Chapter 55
Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa telepono. Kinakabahan akong isipin na baka napapagod na rin siya sa akin, baka susuko na rin siya at hinihintay na lang talaga niya na ako 'yung mauna.
"Nasaan ka ba? I went to your apartment and you weren't there so I called your work, then your bosses said you're on a leave for a week. Are you hiding away from me?"
"Drake, tumigil ka na lang kung napapagod ka na sa akin." My voice cracked.
"What's up with you? Nasaan ka ba at pupuntahan kita."
"Nasa probinsya ako, umuwi ako. Baka siguro dito na lang ako tumira, masyadong magulo dyan. Parang hindi ako bagay, sana maging masaya ka. Makakakilala ka pa naman ng iba d'yan. Si Ma'am Destiny, mukhang type ka niya, mabait naman 'yun-"
"We're talking about this again?"
"Drake, you're free to entertain other girls. You're not committed to me. Marami ka pang makikilala. You are still young, you have the freedom to choose."
"I choose you, I'd choose you over anyone."
"Okay lang naman sa akin kapag nakahanap ka ng iba." Napakagat ako sa labi.
"Haven't I told you already that I only want you?" He sighed.
"Sinabi mo nga, pero ayaw ko lang na magpaasa. Hindi naman ako sigurado, baka mapagod ka lang." I tried so hard to contain my emotions.
"Why would I?"
"K-Kasi paiba-iba ang pinapakita ko sa'yo kaysa sa sinasabi ko. Alam mo gusto naman talaga kita, pero natatakot akong mag-commit lalo na't pakiramdam ko ay hindi pa ako handa."
Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.
"Seryoso ako, Drake."
"I don't care if I wait on you forever."
"Hindi ko alam, Drake. Hindi ako handa, hindi ako sigurado."
"It's alright." Siya na mismo ang pumutol ng tawag.
Sa pagkakataong iyon ay bumuhos na ang luha ko na parang ulan, ang buong katawan ko ay nawalan ng lakas kaya napahilig ako sa dingding upang hindi mawalan ng balanse.
"Davina!" On my peripheral vision, I saw Air crossing from the other side of the road.
Inalalayan niya akong tumayo nang makalapit siya. "Anong nangyari? Bakit ba bigla kang nagalit at umalis?"
"Wala, uuwi na lang ako."
Tumayo ako sa gilid ng kalsada at nag-abang ng sasakyan.
"Look, I'm sorry if I said something offensive."
"Kay Yaelle ka dapat manghingi ng patawad, Air." I looked straight into his eyes and he was stunned.
Sakto naman na tumigil ang isang taxi sa harapan namin kaya sumakay ako na wala pa rin siyang imik. Sana na-realize niya na kung bakit ako nainis.
Pagdating ko sa hotel ay sumalampak lang ako na parang walang buhay sa kama. Pauwi pa lamang ako kanina'y pakiramdam ko wala na akong lakas, pinilit ko na lang ang sarili ko na makaabot dito. I feel so drained from everything. Parang gusto ko na lang maging bulaklak sa next life ko.
Alas dose na nang madaling araw noong maalimpungatan ako, tiningnan ko pa ang oras sa phone ko at kung may mga tumawag dito. Hindi nga ako nagkamali, kasi mayroong 50 text messages at 100 missed calls doon mula kay Drake.
Napabangon kaagad ako kasi saktong tumawag na naman siya. "Hello?"
"Sabi mo nasa probinsya ka?" He sounded so tired.
"O-Oonga."
"You're not here."
Napapikit ako, "T-Teka pumunta ka- wait..."
"I went to Aling Anabelle's and also to your Aunt's, you weren't there. Where are you, really?"
"Nasa Bayan ako, ikaw ba nakapagpahinga ka na?" Nakatulog ka na ba?" Ilang oras din ang byahe papunta rito, baka pagod na pagod na siya ngayon kung wala pa siyang tulog.
"Where in town?" Hindi niya pinansin 'yung tanong ko.
"Isang oras pa ang byahe papunta rito, magpahinga ka na lang muna at bukas na tayo magkita."
"Where in town?" Mukhang hindi talaga siya magpapatalo.
Napabuntong-hining ana lang ako, "Sige, itetext ko 'yung address."
"Thank you." He sighed too.
"Mag-iingat ka ha? Dahan-dahan lang sa pagmamaneho." Pagpapaalala ko sa kanya dahil may bangin pa naman ang mga daanan niya at madilim na.
"Yes, thank you."
"I love you." Sabi ko tapos pinatay ko na kaagad ang call. Agad naman siyang nag-text.
Drake:
Did I hear you right?
Hindi ko siya pinansin at tinext na lang 'yung address ko. Akala ko titigil na siya pero bigla na naman akong nakatanggap ng text.
Drake:
I love you more, can't wait to see you!
Hindi ako mapakali kahihintay sa kanya, sa lobby na nga ako ng hotel nag abang. Maliit lang itong lobby kaya buti na lang ay wala na masyadong tao, lagi kasing puno ito kapag umaga.
Si Drake kasi, ayaw pang paawat at pinilit talagagang kitain ako ngayon. Nakakapag-alala tuloy! Kaya naman noong nakita ko siyang papasok ay sinalubong ko siya ng yakap. Halos lumambitin na nga ako sa leeg niya, matutumba pa ako. Buti na lang naalalayan niya ako sa beywang.
"You missed me that much?" Nakuha niya pang mang-asar kahit mukhang pagod na siya. Kaunti na lang ay pipikit na siya.
"Nag-alala lang ako sa'yo, sabi ko naman kasi bukas na lang. Para nakatulog ka pa."
"Hindi rin naman ako makakatulog, lalo't tumatakbo ka sa isip ko." His voice was getting raspier.
"You're so cheesy! Umakyat na nga tayo para makapagpahinga ka na."
Tinaasan niya ako ng kilay. "You'll let me stay in your room?"
Oonga ano? Bakit ko siya biglang inaaya sa kwarto ko? "Kasi pagod ka na, wala ka namang gagawing masama sa akin diba? Para ka namang iba."
He chuckled. "Alright."
Lalong nag-init ang mga pisngi ko, tapos itinago ko ang mukha ko gamit ang buhok ko. Nauna na rin akong sumakay sa elevator, tahimik lang kami kasi nahihiya na akong kausapin siya.
"Tara." Hinila ko siya sa kamay pagbukas ng elevator sa floor kung nasaan ang room ko.
"Bakit hindi mo sinabi na umuwi ka?" Parang may bahid ng pagtatampo 'yung ginawa niyang pagtatanong.
"Ahh, gusto kong mapag-isa."
"You want to be alone, with my cousin?"
Tumigil kami sa tapat ng kwarto ko, tumingala ako nang bahagya para titigan siya. "Hindi ah."
I don't want him to get the wrong idea, pero pangit nga naman na magkasama kaming pumunta ni Air dito kahit saang anggulo. Tsaka paano niya nalaman?
"Paano mo alam?"
"I saw him at a gas station while I'm on the way here, he told me that he went with you."
"Oonga, pero hindi talaga kami pumunta dito para magkasamang mag-relax. Promise, sabit lang 'yon at nakiepal."
Niyakap niya ako bigla nang mahigpit, "I believe you. But I was so scared, Davina."
"H-Ha?"
"Habang papunta ako dito sa hotel ang dami-dami ko na agad naisip. Naisip ko pinili mo na siya kaya pinapatigil mo ako bigla. Lahat ng sinabi mo sa akin ay naikonekta ko kaagad sa pagpunta ninyo dito nang magkasama. I'm so sorry."
Hinagod ko ang likod niya. "I-I'm sorry din, hindi ako nagsabi sa'yo."
Lalong humigpit ang yakap niya.
"Hindi naman kita ipagpapalit, Drake. Pasensya na kung naparamdam ko man 'yun sa'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top