Chapter 48

Inihatid ako ni Air sa loob ng apartment at pinaupo sa couch na parang siya ang nagmamay-ari nitong lugar. Tumigil na ako sa pag-iyak ngunit humihikbi pa rin dahil sa tindi ng pagbuhos ng emosyon ko kanina.

"I don't like watching you cry." Iniipit ni Air sa tainga ko ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"S-Sorry, bigla na lang kasing pumasok sa isip ko."

Bumuntong hininga siya at ngumiti, "Pero kung 'yan ang makakapag-pagaan ng pakiramdam mo ay ayos lang. Sasamahan kita hanggang sa maging okay ka."

Nagtama ang mga tingin namin at pinagkatitigan ko lang ang mga mata niya, ngunit tinapos niya iyon nang tumayo siya.

"Ikukuha lang kita ng tubig."

"A-Ako na lang, nakakahiya na sa'yo. Naistorbo na nga kita."

Tumawa siya nang mahina bago nagsalita, "Kung tayo na lang kayang dalawa?"

"Air."

"Biro lang, ako na ang kukuha. Magpahinga ka na lang muna diyan, tsaka ka na lang bumawi sa akin."

Bumalik ako sa pagkakaupo at pinanood na lang siyang kumilos at hinintay siyang bumalik dala ang isang baso ng tubig.

Inabot niya sa akin iyon at tsaka siya tumabi.

"Salamat talaga, Air." Saad ko pagkatapos uminom ng maligamgam na tubig.

"Wala 'yon, palagi mo lang tatandaan na nandito ako sa tuwing kailangan mo ng kausap. I'm always here for you."

Pagkatapos ng gabing iyon ay palagi niya na talaga akong sinusundo, tapos kapag may oras ay inaaya niya akong kumain sa labas. Pero habang maaga pa ay nilinaw na namin sa isa't-isa ang lahat. We've drawn the line, we already agreed that we'll just be friends. Pagkakaibigan lang rin kasi ang kaya kong i-offer sa kaniya. Sa ngayon. Tinanggap naman niya iyon at hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Pero hindi niya ako masusundo ngayon kasi wala akong pasok dahil holiday. Mabuti rin na minsan ay hindi kami nagkikita dahil parang mali naman na palagi kaming magkasama kahit magkaibigan lang kami. Hindi ko rin naman siya best friend.

Ewan ko, baka ako lang rin ang naiilang sa ganoong set up.

"Aray!" naibulaslas ko. Naghihiwa kasi ako ng sibuyas nang biglang may kumatok, tuloy ay aksidenteng nahiwa ang hintuturo ko. Sinipsip ko ang dugo sa kaliwang hintuturo ko habang naglalakad papunta sa pinto.

Lalo akong napasimangot nang bumungad sa akin ang mukha noong kumatok.

"Kumusta na?" Ang laki ng ngiti ni Air.

Napatingin ako sa kamay niya na may hawak na bulaklak at box ng cake. "Anong ginagawa mo rito?"

"I've brought your favorite. Aren't you going to invite me over?"

Akala ko ay hindi kami magkikita ngayon, pero hindi pala mapipigilan ng holiday ang isang ito. Pagkatapos ay gaya ng palagi niyang ginagawa ay may dala na naman siyang bulaklak para sa akin.

"Hindi ko naman paborito ang bulaklak. Tingnan mo nga oh, nabubulok lang 'yan dito. Bakit kasi bigay ka pa nang bigay?" Itinuro ko sa kaniya ang lamesa na pinaglalagyan ko ng lahat ng bouquet na binibigay niya.

"I give you flowers, just because-"

"Oh siya, pumasok ka na't may ginagawa pa ako!" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil parang alam ko na ang kasunod noong "Just because" niya.

"Thank you!" Mas lumawak ang ngiti niya.

Napabuntong-hininga ako. "Air, malinaw naman siguro sa'yo?"

"Of course," he flashed a reassuring smile.

"Nasabi ko naman sa'yo na hindi pa ako handang pumasok sa mga ganoong bagay 'di ba? Ayoko lang magkaroon ulit tayo ng misunderstanding."

Nagseryoso siya bigla. "Don't worry, Vina. I respect and understand your decision. I'm doing these things because I want to, it's not like I'm trying to make a move or anything, I do this because I genuinely care for you."

Napangiti ako, mukha naman kasi naman kasi siyang sincere sa mga sinasabi niya. "S-Salamat kung ganoon, ayaw ko lang kasi na maulit 'yung dati na magkaiba pala tayo ng pagkakaintindi sa kilos ng isa't-isa."

"Yeah, and it's good that we are now able to have these kind of conversations. Parang mas gusto ko na ngang magkaibigan tayo, kasi puwedeng-puwede kitang dalawin sa tuwing namimiss kita." Kumindat siya.

"Huwag mo na akong gamitan niyang mga bulok mong paandar dahil hindi na tatalab sa akin 'yan."

"Malay mo naman, baka isang araw makalusot?" Humalakhak siya.

"Aabutin muna nang ilang milyong taon bago mangyari ang isang araw na sinasabi mo."

"Edi magiging kaibigan mo ako nang ilang milyong taon."

Inirapan ko siya at bumalik sa kusina para ituloy ang iluluto kong sinigang, dadamihan ko na ang sabaw tutal narito na rin naman siya.

Sumunod siya sa akin at tumayo siya sa tabi ko habang nakahalukipkip pa habang pinapanood ang ginagawa ko.

"Ang ganda ng ganitong view, you're like a wife cooking dinner for your husband."

"Siraulo ka! Doon ka na nga!" Sutil rin talaga ang isang 'to!

"I'm just kidding, continue doing your thing."

Hatinggabi na umuwi si Air, marami siyang nakain dahil pinaubos ko sa kaniya ang niluto kong sinigang. Masarap naman raw kaya ayos lang siguro. Tapos nag-share na lang kami sa dinala niyang cake, maliit lang naman iyon at pang dessert lang talaga ng isa hanggang dalawang tao.

Tsaka kaya naman pala siya pumunta rito ay para ayain akong maging ka-date niya sa darating na reunion ng high school batch nila sa Sabado.

Which is five days from now. Nagulat nga ako noon at muntik pang mabulunan. Bakit ako pa? It's not like I'm his girlfriend, paano niya ako ipakikilala sa mga doon?

Ang sabi niya ay pormal na party raw iyon, kaya tatanggi sana ako dahil bukod sa naiilang akong sumama sa kaniya'y wala akong maisusuot na formal attire. Pero nagmatigas siya, si Air na raw ang bahala sa lahat.

He even told me that the dress will be delivered tomorrow, sabihin ko lang daw sa kaniya kung ayaw ko ng design o kaya'y pag 'di kasya. Tapos susunduin niya rin ako para sabay na kaming pumunta roon.

But in the end, nasa akin pa rin naman ang desisyon kung sasama ako o hindi.

------------------------

Yung feeling na nung ash Wednesday nagpalagay ako sa noo ng cross , tapos ang hapdi.†

Totoo bang makasalanan pag ganun ? Wag naman Π.Π , sabi ng klasmeyt ko eh xD ..

•××ו

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top