Chapter 51
Hindi na kami bumalik sa reunion na iyon, tinext ko na lang si Air na uuwi ako dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko na sinabi sa kaniya kung sino ang kasama ko.
Si Air, gentleman talaga siya. Hindi pa nga siya pumapayag na umalis ako, gusto niya pa nga raw akong ihatid dahil siya ang nagdala sa akin dito. Pero wala siyang magagawa dahil tumanggi ako at pinagmadali si Drake na umalis kami para 'di na rin kami maabutan, mukha tuloy kaming nagtatago.
"Salamat at nakapag-usap tayo ngayong gabi." Ani Drake habang nakapokus ang mga mata sa kalsada.
"Oo nga, tsaka mabuti nga't bumalik ka pa."
"Bakit? Kung hindi ba ako bumalik? We're you already considering to be with Air?" May halong pang-aakusa ang tono niya.
"Gunggong! Ayaw ko na ngang magkaroon ng karelasyon dahil sa ginawa mo sa akin, tapos iniisip mong jojowain ko pa ang pinsan mo?"
Ang galing rin naman ng utak nito, kakapaliwanagan lang namin kanina'y parang mag-aaway na naman kami ulit
Nagbuntong-hininga siya nang malalim. "Ganoon ba talaga kita nasaktan?"
"Drake, halos mag-isa na lang ako buong buhay ko. Tapos bigla kang dumating, we became partners- in crime. Mayroon na akong nakakausap palagi, tapos umamin at biglang nawala na parang bula. Hindi ba masakit iyon?"
Mahirap para sa akin na alalahanin iyon, pero kailangan kong sabihin ito sa kaniya kung gusto kong magkaintindihan kami.
"Tsaka puwede ba? Tigilan mo ang pagdududa sa akin na any moment ay kaya kitang ipagpalit sa iba. Hindi mo sana ako kasama ngayon kung may iba na ako." Dagdag ko pa.
Alam kong may takot siya na maloko ulit, na ipagpalit ulit. Given his past about Arlene, pero sana naman ay huwag niya akong igaya sa babaeng iyon dahil magkaiba kami.
"Pasensiya na."
"Pasalamat ka't mabait ako." Sabi ko para gumaan naman ang atmosphere namin dito.
"Davina, pasensiya na talaga. Minsan kasi iniisip ko na baka mas marami pang iba d'yan na makakapagpasaya sa'yo, na maaalagaan ka nang tama. Baka may makilala ka na mas higit pa 'yong kayang ibigay sa'yong pagmamahal kaysa sa kaya ko."
I like hearing his thoughts. Mas mabuti talaga na nagsasabi siya ng totoong nararamdaman niya, kaysa itatago lang niya tapos bigla siyang mawawala pag napuno na.
"Sapat na naman sa akin kung anong kaya mong ibigay. Hindi naman ako nanghihingi ng kahit na ano, tiwala at pag-iintindi lang na galing sa'yo. Alam ko naman kasi na 'yang nararamadaman mo ngayon is somehow from your past relationship, you still have some emotional baggages and I understand that."
"No, it's not that."
"Drake, kahit ano pang pag-deny ang gawin mo ay alam nating pareho ang totoo. Just accept then overcome it, sasamahan naman kita in the process. Hindi kita iiwan kahit minsan ay mahirapan akong intindihan ka."
Itinigil niya ang sasakyan sa tabi at pinunas ang luha niya sa kaniyang manggas, yumuko siya sa manibela at nagtaas-baba ang likod niya dahil sa pag-iyak.
"It's okay," hinagod ko ang likod niya.
Pagkatapos nag-angat siya ng tingin, pinunasan ko ng luha niya at ngumiti lang. After that, he embraced me so tightly.
"I don't know what I did to deserve you, but I'm so thankful that I met you." Bulong niya.
Dahil doon ay napaluha na rin ako. Napakasarap sa pakiramdam na 'yong taong mahalaga sa'yo ay na-appreciate ka rin.
"I'm really sorry for leaving."
"Sorry rin sa mga nasabi ko kaya nagawa mo 'yon."
Alam kong pareho kaming nagkamali, hindi kami nagkaintindihan noong mga panahong iyon. Even though pareho na pala kami ng nararam para sa isat-isa noon, we lacked communication, and we're both insecure.
Kaya sa pagkakataong ito ay umaasa ako na masolusyonan namin ng paraan ang mga naging problema namin noon.
"No Davina, I am at fault. Totoo nga siguro 'yung sinabi mo. Kulang pa talaga ang lakas ng loob na naipon ko noon kaya nagawa ko paring lumayo, imbes na dapat pinatunayan ko sa'yo na mahalaga ka sa'kin. Kaya humihingi ako ng patawad kung hindi ako naging matapang para ipaglaban ka."
"Si Drake ka ba talaga?"
Pabiro kong tanong, parang hindi kasi siya itong kausap ko ngayon. The Drake I knew wouldn't even have admitted his fault, 'yung Drake rin na kilala ko ay hinding-hindi hihingi ng patawad dahil mataas pa sa puno ng niyog ang pride noon.
"Davina."
"Hindi kasi ako sanay na magbaba ka ng pride. Si Drake Francisco Garcia ka nga ba talaga?"
Ngumisi siya. "May nagturo kasi sa akin na sa isang relasyon daw ay hindi kailangan ng pride, dapat nagmamahalan lang. Kaya nga nandito ako ngayon sa harap niya para itama ang lahat, at patunayan na mahal ko siya. Ma. Davina Trinidad, can I court you?"
Kinagat ko ang pisngi ko sa loob para pigilan ang pagngiti.
"Parang tanga 'to."
"Please, hayaan mo akong bumawi man lang sa lahat ng naidulot kong sakit sa'yo noon."
"Paano kung ayaw ko? Paano pag tumanggi ako ngayon? Anong gagawin mo? Aalis ka na naman at hindi magpaparamdam?" Tinarayan ko siya.
Pero totoong gusto kong itanong iyon, kahit naman kasi narinig ko na ang mga dahilan niya'y may takot pa rin sa puso ko. Hindi naman kasi mabubura 'yon sa isang gabing pag-papaliwanagan lang namin.
"Kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin pero, ipapakita at ipaparamdam ko pa rin sa'yo ang pagmamahal ko. At hindi na kita iiwan kahit anong mangyari, ipaglalaban kita sa lahat. Nandito lang ako kasama ng mga pinapangako ko sa'yo ngayon."
Dinala niya ako sa Tagaytay para magkape, tapos nag-stay kami sa hotel kung saan tanaw 'yung taal. Medyo madilim na, hindi ko tuloy makita 'yong ganda. The lake was almost pitch black, hindi ko pa malalaman na lake iyon kung 'di nasinagan noong liwanag ng buwan ang tubig.
Walang sight to see, kaya naman nag-usap kami tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Ultimo 'yung plano niya na pagkuha ng lupa sa Batangas, gaano kalaking bahay at anong magandang sasakyan ang maganda para sa pamilyang may dalawang anak ay napag-usapan na namin.
Pati raw iyong paano ang gusto niyang kasal, pero depende naman raw iyon sa babae. Pati 'yong mga magiging anak din daw, pati bahay at kotse desisyon pa rin noong babae.
"Ano ba 'yan? Bakit ganito ang pinag-uusapan natin?" Tanong ko bago uminom.
Narito kami ngayon sa balcony, nakahilig sa railings habang may mga hawak na tasa na mayroong mainit na kape pampawi sa malaming na hangin.
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman, 'di lang ako sanay." Hindi naman talaga ako sanay. Wala naman kasi talaga akong plano sa buhay ko. Parang nabubuhay na lang naman kasi ako kasi buhay pa ako.
Tumawa siya, "Masanay ka na, because I won't shut up talking about our future."
"Ah, future pala natin?"
"The fuck, Davina? Sino pa ba sa tingin mo 'yung babaeng tinutukoy ko?" Nalukot ang mukha niya.
"Si Arlene?" Pang-aasar ko pa dahil na miss kong gawin ito.
Lalong nagsalubong ang kilay niya. "Seriously?"
"Oh? Gagalit ka?" Tumawa ako nang malakas. Pikon pa rin talaga ang Gunggong na 'to kahit kailan.
Inirapan ako ni Drake. Ang taray ha!
"Aba? Baka nakalimutan mong nanliligaw ka pa sa'kin? Gusto mong ma-basted?"
Bigla siyang humarap, parang paiyak na ang hitsura niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa.
"Please, don't. Inaasar mo kasi ako."
Kasi nga ang sarap niyang asarin dahil pikon siyang tao.
"Tsaka kung makapag plano ka naman ng future natin, akala mo talaga sasagutin kita."
"Davina, please?"
"Ito naman, joke lang!" Kahit nga hindi na siya manligaw sa akin ay ayos na. Pero sabi nga niya, kailangan niya pa rin na bumawi sa mga kasalanan niya sa akin.
Tumingkayad ako at pumikit bago siya sunggaban ng halik. I tasted coffee in his mouth, it was sweet because he always liked his coffee like that. Dahil sa gigil, kinagat ko pa ang gilid ng labi niya bago lumayo.
"Anong trip mo?"
"Ikaw," sagot ko.
Hinapit niya ang beywang ko at nagsimula ulit na halikan ako, sobrang tamis talaga ng labi niya. Hindi ko na tuloy alam kung sa kape pa ba iyon o siya na talaga, gusto ko tuloy matikman ang iba pang bahagi.
Pinutol ko ang paghahalikan namin at hinihingal na nagsalita, "T-Tara sa kama?"
Hindi ko naman na pala kailangan ng kape para magpainit.
Nakasimangot siya noong una kasi parang 'di niya maintindihan ang gusto kong sabihin... o gawin. Kaya naman ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng shirt niya tsaka ako tumingala at tumitig sa mga mata niya.
"Tara?" Tanong ko ulit.
Sa pagkakataong iyon ay sumilay na ang gwapong ngunit puno ng kademonyohan niyang ngiti. "'Di mo naman sinabi agad."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top