Chapter 53
Kahit parang labag sa loob niya'y ihinatid pa rin niya ako sa aking apartment. Nakatigil ang sasakyan niya ngayon sa harap nito, ilang minuto na rin kaming nasa loob lang. Walang gustong magsalita sa aming dalawa, para na kaming nagpapaligsahan sa pagbuntong-hininga.
Ilang sandali pa ay nainip na ako at tinanggal na ang aking seatbelt.
"Bababa na ako, salamat sa paghatid."
Bubuksan ko na sana 'yung pinto ngunit ni-lock niya 'yon bigla. Sinamaan ko siya ng tingin pero wala lang 'yon sa kanya.
I sighed. "Umuwi ka na rin, magpahinga ka na."
"Davina, gusto kong respetuhin ang desisyon mo."
"Mabuti naman."
"Alam kong nasaktan kita sa ginawa ko noon."
Tinapik ko ang braso niya. "Ayos na nga iyon, napatawad na kita."
"Pero,” he paused. “Ayokong magsinungaling. Alam nating pareho na hindi tayo puwedeng maging magkaibigan lang." Nagbuntong-hininga na naman siya.
Natigilan ako dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano bang dapat kong sabihin. Ayoko rin naman na magsinungaling, hindi naman puwedeng tanggapin ko siya gayong alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa.
"Hindi pa ako handa."
"Maghihintay ako."
"Wala akong timeframe na maibibigay sa'yo kung kailan ako magiging handa. Mahihirapan ka lang, mahihirapan lang tayo." Paano kung hindi ko na pala talaga kaya na magtiwala ulit? Ayoko namang maging unfair sa kaniya, deserve niya pa rin ang sumaya. At tsaka mahal ko naman siya kaya maiintindihan ko. Naintindihan ko na nga siya noong una, eh.
"Kahit pa, I'll still continue to pursue you."
Ang kulit naman niya! "Pagkakaibigan lang ang kaya kong i-offer, kung ayaw mo'y edi huwag. Mas mabuti pa nga na umakto na lang tayo nang parang walang nangyari."
He hissed like I hit a nerve. "I don't want to be labeled as your friend."
Drake looked so frustrated, and I am sure he really is. Kasi pikon talaga siyang tao, pero minsan ko lang siyang marinig magmura.
"Hindi na nga, wala namang pumipilit sa'yo."
"Consider me as your suitor."
"Ayaw ko nga! Basted ka na sa akin!" Ang kulit!
"Bastedin mo ako hanggang gusto mo. I just want to show my world how much I love her. No pressure."
True to his words, totoo ngang hindi siya tumigil sa pangliligaw sa akin. Hindi naman kami lumalabas, palagi lang siyang nagpapadala ng pagkain, sulat, regalo at mga bulaklak. Ngayon ay napatunayan kong magpinsan nga talaga sila ni Air. Ang hilig nilang magbigay ng mga bouquets!
"Why do you go out with Air but not with me?" 'Yan kaagad ang pambungad niya pagbukas ko ng pinto. May dala siyang mga pagkain at kape, mayroon pang box ng donuts.
"He is my friend. Ikaw, hindi naman kita kaibigan, ah?"
Umirap siya, "Of course."
Ang taray neto! Paselos-selos pa siya kay Air, siya naman ang pumili na hindi maging kaibigan ako. "Kung naiinggit ka'y tumigil ka sa panliligaw mo para maging friends na lang rin tayo." Tumawa ako at tumabi sa gilid ng pintuan para papasukin siya sa loob.
"Huwag na, sa'kin rin naman mapupunta ang lahat ng atensyon mo kapag sinagot mo na ako." Confident niyang sabi at nagkibit-balikat. Sumisipol-sipol pa itong si gunggong papunta sa lamesa.
Hapon na umalis si Drake, tapos napagpasyahan ko nang mag grocery nang mapnsin kong paubos na rin ang mga stock ko. Sakto naman na tumigil sa harapan ko ang sasakyan ni Air habang nag-aabang ako ng tricyle, nagbaba siya ng bintana kaya kumaway ako. Nakakunot ang noo niya at napatingin sa passenger seat kung saan naroon ang isa na namang boquet.
"May pupuntahan ka?" Tanong niya matapos tumingin sa itim na relos.
"Oo, d'yan lang sa grocery."
"I'll go with you."
Umiling kaagad ako, "Nako, huwag na! Kaya ko nang mag-isa."
"Mago-grocery din ako."
Kinunutan ko siya ng noo dahil halata naman na sinabi niya lang iyon para masamahan ako.
"Grabe ka naman makatingin! I do groceries too. Tara?"
"Sige na nga." Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan.
Para makaupo ako ay dinampot niya 'yung boquet at ihinagis iyon sa backseat.
Ah, hindi pala para sa akin iyon? Mabuti naman at mukhang may iba na siyang nililigawan.
Ang sarap mageklamo dahil sa grocery na ito niya pa ako dinala. Parang ginto kasi ang mga paninda rito kumpara doon sa lagi kong pinamimilihan. Pareho lang naman ng brand! Kaso lang baka sanay kasi talaga siya rito, pinalagpas ko na lang kasi hinatid niya naman ako.
Kumuha na akong ng maliit na push cart tapos gumaya na rin siya, inilabas ko ang cellphone ko at pumta sa notes kung saan ko inilista 'yung mga bibilihin ko. Paglingon ko kay Air, napansin ko na parang wala naman siyang balak mamili. Sunod lang siya nang sunod sa akin, parang props lang iyong push cart niya.
"May balak ka ba talagang mag-grocery?"
"Oo, pupunta na nga ako doon sa may mga karne." Napahawak siya sa leeg at nag-iwas ng tingin.
Umirap ako pagtalikod niya. Paano naman ako maniniwala doon parang hindi pa nga niya alam kung saan nakapuwesto iyon.
"Fem wash." Nagsimula akong magbasa ulit, habang naglalakad at nagtitingin sa mga isle.
"Ouch!" Sabi nung babaeng aksidente kong nabangga ng push cart.
"Hala, sorry Miss- Yaelle?"
Tinitigan niya lang ako, pakiramdam ko nga'y lalo akong nanliit dahil doon. Iba talaga ang tingin ng isang ito, lalo siyang tumaray. Nagpaikli kasi siya ng buhok, pero bagay naman sa kanya.
"Sorry talaga! Hindi ko sinasadya, may hinahanap kasi ako kaya hindi kita napansin." Pagpapaliwanag ko.
"Actually, sinadya ko talagang magpabangga sa'yo." Ngumiti siya.
"Ha?" Bakit naman niya gagwin iyon? Nababaliw na ba siya?
"I saw Air's car on the way here and I decided to follow. Hindi ka pa rin pala niya tinitigilan ano?" Humalukipkip siya at iyon na naman ang tingin niyang may ibang ipinahihiwatig.
"Magkaibigan lang kami."
"Friends doing groceries together? What's that? A new trend?"
"Alam mo, kung ayaw mong maniwala. Tanungin mo siya, ayan siya sa likod mo, oh." Inginuso ko si Air na kanina pa nakatayo sa likod niya. Napalunok tuloy si Yaelle at natigilan, ako naman ang napangiti.
"Yaelle, sinusundan mo ako?"
"Yes!"
"Bakit? You rejected me a while ago."
Sarkastikong tumawa si Yaelle. "Ah? Kaya nandito ka ngayon kasama siya?"
Mukhang maiipit pa ako sa away ng dalawang ito, gusto ko lang namang mag-grocery!
"Sinamahan ko lang siya, kaibigan ko si Davina at ayaw kong mapahamak siya lalo't gabi na. Dont put too much on it." Humawak si Air sa braso ni Yaelle.
"Anong gusto mong isipin ko? A while a ago you were trying to pursue me and then now you're with the person you admitted you had feelings for. Then you're telling me that the reason you are with her is because you worry about her? And you're not worried about me? What if I accidentally bump my fucking car into a random post because of extreme distress?" Pinalo niya sa dibdib si Air kaya napaatras ito nang kaunti at binitawan ang braso niya.
"Tama na."
"Bakit ba hindi niyo makita ni Drake na pinapaasa lang kayo ng babaeng 'yan?! She doesn't want to lose you two, because she likes attention that much!"
"Yaelle!" Saway ni Air sa kaniya, tapos pareho na silang napatitig sa akin.
"Totoo naman 'di ba?! You enjoy knowing that two boys are wrapped around your fingers!"
Napahawak ako sa aking dibdib, para akong hihikain sa mga paratang niyang iyon. Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin, kaya inilihis ko na lang ang push cart ko para lampasan sila bago pa man tumulo ang luha ko.
Wala naman akong intensyon na gawin iyon, aanhin ko ba naman ang atensyon ng dalawang lalaki?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top