Seal the Deal

"Please be my girlfriend Davina, pagbigyan mo na ako."

Napamaang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Para naman siyang tanga?! Pagkatapos niyang tumanggi na pakasalan ako noon, ngayon naman ay hihilingin niya na maging kasintahan ko? Hindi ko siya maintindihan! Ano ba kasi talaga ang gusto niyang mangyari? Ano ba ang tinira ng lalaking 'to?

"I'll do anything-" Pinutol ko kaagad ang nais niyang sabihin.

  "Alam mo hindi ko kasi talaga maintindihan? Parang noong isang linggo lang gusto mo na akong patayin mawala lang ako sa paningin mo. Tapos ngayon, iiyakan mo ako at sasabihin na gusto mo akong maging jowa?"


"Davina, I'm begging you."

Hindi na ako nakapalag dahil bigla na lang niya akong niyakap, naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat niya habang paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ko.

"A-Ano ba talagang nangyayari sa'yo?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinagkatitigan siya sa mata. Nang tumagal iyon ay napalunok ako, pakiramdam ko ay matutumba ano mang oras. Dahil ba 'yon sa gagong ito?

"Please, let me."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumapat ang masuyong labi niya sa akin. Nakakapaso ang presensiya niya dahilan para lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, tila sinasabi nito na gulo itong pinapasok ko.

Handa kaya ako?

+++

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

+++

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top