Chapter 57
Parang mali yata na pinalayo ko si Drake, nagmumukha tuloy na tinataguan ko siya ng anak.
"I'm so excited to learn the gender of your babies!" Masayang sabi ni Yaelle habang nakahawak sa tiyan ko.
Narito kami sa shopping mall ngayon at nag-iikot bago pumunta sa maternity clinic para magpa-ultrasound. Gusto niyang kasama siya para raw siya ang unang makaalam. She's planning to do a gender reveal party.
Naging okay na kami ng babaeng ito simula noong maging okay na rin sila ni Air. Nagpapasalamat si Yaelle dahil nasabi ni Air sa kanya na kinausap ko ito at pinaintindi sa kanya ang sitwasyon.
"Kumapit ka sa'kin, baka madulas ka!"
Natawa ako sa kaniya dahil sobra ang pag-aalalay niya sa akin. "Excited ka pa sa akin!"
"Syempre naman! I'll be the best Ninang. Tapos sana babae at lalaki, para cute. Pero okay lang naman kahit ano! Ano bang feel mo?"
"Feeling ko? Dalawang lalaki." Malakas talaga ang pakiramdam ko, ewan ko ba kung paano ko nasasabi 'yon. Baka iyon na ang sinasabi nilang mother's instinct.
"Nako nalintikan na, tapos kamukha pareho noong tatay?" Napairap siya.
Hanggang ngayon kasi ay may galit pa rin siya kay Drake, wala na kasing paramdam 'yon kahit kanino. Hindi ko rin naman masabi sa kaniya na ako ang nanghingi muna ng space kay Drake.
"Ano naman kung kamukha nga nila ang tatay nila?"
"Anong ano naman? He's missing in action! Dapat nga siya ang kasama mo ngayon papunta sa clinic, but he's nowhere to be found."
Hiningi ko naman kasi iyon na maghiwalay muna kami ng landas, 'di lang namin inasahan na mabubuntis ako. I guess we should've been more careful and used protection.
"Basta, gusto ko ngang kamukha niya."
Ang gwapo-gwapo kaya nu'ng ama nila!
Palagi ko ngang tinititigan ang picture noon kahit hindi ko naman namimiss. Ang sarap kasi talaga sa mata ng kagwapuhan no'n.
"What the heck?" Natigilan siya sa paglalakad, kaya tinanaw ko rin kung saan siya nakatingin.
"Si Drake!" Napahigpit ang kapit ko kay Yaelle.
Si Drake nga iyon, hibla pa lang ng buhok niya ay kilalang-kilala ko na 'yan. Kaya kahit nakatalikod ay sigurado na ako. Naroon siya sa loob ng jewelry shop at mukhang busy, nakakunot pa ang noo habang nakatingin sa mga singsing.
"Is it really that bastard?" Lalong nagalit ang titig ni Yaelle.
"Si Drake nga iyan."
Napansin ko rin na may kasamang babae si Drake, mukhang nakukuwento ito ng nakakatawa dahil nakangiti ito habang nagsasalita. Si Drake naman ay tumatango-tango lang.
"Who's that girl?!" ani Yaelle.
Kung magalit siya ay parang siya ang nanay nitong mga anak ni Drake na dinadala ko. "Baka kaibigan lang niya."
"I know his friends, Davina! And I don't recall meeting that leech." Nasabi niya siguro iyon dahil na kaitim na bodycon dress 'yung babae.
"Baka bagong kakilala."
"Stop making up excuses for him, alright?" Maawtoridad na sabi niya.
"Hindi naman." Napanguso ako dahil medyo nakaka-intimidate talaga ang awra niya, lalo na kapag ganiyan siyang seryoso.
Napabuntong-hininga siya. "Let's talk to them."
Nanlaki ang mga mata ko, gusto ko sanang tumanggi kaso biglang napalingon dito sila Drake at 'yung babae. Tsaka papunta na talaga kami sa direksyon nila, masyado namang halata 'yon kung bigla na lang akong liliko.
"Hey! Long time no see, Drake!" Pagbati ni Yaelle, pero 'yung tingin niya doon sa babae ay parang nangmamaliit agad o nanghahamon ng away. Napasimangot tuloy iyon.
"Hey." Sagot ni Drake, pero sa akin naman nakatitig.
Ngumiti ako sa kaniya. Ang gwapo talaga! Sayang, mukhang hindi niya pa nahahalata na buntis ako, naka dress kasi ako ngayon at three months pa lang itong tiyan ko. Tsaka marami rin nagsasabi na mukhang hindi naman ako nadagdagan ng timbang.
"Who are you with?" Yaelle crossed her arms and raised her brows.
"Ah, She's Lea, my secretary."
"Nice to-"
"Para kanino ka bumibili ng singsing? Sa kaniya ba?" Prangkang tanong nito.
"Oh, no it's not for me." Napatingin ako kay Lea, biglang namula ang pisngi nito.
Kaya naman lumipat ang titig ko kay Drake, pero nakatingin na rin pala siya sa akin.
"No, it's for Davina."
Napakurap-kurap si Yaelle at walang masabi, ganoon rin ang reaksyon ko sa sagot niya. Masyado namang straight to the point!
"For what? As far as I can remember, you guys are over." Hindi talaga siya nagpatalo, nakaisip pa talaga ng pang-come back line.
"Bawal ba?"
"It's weird! Ano at binabalak mo na naman bang manligaw kay Davina pagkatapos mong-"
"Bawal ba?" pag-ulit ni Drake habang nakatitig nang diretso sa akin.
Umiling ako.
Mukhang napansin 'yon ni Yaelle kaya lalo siyang nanggigil.
"You can't court her!" Minsan talaga'y pala desisyon rin ang isang ito, e.
He smirked and raised his brow. "And why is that?"
"She's taken."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Yaelle. Tapos kaagad kong hinanap ang reaksyon ni Drake.
Akala ko'y magagalit siya o magugulat pero nakangiti lang siya ngayon. "Yeah?"
"Oo nga!" She gritted her teeth, Drake continued smiling to annoy her.
"Is it true, Davina?" Diretsang tanong sa akin ni Drake. Parang sigurado pa siya na mapapahiya lang si Yaelle kapag sumagot ako.
"Ugh! Kung ayaw mong maniwala edi h'wag! Tara na nga, Davina! Baka hinihintay ka na ng boyfriend mo!"
Hinila na niya ako palayo bago pa man ako makatanggi, nilingon ko pa si Drake bago kami tuluyang makalayo.
Kumaway pa ito at kumindat, mukhang sigurado talaga siyang wala akong kasintahan.
"Dapat sinabi mo may boyfriend ka na nga! Para naman makita natin kung paano umiyak 'yon, hayaan mong lumuhod at mag-makaawa." Sermon sa akin ni Yaelle habang narito na kami sa loob ng sasakyan niya.
Labas-pasok lang naman ang mga sinasabi niya sa aking tenga dahil lutang pa rin ang isip ko, na-stuck kasi dito ang kagwapuhan at ngiti ni Drake kanina.
"Hindi naman maniniwala 'yon."
"Kasi hindi mo nga sinabi! Nakakainis, ang yabang tuloy!" Humigpit ang hawak niya sa manibela.
"Ano bang problema mo?" Nakunot-noong tanong ko.
Ayaw ko ngang magsinungaling sa kaniya! Hindi ko gustong bigyan ng dahilan si Drake para magselos, kasi kung gusto ko namang bumalik siya ay puwede ko 'yong sabihin na lang. Pakiramdam ko naman, tapos na kami sa mga ganiyang bagay.
"Matagal na naman talagang mayabang iyon!" Dagdag ko.
"Tss, whatever!" Sumuko na lang siya sa akin.
"Whatever." Pag-ulit ko sabay irap.
Maya-maya'y nag-vibrate ang cellphone ko sa bag. Kinuha ko 'yon para i-check agad kasi malakas na ang kutob ko kung sino iyon. Wala namang ibang magtetext dito kung hindi si Drake.
Drake:
You look so beautiful today, I missed you.
"Si Drake ba iyan?" tanong ni Yaelle.
"Oo."
Itinabi niya sa gilid ang sasakyan at tsaka inagaw ang phone ko, may kung ano siyang tinype doon bago niya ibalik sa akin. Laking gulat ko nang makita ko kung anong nakasulat doon.
[ Don't you ever bother me again, I already have someone. Thank you. ]
"Bakit mo naman tinext ng ganito si Drake?!"
"Para naman mabawas-bawasan ang angas niya." Humalakhak ito bago paandarin ulit ang sasakyan. Ano bang trip ng isang 'to?!
Nagtype ako ng panibagong message.
[ Hindi ako ang nag-text niyan, si Yaelle 'yan. Wala naman akong someone. ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top