Chapter 41
"Drake, tsaka na tayo mag-usap. Hayaan mo muna akong kumain nang mapayapa."
Tumango siya, pero maya-maya ay pinaniningkitan na naman niya ako ng kaniyang mga mata.
"Siguraduhin mo lang, kasi kanina pa kita hinayaan na 'di ako pansinin. Pagkatapos mong kumain, ay kailangan kausapin mo na talaga ako. Kasi hindi ko na kinakaya ang pag-iwas mo sa akin."
Natigilan ako sa sinabi niya pero 'di ko iyon ipinahalata. Anong ibig sabihin niyang 'di niya na kaya? Ano naman sa kaniya kung hindi ko siya kausapin?
"My God, Drake, don't pressure her! Ikaw rin, baka mamaya ay mas lalong hindi ka niyan pansinin." Tumawa pa si Yaelle.
Buwiset itong Yaelle na 'to! Pasalamat siya't nilibre niya ako nitong chocolate cake kaya medyo nababawasan ang inis ko sa kaniya kada kagat dito. Kung bakit naman kasi hindi maintindihan kung kanino talaga siya kampi!
"Kakausapin na nga mamaya!" Pagsisinungaling ko habang nagpaplano ng pagtakas at nag fo-formulate sa utak ko ng mga mga magaganda at pwedeng idahilan.
Pagkatapos kong kumain ay akala ko makakatakas ako sa kaniya, pero sino naman ang niloko ko? Sa kuwarto ay magkasama pa rin kami kaya wala naman akong ibang tatakbuhan. Mautak ang isang 'to! Kaya pala ang mga babae ay ka room namin.
Nagpapasalamat pa nga lang ako kay Yaelle ay hinila na ako nitong si Drake papunta sa may tagong parte ng beach. Mayroon doon na isang maliit at open na kubo. Mas konti rin ang tao banda rito.
"Aray ko! Atat na atat ka naman masyado!Bitiwan mo na nga ako! Hindi naman ako tatakbo!" Sobrang higpit kasi ng kapit niya sa palapulsuhan ko.
"Davina." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko para mapatingin sa kaniya.
"Oh, bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Ang espasyo namin ay binalot ng nakabibinging katahimikan dahil 'di na siya umimik pa, tanging naririnig ko lang ay ang alon ng dagat at ingay ng mga tao sa malayo.
"Why are you avoiding me?" he asked with sa soft voice.
"H-Ha? Ano bang pakialam mo?"
"Davina, please tell me." Parang nagsusumamo pa rin ang tono ng boses niya, sinabayan pa 'yon ng maamo niyang mukha at nasusumamong mga mata.
"Bakit mo pa ba kailangang malaman?Hindi naman kita totoong boyfriend ah? Tsaka wala naman si Arlene rito kaya hindi natin kailangan na sobrang magpanggap!" Napakakurap-kurap ako pero hindi ko pa rin inalis ang titig ko sa mga mata niya.
"May nagawa ba akong mali?"
"Aba, malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo? Sige na! Bumalik ka na doon sa mga kaibigan mo. Baka hinahanap ka na rin noong babae mo. Malay mo siya na pala ang papalit kay Arlene diyan sa puso mo." Sa pagkakataong ito ay nag-iwas na ako ng tingin.
"No, are you jealous?" Parang nabuhayan siya, kita ko sa peripheral vision ko na nakangiti pa siya.
"Luh? Bakit ako magseselos? Hindi mo naman ako totoong girlfriend e." maang ko.
"Paano kung girlfriend talaga kita, edi nagseselos ka na? Kung girlfriend talaga kita sasabihin mo ba sa akin ang rason kung bakit 'di mo ako kinikibo?"
"Oo naman!" sagot ko na hindi pinag-isipan, mas napangiti tuloy nang malawak itong loko.
Alam kong huli na para bawwin 'yung sinabi ko pero sinubukan ko pa rin. "Ah... Syempre magseselos ako kung totoo kitang mahal, eh hindi naman totoo."
"Paano ba?"
Nagsasalubong ang kilay ko, "Anong paano ka riyan? Bumalik na nga tayo, baka napasukan na ng buhangin 'yang utak mo."
Tumayo na ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ulit para mapabalik ako sa puwesto ko.
"Davina, paano kung totoo na para sa akin lahat 'to?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Natatawa ako na naguguluhan kaya parang may halong sarcasm iyong reaksyon ko.
I subtly moved my shoulders to remove his hand over it. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"I know, it's a weird question but can you please answer it?" He was eager to know.
Napakurap ako nang ilang beses bago ko ma-gets ang ginagawa niya. I think Drake is just testing me, I think he knows that I'm starting to feel something about him. Siguro inunahan niya na akong magtanong para hindi ako mapahiya kapag ako ang nagtanong noon sa kaniya.
"Kung para sa'yo ay totoo na ang lahat ng 'to, bahala ka. Hahayaan lang kita kung saan ka masaya ngayon. Basta ako I'll just focus on myself lalo na't pabalik na naman sa dati ang lahat. Magiging mag-ex na lang rin naman kasi ang turingan natin, ayokong masanay sa'yo."
Ayokong nang masanay sa isang taong alaman ko na panandalian lang sa buhay ko. Tsaka ito rin naman siguro ang isasagot ni Drake kapag ako ang nagtanong sa kaniya ng bagay na iyon. Kilala ko si Drake at alam kong mataas ang pride niya, he wouldn't want to depend on me forever.
Kumunot ang noo niya, "Is that the reason why you're avoiding me?"
"Bakit ba paulit-ulit ka? Wala ka na ngang pakialam doon!"
"May pakialam ako kaya nga kinakausap kita ngayon!" Medyo lumakas na ang boses niya dahil na rin siguro sa inis.
Maging ako nainis na rin tuloy.
"Puwes ako? Wala akong pakialam kaya wag mo na rin akong pakialaman! Kapag hindi ka pa tumigil ngayon sa pangugulit sa akin, baka mas mabuti pa na tapusin nalang natin 'to agad kahit nandito pa tayo sa resort!"
Hindi na ako nagpapigil sa kaniya at itinuloy na ang pag-walk out. Ang bigat ng dibdib ko at nanunuyo ang lalamunan ko. At habang naglalakad ako palayo sa kaniya ay pinunas ko sa braso ang luha sa mga mata ko.
I kept on convincing myself that I'm not crying because of him. Pero iyon naman talaga ang totoo, totoong gusto ko na siya. Totoo na nagseselos ako kanina at kaya ako umiiwas ay dahil natatakot na ako.
Gusto kong aminin sa kaniya, pero kanina ay naunahan na niya ako. Kaya mas lalo akong natakot. Kung totoo nga 'yong sinabi niya at gusto na niya rin ako ngayon. Hanggang kailan naman 'yon? Sawang-sawa na akong maiwan ng mga taong minamahal ko.
Kaya sa tingin ko ay mas mabuti nang lumayo na lang ako habang kaya ko pa. Alam kong nahulog na ako sa kaniya, pero pupuwede ko naman yatang itago iyon. Magaling naman akong magkunwari kaya nga napunta kami sa posisyon na ito.
Ika nga nila'y "Fake it till you make it." Hindi naman tatagal at makalilimutan ko na rin lahat ng 'to. Pareho-pareho lang na mababaon sa limot lahat ng mga alaala ng pinaggagawa namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top