Chapter 46
Mag-aalas dose nang madaling araw nang inihatid ako nila Lena at Bria sa bahay. Nakalimutan kong mahina nga pala ang alcohol tolerance ko at naparami ng inom. Hanggang kuwarto tuloy ang ginawa nilang pagbuhat sa akin dahil umiikot na talaga ang paningin ko kagabi. Hindi ko na rin alam kung sinong nagpapasok sa kanila o kung nakita ba ako ng mga magulang ni Drake.
Kumikirot pa ang ulo ngayon ko pero kinuha ko kaagad ang phone ko at nagpasalamat sa paghatid no'ng dalawa sa akin. Naisip ko rin na burahin na ang number ni Drake, pati 'yong mga texts at missed calls ko sa kaniya.
Wala... Bigla lang pumasok sa isip ko na gawin 'yon. Siguro senyales na 'yon na huwag na akong umasa sa wala.
Bumangon na ako sa higaan at bumaba sa kitchen para magkape, naabutan ko roon si Ma'am Camilla na kausap na naman si Drake. Alam kong siya 'yon dahil naka-loud speaker ang phone.
"Kumusta d'yan, anak?"
"I'm fine, how about you? How's Dad?" Tanong ni Drake.
Tumibok tuloy nang mabilis ang puso ko dahil sa expectation. Akala ko kasi ako na 'yung kakamustahin niya.
"Oh, Davina! Gising ka na pala!" Napansin ako ni Ma'am Camilla.
"Good morning po." Ngumiti ako tapos medyo malakas ang ginawa kong pagsagot para iparinig iyon kay Drake.
Magparamdam ka sa akin, loko.
"Ma, I need to go. Take good care of yourself." Biglang sabi niya.
"But-" In-end agad niya ang call.
Naglaho ang ngiti ko.
Ah? Pati boses ko ayaw niyang marinig.
Nagbuntong-hininga ang ina niya. "I think he's busy. Pero masaya ako dahil naisipan niya nang magtrabaho para sa kompanya. Sigurado akong tambak siya ng projects ngayon kaya limitado lang ang oras niya para sa atin."
Baka sa inyo lang? Wala naman talagang oras sa akin 'yon. Tsaka wala naman akong pakealam kung anong ginagawa ng anak niya.
"Siguro nga po." Plastik na ang ngiti ko.
"Sana naiintindihan mo siya, it's also for your future." Lumapit siya sa akin.
"Naiintindihan ko naman, pero hiwalay na kami. Hindi pa po ba sinabi ni Drake sa inyo?"
Kumunot ang noo niya at nawala ang gentle na ngiti ng isang ina. "Ha, hiwalay?"
"Opo, balak ko na rin ngang bumukod. Nakahanap na po akong ng apartment malapit sa trabaho ko, salamat po sa pagpapatira niyo sa akin dito." Sabi ko kahit wala pa naman talaga akong nahahanap na apartment.
"P-Puwede ka pa rin naman dito kung totoong hiwalay na kayo. Alam mong parang anak na rin naman ang turing ko sa iyo."
"Salamat nalang po, gusto ko na rin naman na matuto kung paano maging independent. Tsaka mahihirapan lang po akong kalimutan ang anak niyo kung mags-stay pa ako rito." I smiled.
"I hope you won't take this in anyway negative, hija. Pero bakit ba kayo naghiwalay?" She looked so concern.
Paniguradong nagtataka ito ngayon kasi napaka-lambing naman namin noon.
"Napagtanto po namin na masyado kaming magkaiba ni Drake. Palaging nagsasalpukan ang mga ugali at ideas namin. Nakakapagod na rin kaya mas pinili na naming itigil kaysa magkasakitan pa kami sa huli."
Consistent ang rason ko kung bakit kami naghiwalay. Misunderstanding. Pero sa totoo lang, 'di naman ako susuko agad kung totoo 'yong relasyon namin. I know how to lower my pride, I know how to compromise. I can fight in the name of love. Kaya nga iyon ang payo ko sa kaniya noon, because I practice what I preach.
"Sige, kung iyan ang gusto mo ay hindi na kita pipilitin pero huwag mong kalilimutan na puwede kang humingi ng tulong sa akin anytime. I hope you don't forget about me. " She patted my shoulders then hugged me after.
"Salamat po, hindi ko naman kayo kalilimutan."
Syempre, hindi naman ako katulad noong anak niya na 'di na magpaparamdam matapos makinabang. Tsaka parang nanay ko na rin naman talaga siya.
"I will miss you here."
Sa loob lang ng dalawang linggo ay nakahanap na agad ako ng bagong malilipatan. Hindi ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Bria at Lena. Hindi masyadong malaki ito at tama lang sa akin, convertible studio type apartment ang nakuha ko. Nagustuhan ko ito dahil 'di gaya ng ibang traditional na studio type apartments ay tago ang bedroom nito.
Isa't kalahating linggo na rin simula noong nakalipat ako rito, wala akong masyadong biniling gamit kasi furnished na naman. Medyo malaki nga lang ang renta kaya balak kong maghanap pa ng part-time job. Mabuti na rin 'yon para malibang ang sarili ko, pag mag-isa kasi ako at walang ginagawa ay kung anu-anong na aalala ko. Ayoko namang lamunin ng lungkot kaya mas mabuti pa kung mapapagod ang katawan ko sa mga pisikal na trabaho.
Parang mas kaya ko iyon.
"Sigurado ka bang maghahanap ka pa ng sideline? Baka ma-stress ka lang d'yan."
Kaninang umaga pagpasok ko sa trabaho ay negatibo na agad ang reaksyon nila Lena sa sinabi ko.
Sumagot ako habang nagta-type. "Oo naman, sayang nga kasi 'yung oras. Wala naman akong gagawin, mas mabuti nang kumikita ako kaysa humihilata lang."
Tila natawa si Bria sa sinabi ko. "Ano na Vy? Hindi ka na matutulog? Aba, kumikita ka nga'y naging zombie ka naman."
Tumigil ako at tinitigan siya tapos pinagkunutan ng noo. "Bakit naman? Eh, 9 to 5 lang naman ang pasok dito sa trabaho kaya may natitira pa akong ilang oras sa gabi, puwede na 'yon."
Hindi ko alam ba't kinukumbinsi ko pa talaga sila na tama itong desisyon ko.
"Hay nako! Bahala ka nga sa gusto mo." Napairap si Bria at bumalik na rin sa trabaho niya.
Si Lena naman ay nag-agree pa rito sa jowa niya. "Ewan ko ba sa mga desisyon nito sa buhay. Masyadong masipag, sarap mo sapakin!"
Nang sumapit na ang labasan namin ay nauna na silang sumakay sa jeep, nagpaiwan na ako kasi pupuntahan ko pa 'yong cake shop/cafe na nakita ko sa internet. Naghahanap raw kasi sila ng mga part-timers at mukhang sakto naman 'yon sa sched ko.
Tatawid na sana ako sa kabilang side nang kalsada nang biglang may huminto sa harap ko. Ibinaba nito ang bintana sa driver's seat at bumungad sa akin ang nakangising pagmumukha ni Air.
Walang emosyon ang mga mata ko at tinaasan siya ng kilay.
"Puwede ka bang sumama sa akin?" Tanong niya.
Umiling kaagad ako. "Hindi puwede, may lakad ako."
"Saan? Ihahatid na kita." alok niya.
Napansin kong nag bubusina na 'yong mga kasunod niya, 'yung iba naman ay nag-oovertake na dahil napakatagal niyang umandar.
"Huwag na, kaya kong mag-isa. Paandarin mo na ang sasakyan mo dahil maraming nang naiinis." Tumawid na ako sa kabila.
Pagkatapos ay dali-dali akong sumakay sa isang jeep kung saan sinigaw ng driver ang destinasyon ko. Hindi ko na nilingon ang sasakyan ni Air kung nakaalis na ba ito doon, nagmamadali na rin kasi ako.
Tsaka bakit niya ba ako pinaandaran ng mga ganiyan niya? Pumuporma na siya sa akin? Hindi ba niya naiintindihan na "kahihiwalay" lang namin ng pinsan niya? Why'd he have to act so insensitive?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top