Chapter 54
Wala namang namimilit sa kanila na mag-stay sa tabi ko. Nilinaw ko naman na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Dapat ba lumayo na lang ako? Dapat ba hindi ko na lang talaga sila ituring na kakilala?
"Oh, overtime ka na naman? Natutulog ka pa ba?" Si Ma'am Destiny iyon.
Tumawa ako nang maikli. "Natutulog naman po ako sa byahe."
Ilang araw na rin kasi akong nag-oovertime, para na rin malihis ang isip ko. Hindi rin ako masyadong nagrereply sa mga text o tawag ni Drake, mabuti 'di niya rin ako napupuntahan dahil mukhang abala rin siya sa trabaho.
Ayos na rin 'yon para hindi na rin ako mahirapan sa pag-iisip ng dahilan para iwasan siya. Tsaka hindi rin ako makapag-iisip nang maayos, nasasaktan pa rin kasi ako hanggang ngayon tungkol doon sa sinabi sa akin ni Yaelle noong nakaraang Linggo.
Hindi ko naman kasi talaga intensyon na magpaasa, kahit nga si Drake na gusto ko naman ay ayaw ko rin na paasahin. Hindi pa nga kasi ako sigurado, pero baka nga tama si Yaelle. Baka hindi talaga ako natatakot na magtiwala, at baka gusto ko lang talaga ng atensyon.
"Mukhang may problema ka, ah? I am here to listen or I can grant you a leave if you're not ready to tell it to anyone."
Napangiti ako sa sinabi niya. Napaka considerate talagang tao ni Ma'am Destiny, ang swerte ng mga taong malalapit sa kaniya. Bakit nga kaya wala pa siyang boyfriend?
"Naku salamat, Ma'am."
Ayos na pala ang leave ko dito, pero kailangan ko pa rin magpaalam doon sa isa ko pang trabaho. Sana doon rin ay payagan ako kasi kailangan na kailangan ko talaga 'yon ngayon. Mababaliw na kasi ako kapag hindi pa natuloy ang pagbabakasyon ko.
"Ang gwapo naman nu'n." Bulong ni Ma'am.
Tuloy ay napatingin rin ako sa lalaking kapapasok lang, si Drake iyon. Naka pang opisina pa siya, wala lang iyong necktie at coat. Suot niya'y puting polo na tinupi hanggang siko, at naka tucked-in iyon sa itim niyang slacks.
Noong una ay nakasimangot siya habang iniikot ang tingin sa paligid, tapos nung tumigil ang mata niya rito sa counter ay bigla siyang ngumiti na halos mapunit na ang bibig. I shook my head internally.
"Kakilala mo?" tanong niya. Napatingin ako kay Ma'am, nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Drake na papalapit na ngayon dito.
"Hindi po," mabilis na sagot ko at hinanda ang sarili sa paglapit ni Drake.
"Hi!"
"Good evening, sir." Pormal kong bati, saglit lang siyang napasimangot.
Tumango siya bago ngumiti ulit, pero 'di na katulad noong una. Halatang pilit na iyon ngayon. Umakto na rin siya na parang hindi ako kilala.
Um-order siya ng kape, tapos nag suggest si Ma'am Destiny ng cake. Nagpakilala rin ito sa kanya kaya medyo nagtagal si Drake dito sa counter, wala naman siyang kasunod sa pila pero naiinip na ako. Para akong na out of place sa kanilang dalawa kahit kami naman ni Drake ang totoong magkakilala.
"Take out 'yan," ani Drake. Pilit niyang hinuli ang tingin ko, nang magawa niya 'yon ay inirapan ko siya.
"Okay, sir." Binigay ko ang papel sa kasamahan ko para maihanda niya 'yung order.
"Hey, I almost forgot! Heto pala ang business card ko, feel free to contact me." Inabot ni Ma'am destiny ang isang card sa kanya.
"Thank you, Miss Destiny." He flashed a smile.
Napairap na naman ako, mukhang nakita niya 'yon dahil bigla siyang natawa. Kaya pagkahanda nung in-order niya'y inilagay ko na agad ang resibo sabay bigay sa kanya. Hindi ko na sana siya tititigan pero may sinabi pa siya.
"You should smile more," bulong niya.
Ngumiti ako sa kanya nang peke na may halong gigil, dahil doon ay tinawanan niya ulit ako. Gunggong talaga!
Paglabas niya sa cafe ay biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa, pasimple kong inilabas 'yon at binasa ang text.
"You're too cute." -Drake
I bit my cheeks inside to stop myself from smiling. Bakit ba kasi ganito na lang ang nararamdaman ko? Ayaw kong maging kami, pero ayaw ko rin naman pala na makita siyang may iba. Kinakausap pa lang niya si Ma'am Destiny ay para na akong malalagutan ng hininga dahil sa gigil. Gulong-gulo na ako sarili ko, ano bang dapat kong gawin?
Pagkatapos ng shift ko ay nagpaalam na kaagad ako kay Ma'am, medyo nababadtrip pa rin kasi ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. Alam ko naman na maling maramdaman ko iyon, alam ko rin naman na wala akong karapatang bakuran si Drake kasi wala namang kami. Pinili ko 'to, kailangang panindigan ko.
"Ang tagal mo."
"Bakit nandito ka pa?"
Nakahilig siya sa kanyang sasakyan at nakahalukipkip. "Isn't obvious? I waited for you."
"Hindi naman ako nagpapahintay sa'yo."
Tumayo siya nang maayos at naglakad palapit. "My schedule was really tight these past few days, so I wanted to make it up to you, to talk to you, or just even see you."
"Hindi naman kailangan." I managed to talk sternly, even if my insides are blushing.
"Of course it's needed! As your lover, it is my duty to make you feel special and loved."
Napasinghal ako. "Lover? Hindi nga kita sinasagot."
"Suitor." Itinama niya ang sarili niya, may kasama pang pag-irap.
Hindi ko na tuloy napigilan ang tawa ko. Pero imbes na mainis siya ay napangiti rin siya.
"I'm so glad that I'm able to make you smile." Hinawi niya ang buhok ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko.
Marahan ang mga titig niya, maya-maya'y pumikit na ang mga mata niya at unti-unti nang lumalapit ang mukha niya. I was tempted for a second but I gained rationale.
Itinulak ko kaagad siya bago pa man maglapat ang mga labi namin. "Gunggong, iuwi mo na nga ako!"
Namalat ang boses niya. "I can't wait to do that."
Iyon ang huling pagkikita namin ni Drake, that was two days ago. Hindi niya alam na umuwi ako, na busy kasi ulit siya kaya hindi ako mapuntahan. Nagrereply pa rin ako occasionally para hindi na ulit siya manggulat at pumunta ulit sa trabaho ko. Wala pa naman ako doon ng isang linggo! Tuwang-tuwa na naman 'yon si Ma'am kapag nakita si Drake.
"Kahit ano." sagot ko kay Air nang tanungin niya kung anong gusto kong order.
Hindi ko na pinaalam kahit kanino kung pasaan ako, ang kasama ko lang ngayon ay si Air. Ang orihinal na plano ko talaga ay umuwi lang rito mag-isa, pero nasaktuhan na naman nakita ako nito at pinilit niya na sumama. May problema din raw siya, at kailangan din raw niyang magpakalayo-layo at mag-isip.
"Walang kahit ano sa menu."
Sa bayan kami naka-check in kaya bumibisi-bisita lang ako kila aling Anabelle. Hindi ko na sinasama si Air doon 'pag napunta ako dahil busy rin siya sa sarili niya, magkaiba rin naman kasi kami ng hotel dahil yayaman siya at gusto pa sa mahal.
Umirap ako. "Chicken na lang."
"Alright." Pinanood ko siyang pumila. Sa katunayan nga ay ngayon lang ulit kami nagkita, niyaya niya akong mag-lunch. Pumayag na ako kasi wala naman akong lakad, tsaka sayang naman dahil libre din.
"Kamusta naman?" Tanong ko habang hinihimay ang chicken sa plato ko. Kanina ko pa kasi pansin na mukhang problemado pa rin siya.
"Still confused."
"Ano ba kasi iyong iniisip mo? Baka matulungan kita."
He heaved a sigh. "Si Yaelle."
"Siya? Teka, ano pa lang nangyari no'n?" Wala na kasi akong balita simula noong nangyari 'yong sa supermarket, hindi na ako nagtanong kasi masyado akong nasaktan sa mga binitawang salita ni Yaelle.
"She's making everything complicated."
"Paano?" Tanong ko bago sumubo.
"She likes pushing and pulling away. She rejects me, but she doesn't want to see me with someone else. She says she likes me but she doesn't want to be with me."
Parang pamilyar naman iyon. Tumango-tango ako.
"Sinubukan ko namang kausapin siya nang maayos tungkol dito, pero palagi niya akong pinagsasarahan ng tainga. Tapos ngayon naman na hindi ako nagpaparamdam ay bigla niya akong kakamustahin na parang hindi niya ako tinanggihan nang ilang beses."
Wala akong nasabi, parang ganoon rin kasi ang ginagawa ko. "E-Edi tigilan mo na."
"Paano ko naman gagawin 'yon? Sa tuwing susubukan kong lumayo, siya naman itong magpapakita ng motibo. Makipag-usap lang ako sa ibang babae ay iniisip niya na agad na ipagpapalit ko siya."
"Baka naman natatakot lang siya."
"Pero anong mangyayari sa relasyon namin kung paulit-ulit lang na ganoon?"
"Nakakapagod ba?" Gusto ko lang malaman, dahil parang nakikita ko sa kanila ang kalagayan namin ni Drake.
"Yes and I hope she could decide already so I can move on."
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Ganoon lang ba talaga 'yon? Napakadali lang sumuko para sa kanila, wala ba silang pakialam sa nararamdaman naming takot?
“Ayaw ko nang magsayang ng oras sa pagpapaikot-ikot namin.”
"Siraulo ka pala e, 'di ba ikaw rin naman ang may dahilan kung bakit nagkaroon ng takot si Yaelle? Tapos ngayon, hindi mo siya maintindihan kung bakit may trust issues siya sa'yo? Kung makapagsabi ka na napapagod ka na, para namang hindi siya napapagod labanan 'yung takot niya. Ang kapal mo!"
"B-Bakit ka nagagalit?"
Naluha ako sa inis, "Ewan ko sa inyo!"
I picked up my things then walked out. Narinig ko pang tawagin niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Basura. That's what I label his reasoning.
Si Drake kaya? Ganoon na rin kaya siya?Parang magic na narinig niya ang iniisip ko at bigla siyang napatawag.
"Where are you?"
Biglang tumibok nang malakas ang puso ko. "P-Pupuntahan mo ba ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top