Chapter 49

Narito ako sa aking kuwarto nakatitig sa repleksyon ko sa harap ng isang full body mirror, suot ko ang isang tube top na emerald green satin dress. Pinaresan ko ito ng silver na hikaw at bracelet, pero suot ko pa rin sa kabila 'yung bracelet naman na binigay ng nanay ko. I always wear this because I consider this as my lucky charm, and it also has a very high sentimental value to me. Hinayaan ko lang na nakalugay lang aking buhok na kinulot nang bahagya, ako na rin ang nag-make up sa sarili ko dahil kahit papaano ay natuto na ako.

Hinihintay ko na lang ngayon si Air na sunduin ako, para makaattend na kami sa reunion ng highschool batch nila. Napagpasyahan kong sumama na lang dahil rin sa sulsol nila Bria, wala raw namang masama na sumama ako. Tsaka mas mabuti raw na lumabas-labas ako kaysa magmukmok sa loob ng apartment ko. Tama nga naman.

Tinawagan kaagad ako ni Air noong nasa labas na siya, hindi niya ibinaba 'yong tawag hanggang marating ko ang sasakyan niya. Gusto niya pa sana akong puntahan pero sinabi ko na maghintay na lang siya, para didiretso na lang kami.

"Hi!" Bati ko sa kaniya, naka on pa rin ang call namin kahit magkaharap na kami.

Nakatayo siya sa tabi ng kotse niya, at nakabukas na rin ang pinto ng passenger seat noon para sa kin.

"You look so gorgeous tonight." He smirked. Air was wearing a black suit, and an emerald green tie.

Napanguso ako dahil doon, halatang 'di niya pinaghandaan ito, ah? Low-key matching ang attire namin.

"Really, Air? Prom ba ang pupuntahan natin?"

"What?"

"What-what ka d'yan! I know what you're trying to do."

Ngumisi siya, 'yung nanghahamon. "What am I trying to do?"

"Y-You're trying to make us look like a couple."

"No, that's not true! I'm not trying to make us look like a couple, I am hoping for us to be a couple." He clarified. Then he laughed, caressing his own chest.

"I told you to stop flirting with me, Air."

"I just love seeing your reactions."

I rolled my eyes. "Ano ba?"

Habang nagmamaneho siya papunta sa venue ay kung anu-anong random stuff ang ikinikuwento niya. Kulang na nga lang pati ang kulay ng underwear niya ay i-share niya sa akin. Nang maging close kami, doon ko lang nalaman na napakadaldal pala ni Air.

I have also noticed that this guy is a big flirt. Parang normal na sa kaniya iyon, it was like flirting is his way of communicating, especially when with women. Pero ang sabi naman niya hindi raw panglalandi iyon, he claims that he's just being friendly.

Like I'd buy that?

Nang makarating kami sa venue ay gusto ko na kaagad umuwi. Sobrang daming tao rito, tapos wala pa ni isang pamilyar sa akin. Hindi katulad ni Air na kahit saan pumunta rito ay kilala siya. Paulit-ulit siyang nakikipag small talk sa iba, at paulit-ulit niya rin ako ipinakikilala sa mga iyon.

The place is nice, it almost looks like a wedding reception because of the LED lights and cloths draping from the ceiling. But it's boring for me, I thought it would be fun to go here with him. Pero paano nga naman magiging masaya 'to? I'm in a reunion with bunch people I don't even know.

Heck! I couldn't even do a small talk with them, because they want to do is to reminisce the past. Reunion, e!

Naupo na lang ako sa isang tabi habang may kausap na naman si Air, hindi na ako nagpaalam kasi busy naman siya. Lalo na't ex girlfriend pa nga 'ata niya iyong isa sa tatlong babaeng kausap niya.

Inilabas ko ang phone ko sa bag at kinuhanan ng letrato ang lugar. I posted it in my social media pretending that I'm enjoying the party. Pero hindi naman talaga!

Hindi ako nakuntento sa pag-upo sa tabi, kaya nag-ikot na lang ako. Habang ginagawa ko iyon ay marami tuloy akong nadaan na server na nag-aalok ng champagne. I drank all of them thinking that it was some kind of quest or obstacle.

Medyo tipsy na nga ako, hanggang sa nakahanap ako ng labasan. It was a garden with a water fountain in the center, the thing was illuminated with golden lights. Umupo ako sa tabi noon at isinawsaw pa ang mga kamay ko.

Naramdaman ko ang lamig ng tubig sa palad ko, pati ang lamig ng hangin na dumampi sa likod at mga braso ko. Tapos napatingin ako sa loob, kung saan ginaganap ang high school reunion nila Air. Naririnig ko rin nang kaunti ang music doon, may ilang spot lights ang umaabot rito dahil sumasayaw-sayaw iyon.

Somehow, I was contended watching those people from afar. Hindi ako bagay doon, hindi ako makasabay sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito?"

Lalo akong nanlamig noong marinig ko ang boses na iyon, hindi ko pa siya nililingon pero nakilala ko na kaagad siya. Narinig ko ang paghakbang niya dahil sa tunog ng mga dahon na naaapakan ng sapatos niya.

"Bakit ka nasa labas?"

Naramdaman ko ang pagpatong ng coat sa balikat ko ko. Naipon na ang luha sa mga mata ko noong titigan ko siya. Mabilis na rin ang pagkabog ng dibdib ko.

"Drake."

I didn't get a response so the silence enveloped us, all I can hear was the gushing water from the fountain, and the distant music from the event.

"I'm going." Nag-iwas siya ng tingin at nilagpasan ako.

"Drake, sandali lang!" Hinawakan ko ang coat niya na nasa balikat ko para hindi ito malaglag nang habulin ko siya. Nakailang ulit ako ng tawag sa pangalan niya pero parang wala siyang naririnig.

"Kausapin mo naman ako, oh?" Naninikip na ang dibdib ko nang hilingin ko iyon.

Kahit ito na lang, Drake.

"Ano pa bang gusto mong pag-usapan?" Walang emosyon ang mga mata niya nang harapin niya ako.

Napaatras ako dahil sa awra niya, para bang hindi na siya 'yong dating nakilala ko. Oo nga't, hindi naman maganda ang unang pagkikita namin noon. He despised me the first time he saw me, he made it clear that he hated me.

'Yung galit niya noon, kaya kong tiisin kung iyong ang ipapakita niya sa akin ngayon. Ayos lang sa akin kung gusto niya ulit na bumalik kami doon sa dati na magkaaway palagi. Hindi 'yong ganito! Ayoko ng ganito na kung titigan niya ako ay parang wala siyang pakialam.

"T-Tungkol sa atin."

"E 'di, wala?"

Nangunot ang noo ko at parang namilipit ang dila ko. Nagsimulang pumatak ang aking mga luha, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong itanong, at isumbat sa kaniya pero nakalimutan kong lahat iyon ngayong kaharap ko siya.

"Gago ka!" I slapped him hard before I burst into tears.

Hindi niya alam kung gaano kasakit sa akin iyong ginawa niyang pag-iwan nang walang pasabi. It added to the grief I was already experiencing because of my parents. It fucking made me question my self worth! Tapos ngayon magpapakita siya sa akin at hindi man lang ako bibigyan ng kahit anong ekplenasyon?

"Gago ka Drake!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya habang umiiyak. Hinayaan nila niya lang akong gawin ko iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top