Chapter 50
“Papasok na ako sa loob.” Nilagpasan niya lang ako.
Anong problema niya?! Bakit parang bumalik siya sa dati naming pagkikita na walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ko?
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking mga palad bago sumunod sa kaniya.
“Bakit ka ba ganiyan, Drake?”
Hinawakan ko ang ang tela ng damit niya para pigilan siyang lumayo. Umubra naman iyon dahil hinarap niya ako.
“Bakit ano?” Kitang-kita ko sa mata niya na parang wala siyang pakialam sa akin. Wala na talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko.
“Bakit kung tumitig ka– p-parang hindi mo na ako kilala? Ano bang problema mo at nagkaganiyan ka na naman?”
Ngumisi siya nang puno ng sarkasmo, “'Di ba 'yon naman ang gusto mo?”
Napaatras ako. “Hindi ko naman hiniling na iwanan mo ako, hindi ko hiniling na maging ganito ang pakikitungo mo sa akin. Wala ka man lang paalam, hindi ka man lang nagparamdam. Parang wala tayong pinagsamahan... Iniwan mo na nga ako sa ere, t-tapos ngayon parang wala kang pakialam.”
Nakaya kong gawing dire-diretso ang pagsasalita ko, napigilan ko rin ang mga luha na ko na kumawala sa mga mata ko. Madiin lamang akong tumitig sa kaniya para ipadama ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.
“Sabi mo mag-Ex na dapat ang turingan natin pagbalik natin 'di ba? Sinunod ko lang naman ang gusto mo. Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na nangangamusta ng ex. You know that, Davina.”
“Pero hindi naman totoo 'yon relasyon na 'yun 'di ba? Isa pa, hindi mo ba naaalala na umamin ka sa akin?”
Umigting ang mga panga niya at sinalubong ang madiin kong titig. “Gusto mo bang ipaalala ko rin sa'yo ang mga sinabi mo? Nakalimutan mo rin ba 'yung sinabi mo sa akin na wala kang pakialam, kaya huwag na rin kitang pakialaman?”
“Nabigla ako. Ano bang gusto mong gawin ko? Tanggapin ka kaagad at magsimula na naman tayo ng bagong relasyon?” Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Masyado na kasing magulo! Noong una hindi naman kami magkakilala, tapos nang magkita kami ay kinaiinisan namin ang isa't-isa, naging pekeng magkasintahan, pagkatapos ay naging magkaibigan. Sobrang dami naming pinagdaan para makarating kami sa puntong naiintindihan na namin ang isa't-isa, at natakot akong masira 'yon kapag sumubok na naman ng bago.
“Naduwag ako noon, kaya ko nasabi ang mga bagay na 'yon.” I admit that I was just in denial.
“Ako ba hindi? Davina, I was fucking scared to confess, but I braced myself because my feelings for you is so much stronger than that fear. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin na bigla na lang nag-iba ang tingin ko sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa babaeng kinamumuhian ko noon na biglang gusto ko na siya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo, magagalit ka ba o matatawa? Ang daming gumugulo noon sa isip ko pero pinili ko parin na umamin sa'yo. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para sabihin 'yun.”
“Baka kulang pa? Kasi kung matapang ka, hindi mo ako iiwan nang basta-basta! Hindi mo man lang ako binigyan ng oras para makapag-isip. Drake, with all that confidence you're bragging, you can't deny that you're still a coward for running away just because I rejected you.”
“Sige, kaduwagan na pala ang masaktan ngayon? Pero gusto ko lang rin na ipaalam sa'yo na hindi ako umalis dahil lang sa pag-tanggi mo sa akin, kasi nung mga panahong iyon ay handa ako sa ano mang magiging sagot mo. Handa akong bigyan ka nang panahon para makapag-isip, pero ang hindi ako handa ay nang biglang magdesisyon ka na tapusin na lahat ng meron tayo. Hindi ako handa na makita kang may iba.”
Iyon bang kay Air ang tinutukoy niya. “Dahil lang doon, umalis ka? Umamin-amin ka sa akin, ginulo mo ang puso't isip ko tapos maglalaho ka.”
“Anong dahil lang doon? You've been very vocal about your feelings for him. Ano sa tingin mo ang iisipin ko nang makitang yakap ka niya, pagkatapos mo akong hiwalayan? Davina, tao lang rin naman ako. Nasasaktan rin ako at alam ko rin kung kailan ako dapat lumayo. Isa pa, baka maging mas masaya ka sa kaniya.”
Hindi ako nakasagot, dahil nakukuha ko ang punto niya. Ako man ay magiging ganoon rin ang reaksyon. Everything happened so fast that he didn't have the time to process his feelings.
Pero masaya? Hindi ako masaya, lalo na sa ginawa niya.
Napakagat ako sa aking labi at tumango, “Kung ganoon, naiintindihan ko na. Salamat sa pag-uusap na 'to kasi sa wakas alam ko na 'yung dahilan mo at makakapag-move na ako sa lahat. Pero gusto ko lang rin na klaruhin sa'yo na walang namamagitan sa amin ng pinsan mo, kasi may iba akong nagugustuhan.”
Maybe... closure is what I really need. Oo, masakit pa rin. Maraming bagay akong napaghihinayangan, pero ano pang magagawa ko kung tapos na? Hindi ko naman na mababago 'yong mga nangyari, ang mahalaga'y alam ko na ang mga dahilan niya. Hindi na ako mahihirapang matulog sa gabi dahil sa pag-iisip kung bakit bigla siyang nawala.
“Maiwan na kita.” Ako na naman ang naunang maglakad sa kaniya ngayon, kapit pa rin ang coat sa balikat ko.
“Sandali lang.”
Bigla niyang hinila ang braso ko at ihinarap ako sa kanya, nahulog sa damo ang coat kasabay noong pag-ikot ko. Dumikit ang katawan ko sa dibdib niya at ang mga tingin nami'y nagtama sa isa't-isa.
Bumuntong hininga siya, pumikit at lumunok bago salubungin muli ang titig ko. “Davina, do you like me?”
Hinampas ko ang dibdib niya. “Tanga ka ba?”
Bumaba ang kapit niya sa beywang ko at mas humigpit iyon, parang kinakapos siya ng hininga at hirap na hirap siyang magsalita. “Sabihin mo sa akin kung gusto mo rin ako, ipaglalaban kita.”
Hindi ako sumagot. Bahala ka.
“Ma. Davina,” tawag niya.
“Gusto kita.” He rested his head on my shoulder then hugged me tighter.
“Gusto kita,” ulit niya.
“G-Gusto rin kita.” Halos bulong na sabi ko. Pumikit ako at bahagyang naluha. Because this moment feels so pure.
Nag-angat siya ng tingin, “Totoo?”
Tumango ako na may ngiti sa labi ngunit may luha sa mga mata. “Oo nga, gunggong ka–”
Hinawakan niya ang baba ko at inilapat niya ang labi niya sa akin, mayroon ibang pakiramdam iyon. Dumaloy ang sensasyon nito sa buong katawan ko kasabay ng paghaplos ng malapad at mainit niyang palad sa balat ng likod ko.
“Tangin... namiss kita.” Tumigil siya saglit para huminga, tumawa nang maikli bago ako sinunggaban ulit. May gigil pero maingat ang bawat halik niya.
This kiss felt like a warm water from the shower after enduring a cold night outside. I can taste every bite, every suck, and every lick. And we didn't want to stop, we cannot stop. Because I know deep inside that we've always longed for this.
We've already wasted so much time from holding back, so we're not going waste it again from running in circles.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top