Chapter 59
Gabi na ako nakauwi, mabuti nga at tumba na dahil sa kalasingan 'yong mga manginginom. Ayaw ko na rin kasi na marinig pa ang mga kantyaw nila.
Nagmamadali akong lumakad papunta sa harap ng pinto. Napapikit ako at nakahinga nang maluwag matapos kong makapasok. Sinarado ko kaagad ito at ni-lock, pagkatapos ay sumandal ako sandali rito habang hawak ang dibdib.
“Sa wakas.”
Mabilis ko lang nabuksan ito dahil nasa daan pa lang ako ay nakahanda na ang aking susi. Simula kasi noong lumipat ako rito ay palaging ganito ang gawain ko tuwing uuwi ako mula sa trabaho.
Kaya nga kapag weekends ay mas pinipili ko na lang na pumirmi rito sa loob. Si Yaelle lang naman kasi ang makulit at laging nagyayaya na lumabas. Hindi niya alam itong pagtsitsismis sa akin ng mga kapitbahay ko.
Hindi ko na rin kasi sinabi sa kanya dahil baka kung ano pang gawin niya. Sasarilihin ko na lang, kaya ko pa naman.
May pasok ulit ako bukas sa trabaho pero bahala na, sana ay mapigilan ko ulit ang luha ko na mag alpasan kung sakaling ako na naman ang pulutanin nila. Magsuot na lang ako ng earphones at I-full volume iyon hanggang malampasan ko sila.
Napailing ako dahil sa naisip ko, binilasan ko na lamang ang paglilinis ng katawan para makadiretso na ako sa kama upang matulog. Papikit na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto, kasabay noon ang paglakas ng kabog ng dibdib ko.
Parang humiwalay pa ang kaluluwa ko. Dinampot ko kaagad ang cellphone para humingi ng tulong, nanginginig ang kamay ko habang naghahanap sa contacts ng matatawagan. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa luha.
Ano ba naman kasing laban ko? Alas dose na ng madali araw, buntis pa ako at mag-isa. Umulit pa ang pagkatok, pero kasabay na noon ang pagtunog nitong telepono ko. Pangalan ni Drake ang lumitaw sa screen.
“Drake...” my voice broke.
"Davina? Please open the door, let's talk things out."
Siya nga, salamat naman.
I walked on circles biting my nails before deciding to finally open the locks.
Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong niya kaagad ako nang mahigpit na yakap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para halikan ang aking noo bago yumakap ulit.
"Oh my, God! I missed you! You have no idea how hard it was. Those three months felt like eternity.” Malat ang boses niya at nangingilid ang mga luha.
Napatingin ako sa mga kamay niya, nanginginig ang mga iyon mula daliri hanggang palad. Pagkatapos ay ibinaling ko ulit ang titig ko sa mukha niya.
A pleading frown was drawn on his face and my lower lip quivered at the sight.
“I missed you too, Drake...”
Lumapit ako sa kanya at yumakap, 'Yong t-shirt niya tuloy ay nabasa ng luha ko.
Hinaplos niya ang likod ng ulo ko, para patahain ako. Medyo malakas kasi ang pag-iyak ko.
“I tried so hard to give you the space you wanted but—Davina, there wasn't a day that passed that I didn't think about you.”
Lumayo siya saglit at lumuhod sa harapan ko, ipinalibot ang bisig niya sa aking baywang.
“I'm so sorry.”
“Please, let me be part of you life.”
“Drake! Tumayo ka nga d'yan.” Humikbi pa ako pero pilit ko siyang hinila dahil hindi ko p pala na naisarado man lang 'yong pinto.
Baka may makakita pa sa amin na kapitbahay. 'Yung mga'yon sinasabing tinakbuhan raw ako ng ama nitong pinagbubuntis ko. Eh sino to?
“Davina, please.”
“Oo na nga! A-Ang totoo, hindi ko rin naman kayang mawala ka.” Sagot ko pagkasang-pagkasara sa pinto.
Nasa may bandang loob na siya habang ako ang nasa may pinto, nakasandal ako rito at nakahawak sa doorknob. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya, tumingin na ako sa kisame, sa sahig at sa pader puwera lang dito sa lalaking kausap ko.
“Do you really mean that?”
“Oo.”
“Then, look at me.”
Ginawa ko iyon, pagtingin ko ay nakangisi siya kaya umiwas ulit ako.
“A-Alam mo kasi nasanay akong mag-isa, tapos bigla kang dumating. Ang dami-dami natin ginawa na magkasama.”
Lumapit siya sa akin at malambing niyang hinawakan ang mukha ko para patinginin ako sa kanya.
“Please, continue.” aniya.
Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya, muntik ko nang makalimutan kung gaano kaganda ang mga iyon. Naalala ko na ngayon kung paano niya ako nakuha gamit ang mga'yan.
“Ang dami kong natutunan sa'yo. Sa'yo ko rin naramdaman na tao ako na umaasa, nasasaktan...”
“I wouldn't fuck this up again, I promise.”
Naluha na naman ako. “Ako rin, hindi na kita itutulak palayo.”
Kaya ko lang naman ginagawa 'yun ay dahil lang rin sa takot ko na maiwan nang paulit-ulit. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili noon na hindi na ako mag-aaksaya ng panahon na ipagtabuyan siya ay ganoon pa rin ang nangyayari.
I didn't want to be attached or too dependent to someone that I might lose in the future. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa napagdaanan ko o masyado na lang talaga akong nasanay na mag-isa.
Kapag nararamdaman kong iba na ay umiiwas na lang ako bigla. I didn't think that someone would be able to understand me. I crave affection then run from it.
“Pero s-sana...kapag pinapalayo na naman kita ay huwag ka nang makikinig sa akin.”
Tumango-tango siya. “I won't ever do that.”
“W-Wag mo akong iiwan kahit anong sabihin ko, kahit magalit ako o mag-makaawa na umalis ka.”
'Yon lang ang pakiusap ko, dahil alam kong darating na naman yung araw na bigla na namang lumabas' Yong ganoong ugali ko.
I am used to being independent but sometimes I am yearning for someone's company. I wish could have someone who really understands me, even in my silent days. Even in if I'm in that phase of shutting ang cutting off people in my life again.
“Thank you agad.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga at nilapat niya nang marahan ang malambot niyang labi sa mga labi ko.
Napapikit ako at buong pusong tinggap ang matamis niyang halik. Napahawak ang dalawang kamay ko sa matigas at malapad niyang balikat hanggang sa isinakbit ko na lang iyon sa batok niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top