Chapter 36

Pagkatapos ng isang oras ay nag stop over muna kami sa isang convenience store. Sinabihan ako ni Drake na pumili ng gusto ko kaya narito ako ngayon sa tapat ng mga tsokolate habang siya ay naghihintay doon sa may cashier.

"Davina."

Nilingon ko si Air, narito kami ngayon sa may likod kaya walang masyadong nakakapansin.

"May kailangan ka?" I asked.

"I know you saw us." Seryoso ang titig niya at umigting pa ang panga.

"Oo, nakita ko nga kayo. Sorry, napadaan lang talaga ako doon at hindi ko naman sinasadyang-"

"I know you followed me."

"Hindi." Nag-iwas ako ng tingin at kumuha na lang ng chocolate, pero hinuli niya ang pala-pulsuhan ko kaya napatitig ulit ako sa kaniya.

"I'm sure of it." He's confident.

"Air, ano bang gusto mong sabihin ko? Congratulations kasi kayo na?" I removed his hold.

Parang medyo nainis siya dahil sa ginawa ko dahil mas napasimangot siya. "She's not my girlfriend."

Kitang-kita ko na nga ay itinatanggi pa!

"Bahala kayo." Nagkibit-balikat ako at dinagdagan ang mga chocolate na kinuha ko.

"Hindi ko siya girlfriend kasi ikaw ang gusto ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla akong napatingin sa kinaroroonan ni Drake. Bigla akong kinabahan na baka narinig niya iyon. Ewan ko ba?

"Air, umayos ka nga."Pabulong na sigaw ko.

"I thought I made it clear that I like you. Bakit biglang naging kayo ng pinsan ko?"

Ito naman ang gusto kong marinig dati, na may gusto rin siya sa akin. Pero bakit parang ayaw ko na? Bakit pakiramdam ko ay mali 'to, lalo na pag naaalala ko Drake?

"I'm sorry, okay? Akala ko nagiging mabait ka lang sa akin. Tsaka una pa lang naman alam mo na fiancee ako ni Drake, naayos lang namin 'yung gulo namin kaya nagkasundo na kami." Sinabi ko 'yon para lang makawala sa usapan na ito.

"Nagiging mabait? Hinarana kita, I took you out-"

"Air, hindi ko kasalanan na iba 'yung naging interpretasyon mo." Ano bang nangyari sa akin at parang wala na akong pakialam kung may gusto siya sa akin?

"Hindi kita sinisisi kung bakit umasa ako. Ang sa'kin lang ay sana sinabi mo na may namamagitan pala sa inyo ni Drake. Hindi ko lang matanggap na sinubukan kong pormahan ang kasintahan ng pinsan ko."

"I'm sorry, Air." Pagkasabi ko nu'n ay lumapit na ako kila Drake. Pinauna niyang magbayad ang iba, kaya nauna ang lahat na bumalik sa SUV.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong niya habang naglalakad na kami pabalik sa sasakyan.

Nakita niya pala kami?

"Wala naman" sagot ko.

Iniabot ko sa kaniya ang bote ng tubig, binuksan niya 'yon kahit wala akong sinasabi at ibinalik 'yon sa akin.

"Mukhang seryoso eh?" sabi niya.

Isa pa palang tsismoso ang loko na ito. Hindi ko nahalata na nakita niya pala kami, akala ko'y wala lang siyang pakialam.

I drank before answering, "Nagpapaliwanag siya, wala raw siyang girlfriend kasi ako ang gusto niya."

"Anong sinabi mo?"

"Wala akong sinabi." Nagkibit balikat ako at inunahan siyang maglakad.

"Masaya ka ba?" dagdag na tanong niya.

Bakit naman may pag-interview?

Hindi ko nalang siya pinansin, sumakay ako sa SUV na para bang walang nangyari. Mabuti na lang at maingay si Gabriella, hindi mahahalata na may tension dito sa loob.

Nang makarating na kami sa pupuntahan ay nagpahuli na naman si Drake. Ibinigay niya sa valet ang susi ng sasakyan para ito na ang mag-park.

"Let's go, hon."

Ang pinuntahan namin ngayon ay iba sa pinag-dausan ng birthday noong kambal, puro cottages kasi doon at mini bars. Ito kasi ay isang beach front hotel. Napapalibutan ng puting buhangin at matataas na puno ng niyog ang hotel na ayon kay Drake ay 43 storey ang taas. Sobrang lawak nito at parang tatlong SM ang laki, may restaurant pa sa tabi.

"Alin ang mas gusto mo?" Tanong ni Drake at umakbay sa akin.

Ayan na naman siya sa mga random questions niya. "Huh?"

"Ito o 'yung isang beach resort? I'm guessing it's the first one? Ang sabi mo kasi mas gusto mo ang simple."

"Pareho namang maganda. Pero mas gusto ko pa rin 'yong dagat sa amin, kahit hindi puti ang buhangin doon at simple lang ang mga kubo. Mababait pa ang mga tao at 'yong mga mangingisda doon. Namimiss ko na nga sila."

Tumango-tango siya. "Pumunta tayo doon minsan."

Napangiti ako, "'Di ka pa nagsasawa sa mga beach trips niyo?"

"I don't really like beaches." Humalakhak siya.

Feeling ko'y hindi naman dagat ang tinutukoy niya. "Sinong niloko mo?"

"Hindi naman talaga." Humalakhak siya.

Pagpasok namin sa loob ng hotel ay bungad agad ang reception, napakataas rin pala ng ceiling nitong ground floor at may malaking chandelier sa gitna. May mga couches rin dito sa lobby at glass tables. The interior of this place looked like modern palace.

"Hon?" Ani drake at lumakad na kami papunta sa glass elevator. Kasabay namin ang staff na may dalang trolley na puno ng bagahe namin.

Pagdating namin sa room ay namangha kaagad ako sa laki nito. Parang isang buong bahay na dahil kumpleto ang mga kuwarto, may living room, entertainment area at dining area na ten seater. Pagpasok pa sa pinaka-kuwarto ay mayroon ring king sized bed, may Jacuzzi rin doon.

"Ang laki naman nito, tayo lang bang dalawa dito?" Saad ko habang nililibot pa rin ang kabuuan nitong hotel room.

May mga kuwarto pa rin pala! Pero may mga maleta na doon.

"Si Gabriella at Yaelle yata ay dito rin, asan na kaya 'yong mga 'yun? Pinauna ko na sila ah."

Si Yaelle? Hindi ba magiging awkward kapag narito siya? Teka, bakit ko naman pinoproblema 'yon? Ang alam naman nila ay boyfriend ko si Drake at wala akong kinalaman sa mga magiging desisyon ni Air. Tsaka malaki naman itong hotel room, madali lang mag-iwasan.

"Baka naglilibot sa baba," saad ko.

"Gusto mo rin ba? Magbihis lang tayo." suhestiyon niya.

Tumango ako at nagbihis na, nagsuot lang ako ng bohemian beach dress. Siya naman ay naka-itim na trunks at pulang polo na may puting sando sa loob.

"You look so good." Bulong niya't hinapit ang beywang ko.

Hindi ko alam kung bakit clingy pa rin siya kahit kami lang naman ang tao rito sa loob ng elevator. Oonga't salamin ito na clear, pero sa tingin ko naman ay walang makakapansin at walang may pakialam kung hindi siya maging sweet sa akin.

"Itigil mo na nga ang pag-acting mo!" I pushed him away.

"Ah, I'm sorry." Lumayo siya at umayos ng tayo.

Nagmukha tuloy siyang bata na pinagalitan kaya nanahimik na lang sa isang tabi. Nakakaawa, hinilot pa niya ang sentido niya at parang paiyak na. Na-guilty tuloy ako bigla!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top