Chapter 42

Magkatabi kami ngayon ni Drake sa iisang kama pero hindi maipagkakaila ang distansya namin sa isa't-isa. Nakatalikod rin ako sa kaniya at nagkukunwari na natutulog na.

He was trying to have a conversation with me. "Davina, I don't really understand the reason why you're acting like this. Alam kong gising ka at ayaw mo lang akong kausapin."

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama, sa tingin ko ay bumangon siya. Nararamdaman ko rin na nakatitig siya sa akin.

Napabuntong-hininga siya, "Is this rejection?"

'Yung isip ko sinasabing iwasan ko na siya for good, pero 'yung puso ko kahit pagod na pagod nang maiwan ay kunakapit pa rin. Gusto pa rin niyang sumugal kagit ilang beses na siyang natalo ng tadhana. Kahit ilang beses nang naiwan.

Napaluha ako habang nakapikit, pagkatapos ay nakatulog na rin ako. Paggising ko ay wala na siya sa tabi ko pero maayos ang pagkakakumot ko, marahil inayos na iyon.

Paglabas ko sa kuwarto ay bumungad sa akin sina Yaelle at Gabriella na nakasuot pa ng silk pajamas. Nag-uumagahan na sila, may hawak pa nga na hotdog si Yaelle na nakatusok sa tinidor. Si Gabriella naman ay may hawak na tasa at pasayaw-sayaw nang bahagya sa chill na music.

"Good morning, Davina!"

"Morning, Ate!"

Nginitian ko lang sila, tapos luminga-linga sa paligid.

Kahit wala naman akong sinabi ay nalaman kaagad ni Yaelle kung sinong hinahanap ko. "The boys are going Island hopping. Actually, their inviting us to join but we had other plans."

Hindi ko alam, hundi naman nasabi sa 'kin ni Drake. Tsaka bakit pa niya sasabihin sa akin, ako na nga mismo ang nagsabu na itigil na namin ito. Ibig sabihin, parang break na talaga kami.

"Ah, okay."

"Bakit parang namamaga ang mga mata mo?" tanong ni Gabriella.

"Baka sa puyat lang," sagot ko. Ngumiti rin ako at nag-iwas ng tingin.

"'Yung totoo, Davina? Nag-away ba kayo ni Drake? Kumusta nga pala 'yong usapan niyo kahapon?" Si Yaelle naman ang nang-usisa.

"Hindi, wala." Matipid ang mga sagot ko.

"Are we playing a guessing game here? Sabihin mo lang." Humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Wala nga."

"Anong wala?"

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Wala na kami."

Napanganga silang dalawa dahil sa sinabi ko. Iniwan ko silang gulat na gulat doon sa sala at dumiretso sa kusina, ilang segundo pa ang lumipas bago nakabawi si Yaelle at sinundan na ako.

"Did I hear you right?"

Tumango ako.

Humarang siya sa harapan ko at pinilit na huluhin ang tingin ko. "W-What? Why?"

"Napagod na lang kami." Nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata ko kaya nagkunwari akong may hinahanap sa kitchen cabinets.

"Seryoso ba? Puwede namang magpahinga kung napagod kayo ah?"

"Nagsawa na kami." I rephrased the statement. Wala na naman sigurong solusyon doon ano?

"Hindi niyo na ba talaga maayos? Sayang naman ang pinagsamahan niyo? Are you sure that there's no third party involved? I'll talk to him-"

"Wala, ayaw na lang talaga namin. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't-sa kaya ganito." Pinatatag ko ang loob ko habang sinasabi iyon. Nakuha ko pang magkibit balikat na parang wala lang sa akin at tanggap ko na agad.

Hindi na niya ako kinulit pagkatapos noon. Hanggang sa bumalik na ang mga boys at sabay-sabay kaming nananghalian sa restaurant. Paikot ang grupo namin sa isang malaking lamesa at magkaharap ang mga upuan namin ni Drake.

Pinaggigitnaan ako ni Gabriella at Yaelle. Sa tuwing napapatingin naman ako kay Drake ay nahuhuli ko siyang nakatingin rin. Parang naghahanap lang siya ng tyempo na kausapin ako.

Tumayo ako nang mapansin kong kulang pala ang mga kutsara namin.

Sumunod naman kaagad siya, "May kailangan ka ba?"

"Kulang pala 'yung mga kutsara." Sagot ko habang kumukuha doon sa mga nakababad na kutsara.

"Dapat sinabi mo na lang sa akin." nakatingin siya sa may table namin habang sinasabi iyon.

"Kaya ko naman gawin mag-isa."

"But I'm your-"

"You're not, huwag na nating lokohin ang mga sarili natin. Isa pa'y sinabi ko na rin kina Yaelle na hiwalay na tayo, kaya hindi na natin kailangang magpanggap saharap nila."

Dahil medyo malayo kami sa kanila'y malakas ang loob kong sabihin 'yon sa kaniya.

"You did what?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Sinabi ko na sa kanila na tapos na tayo."

Tinalikuran ko siya at bumalik sa mga kasama namin na para bang walang nangyari. It took him a minute to go back to his seat. Nakakasugat ang mga titig niya sa akin, nakatiim-bagang rin siya at naglalabasan ang ugat sa kamay niya dahil sa higpit noong hawak niya sa baso.

Pasimple akong siniko ni Yaelle sa tagiliran tapos noong mapatingin ako sa kaniya ay pinanlakihan niya ako ng mata. Kahit wala siyang sinasabi ay naiintidihan ko siya, alam kong itinatanong niya kung anong sinabi ko kay Drake para magkaganoon ang reaksyon nito.

Umiling ako at nagkibit balikat. Pero habang kumakain ay ramdam na ramdam ko ang tensyon, bawat pagsubo ko nga ng kanin ay parang mabubulunan ako kahit masabaw naman itong ulam namin. Paano ba naman kasi ay pandalas ako, gusto ko nang matapos ito at magpaaalam sa kanila na kunwari ay may gagawin pa.

At noong matapos nga ako ay ginawa ko ang plano ko, marami pang laman ang mga plato nila samantalang 'yung akin ay said na. Hindi naman sila nagprotesta kaya nakaalis kaagad ako. Plano ko sanang bumalik nalang sa room namin pero nagandahan ako sa hitsura ng beach ngayon. Para lang itong painting ng isang magaling na artist.

Kalmado ang alon tapos asul na asul ang langit, bumagay sa malinis at puting buhangin ng beach. Mas mabuti pa ngang rito na lang muna ako para ikalma rin ang sarili ko. Sakto naman dahil nakabeach-wear ako at may suot lamang na maong shorts.

"Davina."

Pag-upo ko sa buhangin ay napalingon kaagad ako sa likod, doon ko nakita si Air na naglalakad naman papunta sa akin. Humarap ulit ako sa beach na parang 'di siya napansin pero humarang siya at tumigil harapan ko. Lumuhod siya upang maging magkalebel ang mga mukha namin.

"Totoo bang naghiwalay na kayo ni Drake?" tanong niya sa may seryosong tono.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top