KABANATA VI

KABANATA VI

"Ano'ng sabi mo Eleanor?! Hindi! Hindi pwede!" pinigilan ako ng Ate sa pag-iimpake ng gamit habang nakatingin naman ang Nanay at Tatay sa amin.

"Anak, bakit kailangan pang doon ka tumira?" nag-aalalang sabi ng Nanay.

"Nay, Tay, Ate, ako po ang nagsabi sa kanila na roon nalang ako patuluyin dahil masyadong malayo ang mansyon dito. Dadalawin ko pa naman kayo. Mas mapapadali lang talaga kapag nandon mismo ako nakatira, diba?"

Dyos ko, patawarin nyo po ako sa mga kasinungalingang lumalabas sa bibig ko. Alam nyo naman po kung bakit ko ginagawa 'to diba? Wala namang masama sa sinabi ko. White lie naman yun kaya alam kong papatawarin pa rin ako ng Dyos.

"Kasalanan ko talagang lahat 'to." sisi ng Tatay sa sarili nya.

"Yan na naman kayo Tay eh. Diba nga napag-usapan na natin 'to?" luminga pa ako sa paligid kung may naiwan pa ba akong ibang gamit. Siguro naman ay wala na. Malapit nang mag-alas dyis kaya papunta na siguro rito ang magsusundo sa akin.

Sinarado ko na ang bagahe ko at tinulungan naman ako ng Tatay na magbuhat hanggang sa pintuan namin. "Dumalaw ka rito ha?! Naku, hindi ako mapakali kapag wala ka rito sa bahay!"

"Ate, napa-paranoid ka na naman! Tigilan mo nga iyan." saway ko sa kanya.

Kung anu-anong paalala lang ang sinabi ng Tatay at Nanay sa akin samantalang ang Ate naman ay nakabusangot lang sa tabi at mariing nakatingin sakin. Alam ko namang ayaw nya sa naging desisyon ko pero ano bang magagawa ko? Si Kreed naman talaga ang may plano nito. Sumusunod lang ako sa kanya.

"Oh anak, may sasakyan na sa labas. 'Yan na ata ang sundo mo." pukaw sa akin ni Nanay habang nakatingin sa bintana ng bahay.

"Eto na po Nay." kasama ko ang buong pamilya sa paglabas ng bahay. Kung umakto naman sila ay parang pupunta na akong ibang bansa.

"Eleanor..." tawag sakin ng Ate.

"Alagaan mo ang Nanay at Tatay ha. Bibisita ako rito kapag weekends." tumango nalang ang Ate at tipid na nginitian ako. Halata ang lungkot sa kanilang mga mata kaya isa-isa ko nalang silang niyakap at pumasok na sa loob ng sasakyan. Doon na tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha.

Gusto ko silang tanawin sa bintana ng sasakyan pero hindi ko iyon ginawa. Alam ko kasing 'pag lumingon ako ay magbabago nalang bigla ang desisyon ko.

Nang makarating kami sa mansyon ay agad akong tinulungan ni err--- Sir John na mag-buhat ng gamit. Tama bang tawagin ko syang Sir John para magbigay galang? Di hamak na mas matanda sya sa akin kaya dapat ko lang syang galangin.

"Sir John, ako na pong magpapasok nito sa loob."

"John nalang po, my Lady."

"Ah ganon po ba, sige po."

Iniwan na nya ako sa tapat ng kwarto ni Kreed at pinihit ko na ang pinto para makapasok doon. Wala naman daw tao rito dahil nasa opisina pa si Kreed. Inilagay ko nalang sa gilid ng kama yung maleta ko dahil hindi ko pa naman alam kung saan ko dapat ito ilagay. Mamaya ko nalang siguro aalamin pagkarating ni Kreed.

Humiga ako sa kama tsaka gumapang at ipinatong ang ulo sa malaking puting unan. Pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy na nanggagaling dito at mas lalo ko pang inilapit ang ilong ko roon dahil naalala ko sa amoy na ito si Kreed.

Ganitong ganito ang amoy nya. Ang komportable sa ilong at medyo nakaka-adik pa. Ibinaon ko ang mukha ko roon at niyakap ito. Sabi ni Kreed kahapon ay may pupuntahan daw kami. Pero saan naman kaya 'yun?

Ipinikit ko nalang ang mata ko at natulog ng mahimbing.

"Uhhmmm..." naramdaman ko ang magaang kamay na humahaplos sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong bata ulit na pinapatulog ng Nanay habang nakahiga sa hita nya.

"Shhh..." nagulat ako ng may nagsalita at agad na iminulat ko ang mata para tignan kung sino iyon.

"Kreed." tawag ko sa pangalan nya at tatayo sana pero hinarangan nya ng kanyang kanang kamay ang beywang ko para pigilan ako sa pagbangon. Napahiga nalang ulit ako at tumingin sa mga mata nya. Sinimulan na naman nyang haplusin ang buhok ko habang nakatingin dito.

Sobrang lapit nya sa akin at amoy na amoy ko na talaga ang katawan nya. Sobrang bango talaga non at mas lalo ko pang natitigan ang matapang nitong mukha. Malalim ang mga mata nito at may diretsong linya ng kilay. Pang-amerikano pa ang tangos ng ilong at isama mo pa ang manipis nitong labi na may mapulang kulay.

"Napagod ka ba ngayon?" tanong nito sa akin kaya bigla kong inalis ang tingin ko sa kanyang labi. Mabuti nalang at hindi nya ako nahuling nakatulala doon dahil sa buhok ko sya nakatingin.

Lumunok muna ako ng laway at humugot ng malalim na paghinga bago sumagot. "Hindi naman gaano. Napagod lang siguro ako sa byahe." sanay akong naglalakad ng ilang oras pero hindi ako sanay ng nakaupo lang at parang naghihintay sa wala.

Inihinto nya ang paggalaw sa buhok ko at tumingin sa mata ko. "Masakit ba ang likod mo?" bago pa man ako makasagot ay iginapang na naman nya ang kanyang kanang kamay sa likod ko na naging dahilan para lalo akong mausod papalapit sa kanya.

Halos dikit na dikit na ang pisngi ko sa dibdib nya at nakahawak na rin ang isa kong kamay sa bandang beywang nya. Sinimulan nyang masahiin ang likod ko habang nasa ganong posisyon kami. Hindi naman masakit ang likod ko pero hindi ko itatangging nasasarapan ako sa ginagawa nya.

Madiin nyang ipinapang-hilot ang daliri sa likod ko at hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi mapaungol dahil sa sarap. "Uhhmmm, K-kreed..." impit na tawag ko sa kanya at naipikit ko nalang ang mata ko at mahigpit na napahawak sa polo'ng suot nya.

"Do you like it?" nakakaakit na tanong nya pero imbis na sagutin sya ay mabigat na paghinga nalang ang nagagawa ko.

Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang kanyang kamay na dahan dahang pumapasok sa loob ng t-shirt na suot ko. Napamulat ako at nagtama ang mga mata namin. Gusto kong alisin ang tingin ko sa mga mata nya ngunit hindi ko magawa.

Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya at may pag-iingat na inangkin ang labi ko. Tumugon ako sa mga halik nya hanggang sa tanggalin nya na ang pang-itaas ko. Naging marahas ang kanyang labi sa bawat segundong lumilipas.

Alam kong paubos na ng paubos ang hininga ko dahil masyado na akong nalulunod sa halik na binibigay nya. Kahit na nauubusan na ako ng hininga ay patuloy pa rin ako sa paghalik dahil ayokong ilayo ang labing iyon sa akin.

Bago pa ako mawala sa ulirat ay kinalas na nya ang sarili sa akin. Parehas kaming naghahabol ng paghinga ng una syang magsalita "Magbihis ka na. May pupuntahan pa tayo." tumayo na ito sa kama at pumasok na sa isang pintuan doon.

Napatakip naman ako sa sarili ko nang mapagtanto kong naka-bra nalang pala ko. Nakakahiya! Ano na namang ginawa ko?! Bumait lang ng kaunti tapos bumigay na ako? Pero nakakapagtaka nga naman ano, kahapon lang ay ang sungit sungit non tapos ngayon...

Wow, may split personality!

"Tanga mo Eleanor!" saway ko sa sarili bago kumuha ng panibagong damit sa maleta ko at sinuot agad iyon. Saktong lumabas si Kreed na naka-suot ng casual na t-shirt at pantalon ng matapos akong magbihis. Mabilis lang talaga ako magbihis dahil simpleng white t-shirt lang naman ang suot ko.

Pinasadahan lang ako nito ng isang tingin at itinuon na agad sa iba ang atensyon. "Change your shirt." parang galit na sabi nito.

"Ang dami mong arte. Tara na!" ayoko na ngang magpalit ng damit! Hindi naman kasi nya sinabi kung saan kami pupunta. Tsaka ano namang masama sa suot ko? Parehas lang naman kaming naka-tshirt. Ang problema lang sa suot ko ay hindi mamahalin katulad ng kanya.

"John, prepare the car."

"Yes, Master."

"San ba kasi talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pagkasakay namin sa sasakyan.

"We're going to buy new clothes. Next week, we're going to Spain for you to meet my Mom."

"Oww, teka! Wala akong passport!"

"That's not a problem."

"Ok, eh may mga damit naman ako. Hindi na natin kailangang bumili pa." wala akong pera. Anong ipapambili ko?

"And what are you going to wear? That kind of shirt?"

"Oh eh bakit? Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko ah?!" hindi na nya ako sinagot bagkus ay umiling iling na lang sya.

Ngumuso lang ako buong byahe dahil sa inis. Ayan na naman kasi yung pagiging bipolar nya!

Hinila na nya ang kamay ko pagkarating namin sa mall. Sus, mall lang naman pala yung pupuntahan namin, bakit kailangan pang magdala ng dalawang body guards?

"Hindi ba pwedeng wala nalang body guards sa likod natin? Nakakailang eh." bulong ko kay Kreed at nilingon yung mga taong nakatingin samin. Hayy, nakakahiya naman 'to.

"No..." matigas na sabi nito at hinila na ako sa isang mamahaling store. Wala gaanong tao rito dahil siguro mahal. Humiwalay si Kreed sakin kaya tumingin tingin ako ng mga damit na nakalagay don.

"Haaa... Ang mahal!" pabulong na sabi ko. Parang napaso ang kamay ko sa damit na hinawakan ko at agad na ibinalik iyon sa pinagkuhaan ko.

Lumapit na ako kung nasaan si Kreed na busy sa pagkukuha ng mga damit pangbabae. Isa-isa nya iyong ibinibigay sa salesman na katabi nya.

"Try all of that."

"Yon?" turo ko ron sa mga damit na pinagkukuha nya. "Nako ayoko--- HOY!" hinila nya na ang kamay ko papuntang dressing room habang may bitbit na isang damit at inilock ang pinto sa loob.

"You'll wear this Eleanor!"

"Ayoko nga eh!" tanggi ko pa ulit at aalis na sana sa masikip na dressing room na iyon ng hawakan nya ang damit ko. "Anong ginagawa mo?"

"Gusto mo ba talagang nagsusuot ng ganito ha?! Yung tipong kitang kita yung bra mo?!" galit na bulyaw nito.

Napatingin naman ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng neon pink na bra kaya... Hala! Tinignan ko agad ang reflection ko sa salamin. Halata nga yung bra ko.

"Hindi ko naman napansin..." nakayukong sabi ko rito.

"Wag nang matigas ang ulo, Eleanor. Wear this then we'll have a dinner." ibinigay na nya ang damit sakin at lumabas na ng dressing room.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top