Chapter 39
"Bakit ka naman mai-insecure sa'kin?"
Sobrang ganda na niya, mayaman at sikat. She's a well known model. Ano pang kaiinggitan niya sa akin?
"Before, I thought that maybe it's because Air likes you."
Dahil nagkagusto si Air sa akin? Eh, baka nga mamaya konting usap lang ay magustuhan na siya nu'n. Hindi mahirap magustuhan ang mga katulad niya, kasi siya 'yong tipong nakakapagpatulala ang ganda kapag nakita sa personal.
"But I figured that I'm jealous of you because you're free, you're kind, and you probably don't care on what other people thinks about you. You're beautiful inside and out, with or without effort. I can see why these guys fall for you."
Marami rin akong insecurities sa sarili ko at maamin kong hindi ako perpekto, pero habang naririnig ko ang mga sinasabi niya ay unti-unti ko nang naiintindihan na hindi naman talaga kailangang maging perpekto ng isang bagay o tao. We just need to understand that we're all unique and have different strengths. Puwedeng magaling ka sa ganitong bagay at siya'y hindi.
"Naiintindihan ko, naiinggit rin kasi ako minsan sa ibang tao. Lalo na nung lumalaki ako, kasi hindi naman kami mayaman. Wala rin akong mga magulang at kaunti lang talaga 'yong mga nagiging kaibigan ko. Pero imbes na magpakalunod sa inggit, nag-focus na lang ako sa mga bagay na binigay ng Diyos sa akin."
Alam kong 'di ganoon kabait sa akin sila Tiya pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hinayaan nila akong tumira sa kubo na iyon kasama sila. Wala akong mga magulang pero ang mga kabarrio namin, lalo na si Aling Ana ay tinuring akong parang anak. Tapos ngayon, nakilala ko pa si Drake at ang pamilya niya na puro kabutihan lang ang ipinapakita sa akin.
"I'll try to be more understanding like you." I felt her sincerity when she smiled.
"Mabuti 'yan, para lalo kang gumanda." Sabay kaming tumawa.
"Siya nga pala, Davina. Huwag mong sasabihin kay Air na alam kong ikaw ang gusto niya. Sinabi lang niya sa akin na may nagugustuhan na siyang iba, but he didn't mention who that was."
"H-Ha? Baka hindi ako 'yon." Sige, itanggi pa daw.
"Hindi mo naman itinanggi kanina. And I've noticed how he stares at you, he used to stare at me like that." May halong pait ang ngiti niya.
"Sige, hindi ko sasabihin."
"I hope we can be friends, kahit hindi medyo naging maganda ang simula natin dahil sa inggit ko sa'yo." Sabi ni Yaelle at yumakap sa akin.
Ayos lang naman siguro na maging magkaibigan kami. Hindi ko naman siya sinisisi, gaya nga ng sinabi ko noon ay wala naman akong kontrol sa nararamdaman ng kahit sino sa paligid ko.
"Puwede naman tayong maging magkaibigan." I patted her back.
Paglabas ko sa kuwarto nila ay naghihintay pala sa akin si Drake. Wala na rin doon sa sala si Grien dahil sinundo na raw nang kakambal niya.
Pinisil niya ang pisngi ko, "I missed you, ako naman ang asikasuhin mo."
"Sandali lang tayong 'di nagkita ah, ang O.A mo naman yata?"
Imbes na ma-offend dahil tinawag ko siyang O.A ay niyakap pa niya ako nang mahigpit. Halos umangat na ang talampakan ko mula sa sahig dahil kulang na lang ay buhatin niya ako.
"Drake, parang tanga!" hinampas ko ang braso niya tapos bumalik ako sa kusina at ininom ang malamig na kapeng inihanda niya kanina.
"Are you always this clingy to your girls?"
Tumabi siya sa akin at ultimo pag-inom ko ng kape ay pinanonood niya pa.
"Hindi ko alam, ikaw lang naman ang babae ko."
"Drake, masyado ka na 'yata." Muntik ko nang maibuga 'yung kape dahil sa sinabi niya.
Baka nakakalimutan niya na malapit na naming itigil 'to. Lalo na ngayong babalik na kami, at babalik na rin ang lahat sa normal. Ayoko naman na masanay na ganito siya kalambing sa akin. Baka mamiss ko lang.
Natahimik siya ay parang may natumbok nga ako, "Sorry."
"Ayos lang, matutulog na ulit ako." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago ilagay ang tasa sa lababo at iniwan siya doon.
Buwisit! Pati ako ay nadadala na rin sa set up namin na 'to. Hindi na tuloy ako makapaghintay na mag break na kami.
Paggising namin ay ibinalita kaagad ni Yaelle na nagkayayaan mag jet ski ang mga magtotropa. Hindi na sumama si Gabriella at nagpaiwan na lang sa room namin dahil masakit pa raw ang ulo niya. Sabayan ba namang uminom ang mga expert!
Ako lang tuloy ang kasama ni Yaelle. Hindi na lang ako lumalayo sa tabi niya para 'di siya mag-isa. Tsaka kaya na naman ni Drake ang sarili niya, 'di na niya ako kailangan.
"Hon, sa akin ka aangkas?" Lumapit ang loko at tinulungan ako sa pagsuot ng life jacket.
"Walang kasama si Yaelle."
Napatingin siya kay Yaelle at parang ngayon lang ito napansin. "Sila nalang dalawa ni Air-"
Pasimpleng humawak sa braso ko si Yaelle kaya napatingin ako sa kaniya. She shook her head and mothed the word "No". Natakot naman ako na baka mag-walk out na naman ito, kaya 'di ko pinagbigyan si Drake.
"Kayo nalang ni Air, kami ni Yaelle. Marunong naman yata siya mag jest ski, marunong ka naman 'di ba?"
"Yes, don't worry. I'll take care of your girlfriend, Drake." masiglang sabi ni Yaelle.
Ayaw pa sanang pumayag ni Drake pero wala naman siyang magagawa. Hindi niya ako mapipilit na iwanan si Yaelle lalo na't alam kong uncomfortable na nga 'yong tao.
"Davina, thank you ha?" Sabi niya habang naghahanda kami sa jet ski.
"Wala 'yon, ano ka ba? 'Di ba nga magkaibigan na tayo?" sagot ko naman at umangkas na.
"Drake is so whipped." Humalakhak siya nang mapatingin kaming dalawa sa direksyon nila. Nakatingin pa rin pala kasi si Drake dito sa amin.
Mainit na nga sa balat ang tirik na tirik na araw, nag-iinit pa ang pisngi ko! Naalala ko kaai 'yong kagabi! Na miss daw ako kaagad ng loko. Eh, halos wala pa nga yatang isang oras 'yun na wala ako sa paningin niya.
"G-Ganiyan talaga 'yan."
"Parang 'di mapakali kapag hindi ka kasama." Isinuksok na ni Yaelle ang susi at pinihit ang accelerator.
Kumapit ako sa kaniya kahit mabagal pa naman ang takbo nito. May mga life jacket naman kaming suot, pero mas mabuti nang mag-ingat para hindi na lang ako mahulog.
"Masasanay rin 'yan na wala ako." Nakangiting sabi ko.
Teka, bakit ako nasisiyahan? Alam ko naman ang totoo na hindi naman talaga gusto ni Drake. Sa realization na iyon ay parang may umahon sa dibdib ko at tinangay paalis ang ngiti ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top