Chapter 58

Natapos na ang ultrasound ko, hindi na rin nagreply si Drake.

     “Sabihin mo na sa akin, Yaelle!” Nandito kami ngayon sa sasakyan niya, at kanina ko pa siya kinukulit. Ayaw kasi niyang sabihin sa akin kung anong gender ng mga baby.

Gusto raw kasi niya na kasama akong masurpresa sa reveal. Kakuntsaba pa talaga niya 'yung doktor at nagbulungan sila.

     "Sabihin mo na kasi sa akin, ganoon rin naman 'yun!”

Nginitian niya lang ako. Kanina ko pa siya kinukulit tungkol dito pero kanina pa rin siya parang walang naririnig. Mukhang desidido na talaga siyang doon na ipaalam sa akin.

Hindi na ako makapaghintay, gusto ko nang malaman ngayon dahil sa isang araw pa 'yung party! Dapat pala hindi na lang ako nagpasama sa kaniya, kaya ko naman mag-isa.

     "You know what? I'll invite Drake sa baby shower, but I won't tell him na ikaw 'yung pregnant."

At talagang naisip niya pa iyon, ano namang mapapala niya kung gagawin niya 'yun?

      "Bahala ka, desisyon ka naman!"

"Aba?! Naiinis sa akin si buntis! tama 'yan para ako na lang ang paglihian mo kaysa sa tatay nila." Humalakhak siya.

    Ang saya niya, ah? Puwes ako'y hindi na ako natutuwa! Madali akong mapagod at hapuin ngayon kaya mabilis uminit ang ulo ko. Dagdag pa ang sakit ng balakang ko.

“Baba na nga ako, mag-commute na lang ako.”

      “No way, you can't risk the safety of my inaanaks!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

     At sa mga inaanak niya pa talaga nag-alala kaysa sa akin?

“Alam mo, Yaelle? Namumuro ka na talaga sa akin.” Nauna siyang umiwas bago ko pa kurutin ang tagiliran niya.

   “Ano ka ba! I'm driving!” Tumawa siya.

Nagngingitngit na nga ako'y pagkatapos nakuha pa rin niyang ngumiti. Tuwang-tuwa talaga siya dahil akala niya ay pinaglilihian ko na siya. Hindi ba puwedeng kumukulo lang ang dugo ko sa kaniya?

  Inihanatid niya ako sa apartment, dito sa aking bagong inuuwian. Studio type rin ito, mas maliit kumapara doon sa dati kaya mas mura. Hindi ganoon kaganda 'yung area, pero puwede na kasi malapit lang naman ito sa barangay hall.

Sa office na lang ang trabaho ko kaya okay na ito dahil mura, 'di na rin kasi advisable sa akin ang magpuyat lalo na't twins pa itong dinadala ko.

   Nagpapasalamat nga ako dahil lahat ng nakapaligid sa akin ay sobra kung makapag-asikaso sa amin. Hindi ko nararamdaman na mag-isa ako, kasi halos turing na nila sa amin ay pamilya.

Kahit pinagchi-chismisan pa ako ng mga kapitbahay ko ay ayos lang, bahala na sila sa paggawa ng kwento ng buhay ko. Kung doon sila masaya, eh.

     “Sige na, I'll go. You take care ha? Don't let the bed bugs bite you.” aniya bago bumeso sa akin.

Mag-iisang oras rin kaming nakapag-kwentuhan ni Yaelle bago siya nagpaalam, paglabas na paglabas niya sa bahay ay naramdaman ko na agad ang katahimikan.

   Naramdaman ko agad ang pagkalat ng pangungulila. Pinamumukha sa akin na sa huli ay wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko. Mahal nga nila kami, pero hanggang saan ba aabot 'yun?

   "Shet ka naman Davina, parang 'di naman sanay mag-isa?" Parang tangang pagkausap ko sa aking sarili.

Pinahid ko ng daliri ang kaunting luha na umalpas sa mga mata ko. Siguro'y dala nitong pagbubuntis ko kaya ganito ako ngayon kaemosyonal.

Baka nga makakita lang ako langgam na nabibigatan sa pagbitbit ng mga mumo ng tinapay ay maawa na ako.

     “Hay nako,” I sighed.

Kung anu-ano na lang ang inisip ko para hindi matuloy ang pag-iyak ko, mapapansin rin kasi ng iba na namamaga ang mata ko kinabukasan kung itutuloy ko pa ito.

    Tapos lalo lang akong maiiyak kapag tinanong nila ako ng "Bakit?" o "Ayos ka lang ba?".

Para mas malibang, binuksan ko na lang ang T.V., umupo ako sa sofa at hinilot-hilot ang aking tiyan. "Konting-tiis na lang, paglabas niyo ay hindi na ulit ako mag-iisa. Hindi tayo mag-iisa."

Hindi ako makapaghintay na marinig ang mga iyak nila, handa na ako sa magiging kalat na laruan, takbuhan, at kulitan. Handa na akong maramdaman yung puyat at pagod ng isang ina.

Alam ko namang worth it 'yon,  lalo na kapag nakita kong nasa maayos na kalagayan ang mga anak ko. Mamahalin ko sila nang buong-buo at ipaparamdam sa kanila na nandito lang ako palagi.

Ayokong maramdaman nila 'yung parang wala silang kakampi sa mundo. Ayokong magagaya sila sa akin, kaya hindi ko sila pababayaan basta-basta kahit anong hirap pa 'yan.

     Sa sofa na pala ako nakatulog kagabi. Kinabukasan, mabuti na lang at medyo maaga ako nagising kaya nakapagluto pa ng umagahan bago ako gumayak papasok sa office.

“Sino 'yun?” Rinig kong sabi nong isa sa mga kainuman ng kapitbahay ko.

      Bakit ba naman ngayon pa nagloko ang lock nitong doorknob ko?

Alas nueve pa lang ng umaga ay pupulutanin na tuloy ako ng chismis ng mga manginginom na ito. Ginawa na yata nilang kape ang gin at pandesal ang liempo.

      “Ganda 'no?”

Napairap ako dahil narinig ko ang boses ni Trisha. 'Yan 'yung babaeng unang-una na nag interview sa akin paglipat ko dito sa apartment. Akala ko mabait, 'yun pala ay nangangalap lang ng impormasyon.

“Oonga, ang kinis pa.” ani noong isa pang lalaki. Hindi ko sila hinarap, pero ramdam ko ang hagod ng tingin nila.

    Gusto ko tuloy palitan ang suot kong itim na knee length dress at mag jogging pants na lang.

       “Eh, handa ka bang maging instant tatay?”

“May anak na? Hindi halata–“

     Dinaan ko lang sila, pero rinig ko pa rin kung anung pinagsasabi ni Trisha at nung mga kainuman niya.

“Buntis pa lang.”

          “Eh, pwede pa naman ipalaglag 'yan. Gawa na lang kami ng bago. O kaya dagdagan ko na lang.” Naghagalpakan silang lahat na parang mga demonyo.

    Napasinghap ako. Gustuhin ko mang magwala ngayon diyan sa harap nila ay wala naman akong mapapala. Baka mapahamak ko lang ang mga anak ko.

      Habang naghihintay ako ng sasakyang jeep ay kagat ko ang aking labi, pinipilit kong pigilan itong nararamdaman ko.

I feel so insulted. Pero wala naman akong magawa, kaya lalo akong naiinis na naawa sa sarili ko.

     Wala naman akong ginawang masama sa kanila. I haven't even talked to half of those people, pero kung pagtawanan nila ako at laitin parang saba'y-sabay kaming lumaki.

“Miss sasakay ka ba?”

       Napabalik lang ako sa ulirat nang magsalita ang barker sa harapan ko.

    “Ah, oo–“ Lutang ako buong byahe, tsaka lang tumulo ang luha ko pagdating sa office. Pero hindi ko na pinahalata iyon sa mga kasamahan ko.

Iniisip ko na lang ay kung paano ko uuwi mamaya, malamang ay hindi pa rin tapos ang mga iyon. Parang twelve hours kasi kung mag session sila.

Pag nakita na naman nila ako, kung anu-ano na namang maririnig ko. Dahil nga sa kanila ay tinigil ko ang pag bo-book ng grab dahil akala niya ay paiba-iba ako ng lalaki na naghahatid sa akin, kasi paiba-iba ng kotse.

    Pati nga si Yaelle at ako ay nagawan na nila ng kwento, kabit raw ako ng boyfriend nito at nabuntis kaya mabait sa akin, ayaw daw kasing kumalat ang issue.

    Mas maalam pa sila sa nangyayari sa buhay ko ah? Sa kanila ko na lang kaya itanong kung anong gender ng mga anak ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top