Chapter 52

    Nagising akong nakaunan sa braso ni Drake, nilalaro niya sa daliri ang ilang hibla ng buhok ko habang pinanonood akong matulog.

    Lord, napakasarap naman talagang gumising kung ganito palagi.

    “Good morning!” Nakangiting bati niya pagkatapos akong halikan sa labi.

Lalo akong na-concious sa ginawa niya kaya tinakpan ko ang bibig ko bago, “Mabaho pa hinginga ko, gunggong ka!”

     He chuckled, “Hindi naman.”

“Tsaka bakit pinapanood mo ba akong matulog? Baka mamaya ma-realize mong hindi ako ganoon kaganda tapos iwanan mo ako ulit” Sabi ko habang nakatakip pa rin ang bibig.

    “Ha? Ang ganda mo nga, habang tinititigan kita mas nakikita kong mukha ka talagang manika sa features mo.”

      “Ano, Drake? Anabelle pa rin?”

Humalakhak siya at pinisil ang ilong ko. “Ikaw ang nagsabi niyan.”

     “Gunggong ka talaga! 'Di na talaga kita sasagutin!”

    “Hindi raw? Ba't kagabi naman sigaw ka nang sigaw ng ‘Oh yes!’”

Bumangon ako at sinikmuraan siya, pero parang ako naman ang nasaktan dahil bigla kong naramdaman 'yong muscle pain na resulta noong ginawa naming milagro kagabi.

Si Drake naman kasi'y walang paawat!

Kitang-kita ko sa malaking bintana kung paano kami inabot ng umaga. Literal na "Fuck me till the daylight” ang eksena namin.

   Para doon nga yata 'yong pagkakape namin.

“Your muscle aches?” Biglang lumambot ang ekspresyon niya noong mapansin niya na napasimangot ako dahil sa sakit. Bumangon rin siya tapos hinalikan ulit ako sa pisngi.

     “Anong gusto mong kainin? Ano pa bang masakit sa'yo? Do you want me to get you some medicine?”

  Mas sinamaan ko siya ng tingin, tumayo kasi siya na walang suot na kahit ano tapos nag-unat. Napatingin tuloy ako sa alaga niya na labas-masok sa akin kagabi. Ang gentle niya ngayon, ibang-iba talaga!

   “Oh? Huwag muna 'to, tsaka na lang kapag sinagot mo na ako.”

Never mind, ano bang sinasabi ko?

  “Gunggong ka!” Nag-init ang mga pisngi ko.

   Tinawanan lang niya ang reaksyon ko kaya inirapan ko na lang siya.

“I'll just wash up, tapos ibibili kita ng gamot.” Sabi niya bago pumasok sa loob ng shower.

Pagpasok niya ay bumangon na rin ako mula sa kama. Dinampot ko 'yong puting longsleeve na panloob niya sa suot niyang suit kagabi. Iyon nalang muna ang isinuot ko dahil wala pa akong lakas para hanapin 'yong mga damit ko na pinaghahagis niya.

Hanggang hita ko naman ang haba nito kaya puwede na. Itinupi ko nalang ang sleeves hanggang siko dahil mahaba sa akin iyon, nakahanap rin ako ng rubber band pantali ng buhok.

Habang pinupusod ko ang buhok ko'y napatingin ako sa digital clock sa may bed table, tanghali na rin pala akong nagising dahil alas-onse na. This explains why I feel irritated, hindi kasi ako talaga sanay sa ganitong gising.

Pumunta ako sa balkonahe at pinagmasdan 'yong taal lake na hindi ko matanaw kagabi. Ang linaw-linaw na nito ngayon, ang sarap sa mata noong pagkaasul ng langit na puno ng mga makakapal at puting ulap. Parang ang sarap pa subo dahil mukhang cotton candy sa paningin ko.

Napakaganda rin noong crater na napalilibutan ng berdeng mga halaman. Na miss ko tuloy sa probinsya, kahit saan rin ako lumingon doon ay ganito kaganda ang tanawin. Nakakamiss rin pala 'yong mga manok na gumigising sa amin tuwing umaga, pati 'yong mala armalite na bunganga ni tiya. Hindi ko akalain na hahanapin ko 'yon.

Magbakasyon kaya muna ako roon? Syempre... kasama si Drake dahil ayaw ko nang malayo sa kaniya. Baka mamaya'y kay Arlene naman siya bumalik, kagaya noong nauna niyang plano. Ayaw ko naman nu'n.

   “Gutom ka na? Bibili ako ng pagkain at gamot.” Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Dahil doon ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Ipinatong ni Drake ang baba niya sa balikat ko bago inamoy ang leeg ko at hinalikan iyon.

    Inalis ko ang yakap niya't hinarap siya para titigan nang mas mabuti.  “Maliligo na rin ako, sasama na lang ako sa'yo pagbili. Pero... kailangan ko ng damit.”

Nakatapis lang rin siya ng tuwalya. “Bibili na lang ako ng mga damit natin tapos babalikan kita rito. Wait for me, alright?”

Hindi ko alam pero parang may kumirot sa puso ko noong marinig ko ang salitang "babalikan kita".

   “Puwede bang huwag ka na lang umalis o kaya sasama na lang ako sa'yo?” suhestiyon ko.

   Nangunot ang noo niya, “May problema ba?”

  “Wala, gusto ko lang sumama.” Nanggilid ang mga luha ko. Ang totoo'y natatakot akong na bigla na naman siyang hindi magparamdam sa akin.

    “What's the matter?” Hinatak niya ako at ikinulong sa kaniyang yakap na lalong nagpabuhos ng luha ko.

    “Bakit ka ba umiiyak? Puwede mo namang sabihin sa akin kung anong problema. Susubukan nating ayusin.”

It's me, I'm the problem. I can't seem to trust him anymore. Napaparanoid ako na sa bawat galaw niya ay pwede niya akong iwan ulit. Ayaw ko itong nararamdaman ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

     “Please, hintayin mo ako? Sabay na tayong bumili.”

Kahit naguguluhan dahil wala akong ibinigay na eksplensayon ay pumayag pa rin siya sa hiling ko, inuna naming bumili ng mga damit para makapagpalit agad. Pagkatapos noon ay nag-ikot na kami sa mall at hindi ko na binitawan ang kamay niya.

   Napagpasyahan namin na sa paresan kami kumain, pumwesto kami sa pinaka dulo para wala gaanong tumitingin sa amin. Napakagwapo naman kasi ng kasama ko kaya ang daming leeg na nababali kapag dumadaan siya, kaya rin habang nag-oorder siya ng bibilhin ay nakatitig lang rin ako sa kaniya.

  Ewan ko ba, feeling ko kasi anytime na mawala siya sa paningin ko'y tatakasan niya ako.

“May gusto ka pa bang kainin?” Tanong niya pagbalik sa akin.

   Hinawakan ko ang kamay ni Drake at pinilit na siyang umupo.“W-Wala na, dito ka na. Kumain na tayo, baka mamaya 'di ka na bumalik.”

   Parang naiinis siya pero nagawa niya paring tumawa, “Hindi naman ako mawawala.”

“Malay ko ba kung sinasabi mo lang iyan.”

    Humugot siya ng malalim na hininga at hinawakan ang kamay ko, napatingin ako roon dahil bahagya niya iyong pinisil.

     “Davina, I can't promise to be with you all the time because I am my own person too but one thing is for sure, I won't ever leave you hanging again.”

Nag-angat ako ng tingin sa mga mata niya, gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya pero pinipigilan ako ng takot. Iniisip ko tuloy na umatras na lang sa lahat ng ito bago pa ako masanay ulit sa kaniya.

Ang hirap-hirap kasing bumangon at ayusin ang sarili ko. Hindi pa nga ako gaanong buo nang bumalik siya, tapos madudurog na naman ako kapag iniwan niya na naman? Hindi ko na yata kakayanin, tuluyan na akong mababaliw.

    “Okay.”

Tahimik lang kaming kumain, hanggang bumalik kami sa sasakyan niya ay hindi pa rin kami nag-uusap. Parang mayroong invisible na pader sa pagitan naming dalawa dahil kahit titigan siya'y hindi ko na magawa.

   Pinagbukasan niya ako ng pinto sa shotgun at pinanood ko siya mula sa windshield habang pabalik naman siya sa driver's seat.

      “Parang hindi ko na pala kaya.” Pagkapasok niya'y iyon agad ang bungad ko kaya natigilan siya't napatitig sa akin.

Sinuri niya ang buong mukha ko, iniisip niya sigurong nagbibiro lang ako. Nang mapansin niya na seryoso ako'y idinikit niya ang likod ng palad sa leeg ko para naman suriin kung nilalagnat ako.

   “Anong hindi mo kaya? Pagod ka na ba? Gusto mong umuwi na tayo? ”

“Drake, okay na sa akin na nakapag-paliwanagan tayong dalawa. Okay nang napatawad natin ang isa't-isa, huwag na nating subukan na maging tayo pa.”

    “Ha? May nagawa ba ako? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?”

“Hindi ko na kasi kayang sumugal ulit, Drake. Sobrang natatakot na ako, ayaw kong masanay ulit sa'yo o kahit na sa kanino. Tsaka mahihirapan ka lang rin sa akin kasi hindi ko pa kayang magtiwala.”

Humawak siya sa kaniyang sentido at tumingala bago salubungin ang titig ko, sobrang namumula ang mga mata niya at naiipon ang luha sa gilid nito.

     “Ayos lang naman sa akin kahit mahirapan ako, kasalanan ko rin naman kung bakit nawala ang tiwala mo sa akin. Davina, subukan lang natin?” Bakas ang sakit sa boses niya.

Ngayon pa nga lang ay nahihirapan na siya. Bakit gusto niyang patagalin pa? Mahal ko siya, kaya nga ayokong magkagkasakitan pa kami lalo.

      “Iuwi mo na ako sa apartment ko.”

“Davina, please?”

    Umiwas ako ng tingin. “Puwede pa rin naman tayong maging magkaibigan.”

    Umiling-iling siya. “We can't.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top