mukhang sakit na sakit sya ginawa ko. Ano ba naman kasing katangahan yan Eleanor?!
"Ouch~ Errr... Fuck!" daing nya. Nangingiwi ako sa itsura nya. Napapahawak ako sa buhok ko tapos napapahawak sa braso nya. Ano ba 'to.
"Saglit, tatawag akong albularyo. Nagkabukol ba?" sa sobrang taranta ko ay bigla kong nadakot ang banana nya na sya ko rin namang ikinagulat. "Hala, hindi ko sinasadya!" nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya at nakataas pa ang dalawang kamay sa hangin.
Napatigil naman sya sa pag-daing pero bigla na naman sumama ang timpla ng mukha nya. "Masakit... Masakit... Hawakan mo." nakapikit pa nyang sabi.
Tumaas naman ang kilay ko at naningkit ang malalaki kong mata. "Hawakan?" walang buhay na sabi ko rito. "Hawakan pala ang solusyon. Bwisit ka talaga! Malibog ka! Baka mamaya nyan, ipa-CPR mo pa sakin yang banana mo at idaing mong hindi na sya makahinga!" naiinis na sabi ko at padabog na bumaba ng kama.
Pinagti-tripan nya lang ako. Hindi ako makapaniwalang nahulog ako sa patibong nya. Naloko nya ako! "Eleanor wait!" humabol sya sakin hanggang makaabot kami sa living room. Maganda talaga pag malaki ang suite na pinag-iistay'an nyo dahil pwede kang mag walk-out ng malayo layo.
"Wag mo akong kausapin. Bastos ka talaga!" umirap pa ako sa hangin at nag-cross arms habang nakaupo.
"I was only kidding. You're lucky you touched my---"
"WAAHHH! MANAHIMIK KA!" inis na tinignan ko sya at pinagpapalo sa braso. "Nag-alala lang naman ako sayo. Nakakainis ka talaga kahit kelan! Tsaka hindi ko naman sinasadyang mahawakan yung banana mo! Talagang nataranta lang ako!"
"Excuses." bulong nito.
"Hoy! Sira ulo ka! Narinig ko yon!" sigaw ko sa kanya.
"Why can't we just sleep together? Ayaw mo ba akong katabi sa kama? It wouldn't turn out like this kung mapayapa ka nalang na natulog kanina ron. You're so sly." tinignan ko sya ng masama at tsaka sumagot.
"Eh kasi naman, kung makayakap ka, parang ayaw mo na akong pahingahin. Tsaka totoo yung sinabi kong mabigat yung kamay mo. Tsaka isa pa pala, naiilang ako sa ganong pwesto." pag-aamin ko rito. "Hindi naman kita boyfriend para payagan kitang yakapin ako." mahinang dugtong ko.
Alam kong narinig nya ang sinabi ko kaya nagkaroon ng awkward atmosphere sa aming dalawa. Nabasag lang ang katahimikang iyon ng makarinig kami ng tunog na galing sa pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top